webnovel

Be reasonable and Sacrifice

Nhel's Point of View

" Babe, try to understand.Hindi pa naman ako pumapayag sa gusto ni ate." sabi ko kay Laine.

Kinausap ko sya at sinabi ko sa kanya yung offer ni ate sa akin.Mula kanina hindi sya kumikibo kaya hindi ko alam kung naiintindihan nya ako or kung ano ba ang saloobin nya.

She took a deep sigh then answer me in a very calm voice.

" I understand beh and it's for your own good so who am I to hinder?

Pumayag kana at wag mo akong intindihin.Excuse me bukas na lang ulit tayo mag- usap." sabi nya sabay martsa papasok sa room nya.

Naiwan akong naguguluhan sa kanya.

First time to na nag walk out sya ng ganon.Maybe I should give her space to think things over bukas na lang nga muna kami mag-usap.

Nagpaalam na ako kay tito Franz pagkatapos nya akong payuhan na sundin ang gusto ni ate dahil makabubuti iyon para sa akin at sya na daw ang bahalang magpaliwanag kay Laine.Nagpasalamat ako at nalulungkot na umuwi na.

Laine's Point of View

NAG-USAP kami ni Nhel kanina.Naintindihan ko naman ang gustong mangyari ng ate nya,maganda yon at ako rin naman ganon din ang gusto ko kapag ako na ang nag college.Kaya lang two years pa bago ako mag college at magkakasama kami sa Manila.Maraming pangarap si Nhel para sa aming dalawa at ramdam ko na gusto rin nya yung offer ni ate Merly para sa mga dreams namin kaya lang nagdadalawang isip sya dahil ayaw nyang magkahiwalay kami.

Hindi ko rin alam kung bakit ganon ang naging attitude ko kanina, bigla na lang akong nag walk out.Nalulungkot kasi ako at feeling ko tuloy iniisip na nya na hindi ko sya naiintindihan.

Nasa ganong sitwasyon ako ng may kumatok sa pinto ko.

Si daddy ang napagbuksan ko.

" Baby, can we talk?" bungad agad ni daddy.

" Sure dad." sagot ko habang inaalalayan sya papasok ng room ko.

" Nag-usap kami ni Nhel kanina and I understand what Merly wants for him.I think she's right and only wants the best for his brother.So, don't take it seriously anak.Alam ko hindi kayo nakapag-usap ng maayos ni Nhel.Don't you think na nahihirapan din siya sa sitwasyon? Ayaw ka nyang iwan and at the same time hindi rin nya pwedeng tanggihan ang ate nya.Be reasonable anak.If you love him, why not sacrifice? After all it's for both of you when the right time comes." mahabang paliwanag ni dad.

I sighed..." Dad, naiintindihan ko naman po.We both dream of a good life in the future and this one is a very good start.Siguro po nalulungkot lang ako dahil hindi na po ako sanay na wala si Nhel.Dun din naman ako magka-college di po ba? Kaya lang matagal pa yung 2 years dad kaya parang nakaramdam ako ng lungkot pero tama po kayo kailangan ng sacrifice sa isang relationship.I should talk to him para naman hindi na sya mahirapan." sabi ko.

" Okey, that's good baby.You have to do that first thing in the morning." sabi ni daddy.

Niyakap ko si daddy..." thanks dad, you're the best."

Kinabukasan maaga pa lang kumakatok na ako kila Nhel.Si tita Bining ang nagbukas.

" Tita good morning po.Si Nhel po?"

bungad ko agad.

" Naku anak, maaga sila lumuwas ng ate Merly nya para daw hindi sila ma- traffic." sabi ni tita.

Bigla akong nalungkot.." ganon po ba, sige po tita balik na lang po uli ako pag andyan na sya."

Palabas na ako ng bahay nila ng magsalita uli si tita.

" Laine, anak wag ka sanang magagalit kay Nhel kung pumayag sya sa gusto ng ate nya, wala naman kasi syang choice eh.Gusto nyang manatili dito para sayo pero kailangan naman sya ng ate nya.

Nakita ko kung gaano sya kalungkot kagabi nung manggaling sya sa inyo, hindi ka nya gustong iwan anak.Alam mo naman na higit syang mahihirapan kung hindi ka nya makikita pero iniisip din nya yung magandang oportunidad at isa pa konting tiis na lang at dun ka rin naman magkokolehiyo di ba?" mahabang paliwanag ni tita.

Niyakap ko na si tita Bining sa sobrang emosyon ko.

" Tita naiintindihan ko po.Pareho kayo ni daddy ng paliwanag at kaya po ako nandito para sabihin kay Nhel na handa akong magsakripisyo para sa mga pangarap nya.Ayoko pong umalis sya na hindi kami nagkakaintindihan.Mahal ko po ang anak nyo at susuportahan ko ang lahat ng desisyon nya." sabi ko.

" Salamat anak.Baka mamayang gabi o bukas nandito na yon, bumalik ka na lang ulit." si tita.

" Thanks po tita bukas na lang po ulit.

Sige po uwi nako." paalam ko.

Kinagabihan hindi ako makatulog.Iniisip ko kapag nandun na si Nhel.Nasa kolehiyo na sya at magiging busy na sya sigurado.Maraming magagandang babae dun at syempre sa gwapo ba naman nya hindi pwedeng walang ma-attract sa kanya.

Hindi ako selosang tao at may tiwala ako sa kanya kaya lang ang mga babae sa Manila ay mga aggressive at may pagka-liberated pa yung iba.Sa kanila ako walang tiwala.

Haay bebeh ko, ang hirap naman ng ganito pero para sayo handa akong magtiis.

下一章