webnovel

One Step Closer

Laine's Point of View

HALOS dalawang buwan na naming kasama si Nhel. Yung unang mga linggo ay panay ang tawag sa kanya ni Marga lalo na nung malaman nito na wala na sya sa main office nila. Pilit inaalam nito kung nasaan sya pero wala itong napala mula sa kanya. Pero nitong mga nakakaraang linggo, medyo dumalang ang pangungulit ni Marga kay Nhel, alam namin na may binabalak na naman ito kaya bigla itong nanahimik.

Hindi na muna nakipag-usap si dad at papa Phil sa ama ni Marga tungkol sa nangyari sa akin. Ang gusto kasi ni papa Phil, hayaang mauna ang kampo ni Marga na maghain ng reklamo laban sa amin kapag nalaman nila na nagsasama na kami ni Nhel. Doon na namin ilalabas lahat ang totoo at idemanda si Marga sa ginawa nyang pananakit sa akin na naging dahilan ng pagkawala ng aking anak. Kumbaga ika nga, isang bagsakan na lang.

Lahat kami ay sumang-ayon sa panukala ni papa Phil at isinangguni  rin naman ni dad yun sa lawyer nya at pagkatapos ito na ang bahala sa kaso.

" Magandang gabi mahal kong asawa!" nagulat ako sa pagbati sa akin ni Nhel pagkapasok pa lang nya ng room namin. Hala bakit maaga yata sya ngayon?

" Andyan ka na pala,bakit hindi ko yata narinig yung tunog ng kotse mo sa garahe?" bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at sinalubong sya ng mahigpit na yakap.

" Hmm.ang sarap talagang umuwi pag ganito ang sasalubong sayo." niyakap din nya ako ng mahigpit at hinalikan sa ulo.

" Syempre naman. Bakit maaga ka yata ngayon,hindi tuloy kita nasalubong sa labas? muli kong tanong.

" May meeting kami sa main office kanina, hindi na ako pinabalik ni boss sa planta kaya maaga ako ngayon. Yung kotse naman hindi ko pa pinapasok sa garahe kasi gusto ko kayong i-date ni Aliyah ngayong gabi. Simula kasi nung mabuo tayo bilang isang pamilya, hindi pa tayo nakapag-bonding sa labas."

" Beh alam mo naman yung sitwasyon di ba? Umiiwas tayo na may makakita sa atin."

" Babe manonood lang tayo ng movie na gusto ni Aliyah, nag promise kasi ako sa kanya nung isang araw. Hayaan mo na kung may makakita man sa atin, mas mabuti nga yon para matapos na tayo sa problema natin kay Marga. "

" Sabagay tama ka, mas mabuti na nga yung malaman nya na para magawa na natin yung mga naisip nating hakbang laban sa kanya."

" Sasabihin ko na nga sana sa kanya na magkasama na tayo pag tumawag sya ulit kaya lang biglang nanahimik at yun ang delikado dun, alam kong may binabalak yun kaya nanahimik bigla."

" Hayaan na nga lang natin kung malaman ba nya agad o hindi, bakit nga ba pinapaliit natin ang mundo natin imbes na mamuhay tayo ng normal bilang isang pamilya. Nakahanda naman tayo sakali man na gumawa sya ng hakbang laban sa atin. Let's live a normal life instead, masyado ng maraming panahon ang nasayang sa atin dahil sa kanya."

" Kaya nga magbihis kana para hindi tayo masyadong gabihin.Yung anak natin kanina pa excited nang sabihin kong manonood tayo ng movie. Ngayon na natin sisimulan ang normal na buhay na sinasabi mo." nakangiti pa syang kinurot ako sa pisngi.

" Aw beh naman! Sige na magbibihis na ako. Ikaw ba hindi na magpapalit ng damit?" tanong ko, naka- uniform pa kasi sya.

" Pakikuha na lang ako sa closet, maliligo lang ako saglit." turan nya.

________________

" Daddy I want a new doll house. Can you buy me a new one and barbie dolls too?" ungot ni Aliyah sa ama ng lumabas na kami sa movie house.

" Later sweetie. Let's have our dinner first, then I'll buy you your doll house."

" And barbie too."

" And barbie too,of course."

" Hay nako, kayo talagang mag-ama nagkukulitan na naman. Baka kung ano-ano na naman ang bilhin ninyo." naiiling kong turan sa mag-ama ko.

" Okay lang babe gusto ko lang bumawi sa anak natin."

" Sige but don't spoil her too much. Ayokong masanay sa luho yan, tayo rin ang mahihirapan."

" Yes ma'am! "sumaludo pa sa akin ang gwapo kong asawa.Tawa naman ng tawa ang anak nya na kamukhang-kamukha nya.

" Heh! Kayo talagang dalawa. Tara kain na nga tayo, nagugutom na ako." pag aya ko sa kanila.

Sa favorite fast food ni Aliyah kami nag dinner. Hanggang sa pagkain ay nagkukulitan ang mag-ama.

Masaya kaming nag-uusap nang biglang manlaki ang mata ni Aliyah ng mapatingin sya sa labas ng fast food. Bigla itong tumayo at patakbong lumabas habang tinatawag ang dalawang tao na dumaan.

" Papa Anton, mama Lian!" malakas na tawag nya. Lumingon ang dalawa at gulat na gulat ng makita sya.

" Hey sweetie! What are you doing here? Who's with you?" tuwang-tuwa na kinarga ni Anton at niyakap ng mahigpit ang bata habang panay naman ang halik dito ni Lianna.

" I'm with my mommy and daddy. Come inside papa, mama. " untag nya sa dalawa.

