webnovel

Eight

Enjoy reading :)

-----

Chapter 8

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil narinig ko ang ingay sa ibaba.

Dali dali akong lumabas sa kwarto at bumaba. Kahit para akong Bruha sa bagong gising ko. "Tita! Tito!" Tumakbo ako patungo sakanila at yinakap.

"Tiana." Tuwang tuwa si Tita ng yinakap ko siya.

"Kumusta?" Tanong nila nang bumitaw ako.

"Okay lang po. Kayo?" Ngumiti ako at tinulungan silang dalhin ang maleta sa living room.

"We're doing great iha." Umupo si Tito at linuwagan ang necktie. "Saan si Bianca?" Tanong nito at tinawag si Manang para ihanda na ang breakfast.

Kinamot ko ang aking kilay. "I don't know." Hinawakan ko ang aking baba at nag-isip. "Kahapon kasi, launching raw ng new products niya." Yun nalang ang nasabi ko. Dahil naalala ko pagkauwi ko ay nakabihis siya ng casual at nagmamadaling umalis.

"I think we should celebrate later?" Suwestyon ni Tita kay Tito Leo na uminom ng tubig.

"Maliligo muna ako." Paalam ko sakanila at yumuko.

"By the way. I heard na gagala kayo?" Napalingon ako ng binanggit ni Tita na gagala kami sa mga ka Exchange student ko.

Tumango ako bilang sagot now she bring it up. Naalala ko hindi namin alam ang pasikot-sikot dito! For god sake, how can I-- I mean we forget it?

Umakyat ako sa itaas at pumasok sa kwarto. Agad kong tinawagan si Vaughn through Line since siya lang naman ang updated sa kaniyang phone.

Para mas madali ang aming communication lahat, I came up through Line App. Ito kasi ang ginagamit namin sa Korea, since it's free kapag may wifi.

"Eo?" Narinig ko pa ang kaniyang paghikab. Ang tagal naman nitong magising.

"Vaughn!" I blurted out. "What should we do? We don't have a car and we are not aware--" Pinutol niya ang pagsasalita ko sa kaniyang tawa.

"Well, since Dex came up with this idea. He should the one who set this things up." Ani nito sa kabilang linya. Napa-irap ako kahit hindi niya makita.

"And?" I asked. Pabitin din kasi minsan to si Vaughn, and I still remember he always tease me since we first met. Kaya komportable na ako sakaniya kahit nakakainis siya.

Vaughn Grey is from Canada, he is a handsome fellow. But beware, kahit konti lang ang pinagsasamahan namin. Napansin ko sakaniya ang kaniyang Evil side, which is a player.

"Dexter has a Pinoy friend. And that friend, volunteers to became our guide." Masaya nitong sabi kaya napangiti ako.

"That's brilliant!" I agree, Dexter Carlise is really amazing. Kung sa aming apat si Dexter yung type na maaasahan mo. He always have a back-up plan. And also, Dexter grew up in Germany, so he is a German Dog. Muntik na akong tumawa sa aking joke.

Pagkatapos namin sa aming conversation ay agad akong naligo at nagbihis. I wear very simple clothes. With crop tops Tee and a pair of white waist shorts. Since gagala lang kami.

Sinabi sakin ni Vaugh na dadaan sila dito. Which is very unlikely. Nakakapagtaka dahil hindi naman nila alam kung taga saan ako? Or maybe Tita Lucy tells them.

"Ma'am Tiana, nasa labas na po ang iyong mga kaibigan." Lumapit sakin ang isang teenager na katulong nina Tita. Ito siguro ang apo ni Manang.

Ngumiti ako at nagpasalamat. I didn't tell you this but. Tita Lucy and Tito Leo are full-time billionaire tycoon. Nagulat talaga ako sa nalaman ko but they are too humble to tell me.

Pagkalabas ko ay bumukas agad ang pintuan sa van. "Tiana-chan!" Nakita kong kumaway si Azuka. At narinig ko pa ang pag honk sa sasakyan.

Tsk, ang init naman ng ulo ng Driver na ito. Dali dali akong lumabas sa gate at pumasok sa Van. Umusog naman si Azuka at lumingkis na sakin.

Napangiti ako at ginulo ang buhok niya. "Did you miss me already?" I asked. She's 2 years younger than us. Pero she's advance. Ang talino niya kasi. Her name is Azuka Yumi Houi and she's a Japanese.

Tumango ito at tinuro ang driver. "Onni-chan. Is that your boyfriend right?"

Narinig ko pang sumabat si Dexter sa front seat at si Vaughn sa likuran namin. "What? a boyfriend?" Sabay nilang tanong.

"Sino?" Napakunot ang noo ko at napatingin sa driver. Lumingon naman ito sakin na nakangisi at tinanggal ang sunglass niya.

"Hi, seatmate." Bati nito at kumindat.

Anong ginawa niya dito?! Don't tell me na ito yung friend ni Dexter? Ugh!

"What are you doing here?" Diniin ko ang aking tanong. It's okay to be with him, but hindi ko makakaya ang kakulitan at pagka-isip bata niya.

"Hmm." Tila nag-isip isip siya at tinignan si Dexter. "It's his plan."

