webnovel

Chapter 8 - The Swan

HG HOTEL...

Isang malamig na boses ang nagpahinto sa kanila dahilan upang lingunin kung kanino galing.

Bumilis ang tibok ng puso ng dalaga sa galak ng makita ang lalakeng naka leather jacket.

"Who are you?" kunot-noong tanong ni Mark.

Bahagyang lumapit ang lalake at huminto dalawang metro ang distansiya.

"Bodyguard ng babaeng pinipilit mo," kalmadong tugon ni Gian.

Ngumisi naman si Mark. "You're just a bodyguard! You are nothing!"

Hinila siya nito pabalik sa silid.

"Let me go!" pilit niyang kumakalawa.

Walang salitang sinipa ng kanyang gwardya ang lalake sa likod na siyang ikinadapa nito papasok sa VIP room.

Mabilis naman itong tumayo at umatake sa pamamagitan ng pagsuntok sa mukha ng gwardya.

Ngunit mabilis si Gian at nasalo ang kamao nito saka inikot sa likuran sabay tadyak sa likod ng binti na nagpaluhod dito.

"AGGH FUCK!" napahiyaw si Mark sa sakit.

Nilapitan siya ni Gian na nasa labas.

Dinampot ni Mark ang isang basong walang laman sa ibabaw ng mesa at agad ibinato sa gwardya subalit sa isang iglap ay nasalo ni Gian ng buong pwersa gamit ang isang kamay.

Natulala siya habang si Mark ay gulat na tumiim ang mga ngipin.

Bigla namang ibinato ni Gian pabalik kay Mark ang baso kaya mabilis itong yumuko upang hindi matamaan, wasak ang basong tumama sa dingding.

Hindi pa man nakabawi si Mark nang biglang may malakas na suntok ang tumama sa mukha nito. Natikman ang sariling dugo na nagmumula sa mga labi.

Pilit nitong tumayo subalit nakaramdam ng tila pagkahilo.

Saka ang pagdating ng mga gwardya ng hotel.

"Anong nangyayari dito?" Pinagmasdan ng security guard ang lalaking nakahiga sa sahig sugatan ang labi at ang isa pang nakatayo na wala man lang kahit isang pasa.

"You will pay for this!" Tumayo si Mark at pinanlilisikan ng mga mata ang bodyguard niya.

"Sir, lahat kayo maaaring pumunta sa manager's office."

Tahimik silang sumunod.

Pagkakita ng manager sa kanila, inaasahan ni Ellah na sa kanya ito makikipag-usap ngunit nilapitan ng babae ang manliligaw niya.

"Sir, are you okay?"

"Do I look like one?" sarkastikong angil ni Mark.

Binalingan sila ng babaeng manager.

"Can we settle this in the easiest way? You're both rich and powerful anyway."

Sa huli ay parehas na lang silang sumang-ayon sa pagbabayad ng mga nasira.

Nang matapos ay naunan itong lumabas.

Hinabol niya ang lalaking papasok ng kotse nito.

"Mark, pwede ba tayong mag-usap?"

"No!" Tuluyan na itong pumasok at pinaandar ang sasakyan at pinaharurot paalis.

Naghihimagsik ang kaloobang nilapitan niya ang gwardya.

"Ba't mo ginawa 'yon?"

Hindi ito umimik.

"Presidente ng kilalang kumpanya 'di mo ba alam 'yon?"

"You already said that. What else?"

"What?!

Mawawalan kami ng kliyente hindi mo ba naisip' yon? Paano ko ipapaliwanag kay lolo kapag nagkataon?"

"Okay, sa susunod kapag nakita kitang sinasaktan panonoorin ko lang."

"Gago!"

Humakbang ito paalis.

'Fuck this man!'

Iniwan ni Gian ang amo at nagtungo sa kotse.

Ang akala niya ay magkakaroon na ng relasyon ang dalawa.

Ni hindi sumagi sa isipan niyang makakatagpo ng hindi oras ang lalake nito!

Sinundan siya ni Ellah kaya binuksan niya ang backseat. Ngunit sa halip na pumasok ay ang front seat ang binuksan nito at pumasok.

Isinara niya ang pinto ng backseat at pumasok sa driver's seat. Pinaandar niya ang kotse bago sinulyapan ang among nakahalukipkip na nakatingin sa kanya.

"You don't understand, do you? He is prominent, and you are bringing my reputation to shame with your pointless pranks!"

'Ang galing lang! Ako na nga ang nagmalasakit ako pa mali? Ako pa may kasalanan!'

Kumuyom ang mga kamay niya bago nagsalita ng halos pabulong. 

"You're right. I shouldn't help a useless woman humiliated by a worthless man in front of me."

"Useless woman? How dare you! You are nothing! You are just a bodyguard! You hear me!" dinuro siya nito sa dibdib sa tindi ng galit.

Ipinagdiinan nito ang posisyong binanggit na para bang ito na ang pinakawalang kwentang trabaho.

Humalagpos ang pagtitimpi niya at matalim na tinitigan ang babaeng amo.

Isa nga lang siyang gwardya ngunit nakalimutan yata nitong kaliligtas lang niya rito.