" Oh my God! You two are together at last. Paano at kailan nangyari?" bungad agad ni Anton pagkakita sa amin ni Nhel. Si Lianna naman ay sabik na yumakap sa akin at humalik sa aking pisngi.

" Nung araw mismo na nagkagulo tayo sa mall, noon din kami nagkaayos ni Laine. Sorry nga pala sa inyong dalawa dun sa nagawa ko. Nagkamali ako ng akala, nasaktan pa tuloy kita Anton gayong ang dapat pala magpasalamat pa ako sayo. Salamat sa lahat ng ginawa nyo sa mag-ina ko at sana mapatawad nyo ako dun sa nagawa ko." seryosong wika ni Nhel sa dalawa.

" Wala na yun Nhel sa amin. Naintindihan ko ang pinanggagalingan mo. Ang mahalaga magkasama na kayo at buo na bilang isang pamilya. Kailan pa kayo nagsama at paano ang ginawa nyo kay Marga?" tanong ni Anton.

" Two months na kaming magkasama. Actually, hindi pa alam ni Marga na magkasama na kami, ang alam nya galit lang si Nhel sa kanya dahil nag-away sila kaya hindi umuuwi sa kanya. Ang totoo dun na sya sa bahay namin umuuwi kasama namin simula nung may mangyari sa akin." sagot ko.

" What do you mean na may nangyari sayo baby?"

" I had a miscarriage two months ago dahil sinaktan na naman ako ni Marga."

" What? Oh God,you mean wala na ang baby na naging dahilan kung bakit tayo napaagang nag-divorce?" namamanghang turan ni Anton.

" Oo Ton. Nang dahil sa baby, napabilis ang pagdi-divorce natin. Dahil sa baby nalaman na ng mga parents mo ang tungkol sa tunay na sitwasyon ng marriage natin na natanggap nila ng maayos at pati si Lianna tanggap na din nila. Nang dahil din sa baby kaya magkasama na kami ni Nhel ngayon. Kung iisipin ibinigay sya ng Diyos sa atin para maayos natin ang mga buhay natin. Nakakalungkot lang na nawala na sya pero alam ko may malaking dahilan din ang Diyos kung bakit." naluluhang wika ko.

" Yes baby, God knows what is good for us. We may not see His purpose now but I know He has a bigger plans ahead of us. Nawala man ang baby, may malaking bagay naman syang nagawa sa atin. Naging buo tayo pare-pareho. So cheer up, you have all the time in the world to make another beautiful babies.Right Nhel?" nakangiting turan nya na kay Nhel nakatingin.

" Oo naman pare. Ang sabi ko nga ihi lang ang pahinga nya pag pwede na." nakangisi pa ang damuho.

" Beh!" saway ko sabay nginuso ko si Aliyah. Walang preno ang bibig eh may bagets kaming kasama.

" Hahaha..don't worry baby, hindi pa naman naiintindihan ng bata yun.Anyway, mauna na kami may inuutos pa kasi si mommy sa amin. Punta kayo minsan sa bahay, nami-miss na si Aliyah ng mga lolo.Pasensya kana kung wala ako sa tabi mo nung mga panahon na nalulungkot ka sa pagkawala ng baby. Kakauwi lang kasi namin ni Lianna from Switzerland. Nangako pa naman ako na hindi ko kayo pababayaan kahit divorced na tayo buti na lang magkasama na ulit kayo. I'm happy to know that and if you need help, nandito lang ako besty, kami ni Lianna." madamdaming turan ni Anton.

" Thank you Ton, thanks for everything. Mahal ko kayong dalawa ni Lianna. Kailan ba ang church wedding nyo?" bigla kong tanong.

" Next year pa, kayo ang unang makakaalam,don't worry. O paano mauna na kami. Sweetie come here, give papa a big hug." untag ni Anton kay Aliyah.

Lumapit naman si Aliyah at mabilis na yumakap kay Anton ganun din kay Lianna na pinupog naman sya ng halik.

" I love you papa and mama Lian."

" Papa loves you too and mama Lian. Take good care of your mom okay?"

" Yes papa!"

" O paano Nhel, ikaw na ang bahala sa mag-ina ko." nakangising biro ni Anton kay Nhel.

" Oo naman. Maraming salamat sa lahat. Pasensya na ulit dun sa nangyari ha?"

" Wala na sabi yon. We're friends now at sana matapos na yang problema nyo kay Marga para maging masaya na ulit kayo." turan ni Anton sabay tapik sa balikat ni Nhel. Matapos makipag beso sa amin ay nagpaalam na sila at umalis.

Tulog na tulog na si Aliyah nung nakauwi na kami. Marahil ay sa sobrang pagod sa kaiikot sa toy store. Yung barbie at doll house na pinabili nya ay nadagdagan pa ng ibang laruan na pinagbigyan naman ng kanyang ama. Wala na akong nagawa, naiiling na lang ako sa kakulitan nilang mag-ama.

Naging masaya ang pinaka unang bonding naming mag-anak. Napansin ko na unti-unti na rin kaming nakaka-recover sa pagkawala ng baby namin.

Napabuntung-hininga ako ng maisip ko ang mga kinakaharap pa naming problema. Sana matapos na para tuluyan na kaming maging masaya.Malaya...

Napansin ni Nhel ang pagbuntung-hininga ko.

" Ang lalim nun ah! Don't worry babe everything will be fine. God is in control. We are one step closer to happiness."

We smiled at each other. Yeah he's right, there's nothing to worry about. There's God and we have each other.

Mahal namin ang isat-isa,walang pasubali yon. At mananatili ang pagmamahalan namin hanggat ang langit ay nasa ibabaw ng lupa.

下一章