webnovel

CHAPTER 6:THE RUMOR BETWEEN US

Kyle's POV

Dear Diary,

Ang aga ko ngayon pumasok hindi ko alam kung bakit.Hehe..nababaliw na talaga ako na ngayon school year. So nung pumasok ako sa gate maraming tao nag tipon tipon sa isang lugar. Wala naman tayong paki so hindi din ako nakisali sa tipon tipon na yun.

So papunta tayo sa room Diary. At nung nasa hallway na ako, maraming tao ang tumitingin sa akin parang hindi katulad ng dati na excited dahil nandito ako kundi parang pag i-insulto na tingin.

Nasa loob na ako ngayon at lumapit ang mga girls sa akin at tinanong ako kung ano ano na hindi ko maintindihan: Kailangan nagstart?

Paano nagstart? Anyare? First Love?

Paano si Prince Zikie? Totoo ba?

"YUNG ANO BA?!" Sigaw ko sa kanila kasi nalulunod na ako sa siksikan nila sa akin

"Huh? Hindi mo pa alam?" Sabi ng isang babae sa akin

"Yung?"tanong ko sa kanya

"Wait.." sabi niya habang may kinukuha sa bulsa niya at cellphone, tapos binigay niya saakin

At pinakita niya sa akin ang TFT or ang tinatawag na ToPiC fOr ToDaY na isang page ng school namin at ang naka sulat ay:

Our

Perfect Girl & The Reaper

Of the campus are

Secretly dating?!

OMG DIARY! FAKE NEWS TO! OMG! OMG! AAAAAHHHHHHH !

Reaction ko lang to sa utak ko pero cool parin tayo sa labas

"Totoo ba yan?" Tanong ng isang babae sa akin

inignore ko lang ang tanong niya at sinabing

" Thank you for lending your phone" sabi ko habang nakangiti sa kanya at lumingon at lumabas agad sa room para hanapin ang halimaw na yun.

At Diary, did you know kung saan ko siya nahanap? Nasa likod ng school namin, yung sa may puno na pinuntahan ko. Nakita ko siya nakatalikod lang at ya know kung ano gagawin ko? Hehehe *evil grin*

"HULI KA! DI KA KULONG!" Sigaw ko sa tenga niya

At malamang nagulat siya.

"PROBLEMA MO?!" sigaw niya sa akin nung lumingon siya "Ikaw lang pala...." sabi niya na mahina sa akin

At nung pupunta na ako sa harap niya, nagulat ako sa kanya dahil bigla lang siya sumigaw ulit

"DIYAN KA LANG!" Sigaw niya

"Bakit? Don't tell me na may tinatago ka jan" sabi ko sa kanya habang papalapit sa harap niya at bigla lang ako may na rinig na:

Meow~~

OMG! Diary may pusa na hinahawakan ni Brake! Ang cute~~~~~~~~

" Ang cute niya~~~" sabi ko habang nakatingin sa pusa :3

" Oohh sige! Bully mo na ako!" Sabi ni Brake sa akin

"Para saan?"tanong ko sa kanya

"Na ganito ako..ya know..Reaper? May hawak na pusa?" Sabi niya sa akin

" So what kapag may pusa ka? Anong issue dun?" Tanong ko kay Brake

"You really don't mind?" Tanong niya sa akin

"Hindi naman.." sagot ko sa kanya

"Gusto mo siyang hawakan?"tanong ni Brake sa akin

" Pwede ba?"tanong ko sa kanya

"Oo naman" sagot niya sa akin

At pagkatapos nun inabot niya saakin ang pusa. Kyaaa! Ang cute niya talaga Diary! Tapos na alala ko pala kung bakit ako pumunta dito at tumingin ako kay Brake

"Hmp!" Sabi ko sa kanya nung tumingin ako ng masama sa kanya

" Ano?" Tanong niya sa akin

" Alam mo ba kung ano ang nakalagay sa TFT?!" Galit ko na ko na tanong sa kanya

"Malay ko ba dun" sagot niya sa akin habang kinukuha niya ang pusa na hawak ko

"Edi tignan mo!" Sabi ko sa kanya at kinuha ang pusa sa kamay niya

" Wag na! At paki ko ba dun"sabi niya at bigla niya lang kinuha ang pusa sa kamay ko

Kinuha ko ang cellphone at pinakita sa kanya ang TFT at kinuha ang pusa sa kanya

" HALA?! Paano nangyari to?!" Gulat niyang tanong

"Kaya nga hinanap kita agad eh"sabi ko sa kanya

"Hayzz! Sisira ang reputation ko dahil sa ganitong pangyayari!"sabi niya iritang irita

"HOY!Mister, akala mo ikaw lang masisiraan ng reputation? Nan jan ako, so we have to work together!" Sabi ko sa kanya with pride

"Work together? To ano naman?"tanong niya sa akin at kinuha niya ulit ang pusa sa akin

"Para matapos ang misunderstanding na to!"sabi ko sa kanya at kinuha ko agad ang pusa sa kanya

RING~~  RING~~ RING~~ RING~~ RING~~ RING~~ RING~~ RING~~ RING~~

"Pasok na tayo"sabi niya sa akin

"Okay! Pero dapat papayag ka sa offer ko aahh!"sabi ko sa kanya at tumayo ako sa inu-upuan ko

"Pag-isipan ko.."sabi niya

"Let's go na!"sabi ko sa kanya

"Wait lang!"sabi niya sa akin

"Ano naman?"tanong ko sa kanya

"Paano ang si MingMing?"tanong ko sa kanya

"Si MingMing? Ang pusa? Dadalhin ko lang to!"sabi ko sa kanya

"Pwede ba?"tanong niya sa akin

"Oo naman!" Sagot ko sa kanya

At lumakad na ako at malamang humabol siya sa likod ko

At nung pumasok na kami sa room, maraming tao ang nakatingin sa amin. Malamang dahil sa rumor na yun at kasama pa kami pumasok so baka akalain nila na totoo pala!

Hayzz! Nakakaloka! Pero na pansin ko, wala pa si crush. Saan kaya siya pumunta? Umupo ako sa upuan ko at kinukulit ko ang pusa. At maya may dumating ang teacher naman at naglesson kami

At ilang saglit nagsalita ang katabi ko, akala ko tulog siya eehh

"So totoo nga..."sabi niya ng mahina lang

"Yung ano?"tanong ko sa kanya

"Yung sa TFT"sagot niya sa akin

"Hindi yun totoo" supladang sagot ko sa kanya

"Soosss..sabay pa nga kayo eehh"sabi niya sa akin

Tina-asan ko lang siya ng kilat at hindi na ako sumagot kasi nakakaloka siya eeh

At parang gusto ko magSILIP hindi magSULYAP kay Brake at himala! Nakikinig siya. In fairness, hindi talaga hinahayaan ang pag-aaral niya.

So second subject na namin at recess na! Pero bigla lang tinawag ang surname ko

"Ms. Akagami and Mr. Li,punta kayo sa principal office please.." sabi ng Math teacher namin

OMG Diary! Kinakabahan ako! Bakit kami wanted sa principal office! Wish me luck Diary!

●(>'~<)●

                                                                                                     Wanted Goddess,

                                                                                                               Kyliana

下一章