Napailing ako at napatampal sa aking mukha. This is bad. This is really bad idea. Binabawi ko na ang compliment ko kay Dexter.

"Oh, sorry. I don't know that you two are having a relationship." Pagpaumanhin ni Dexter at ipinagdikit ang kaniyang kamay na parang may dinadasal at yumuko.

"Ohh, I thought your Oppa is your boyfriend?" Asar ni Vaughn sa likod. "Oppaa, oppaa!" Vaughn's voice cracked up na parang babae.

Napapikit ako sa inis at umakyat sa upu-an ng van at hinila ang buhok ni Vaugh. Buti naabot ko kaagad bago siya umiwas.

"Oh no! Not the hair! Azumi stop her." Para na siyang maiiyak, girls shouldn't love this man.

Narinig ko nalang ang tawanan nila at naramdaman kong gumalaw na ang sasakyan. Pero hindi parin ako matigil sa paghila at pagkurot sa tenga ni Vaughn, lahat yata ng inis ko sakaniya ay doon lumabas.

Nang nakarating kami sa distanation ay bumaba kami. Tinignan ko ng masama si Vaughn kaya para itong aso at nagtago sa likod ni Dexter.

"Saan ito?" Tanong ko kay Jeydon pagkalabas sa Van.

"Malapit lang saamin. But this is a private property" Yun lang ang naisagot niya.

This place looks so peaceful. It is a park, at maraming mga tao ang nandito but ang tahimik. Yung iba ay pinapakain ang mga langgam, yung iba ay nag bibisiklita at nakasakay sa isang banka. And some of them are dating.

"This place is cool." Komento ni Dexter.

"I agree." Ani Vaughn.

"Let's go!" Sigaw ni Azumi at hinila silang dalawa. "Teka!" Pagpigil ko dahil iniwan kaming dalawa. Pero hindi sila nagpatinag at hindi man lang lumingon.

Sumimangot ako at susundan sana sila pero hinila na ako ni Jeydon.

"Let's go there." Tinuro niya ang photobooth.

Magprotesta sana ako ng nagsalita uli siya. "Hayaan mo silang magsaya." Sabi nito at pumasok kami sa photobooth.

"And let's enjoy." Ngumiti siya at iniharap ang mukha ko sa Camera ng biglang nag flash.

Napakurap ako sa bigla. "Aba, hindi ako ready nun ah." Angil ko at hinila ang ulo niya para akong naka-akbay at ngumiti sa camera.

Ikalawa kaming umulit para may copies kaming dalawa.

"Sakay tayo doon." Tinuro ko ang Banka. I want to ride that too. It looks cute.

Tumango rin siya at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay, pumula lalo ang mukha ko ng bigla niyang inintertwined ang aming kamay.

It looks like, we are holding hands while walking. Naramdaman ko na tumibok ang puso ko. What is this feeling? It is the same feeling kapag makikita ko si Hyunsik oppa.

Natauhan ako ng makalapit na kami sa lawa. Binayaran niya muna ang isang lalaki bago kami makakasakay.

Muntik pa akong matumba buti nalang nahawakan ako ni Jeydon. Tumikhim ako, at nag iwas ng tingin.

"Ganda pala dito no?" Pagsisimula ko dahil ang tahimik at nakakapanibago.

"Do you like it here?" Tanong niya sakin kaya ngumiti ako nilang sagot.

"It's not bad. Kapag natapos ang lahat na ito. Babalik ako dito." It's true, gustong gusto ko na dito. Kaya pala palaging bumabalik si Mom dito.

Nakita kong ngumiti siya sa sagot ko, kaya tinanong ko siya kung bakit siya nakangiti pero iling lang ang sagot nito.

Nang natapos ang ginawa namin ni Jeydon ay bumalik na kami sa pinaradahan ng Van.

"Nandon na pala sila?" Gulat kong sambit. Pagkalapit namin ay nagreklamo agad sila, bakit ang tagal raw namin.

"It's none of your bussiness." Tanging palaging sagot ni Jeydon sakanila. Napangiti ako nang sinabihan kaming madaya.

I have a great time again. Thanks to Jeydon.

Pagkauwi ko sa bahay ay inihatid na ako ni Jeydon. Pambato talaga si Jeydon sa mga driving ano? I think na may Student driving na siya.

"Pasok ka muna." Sabi ko sakaniya habang nasa gate kaming pareho. Hinatid na namin kanina yung mga kaibigan ko, at ako ang huli niyang hinatid dahil mas malayo sa amin.

Naalala ko kasi na magpapaparty si Tita at Tito para kay Ate Bianca. Nakita niya kasing madaming tao sa loob sa bahay. And I think they are starting the party.

Umiling siya at pati ang kamay niya ay ikinaway. "No, thank you." Aniya. "Una na ako. Pasok kana." Segunda niya.

"Tiana? Ikaw ba yan?" Narinig ko ang bosses ni Tita sa aking likod kaya napalingon ako.

"Tita!" Bati ko agad sakaniya at lumingon kay Jeydon pero wala na siya sa harap ko.

Biglang umalis yung Van kaya napakamot ako sa aking ulo. "That was wierd."

----

下一章