webnovel

EPILOGUE

"KUYA, GISING na! Male-late tayo sa bagong school natin, oh!" sigaw ni Hillary sa kuya nitong nakahiga pa rin sa kama at mahimbing na natutulog.

"15 minutes," sagot ni Atoz sa kapatid at hinila ang kumot na tinanggal ni Hillary kanina.

"Bahala ka! Huwag mo akong sisisihin kung ma-late ka," sabi ng kapatid niya at nagmartsa na palabas ng kwarto. Inis naman na napabangon sa kama niya si Atoz nang pabagsak na sinara ni Hillary ang pinto ng kaniyang kwarto.

Dumiretso naman agad siya sa banyo para maghilamos. "Anong klaseng panaginip iyon?" tanong niya sa sarili habang nakatingin sa salamin at nakahawak sa sink ng lababo. "Parang totoo."

Kaninang mga alas tres kasi ng madaling araw ay nagising si Atoz mula sa panaginip at naramdaman niyang umiiyak siya.

Nang matapos maligo ni Atoz ay bumaba na siya para kumain.

"Oh, Abe bantayan mo ang kapatid mo sa Dominican College baka mamaya mabalitaan ko na lang na may boyfriend siya," sabi sa kaniya ng Papa nila.

"Pa! Malaki na ako. Hindi ko na kailangan si Kuya para bantayan ako," nakasimangot na saad ni Hillary.

"Oh, siya... sige na. Pumasok na kayo. Unang araw ninyo pa naman sa bagong school," sabi ng Papa nila at saka sila hinatid sa labas ng pinto kung saan nandoon ang kotse nila at ang pinagkakatiwalaan nilang driver.

"Sige po. Alis na po kami." Paalam nila bago sila pumasok sa kotse.

Habang nakasakay si Atoz sa kotse ay naalala na naman niya ang kaniyang napanaginipan kaninang madaling araw.

Sa panaginip niya ay umiiyak daw siya at laging sinasambit ang pangalan ng isang babae. Kaya kaninang madaling araw ay nagising siyang umiiyak.

Nakatingin lang si Atoz sa labas ng bintana ng kotse nang may mahagip ang mga mata niya.

"I-iyon iyong... hindi. Hindi," umiiling na saad niya.

May nakita kasi si Atoz na isang babaeng nakabisekleta at kamukha nito ang babaeng nasa panaginip niya.

Ilang minuto pa ang lumipas nang makarating sila sa bagong school nila ng kapatid niya.

"Salamat, Kuya Boyet," sabi ni Hillary sa driver bago siya lumabas sa kotse.

Habang papasok sila ng kapatid niya sa gate ng Dominican College ay nagpaalam si Hillary sa kaniya. "Kuya, hanapin ko lang mga friends ko."

Tumango lang si Atoz bilang sagot. Nang nasa loob na siya ng campus ay sobrang dami ng estudyante. May mga nagkukwentuhan, nagtatawanan, at isa sa mga nahagip ng mga mata niya ay ang isang banda na nasa gitna ng campus kung saan may tumutugtog at maraming taong nanonood.

First day of school kaya may mga bandang tumutugtog ngayon para i-welcome ang mga bago at datihang estudyante sa Dominican College.

Maglalakad na sana si Atoz paalis sa lugar na iyon para puntahan ang Principal's Office nang marinig niya ang boses na iyon.

It's 2 AM but I'm still here, awake

Your beautiful face keeps flashing on my mind

I hear your voice and the way you say my name

It's like reality and make-believe combined

Napalingon siya sa babaeng nakatayo sa entablado na kumakanta.

I recall the time when I sat right beside you

And you talked about how good your life has been

Whey your eyes met mine, my voice and hands started shaking

And everything I am starts caving in

Napalunok siya sa nakita niya.

I feel like crashing, drifting

Sinking way too deep

I feel like flying, dreaming

Even though I'm not asleep

And I pray to God to give me strength

Cause your beauty makes me weak

But I'm not lying

I feel like crashing right into you

"Siya ang babae na nasa panaginip ko," bulong niya sa sarili.

Pinapanood lang ni Atoz ang babae. Habang nakatingin siya rito kumakanta ay naalala niya ang kaniyang panaginip.

Ang mga kuwentuhan, iyakan at tawanan kasama ang babaeng nasa entablado ngayon.

I feel like crashing, drifting

Sinking way too deep

I feel like flying, dreaming

Even though I'm not asleep

And I pray to God to give me strength

Cause your beauty makes me weak

But I'm not lying

Even though I'm hurting

I'll be here waiting

And I'll keep crashing right into

You

Hanggang matapos kumanta ang babae ay nakatingin lang dito si Atoz hanggang sa pagbaba nito sa entablado.

Agad namang sinundan ni Atoz ang babae nang makita niyang paalis na ito sa lugar na iyon.

Mabilis maglakad ito kaya lakad-takbo ang ginawa ni Atoz para sundan lamang ito at maabutan.

"Hey!" tawag ni Atoz nang makalapit siya sa babae.

Nagtatakang napatingin sa kanya ito.

"Ah, a-ano... Kasi," nahihiyang saad ni Atoz habang nakatingin sa kaniya ang babae.

"Hi?" patanong na saad nito sa kaniya.

"Hello," sagot naman niya habang nasa batok ang kaniyang kamay.

"May itatanong ka ba? Parang ngayon lang kasi kita nakita. Bago ka lang ba rito?"

Tumango naman si Atoz.

Hindi siya makagalaw nang maayos at makapagsalita dahil parang naging totoo ang nasa panaginip niya. Iyong babae na nasa panaginip niya kanina, ngayon ay nasa harap na niya at kinakausap siya.

"By the way, I'm Ranya Isabella Kim," saad nito at inilahad ang kamay sa harap ni Atoz.

Tiningnan na muna ni Atoz ang kamay ni Ran na nasa harapan saka bumalik sa babae ang kaniyang paningin.

"...I'm a Vampire."