webnovel

Chapter 76 Who he Is

((( Secretary Lee POV's )))

Five hours lang yung tulog ko at natagpuan ko na naman ang aking sarili papasok sa sasakyan at napakaway sa mag-ina ko.

Habang nasa daan nga, ipinahanda ko na ang chopper na hinihingi ni Master Cedrick. Di ko alam kung para saan. Ngunit pagdating ko nga, himala may daratnan akong pusa na sinisigawan ang isang lion.

"Uuwi na ako sabi!"

Nakapamulsa lamang si Master Cedrick na hinarangan ang daan ni Miss Monina.

"Take step near me, I'll sure break your neck."

Nakita ako ni Miss Monina kaya naman di nga siya nakinig sa sinabi ni Master Cedrick, at mabilis nitong pinaikot si Miss Monina saka napasakal sa kanya ang braso nito na parang nakayakap si Master Cedrick sa kanya.

May ibinulong si Master Cedrick dito na ikinamutla ni Miss Monina. Kung ano man yun di ko alam.

"Bi-bitawan mo na ako."

Binitawan siya ni Master Cedrick. Napalingon sa akin,

"Anong oras darating?"

"They are five minutes away." saka tumalikod na si Master Cedrick.

"Secretary Lee. Itakas mo na ako dito, alam ko naman na mabait ka." na siyang ako na naman ang guguluhin niya. Ngumiti na lamang ako at inatupag nga ang schedule ni master Cedrick. Ngunit nagulat ako sa gusto niyang gawin ngayong maghapon. With Miss Monina.

"Uhmmm… Miss Monina, about sa pinirmahan mo kaninang madaling araw. May mga lilinawin ako."

"Alam niyo para na akong nanaginip sa mga ginagawa niyo. Wala na bang pumapatol sa kanyang babae kaya pinagpipilitan niyo ako."

"Madami Miss Monina. Marami ang gustong makalapit kay Master Cedrick at pilit na dinidikit ang pangalan nila. Handa ka na ba na makilala nilang Cedrick Marlan Gu, lover?" ngunit nagulat ako ng hampasin ako ng bag nito.

"Sinasayang niyo lang ang oras ko! Kailangan ko pa kumita!"

At maririnig na nga ang paglapag ng chopper sa may dalampasigan. Pilit ngang binubuksan ni Miss Monina ang pinto. Hangang sa nanlaki ang mga mata ko na dumating si Rhoa, hinila nito ang buhok na naka ponytail.

"Rhoa! Mababalian ako ng ulo!"

Well, mas mabuti ngang nagpapakatotoo diba?

Sa paghihintay ko nga kay Master Cedrick, bumaba siya na nakabihis na. Alam kong pareho lang ang tulog namin. Sumulpot si Rhio at tinitigan na naman ako ng masama nito habang napapareport kay Master Cedrick.

"Humidity, eighty-two percent. Visibility, sixteen kilometer. SSW, 3km per hour and air pressure 1009 hPa."

"It' s a beautiful day." kumento na lamang ni Master Cedrick na mabuti, unti-unting hinuhubad na ang msamang aura sa katawan niya. Tinulungan ko na ito sa damit niya matapos ko ngang abutin ang tablet na naroroon ang gusto niyang mangyari sa boung araw.

A preparation day for his brother upcoming birthday. Doon niya ilalantad ang tungkol sa kanila ni Miss Monina.

Sigurado ba siyang gusto nito saktan ang kapatid niya?

"Make sure the places are secure." Napatango ako. Kaya nga masama ang titig sa akin ni rhio dahil marami siyang ginawa sa araw na ito. Pasensya masyado ngang mademand ang boss natin.

下一章