webnovel

Chapter 27

"Hey, huwag ka ng gumalaw. Maupo ka na lang. Kaya na namin ang mga ito." Sabi ni Axel.

Ngayon ang araw na lilipat sila sa bahay ni Axel mula sa hotel. Tinutulungan si Axel ng mga crew ng hotel.

"Paa ko lang naman ang problema, hindi naman ang kamay ko." Pagmamaktol ni Dani. "Huwag ng matigas ang ulo misis ko." Nakangiting sabi ni Axel. "Misis ka diyan!" Sabi naman ni Dani. Kinikilig naman ang mga crew na tumutulong sa kanila.

"Kamusta na ang mga paa mo?" Tanong ni Arthur na ikinagulat nila Axel at Dani pati ng mga crew. "Ok naman dad, sabi naman ng doctor ay sprain lang." Sagot ni Dani. Humalik siya sa ama't ina ng lumapit ang mga ito sa kanya. "Buti na lang at namove ang convention ng Friday hanggang Sunday." Sabi ni Arthur. "Kailan ba tatanggalin ang bandage niyan?" Tanong ni Esther. "Sa Wednesday, Mom." Sagot ni Dani.

"Iho, ok na ba ang lahat?" Tanong ni Arthur kay Axel. "Opo, Uncle. Puro mga damit at ilang gamit lang naman ang dadalin namin. Kumpleto naman po sa bahay." Sagot ni Axel. "Mabuti naman. Kailangan nyo ba ng kasambahay?" Tanong ni Esther. "Hindi na, Mom, wala naman kami sa bahay palagi. Naghire na lang kami ng maglilinis. Ang mga damit namin ay sa laundry shop na lang." Sagot ni Dani.

"Eh paano sila Apollo at Timmy?" Tanong ni Esther. "Sanay po sila ng maiwan sa bahay ng sila lang dalawa, Auntie." Sagot ni Axel. Nagkatinginan ang mag-asawa. Balak sana nilang magbabalae ay maghire ng kasamabahay para sa dalawa na kahit malayo ang mga ito ay may magrereport sa kanila kung ano ang nangyayari sa bahay. Bumuntong hininga sila Arthur at Esther ng hindi makakita ng magandang pagkakataon.

"Wow!" Sabi ni Dani ng makitang nabago ang interior design ng loob ng bahay ni Axel. Kung dati ay puro panlalaking kulay at gamit at makikita sa loob, ngayon ay balance na para sa isang babae at isang lalake.

"Kailan mo pinagawa ito?" Manghang tanong ni Dani. "Kinabukasan after nating manggaling dito." Sagot ni Axel. "Grabe, agad agad?" Tanong ni Dani. "Want to see your room?" Tanong ni Axel at excited na tumango si Dani.

Alalay ni Dani si Axel habang paakyat sila ng hagdan. At pagbukas ni Dani sa kanyang kwarto ay namangha siyang muli. "Like it?" Tanong ni Axel. "Yes, I love it. Thank you!" Masayang sabi ni Dani. "Then, if you like it, don't you want to give me a thank you gift?" Nakangising sabi ni Axel. "Thank you." Sabi ni Dani. "Thank you lang?" Tanong ni Axel. "Opo, nakakadami ka na. Sobrang dami ko ng nabigay sayo noh!" Sabi ni Dani. Natawa naman si Axel.

Niligid ni Dani ang buong kwarto bago naupo sa kama. Kumunot ang noo niya ng makita ang isang pinto maliban sa pinto ng CR. Tumayo siya at binuksan ito. Si Axel naman ay busy sa pagpapasok ng mga gamit nila.

Sumingkit ang mata ni Dani ng makita kung ano ang nasa kabila ng pinto. "Mr. Axel Monteclaro!" Sigaw ni Dani. Dali dali naman lumapit si Axel. "Ano yun misis ko?" Tanong ni Axel. "Tigilan mo nga ang pagtawag sa akin niyan!" Inis na sabi ni Dani. "Ok, sweetheart, what's the problem?" Nang-iinis na sabi ni Axel. Umiikot ang mata ni Dani.

"Bakit my connecting door dito?" Tanong ni Dani. "Ah, yaan ba? Opisina ko kasi dati ang kwarto mo ngayon so pinarenovate ko lang to make it a room." Pagsisinungaling ni Axel.

Talagang pinasadya niya ang connecting door para may access siya sa kwarto ni Dani at madali niyang mapupuntahan si Dani kung may maging problema ito. (Weh, di nga?)

Naniwala naman si Dani sa explanation ni Axel. "Magpahinga ka muna, magluluto lang ako." Sabi ni Axel at tumango si Dani.

Habang nagluluto si Axel ay may nagring ng doorbell sa gate. Nagtaka siya dahil wala naman nakakaalam ng bahay niya maliban sa kanyang mga magulang. Binuksan niya ang gate at bumungad sa kanya ang kanyang mga magulang kasama sila Arthur at Esther. Sydney, Aubrey, at Cleo.

