webnovel

Chapter 16 Tickling Time

((( Monina POV's )))

Narinig kong tumawag si Tatay. Yun mag jijingle ata. Mga chanaks kong kapatid talaga.

"Ano na bang oras?" tanong niya sa akin at parang ang haba ng oras ngayon? Sino ka ba sa triplet?"

"Pa, ako ito si Monina."

"Ah Catherine."

Monina Catherine pangalan ko. At Catherine ang gustong itawag sa akin ni papa.

Oras ba ang tinatanong niya?

"Gabi na po."

"Naghapunan ka na ba?"

"opo." kahit di pa nga. Hangang sa nahatid ko nga sa banyo.

Naghintay sa labas. Oo, bulag ang tatay namin.

Nasa langit na ang Mama namin. Syempre sa langit dahil napakabait niya. Namatay ito sa panganganak nga sa tatlo. Wala din akong ala-ala sa kanya dahil two years old ako noon. Si Papa ang nagpalaki sa amin. Hanapbuhay niya bilang photographer nga. Marami siyang sideline din, gaya ng pag-edit ng mga videos, gawa ng mga book cover at digital image. May pera nga sa talent ni Papa. At ang importante nga sa isang kagaya niya… mga mata.

Fourteen years old ako noon. Naghihintay sa kanyang pag-uwi. Habang mga kapatid ko nga tinuturuan ko ng basic Division. Ang tatanda na di pa marunong.

Dumating ang ilang pulis at sinabing natagpuan nilang bugbug sarado ang aking ama na isinugod na nga sa hospital.

Doon ko napag-alaman din, sinira nila ang mata ni Papa.

Kung sino man ang gumawa nito sa kanya. Talagang may sinira silang tao.

Dahil matulungin si papa noon sa mga kapatid niya, di naman kami nakalimutang magkakapatid na alalayan. Hangang sa kaya ko na nga magtrabaho.

Pero may ilang bagay sa akin na sinabi si Papa.

Wag na wag akong hahawak ng camera, sa kabila ng pagtuturo niya sa akin noon.

Di niya ikinuwento ang nangyari sa kanya at nanginginig na magsalita. Akala ko nga mababaliw na siya.

Payo sa akin ng doctor, hangang maari wag na daw namin ipilit na ipaalala sa kanya ang mapait na nangyari dito.

Curious man ako kung ano ang nangyari, ngunit di ko naman magawang i-uncover yun. Magtatanong na lang ulit ako kapag handa na talaga si tatay magsalita.

Bumukas ang pinto at ang tungkod nito ang sumalubong sa aking tenga. Napangiti ako sa kanya. Kahit oras di niya alam.

Hinatid ko ito sa silid nito. At kinumutan ng maigi.

Napahikab na din ako.

Unat kamay na thankful nakalagpas din sa challenge ng mga bayaran. Sa mabait si Papa God.

Pagpasok ko sa silid namin ng mga chanak, kanya-kanya cellphone pa ang hawak.

"Magsitulog na kayo sabi. Kapag nalate kayo."

"Ate, tuition namin."

"Ako pa. Nagawan ko na ng paraan."

"Whoa! Talaga ate! Ilalabas na sana namin ang mga ipon namin."

"Itabi niyo yan. Para sa mga projects niyo."at ang tatlong chanak may mga consideration din.

"Pahirap ako Caroline ng pera mo, bili ko na lang ng hig heels. Malapit na ang pageant. Sali ako."

"Oy, ako ang sasali!"

"Sinong may sabi na kayo ang sasali . Ako. Ako si Catriona. Caroline, at Carolina lang kayo. According sa rules isa lang sa loob ng pamilya ang sumali."

"Ate oh! Sino mas maganda sa amin."

"Matulog na kayo!" hubad ko ng T-shirt ko na si Carolina ang mahilig mag-ukay-ukay sa aming magkakapatid.

Si Catriona, ubod din customer ng pageant talaga ito. Habang si Caroline sa mga sayawan. At talent din ni Carolina ang kumanta.

Kumuha lang talaga ako sa tatay ko. Kaya may mga ipon yan.

"Ate si Catriona pala meron nang boyfriend yan."

"Sabi ko walang mag-boboyfriend."

"Anong may boyfriend, normal sa akin na maraming nanliligaw. FYI, wala akong sinasagot sa kanila. Goodnight ate. Baka tubuan na nga ako ng tigyawat sa dami nilang nag-iisip sa akin."

"Mabuti pa matulog na kayo."

Pumunta ako ng banyo para nga makapaghilamos. Mabuti na lang di pasaway ang tatlo kong mga kapatid. Nahihirapan man sila sa school. Kasi naman beauty without brain ang tatlong yun. May skills lang at talent. Okey lang pinagtityagaan nila ang sarili at importante napaka confident nila. Saka parang nawawala ang pagod ko kapag nakikita ko silang nasa maayos. Wag lang magkasakit.

Hahaha. Ako na ang ulira nilang ina.

Kuha ng toothbrush, at yung toothpaste… ang bilis maubos. Meron na naman na gumawa ng DIY facial mud. Kaya pinilit kong may mailabas pa nga yung tube. Ayan meron.

Pagkatapos nga, balik sa silid namin. Dalawang double bed. Nilapitan ko ang bintana saka sinara ito.

Meron na lang akong five hours para matulog.

Creation is hard, cheer me up!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Like it ? Add to library!

International_Pencreators' thoughts
下一章