Pagkatapos ng mataas na biyahe, doon ko lang napagtantong nasa sasakyan na kami.
"Apo ko. Nasaan na pala ang magkasintahan mo na matagal ko nang gustong makilala? Nandito pa rin ba s'ya?" Nagulat ako nang bigla s'yang nagtanong.
Parati nalang ganito si lola. Ginugulat ako kapag lumalakbay kung saan-saan ang isip ko dahilan para mahirapan akong sumagot.
"Ah, 'la. Huwag muna nating pag-usapan s'ya. Mukhang napagod ako sa biyahe. Mamaya nalang siguro natin iyan pag-usapan." I smiled forcefully.
"Sige. Pero dapat katulad din ng kaibigan mo, ikakasal ka na din. Matagal na taon na kitang hindi nakikita na may kasama kang lalaki. Hala sige, dapat ganun ka din kay Kim." Sabi ni lola.
Yes, she doesn't even know that I have a boyfriend. Isang taon na din kaming magkasintahan pero hindi parin iyon alam ni lola. Naging sekreto ang relasyon namin ni Louis at hanggang ngayon ay wala parin kaming balak na ipaalam ito sa aming mga magulang.
Akala ko ay maiinis at papagalitan n'ya ako pagdating ko sa mansyon pero walang salitang lumabas sa kan'yang bibig. Akala ko nakita n'ya sa television. Lagi naman kasi n'yang sumusubaybay kapag may showbiz na gumaganap lalo na kapag ako 'yon.
S'ya ang pinili kong maging kasintahan dahil mabait naman s'ya at maalagain. Even though, Louis and I are already 1 year in a relationship but I don't feel the way as what I've felt for John.
"We're here." Biglang sambit n'ya at lumabas sa passeger set.
May ilang katulong ang dumating at inalalayan si lola. Umalis na din ako sa sasakyan at dali-daling nilapitan si lola. Tumulong ako sa pag-aalalay since hindi pinasama ang nurse n'ya.
Maraming mga katulong ang sumalubong sa amin at bumati. Nakikita sa mga mata nila ang saya nang makita kami.
Dito na kami nakatira ng isang taon bago kami umalis papuntang California. Sabi ni tita Coolen ay mansyon daw nila ito ng lola at lolo ko sa father's side ko. Ito din ang isa sa mga lupang nakapangalan sa'kin na iniwanan ng mga magulang nila.
Naghiwalay ang mga magulang ko noon, sumama sa ibang lalaki si mama at iniwan kami ni lola na s'yang mama ng ina ko at hindi na bumalik. Kami nalang dalawa ni lola sa lumang bahay at lumaki nalang akong walang magulang.
Doon ko lang napagtantong nakapasok na pala ako sa sarili kong kwarto nang may agad na tumawag.
"You should rest first, you have an interview tomorrow." Iyan ang huling narinig ko ng manager ko na si Becky. Mabait s'ya pagdating saakin at ng malapit sa'kin pero iba ang pakikitungo n'ya sa ibang tao.
Huminga ako nang malalim at agad na natulog.
~
Kinabukasan pagkatapos ng interview at pagbabati sakin ng mga tao, dumiretso kami ng driver/gwardya ko sa jewelry shop. Pero hindi pa ako nakaka-dalawang hakbang nang bigla akong napahinto.
Isang maskuladong katawan na nakatalikod at nakatayo sa harap ng malaking tranaparent na salamin at may tinuturo sa isang sales clerk. Isang singsing.
Biglang gumagundong ang dibdib ko kahit sa likod n'ya ko lang s'ya nakikita. His presence brought silence to the ambiance yet brought excitement to women, and so am I..
John!
Hindi pa rin ako makapaniwala na makikita ko s'ya dito sa jewelry shop. Is he giving it to Kim? Biglang sumakit ang dibdib ko sa naisip.
"We're not coming in, are we?" Sambit ni Jed. Kahit kailan, hindi pa rin s'ya marunong magtagalog kahit na tinuturuan ko s'ya pero nakakaintindi naman. Matagal ko na s'yang taga-bantay at driver ko at para ko na din s'yang kaibigan dahil s'ya nalang parati ang nakakasama ko kahit saan. He's one year old than me.
"Ah, sorry." Nagpapasalamat ako nang umalis na si John. Mukhang nagmamadali s'ya. Talagang kay Kim talaga iyon.
Huminga ako ng malalim at nilapitan ang sales clerk na kausap kanina ni John at nagtanong. "Mayroon pa ba kayong singsing na katulad nung lalaki kanina na binili n'ya? Can I take a look?"
"Just give me a minute, ma'am."
Ilang segundo ay may pinakita s'yang isang singsing na may mga maliliit na pulang bato na nakapalibot sa harap ng singsing na kumikinang. It's really beautiful.
Siguro ito ang sising na gusto n'ya, I guess?
I wish I am her.