"Anong ginagawa ninyo dito?" Takang tanong ni Axel. "House warming party." Sagot ng kanyang inang si Eleonor at ang lahat ay pumasok na sa bahay. Bumuntong hininga si Axel. Tingin niya ay hindi sila matatahimik ni Dani, ngayong madami ng nakakaalam ng dating tahimik na bahay niya.

"Nasaan na si Dani?" Tanong ni Eleonor. "Nagpapahinga sa kwarto." Sagot ni Axel. "Sige, tatawagin ko na lamang siya." Sabi ni Eleonor. "Huwag na Ma." Pigil ni Axel pero huli na dahil nabuksan na ni Esther ang kwarto. Nang makita ni Axel na nakahiga sa kama niya si Dani ay nakahinga siya ng maluwag.

Busy si Dani sa pag-aayos ng kanyang mga damit sa closet ng madinig niya na may dumating na mga bisita. Sumilip siya at nakita niya kung sino ang mga ito. "Nako, dapat ay di nila malaman na may kanya kanya kaming kwarto ni Axel." Sabi ni Dani kaya dali dali niyang binuksan ang connecting door at inayos ang sarili na kunwaring tulog sa kama ni Axel.

Pagbukas ni Eleonor ng pinto ng kwarto ni Axel ay nagkunwari siyang bagong gising. "Auntie?" Sabi niya. "Ay, I'm sorry iha kung nagising kita. Nandito kami para sa isang house warming party." Sabi ni Eleonor. "Ganoon po ba, Auntie. Sige po, magbibihis lang ako at lalabas na din." Sagot niya.

Nakatingin sa kanya si Axel at ngumisi ito. Pinandilatan lamang niya ng mata ang loko.

May dalang hapunan ang kanilang 'mga bisita. Barbecue, fried chicken, pizza at madami pang iba. May dala naman beer in can si Sydney.

Matapos nilang mag early dinner ay nagharap harap sila sa sala para magkwentuhan. Naunang umuwi ang mag-asawang Arthur at Esther, ganoon din ang mag-asawang Benjamin at Eleonor.

"Pare, hindi na natin kayang makipagsabayan ng inuman sa mga kabataan ngayon." Sabi ni Benjamin. "Oo nga pare, nung kabataan ko ay kaya kong umubos ng isang case, ngayon, isang lata pa lang ay lasing na ako." Sabi ni Arthur at nagkatawan ang lahat.

Nang hatinggabi na ay nag-ayaan na din sila Aubrey, Cleo, at Sydney. "Mauuna na kami at baka maka-istorbo pa kami sa gagawin ninyo." Biro ni Aubrey. "Oo nga, bilis bilisan nyo lang ang paggawa ng mga pamangkin ko." Sabi ni Sydney. "Tara na at ng makaisa na si Axel." Dugtong ni Cleo. "Wait lang kayo, wag kayong atat, dadating din kami diyan." Patol naman ni Dani na may tama na din dahil sa beer. Iiling iling naman si Axel sa usapan ng apat.

Umalis na nga ang tatlong babae. Nagliligpit si Axel ng kalat ng umupo si Dani sa sahig at tumingin ito sa kanya. Halatang medyo lasing na si Dani.

"Bakit ibang iba ka sa mga video na nakaupload sa social media?" Tanong ni Dani. Kumunot naman ang noo ni Axel. "Bakit? Ano ba ko doon at ano ba ko dito?" Tanong ni Axel at umupo na din sa sahig na nakaharap kay Dani.

"Number 1 playboy. Madaming pinaiyak na babae. Happy go lucky." Sabi ni Dani. "Pero pagkaharap kita, gentleman, masarap magluto, mabait, magalang." Sabi ni Dani na nakatingin kay Axel ng hindi kumukurap. Ngumiti si Axel. "At ang gwapo lalo pagmalapitan." Patuloy ni Dani na hinawakan ang pisngi ni Axel.

"Lasing ka na nga. Tara na at ng makatulog ka na." Aya ni Axel. "Sino ang tunay na Axel Monteclaro sa dalawa?" Tanong ni Dani. "Sino sa palagay mo?" Tanong ni Axel. "Mas gusto ko yung Axel na kasama ko ngayon." Sabi ni Dani na tuluyan ng napahiga sa sahig at nakatulog. Iiling iling na ngumiti si Axel na nakatingin sa tulog at lasing na si Dani. Binuhat niya ito at inihiga sa kama sa kanyang sariling kwarto.

Pinagpatuloy ni Axel ang pagliligpit sa sala at kusina ng kanyang bahay. Pagkatapos ay pumasok na din sa kanyang sariling kwarto. Nagshower at nagbihis ng pantulog. Paglabas niya ay nagulat siya at pagkatapos ay ngumiti. "Papahirapan mo na naman ako Daniella Monteverde." Bulong niya ng makita si Dani sa kanyang kama na mahimbing na natutulog.

下一章