webnovel

The Story Continues

10 years later

Aliyah Neslein Mercado

" Congratulations anak, we are so proud of you. You made it again sweetie ." masayang bati sa akin ni Nielsen Mercado, ang aking daddy. Katatapos lang ng aming graduation  kung saan ako ang naging valedictorian .

" Alam mo anak sobrang saya ko habang umaakyat kami ni daddy sa stage kanina. Ang swerte talaga namin sayo anak,yung happiness na ibinibigay mo sa amin ay sobra-sobra. " maluha-luhang saad naman ni Laine Guererro Mercado, ang aking mommy.

" Naku hayan na naman si mommy, mahahawa na naman kami ni dad sayo nyan eh. Pero seryoso po mom,ako ang maswerte dahil kayo ang mga magulang ko." yumakap ako kay mommy at hinalikan ko sya sa pisngi.

" Pero alam mo anak tama ang mommy  mo. Consistent honor student ka simula nung kinder tapos Valedictorian ka nung nag-graduate ka nung elementary then heto na naman ngayon. Sinong magulang ang hindi magiging proud kung katulad mo ang magiging anak? We are so blessed sweetie ."

" Aw si daddy talaga, nakaka-touch naman yung sinabi nyo.Nagmana lang po ako kay mommy na matalino. Hindi ba consistent honor student din sya noon?"

" Oo naman,sobrang proud din ako sa mommy mo noon. Tuwing ga-graduate sya lagi nya akong binibigyan ng isa sa mga medals nya, ako raw kasi ang inspirasyon nya." may ningning sa mga mata ni dad habang inaalala ang nakaraan.Hanggang ngayon makikita pa rin sa mga mata nya ang labis na pagmamahal nya kay mommy.

" Mommy gutom na po ako,uwi na tayo." singit ng baby brother ko na si Neiel na kanina pa nakanguso dahil nagugutom na raw sya.

" Hahaha.ang bunso namin talaga miyembro ng frat." biro ni dad.

" Ano po yung frat dad?" inosenteng tanong naman ng brother ko.

" Sus beh hayan kana naman sa pang-aasar mo. Bunso tara na uuwi na tayo para makakain na tayo ng niluto ni lola Paz at lola Bining nyo." untag ni mommy sa amin.

" Ano po muna yung frat mommy?" tanong muli ni Neiel.

" Frat-ing gutom yun bunso." sagot ko.

" Si daddy talaga palagi na lang ako niloloko." ngumuso pa sya kay dad. Nagtawanan na lang kami, ang cute kasi ni Neiel habang nakanguso,medyo malusog kasi sya at ang gwapo nya,kamukha rin sya ni dad katulad ko.

" Sorry na baby, ang cute mo kasi kaya natutuwa ako. Halika na piggy back ride ka ni daddy hanggang parking lot." mabilis naman syang sumampa sa likod ni dad na medyo nakangiwi na dahil mabigat sya. Naiiling na lang kami ni mommy na sumunod na sa kanila.

***

" Gusto nyo bang umuwi sa Sto.Cristo tutal wala na kayong pasok sa school pareho?" tumingin si daddy sa aming dalawa ni Neiel.

" Ay opo dad,last year hindi tayo nakauwi dun dahil sa US tayo nagbakasyon. Gusto kong sulitin ngayon ang bakasyon dun dahil college na ako sa pasukan." turan ko.

" Opo ako rin gusto ko dahil matagal ko ng hindi nakikita ang mga pinsan  ko dun." sagot naman ng kapatid ko.

" Sige mag-empake na kayo at ihahatid namin kayo dun bukas ng umaga." nagulat ako sa sinabi ni daddy.

" Bukas na agad dad?"