"Listen up! Yes, I am nothing, but your life depends on my hands, so don't you dare as long as I am your bodyguard! Got it, lady?"

"What?"

"One more word and you'll see what a bodyguard means."

Natahimik ang apo ng pinakamaimpluwensiyang tao sa buong lugar.

---

LOPEZ MANSION...

Agad sinalubong ni don Jaime ang apong pumapasok ng mansyon. Alalay niya si Alex na nasa kanyang likuran habang nakaupo siya sa wheel chair.

"Anong nangyari bakit umatras si Leandro sa kontrata?"

"Hindi namin gusto ang isat-isa, lolo."

"Naiintindihan ko pero bakit kailangang umatras? Anong ginawa mo?"

"Masama siya. Sinaktan niya ako. Huwag mo ng ipilit pa sa akin ang lalaking 'yon dahil hinding-hindi na ako makikipagkita sa hayop na 'yon!"

"Ellah!"

"Hanggang ngayon masakit pa rin ang likod ko sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin sa pader."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig.

"Itinulak ka? Bakit! Anong ginawa ng bodyguard mo?"

"Iniligtas niya ako, ginulpi niya ang hayop na 'yon kaya kumalas sa kasunduan."

Dahil doon tumahimik si don Jaime.

Hindi niya rin mapapalagpas ang kahit sino pang manakit sa nag-iisa niyang apo.

"Sige na, wala na tayong magagawa."

Tahimik na pumasok ng silid ang apo.

Dinukot niya sa bulsa ng suot na pajama ang cellphone at ilang saglit pa ay may tinawagan.

"Mr. Alcazar, mukhang hindi nagkasundo ang anak mo at apo ko."

"Pasensiya na don Jaime, hayaan mo't kakausapin ko."

"Sinabi raw niyang iaatras ang kontrata."

"Hindi mangyayari 'yon!"

"Pero ginawa na. Kapag hindi niyo ibinalik ang kasunduan mapipilitan akong idemanda ang anak mo."

"Don Jaime, anak ko ang ginulpi, siya ang agrabyado rito!"

"Dapat lang 'yan sa anak mo! Sinaktan niya ang apo ko. Kapag tuluyan kayong umatras, ipapakulong ko ang anak mo."

Kinabukasan ay nagpasya si Ellah na mamasyal muna at ng makapag relax.

Inabutan niya ang abuelo na mag-isa sa hapagkainan at nagkakape.

"Alis muna ako, lo." Hinalikan niya ito sa pisngi.

"Saan ka hija?"

"Sa mall, babalik po ako agad."

"Isama mo ang bodyguard mo."

"Pero lolo-"

"Sige na, para mapanatag ako."

Tahimik siyang tumango.

---

CITY MALL...

Sa sobrang dami ng trabaho at sa laki responsibilidad kailangan niyang mag unwind kahit minsan lang.

Kaya lang kahit gusto niyang mapag-isa hindi niya magawa dahil nakabuntot sa kanya ang gwardya, tatlong hakbang ang distansiya.

Bagama't wala silang imikan, hindi na gaanong masama ang loob niya dahil hindi naman tuluyang nawala ang kontrata sa kanila sa mga Alcazar. Gano'n pa man hindi pa rin niya ito napapatawad dahil sa inasta nito kahit gwardya lang naman.

Habang naglalakad ay maraming babae ang nakatitig sa kanila lalo na sa lalaking nasa kanyang likuran niya.

Nilingon niya ang gwardya na nakatingin sa kung saan at hindi man lang pinansin ang mga kababaihang humahanga at tila kinikilig dito.

Isang babae ang hindi nakatiis at sumigaw.

"He's so hot!"

Walang salitang hinila niya sa braso ang bodyguard palayo.

Nang makakita ng itim na sumbrero ay inilagay niya ito sa ulo na halos tumakip na sa mukha nito.

"Wear that, you're not hot, " angil niya habang nakataas ang kilay. "Cover your face okay?"

Napangiti na lamang si Gian saka umiling.

Habang nakasunod ang binata sa mga utos ng amo ay may natuklasan siya rito.

Hindi nagtatanim ng galit ang amo.

Ito ang isa sa katangiang lalong nagpahanga sa kanya.

Saka naman niya napansing magkapareha pala sila ng suot.

Si Ellah ay naka fit na blouse na puti at itim na pantalon at rubber shoes, ang pagkakaiba lang ay hindi ito naka leather jacket.

"I like that swan!"

Itinuro ng amo ang isang glass box kung nasaan naroon sa loob ang naturang bagay na gawa sa synthetic fur na sa tingin niya ay napakalambot.

"Fuck! Bakit hindi ko makuha!" Iritadong binato ng lalake ang hawak na hand-gun.

"Sorry, sir, pero tatlong beses ka ng pumalya," malumanay na paliwanag ng tila may-ari.

Nilapitan ng amo ang naturang lalake.

Inoobserbahan niya kung ano ang gagawin nito.

"Itutok mo lang ang baril sa target na itim na sisne saka mo kalabitin."

