webnovel

Chapter 45 His Highness

((( Monina POV's )))

Halos namaga ang binti ko sa kaka-akyat sa second floor. Ayan mission accomplish.

Medyo napabow na lang ako ng unti. Ngunit halata ko nakatitig lang sa akin yung manyak. Walang ginalaw na pagkain. Ahh… tauhan ata niya ang kakain.

Saka nga napatalikod na ako.

Naabutan ko sa ibaba na hingal din yung tatlong chef at hinampas ko sa braso si Niel.

"Bakit di mo ako tinulungan?"

Napakamot si Niel. "Gustuhin ko man Monina, sadyang ikaw ang demand ng customer."

"Next time wag niyo na yun papasukin dito ha. Halatang abnormal lang naman ang customer na yun!"

"Kung yun ikaw ang may ari ng restaurant. Bakit hindi Monina?"

Napatalikod na lamang ako at pumunta nga sa locker room. Naupo sa mababang upuan. Napahilot sa binti ko.

Mga mayayaman kahit ano na lang nagagawa sa kayamanan nila. Nakakainis din kung minsan sila no? Kala nila sila na itong namamay-ari ng mundong ginagalawan natin. Haist.

Nang bumukas ang pinto at niluha si Niel.

"Monina. Tawag ka ng customer natin."

"Huh? Ano kailangan nila sa akin?"saka sumulpot sa harapan ko yung laging kasama ni Manyak.

"Pati ba naman dito? Territoryo niyo? Customer lang kayo. Kita mo yang nasa pinto? For employee only. Saka ano sa akin kailangan ng…"

Biglang pumasok sa isipan ko ang tungkol kay Kuya Gwapo. Diba magkakilala ang mga taong to? Kaya bigla akong tumayo at kinuha nga sa locker yung bag ko.

"Tara."

Sila na lang ang magbalik nitong pera kung di naman magpapakita sa akin si Kuya Gwapo.

Napasunod na lamang sa akin yung lalaking di ko na hinitay magsalita.

Sumalubong sa paningin ko ang maangas parin nitong position. Cross leg at di man lang nagalaw ang mga pagkain sa mesa.

下一章