webnovel

Girlfriend

Laine's Point of View

(Hello! Good afternoon,can I talk to Mr.Nielsen Mercado? )

( May I know who's on the line please? )

( Oh I'm his girlfriend. )

( Ay ma'am Marga kayo po pala,sorry po hindi ko po kayo nabosesan parang nag~iba kasi boses nyo.)

( Marga? Secretary ka ba nya? )

( Opo.Nakalimutan nyo na po ba? )

( Yes it's because I'm not Marga, I'm Laine Guererro,his girlfriend . )

( Po? paanong nangyari yon eh Marga po ang pakilala nya na girlfriend ni sir Nhel.)

( Where's Nhel? )

( Kausap po ni boss Cesar.Naku Ma'am sorry.Wag nyo po akong patanggal dito may kapatid po ako na pinag~aaral)

( Hey,hey why would I do that? )

( Eh kasi ma'am akala ko yung Marga ang girlfriend ni sir.Sino ho ba kasi yun bakit sabi nya girlfriend sya ni sir? )

( Itanong mo na lang sa sir mo.Madalas ba yung tumawag dito? )

( Opo ma'am kaya lang ni minsan hindi pa nya nakausap si sir.Nagtataka nga po ako dahil parang pinagtataguan sya ni sir, kung girlfriend sya bakit ganun? )

( Ok, what's your name? pakisabi kay sir mo nandito ako sa baba hihintayin ko sya.)

( Belle po ma'am.Sige po sasabihin ko kay sir paglabas nya.Pasensya ka na po kung madaldal ako ma'am.)

( It's ok.Thank you Belle.)

Haay nakaka~stress yung nalaman ko ah.Talaga pala na hindi tumitigil si Marga at girlfriend pa ang pakilala nya sa office na ito.Ano na lang ang iisipin ni ninong Cesar kay Nhel gayong alam nito na ako ang girlfriend.

Nagpasalamat ako sa guard sa lobby ng maibaba ko na ang phone.

" Maam si sir Nhel po ba hinihintay nyo? Kapatid nyo po ba sya? " tanong nung guard sa akin.

" Kapatid? Hindi po kuya,girlfriend nya po ako." pagtatama ko sa kanya.

" Po? Girlfriend nya po kayo?Wag po kayong magagalit ma'am ha? May nagpupunta kasi dito laging hinahanap si sir Nhel,Marga po ang pangalan,ang sabi nya girlfriend sya.Eh lagi namang hindi hinaharap ni sir Nhel.Kayo po pala ang talagang girlfriend. " pagbibigay impormasyon ng guard na talagang ikinagulat ko.Marga na naman?Bakit hindi sinasabi ni Nhel ang bagay na ito sa akin? Bakit parang naglilihim na sya sa akin ngayon?

Ngumiti lang ako kay manong guard at maya~maya lang ay nakita ko si Nhel na palabas na ng elevator. Nagpalinga~linga sya at ng mapadako ang mata nya sa visitor's lounge kung nasaan ako ay bigla syang ngumiti ng malapad.

Tipid ang ngiti na sinalubong ko sya at ng magkalapit kami ay humalik sya sa aking pisngi.

" Why are you here? Wala ka na bang pasok? " tanong nya.

" Bakit masama na bang dumalaw sayo ang totoo mong girlfriend beh? " napamaang sya sa sinabi ko at sa kakaibang tono ko.

Magsasalita na sana sya ng higitin ko na sya sa braso at dinala muli sa elevator.

Hindi ako kumikibo ng nasa loob na kami ng elevator.Tahimik lang din sya na para bang tinatantya ako.

Nang makarating na kami sa palapag nila ay dumiretso agad ako sa office ni ninong Cesar.Ramdam ko na nasa likuran ko sya, nakasunod sa akin.

Ngayon lang ako nakaramdam ng inis sa kanya.Hindi ko kasi alam kung bakit naglihim sya sa akin tungkol sa pagpunta~punta ni Marga dito sa office nila.Bakit kailangan na sa ibang tao ko pa malaman?

Daig pa ako.Ni hindi ko nga tinatawagan at pinupuntahan si Nhel dahil ayokong maka-istorbo.Ngayon lang, dahil nagtatampo na si ninong Cesar sa akin.

Pagbukas ng pinto ng office ni ninong ay agad syang napangiti ng makita ako.

