webnovel

22

Pagod ang mukhang lumabas ako sa classroom namin at nang makita ko si John sa gitna ng hallway, huminto ako at mas lalo akong napagod.

Ayokong makipag-argumento kay John. Pagod na pagod na ako at gusto ko nang umuwi. Nakalimutan ko ang pabor ni Kim sa'kin.

Huminga ako ng malalim at nagsimula nang maglakad. Lalampasan ko na sana s'ya nang bigla n'ya akong hinila. Hindi ko alam kung saan n'ya ako dadalhin pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na tinutulak ako ni John sa sasakyan n'ya.

"Saan mo 'ko dadalhin, John?" Gusto kong kumalma ngayon dahil pagod talaga ako.

"I'm taking you somewhere. Which people can't see us." Sambit nito na napakaseryoso.

"Pero hindi pa ako nakakapagpaa—" naputol ang pagsasalita ko nang agad s'yang sumagot.

"Lola Emelia knows." Ngumisi s'ya ng nakakaloko.

"Alam ni lola?" Tanong ko pero tumingin lang s'ya sa'kin saglit bilang sagot at biglang ibinaling ang tingin sa daan. "John, alam mo naman na hindi pwede.."

"Why not? Have someone own you already?" Biglang tanong n'ya na ikinabigla ko.

"May nagmamay-ari sa'yo." May diin ang pagkakasalita kong balik sa kan'ya. Hindi pwedeng hindi ako magkamali sa sinabi ko dahil totoo naman.

Biglang nagtagis ang bagang n'ya at hinigpitan ang pagkakahawak sa manebela. "Shut up, Emy. You're pissing me off."

Tumahimik nalang ako at hinayaan nalang s'yang dalhin ako kung saan. Nang tumigil ang sasakyan, tumingin ako sa labas at humanga. Ngumiti ako at parang nawala agad ang pagod sa katawan ko.

"Ang ganda!" Agad akong lumabas at naramdaman ko ang simoy ng hangin na tumatama sa mukha ko.

Parang bangin pero sa ibaba ay ang makikita mo ang buong syudad. Unti-unti nang umiilaw ang mga gusali sa ibaba at mas lalo iyong gumanda.

Bumaling ako kay John na nakapamulsa at ngumiti sa kan'ya. "Ang ganda."

Ngumiti s'ya sa'kin at bigla akong niyakap mula sa likod. "Hmm."

Ganoon lang posisyon namin habang enienjoy ang buong syudad hanggang sa bigla kong naitanong, "bakit ka ba ganito sa'kin, John?"

Naramdaman kong napatigil s'ya at bigla nalang inilapat ang labi sa gilid ng tenga ko. Tumindig ang balahibo ko. "Mas gusto kita, Emy."

下一章