" Oo anak, aalis kami sa makalawa. May fashion show kasi ang branch ng Montreal  sa Switzerland. Kailangan kami ni bigboss dun dahil may ila-launch silang bagong product para sa mga young married couple na katulad namin.Medyo matatagalan nga lang kami anak.Mga one month kaming maglalagi dun, tutulungan pa kasi ni mommy mo si papa Anton mo dahil sa expansion ng company nila dun." turan ni daddy.Hanggang ngayon ay konektado pa rin sila ni mommy sa Montreal International. May mga projects pa ring ibinibigay sa kanila ang company bilang modelo. Kahit naman nasa late thirties na sila pareho ay hindi naman halata sa itsura at pangangatawan nila, mukha pa rin silang nasa twenties lang. Madalas pa ring hingin ni bigboss ang tulong ni mommy para kay papa Anton, ito na kasi ang CEO ng Montreal at consultant nya si mommy dun pero hindi full time kasi nagma-manage din si mommy ng ibang company ni lolo Franz.

Si daddy naman ay nag-resign na sa company ni lolo Cesar bilang engineer, kinuha kasi sya ni tito Frank bilang VP for operation sa Comtech Masters. At yun nga sideline na lang nila ang pagiging modelo ng Montreal, tinatawagan sila kapag kailangan tulad na lang ngayon na sa Switzerland ang fashion show nila.

KINABUKASAN hinatid na kami ni daddy at mommy sa Sto.Cristo. Nauna na kasing umuwi dun ang mga lolo at lola ko. After nung graduation ko nung isang araw, sabay-sabay silang nagsi-uwian dahil mag-aattend sila ng wedding anniversary nung mga kaibigan nila.

Madali lang naman ang byahe pauwi ng Sto.Cristo, dalawang oras lang kung may dala kang sariling sasakyan pero kung magko-commute ka, tatlo hanggang apat na oras mula sa terminal ng bus sa Pasay.

Napakaganda ng probinsya ng Sto.Cristo. Taon-taon kami nagbabakasyon dito.Dito na kasi namalagi ang mga magulang ni mommy, matatanda na raw sila kaya gusto nila sa probinsya. Masyado daw kasing malamig sa US at hindi na kaya ng katawan nila. At isa pa, nakakasama nila ang mga magulang ni daddy na mula pa noong kabataan nila ay magkakaibigan na sila. Hinahayaan na lang nila mom at dad na mag-enjoy na lang ang mga oldies sa buhay nila, heto na kasi yung time nila na magpa-relax relax na lang sa buhay nila dito sa Sto.Cristo.

Maganda ngang manirahan dito sa probinsya nila mom at dad. Saksi ang Sto.Cristo sa pag-iibigan nila at sa kanilang kabataan. At kaming magkapatid ay excited palagi kapag bakasyon na dahil umuuwi kami dito upang makasama namin ang aming mga kapamilya at kaibigan.

Sa paglipas ng panahon naging mas maunlad na nga ang Sto.Cristo. Ang dating mga bukirin ay naging village at subdivision na. May malalaking supermarket at fast food chains na rin sa kabayanan. Kabilang na rito ang dalawang grocery stores nila tita Rina at tito Pete, mga kaibigan at kababata ng parents ko.May mga pang-publiko at pribadong paaralan at ilang business establishments rin.

Sa kabila ng pagiging moderno ng bayan, yung ambiance ng pagiging probinsya ay mararamdaman pa rin.

Habang papasok ang sasakyan namin sa baranggay namin ay namataan kong naglalakad sa daan ang dalawa kong kaibigan, si Richelle at Anne. Excited akong dumungaw sa bintana ng sasakyan namin at tinawag ko sila. Bahagya namang hininto ni dad ang kotse sa tapat nila.

" Mga besh nandito na ako, grabe na-miss ko kayo." tili ko sa kanila.

" Ayy Liyah buti umuwi kana miss na miss ka na rin namin.Sige pupuntahan ka na lang namin mamaya sa inyo.Pupunta lang muna kami sa grocery nila mama may inuutos lang sya. Hello po,tito Nhel,tita Laine, Neiel." bati ni Richelle. Nagmano sila ni Anne sa mga magulang ko.Tumango lang ako sa kanila at ngumiti ng malapad.