" Oh baby,at last dinalaw mo rin si ninong.Magtatampo na sana ako kung hindi ka pa pumunta ngayon." agad syang tumayo at sinalubong ako ng yakap.

Kumalas ako at nagmano sa kanya.

" Sorry po ninong,sobrang busy lang talaga ako sa school ngayon.How's tita Elsie,by the way? "

" She's fine.Tuwang ~tuwa dun sa regalo mo last Christmas at dun sa padala ng mommy mo nung umuwi kayo nitong si Nhel dun."

" Okay po ninong. Tell tita that I will visit her one of this days. I'll cook her favorite kare~kare."

" Mabuti pa baby,miss na miss kana nun eh.Anyway,sinusundo mo ba si Nhel? "

" Sana po.Kaya lang mukhang may ibang sumusundo sa kanya nong." ngumiti ako ng mapakla.

" Babe?! "

Humalakhak naman si ninong.Akala nya nagbibiro lang ako pero deep inside naiinis talaga ako.

Nagpaalam na ako kay ninong pagkatapos ng ilang minutong kwentuhan at sumunod na rin si Nhel sa akin pagkatapos nyang magpaalam din kay ninong.

" Babe please wait for me,we need to talk."

I just nodded at inalalayan nya ako papunta sa table nya.

Pinakilala nya ako sa assistant nya na si Bryan at sa secretary nya na si Belle,na hindi inaalis ang tingin sa akin.Tingin na may paghanga ang nakikita ko sa mga mata nya.

Matamis akong ngumiti sa kanya para mawala yung pagkailang nya sa akin dahil dun sa pagkakamali nyang ako si Marga.

Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng opisina nya.Marami ang empleyado sa department nila,mahigit siguro sa dalawampu ang nandon.

Nakita ko ang table nya.Maayos ito at namangha ako dahil puro picture ko ang nakalagay dun.Kaya naman pala nakatingin sa akin ang mga empleyado nya pagpasok ko pa lang.Kahit paano nabawasan ang inis ko sa nasaksihan ko.

Pero naiinis pa rin ako!

Hindi kami nag~uusap habang hinihintay ko sya.Abala rin naman sya sa mga papeles sa harapan nya.

Nang biglang tumunog ang phone at nakita kong sumesenyas si Belle.

" Sir, Marga daw po,sa line 2. " sabi nya kay Nhel pero sa akin sya nakatingin.

" Pakisabi wala ako." sagot nya na walang ekspresyon at tinuon muli ang tingin sa mga papeles.

Nakita kong kinausap muli ni Belle ang nasa kabilang linya na parang nakikipagtalo pa sya.Siguro nangungulit si Marga.

Pabagsak akong nag~sigh na ikinalingon ni Nhel sa akin.Tumitig sya sa akin ng matiim at hindi naman ako umiwas ng tingin at nakipagtitigan din ako sa kanya.Alam namin na may nagbabanta na namang problema.

Si Marga na naman.

We both knew that we have to do something about it.

Pauwi na kami at hindi pa rin kami nagkikibuan.Pareho kaming may malalim na iniisip.

Nang bigla nyang ihinto ang sasakyan namin sa isang hindi pamilyar na lugar.

Nagtataka ko syang tinignan.

" Mag~uusap lang tayo." seryosong sambit nya.

" Where are we? " tanong ko.

" Bryan's place, wala pang gaanong tao dito, mas magandang dito tayo mag~usap kaysa sa bahay,nakakahiya dun sa dalawa."

I just nodded.Bumaba sya ng sasakyan at umikot para pagbuksan ako at inalalayang lumabas.

Luminga~linga ako.May mga bahay na pero mangilan~ngilan pa lang ang nakatira.Bago lang ang subdivision at magaganda ang mga disenyo ng bahay.

Nasa tapat kami ngayon ng isang 2 storey house na sa tantya ko ay may 3 bedrooms. Malawak ang bakuran at hindi magkakadikit ang bahay.

" Anong ginagawa natin dito? At kaninong bahay ito? " naguguluhang tanong ko.

" Mag~uusap nga lang.Alam ko galit ka kaya ayusin na natin dito bago tayo umuwi."

I sigh. Lumakad ako at umupo sa hood ng kotse.Sumunod naman sya at tumabi sa akin.