"Is that so?" tugon ng amo na ikina amuse niya.

"Madam, may linya sa ilalim ng paa mo, huwag kang lumagpas."

Umatras naman si Ellah. Excited siyang mapasakanya ang itim na swan dahil hindi ito ordinaryo kung ikumpara sa puti.

Tumayo siya nang tuwid at hinawakan ang baril ng mahigpit.

Narinig nila na may pinindot ang lalake kung saan at nagsimulang gumalaw ang mga swan, paduyan-duyan ang mga ito. May sampung sisne ang naroon. Ang kalahati ay sa kanang direksyon at ang natira ay sa kaliwa.

Lahat ay mabilis ang mga galaw maliban sa itim na target na naka steady lang sa gitna.

Kinalabit niya ang gatilyo at ipinutok.

Bigo.

Hanggang sa nakadalawang tira na siya subalit walang tinamaan.

"Ah! Shit!" inis na ibinaba niya ang hawak na baril.

"Can I just buy it how much is that?"

Dismayadong napailing na lamang si Gian.

"Madam, kung bibilhin mo ito, ano pang silbi ng laro? Hindi ba mas maganda kung paghirapan mo muna bago mo makuha?"

"Nakakairita, akala ko ba madali lang!" sigaw na ni Ellah.

Nangingiting naiiling na lamang ang binata.

"Huwag ka ng malungkot madam, may isang tira pa naman."

Doon pa lang napalingon si Ellah sa kanya, prenteng nakasandal lang naman siya sa dingding habang nakahalukipkip at nakatingin sa babaeng amo.

"You!" hiyaw nito at tinuro siya.

"Play this!"

Wala naman siyang magagawa kundi lumapit at kuhanin ang baril.

Utos ito ng amo kaya dapat sundin.

Muli na namang nag-umpisa ang laro at dahil alam naman na niya ang mechanics ay pumuwesto na lamang siya.

"Ready, sir?"

"All right. "

Nakatayo ang binata na hindi lagpas sa linya.

"Sana makuha mo, please, " mahinang usal ng dalagang amo na narinig niya.

Nilingon niya ito at marahil paraan na rin para magkabati na sila.

"Don't worry. I'll get it for you."

Tumaas ang isang kilay ni Ellah.

"Show it to me, boy!"

Bahagya siyang natawa. Wala man itong alam sa kanya ngunit wala rin siyang planong biguin ito.

"Sir, umpisahan ko na po," anang lalake.

Tumayo siya ng tuwid at kalmadong hinawakan ang baril.

"Ikaw ba may-ari nito?"

"Yes, sir."

Pinag-aralan niya ang bawat galaw ng mga puting swan na siyang humaharang sa target.

Sabay-sabay sa pagduyan ang mga ito na nakapormang slanting o pahilig ngunit may pagitan na dalawang pulgadang distansiya sa bawat isa sa mga ito.

Tinutukan niya ng baril ang target gamit ang iisang kamay, habang naghihintay na makalagpas lang ng kahit kaunti ang puting sisne patungo sa kaliwang direksyon saka pinaputukan.

Katahimikan.

"Sir, nadale mo!" anunsiyo ng lalaking nagbebenta.

Maya-maya ay nahulog ang itim na swan.

"YEEEEESSS!" nakadipang tumatakbo si Ellah patungo sa kanyang kinaroroonan.

Iniisip niyang yayakapin siya ng dalaga kaya inihanda niya ang sarili.

Subalit napamaang siya sa sunod na nangyari.

Mabilis pinulot ng amo ang swan at pinaghahalikan.

"Yes! Muah! Yes!"

Napalingon na lamang siya sa tumawa mula sa likuran.

Ang may-aring nagtitinda pala ang salarin habang nakatingin sa kanya.

Tinitigan niya ito ng mariin na mas lalong ikinatawa ng lalake.

Binalingan niya si Ellah.

"I told you, right?" Ngumiti siya upang hindi mahalata ang pagkapahiya.

"Alis na kami, " paalam niya sa nagtitinda.

"Hindi tsamba sir ano?" tanong ng may-ari na hindi niya sinagot.

Nagulat si Ellah nang sumaludo kay Gian ang may-ari bago umalis.

"Ba't niya ginawa 'yon?"

Nagkibit-balikat ang binata. "Siguro kasi hindi mo binili ang laruan."

"Hmp! Parusa mo ito dahil sa inis ko sa'yo noong nakaraan," ismid ni Ellah.

Gamit ang mahinang tono ay umusal si Gian.

"I'm sorry."

Napangiti si Ellah.

Totoong ngumiti naman ang binata.

Saka tumunog ang cellphone ng dalaga.

"Yes?" sagot nito ngunit agad napalis ang ngiti sa mga labi. "Anong rejected?"

Sumeryoso si Gian habang nakatingin sa amo, wala na ang saya sa anyo nito.

"What the hell! Ayusin niyo 'yan agad! Huwag mo akong tawagan kapag hindi!" Muntik ng ibato ni Ellah ang aparato.

"May problema?" tanong niya.

Nilingon siya ng dalagang amo.

"We got rejected by the plant."

下一章