" Richelle pakisabi sa mama at papa mo, nandito kami ng tito Nhel mo at makikipagkita kami sa kanila bago kami lumuwas. Ganon din sa mommy at daddy mo Anne." turan ni mommy na ang tinutukoy ay ang mga magulang ni Richelle na sina tito Pete at tita Rina, at mga magulang ni Anne na si tita Candy at tito Wil, mga kababata at matatalik na kaibigan  nila ni dad.

" Opo tita Laine, tiyak matutuwa sila mama kapag nalaman po nilang umuwi kayo.Sige po lalakad na kami, mamaya na tayo mag-kwentuhan Liyah." paalam nila at lumakad na.Pinaandar naman ni dad ang kotse.

Pagkatapat namin sa bahay nila lolo Phil ay tinawag namin sila para isama sa bahay nila lolo Franz, alam naman nilang uuwi kami kaya ready na sila ng tumapat kami sa harap ng bahay nila.

As usual pagdating namin sa bahay nila mommy ay magulo na naman kami. Ganon na ang nakagisnan ko kapag magkakasama kami, parang laging fiesta sa bahay,palaging maingay at maraming nakahandang pagkain.

Habang nagkwe-kwentuhan sila pagkatapos kumain ay sinimplehan ko na pumasok na sa room ko. Medyo masakit kasi ang puson ko.Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Bandang hapon na nung magising ako.Nagmeryenda ako tapos lumabas ako sa garden para hintayin si Anne at Richelle.

Nang dumating sila ay pinag-snack ko sila at pagkatapos ay masayang nag-kwentuhan ng mga nangyari sa nakaraang taon nung hindi ako nakauwi dito para magbakasyon. Halos isang oras lang sila sa amin dahil babalik pa raw ulit sila sa grocery para tumulong kay tita Rina. Marami kasing namimili kapag hapon. Nangako naman na babalik na lang sila kinabukasan para mag-bonding ulit kami at napagkasunduan namin na mamamasyal sa mall sa susunod na araw.

Pagkaalis nung dalawa ay naisipan kong magdilig ng halaman.Isang bagay na nakawilihan kong gawin kapag nandito ako.Ang gaganda kasi ng mga orchids at roses at mga ornamental plants na tanim ni lola Paz. May mga nakapulupot pa nga sa bakod na parang plastic na hindi ko alam ang tawag.

Sa sobrang pagkawili ko sa pagdidilig ay hindi ko namalayan na may dumaan pala na naka-bike sa harap.

" Aww shit!" namangha ako ng mag-cuss sya. Pero natulala naman ako dahil ang gwapo nya.

" Ay sorry kuya hindi ko namalayan na dumaan ka." hinihintay ko na magalit sya dahil nabasa ko sya pero sa halip ay iba ang nakita ko sa expression nya.Excitement? Amusement? Pero bakit? Kilala ko ba to?

" Ok lang sungit!"

Teka nga isa lang ang tumatawag sa akin ng ganon ah. Hindi kaya sya na si....

" Onemig?!"

"  Mismo! Wala ng iba sungit."

" Kaya naman pala nag-cuss ka kanina eh ikaw pala yang herodes ka!" hindi ko kasi sya nakilala,ang laki ng pinagbago ng itsura nya at pangangatawan.

" Paanong hindi eh nagulat ako. Tingnan mo nga ako,kulang na lang sa akin neto eh sabon." sabi niya habang pinapasadahan ng kamay nya yung damit nyang basa.

" O sya sorry na. Lumayas kana dyan sa harap ko at naaalibadbaran ako sayo." ikinumpas ko pa ang kamay ko bilang pantaboy sa kanya.

" Talaga lang ha? Kung makatitig ka nga sa akin kanina, wagas!" pang-aasar pa nya.

" Kapal mo ha!" tinalikuran ko na sya at nagmartsa nako papasok ng bahay.

" Sungit!" tawag nyang muli.

" Ewan! Wala akong pake!"

" Sungit may tagos ka sa short!" nanlaki ang mga mata ko at mabilis na kinapa ang likuran ko.

OMG!

Shocks! Lupa kainin mo na ako!

下一章