webnovel

Chapter 41 Wink

((( Monina POV's )))

Lintik na perang to. Sarap sunugin. Mga lalaki talaga minsan di mo maintindihan. Anong tingin nila sa mga babae, lahat mukhang pera?

Grabe din ang assume ni Kuya Gwapo. oo, gwapo lang siya. Saka aanihin ko ang perang to?

At nanlaki ang mga mata ko.

Akala ba niya bayaran akong babae? Hahaha. Argh! Napa-cutting classes na ako para sa kanya. Asaan ka na? Pakita ka nang lintik ka.

Ngunit walang dumating.

Napa-check ako sa bag at baka mawala. Bwisit di ko pinagbibili ang sarili ko.

Nang biglang napazipper ako dahil sumulpot ang isa kong kaklase.

"Hala! Bakit kay Miss Ruby mo pa talaga napag-isipan na umabsent?"

"Uhm. Sa ayaw niya ako makita. Ako ata pinaglilihian. Sinisave ko lang ang pangalan ko para sa graduation."

Napailing-iling ito sa akin.

"Mabuti na lang na-isingit kita sa listahan na pupunta sa tour."

"Tour?!"

"Oo, friend. May tour tayo."

"Hahaha. Wag. Ayoko. Wala maiiwan sa mag-aama ko."

"Kina-career mo talaga ang pagiging ulirang ate. Mandatory yun! Di ka gagagraduate kapag di ka sumama! Gusto mo bang bumagsak kay Miss Ruby."

"Bakit naman napag-isipan ng buntis na yun na mag tour tayo."

"Tanga. Sa admin yun at kagustuhan ng maraming studyante. Karamihan ng porsyento, sa atin galing. Ayaw mo noon Monina, marami kang makukunan ng larawan."

"Tss. Kahit magtour na lang ako sa google map."

"Sira. Pero masaya ako dahil kasama yung mga nasa science department. Makikilala mo na kung sino ang gusto naming ipastalk sayo."

Kindat niya sa akin.

Oo na lang. As if nga naman interesado ako. Sorry friend gusto ko lang mapagkitaan yung talent ko. Doon ako interesado.

Sumunod ngang klase, lumilipad ang isipan ko at yakap ko yung bag.

Pakiramdam ko, nanalo ako sa lotto. Ngunit di naman ako tumaya.

Ang gago naman ni Kuya Gwapo. Ginagawa akong tanga.

Nang bigla kong makagat ang dila ko.

Aww ang sakit. Nagpaalam na ako kay Angela. Tss. Wag niyo akong masyado iniisip, nakakasakit kayo.

下一章