webnovel

Twenty-three

Chapter 23

"Look! Parang ikaw." Komento ni Jeydon at ngumisi. Ipinakita sakin ang isang plushie teddy penguin, medyo malaki din ito.

"Bakit naman?" Tumaas ang isang kilay ko. Ano na naman ba trip ng isang to?

"Nguso mo laging lumalaki." Tinignan nito ang penguin. "Maliit din ang legs at kamay." Segunda nito kaya binigyan ko siya nang matalim na tingin.

Ibinalik na niya ito uli sa standee at tumakbo sa kabilang shelf at kinuha ang isang mask.

Ngumiti ako at kinuha sa kamay niya at ako na nagsuot sa mukha niya. Lumakas ang tawa ko dahil bagay sakaniya ang mask. Para siyang may mustache.

Pagkatapos naming mag shopping sa isang Korean shop ay sunod naman ang kinahihiigan namin pareho. Arcade!

Habang naglalaro ito nang isang fighting game ay nakaupo lang ako sa gilid. Tinignan ko siya at napahalumbaba. I'll gonna miss this guy. Malapit na talaga akong aalis. Sadly kakastart lang ng relationship namin. And I know it will end soon. Iisipin ko nalang pagbalik ay para akong nasa panaginip.

Habang palabas kami sa mall ay nagulat ako nang bigla siyang napatigil. Napatigil din ako at tinignan kung ano meron sa harap niya since nasa likod niya lang ako dahil sinusundan ko ang bawat apak nito.

"Ma!" Gulat nitong sambit pero napalitan din nang seryoso ang mukha. "Wendy?" Segunda nito.

Napatingin ako sa harapan at may isang mid-age na babae na nakapulang dress. Nakakaintimidate ang kaniyang aura, puno din ito ng alahas sa katawan. Ngumiti ito nang makita kami.

"Honey buti nakita kita dito. Sinamahan ko lang kasi 'tong si Wendy sa isang shop." Aniya at yinakap si Jeydon. Tumingin ito saakin at alanganin akong ngumiti. Ito ang Ina niya? She is too young.

Lumabas sa gilid nito ay isang babae na kasing edad lang yata saamin. Naka-yellow tee crop ito at naka-high waist pants. Nakangiti ito saamin. With her ash brown hair pagdating sa kaniyang morenang bulat ay masasabi 'kong isa siyang modelo. She's too pretty with her pointed nose and chincky eyes.

"Jeydon! And?" She's looking at me. Napalunok ako ng aking laway sa kaba dahil nakatingin na din saakin ang Ina ni Jeydon. I want to meet her but not now.

Inakbayan ako ni Jeydon. "This is my Girlfriend, Tiana."

Ngumit ako sakanila at yumuko as a sign of respect. Inextend nang kaniyang Ina ang kamay nito kaya tinanggap ko. "I'm Sandra Perez. Jeydon's Mother." Ngumiti ako. Ang ganda talaga niya, wala pa itong kahit wrinkles sa mukha. Nakakasilaw din ang earings nito na malaki.

"Si Wendy nga pala. Kabanata ni Jeydon." Tinuro niya yung babae. Kumaway lang ito saakin at kinausap muli si Jeydon saaking tabi. I smiled kahit hindi na ito tumingin saakin.

"Jeydon sama ka saamin!" Nagulat si Jeydon na bigla itong hinatak ni Wendy palayo saamin. Tumingin ito ng alanganin pero tuluyan na itong nahila. What just happened?

"Let's go? Ang kulit talaga nung batang iyon." Napatawa ang Ina ni Jeydon saaking tabi at ngumiti lang ako dahil hindi ko alam anong isasagot ko.

"Opo Ma'am." I answered her pero lumingon ito saakin agad at napakunot ang noo.

"Don't call me that. Call me Tita, okay? Girlfriend ka naman ng anak ko." Tinagilid nito ang kaniyang ulo at tinignan ako ng maigi. I blushed dahil nahiya ako bigla sa tingin niya.

"I know why." Ngumiti ito at unang naglakad. Lumingon ito saakin na nakangiti. "Let's go."

Sumunod ako sakaniya. Habang naglalakad parang ang bigat ng pakiramdam ko. Bigla kong napaisip si Dad. Totoo ba talaga iyon? Pero hindi ko maiisip dahil my Dad is too faithful and Jeydon's mother is too pure.

"Here we are."

Napaangat ang tingin ko at nagulat sa nakita. Kay Ate Bianca itong shop na to. Hindi ko napansin.

Lumingon si Tita saakin. "Ang may ari nito ay family friend ko." Ngumiti ito at pumasok sa loob. Pagkapasok namin ay napanganga ako sa nakita.

Wendy is picking some clothes while Jeydon on her back ay nahihirapan na ito kakabitbit sa dalang damit. It's piling up para itong bukid.

Napailing ang Ina ni Je-- si Tita at tumingin saakin. "You know, I like Wendy for my son. But since ikaw ang pinili ni Jeydon. I support that."

Napangiti ako sa kaniyang sinani. I thought aayawan pa ako dahil iyon naman lagi kong nakikita sa movies and every books I've read. I'm such a book geek.

"Tita Sandra!" Napalingon kami ni Tita sa gilid at nakita namin si Ate Bianca. Tumagilid ang ulo nito at tinignan ako ng maigi. Nang makilala ay nanlaki ang mata nito at tumakbo papunta saakin at yinakap. "My sis!"

I chuckled at sinapak siya pabiro nung bumitaw ito. "Ate naman."

"Magkakilala kayo?" Tita Sandra's smile plastered on her face.

Inakbayan ako ni Ate Bianca kaya napanguso ako. She's too tall lalo na nakasuot din ito ng Stillitoes. "Yes Tita. Exchange student siya dito, samin muna siya nag stay since my Mom and Dad volunteer on the program." Pahayag nito.

Tumango so Tita. May sasabihin pa sana ito pero biglang may tumili. "Oh my god. Bianca?"

It's Wendy. She's like a child amazed by her idol. Napanguso ako at tinignan si Jeydon na madaming dalang paper bag. Hindi ito tinry ni Wendy? Ang dami naman yata nitong binili. Tinignan ako ni Jeydon kaya ngumisi ako. He looked like a puppy lalo na't nagpapaawa ito saakin.

"Yes darling?" Ate Bianca smiled to Wendy.

"Finally nakausap din kita. I've been to London at doon ko nakita works mo. Kakausapin sana kita noon but you're too busy."

She's really rich--and spoiled. Nakikita ko sa personality niya.

Habang nag uusap sila Tatlo lumapit saakin si Jeydon at ngumuso. "Date na sana natin ito. Nagparamdam pa itong makulit na babae." He's pertaining to Wendy kaya hindi ko mapigilang mapatawa.

"Childhood friend mo diba?"

"Sadly yes, she is really brat." Halakhak nito kaya pabiro ko itong siniko sa tiyan.

"Don't say that." Asik ko.

Lumingon saakin si Ate Bianca kaya napalayo ako kay Jeydon.

"'Onga pala. Tiana yung kuya mo tumawag sakin to contact you. Kanina pa daw siya tumatawag pero walang sumasagot. Sabi niya nandito Dad mo." Sabi nito na nakangiti at bumalik kay Wendy. Nakita ko din pano tumingin si Tita saakin.

Oh no. This is bad.

----

下一章