" Okay! Bakit hindi mo sinabi sa akin na ginugulo kana naman ni Marga? I thought we're in this together pero bakit parang nag~sosolo kana at sa iba ko pa nalaman."

He heaved a sigh.

" Babe sorry kung hindi ko na sinabi sayo.Ayoko kasi na ma~stress ka pa. Busy ka na nga sa school at sa pag~aasikaso sa akin at saka nagagawan ko naman ng paraan para maiwasan sya." paliwanag nya.

" Ok, what if hindi ako nagpunta kanina dun sa office nyo,eh di hanggang ngayon hindi nila alam na ako pala ang talagang girlfriend mo? "

" Alam nila na ikaw dahil punong~ puno ng pictures mo yung table ko." proud na sambit nya sabay yakap sa akin mula sa likuran.

" Eh bakit Marga ang alam ni Belle na girlfriend mo? Ganun din yung manong guard? "

" Nakakausap lang naman sya ni Belle sa phone at hindi nakikita. Hindi rin nya alam ang pangalan mo dahil kay Bryan lang ako nagkwe~kwento tungkol sayo then yung guard naman of course wala syang idea.Kaya nung magpakilala sya na girlfriend ko,naniwala naman si manong."paliwanag pa nya at hinarap na ako.Hinaplos nya ang mukha ko at pagkatapos niyakap uli  ako.

" Babe sorry na oh, wag ka na magalit."

" Hindi ako galit, pwede ba yun? Naiinis lang kasi naman ikaw hindi ka na nagsasabi sa akin."

" Sige hindi na mauulit.Umisip na lang ulit tayo ng paraan para hindi na uli ako guluhin ni Marga."

" Okay beh.Tara uwi na tayo may photo shoot pa tayo bukas."

" Oo nga pala, magkikita na naman kayo nung pa~cute na si Anton."

" Oy friends lang kami nun hindi tulad nyang si Marga,masyadong obsessed sayo."

" Tsk.Ang hirap talagang maging gwapo na hot pa."

" Naman! " at sabay na kaming tumatawa na akala mo walang pinag~dadaanang problema.

_________________

MABILIS na lumipas ang mga araw.Hindi ko na namalayan na natapos ko na pala ang ikatlong taon ko sa kolehiyo.Next sem ay mag~oojt na ako at graduating na sa aking kinuhang kurso.

Hindi na ako umuwi ng Sto.Cristo para magbakasyon dahil walang mag~aasikaso kay Nhel pag pumapasok sya ng trabaho.

So far naging maayos naman kami simula nung makagawa kami ng paraan kung paano makakaiwas kay Marga.

Nitong mga nagdaang araw ay busy naman si Nhel sa dami ng trabaho nya.May binubuksan silang bagong planta at duon sya madalas kaya nakakaiwas na sya ng husto kay Marga. Buti na lang talaga hindi pa nya natutuklasan kung saan kaming apartment nakatira kung hindi baka mapilitan na rin kami ni Nhel na lumipat at bumukod na ng tirahan kila Rina at Candy.

Two months na lang at seven'th anniversary na namin ni Nhel.Iniisip ko kung ano ba ang magandang gawin para i~celebrate ang araw na yon.Gusto ko sana maiba naman, yung hindi tulad ng mga nakakaraang taon na kakain lang kami, manonood ng sine o maggagala sa mall.Parang maganda siguro kung mag~ out of town kami kahit two days lang tutal may leave naman na sya sa trabaho.

Habang busy si Nhel sa trabaho nya, ako naman inaasikaso ko yung binabalak kong out of town namin ng lingid sa kaalaman nya.Buti na lang tumapat ng Friday yung anniversary namin kaya pwede kaming mag~out of town ng hindi na nya kailangang mag~leave, pwedeng sa gabi na kami umalis.

Two days bago ang anniv namin, naihanda ko na yung reservation sa hotel na tutuluyan namin, nakapagpa~booked na rin ako ng flight at nakapag~empake na rin ako ng hindi nalalaman ni Nhel.

Grabe naman si Marga, ang lakas ng loob na magpakilalang siya ang girlfriend ni Nhel. Mabuti na lang alert yung magkasintahang Nhel at Laine. Abangan po ang out of town trip na surprise ni Laine kay Nhel.

Thanks for reading!

AIGENMARIEcreators' thoughts
下一章