KAKATAPOS lang gamutin ni Devorah ang hiwa sa noo ni Miguel nang dumating si Lexine sa loob ng clinic nila sa headquarters.
"Mag-iiwan ba ng peklat ito Doktora?" tanong ni Miguel.
Napangisi si Devorah, "Hindi naman masyadong malalim ang sugat mo kaya hindi mag-iiwan ng peklat."
"Okay, that's good to hear. Sayang naman ang gwapong mukha ko kapag nagka-peklat ako," biro ni Miguel.
Umikot ang mata ni Lexine sa narinig, "Sa lahat ng sundalo ikaw ang masyadong vain at conscious sa mukha," lumapit siya sa clinic bed kung saan nakaupo si Miguel.
"Thanks Dev for taking care of this naughty boy, siguradong malalagot ako kay General Benjamin at baka sabihin pa ay 'di ko inaalagaan ng maayos itong magaling niyang apo."
Natawa si Devorah at nalukot naman ang mukha ni Miguel, "Sige, maiwan ko muna kayo dito, if you need anything or you feel any pain just call me Migz," ani Devorah bago naglakad paalis.
Ngumiti si Miguel sa huli at nagpasalamat. Umupo naman si Lexine sa tabi ni Miguel, "Kamusta na ang pakiramdam mo?"
Mas lalong lumaki ang ngiti sa labi ni Miguel dahil natutuwa siyang nakikitang concern din pala sa kanya ang babae, "Maayos na kasi nandito ka na."
Napailing na lang at umirap sa hangin si Lexine dahil kahit kailan ay 'di na nawala ang kalandian nito sa katawan. Ilang sandali silang tahimik nang dahan-dahan hinawakan ni Miguel ang kamay niyang nakapatong sa kama. Napatingin si Lexine sa lalaki na seryoso ang mukha.
"Ikaw ang dapat kong tanungin, how are you feeling? I saw everything Lexine," mababasa sa mga mata ni Miguel ang pag-aalala.
Hindi kaagad sumagot si Lexine kaya nagpatuloy si Miguel, "That guy… Night, siya ba?"
Nagdilim ang mata ni Lexine nang marinig muli ang pangalan ng lalaki, "I don't want to talk about him."
Mas humigpit ang kapit ni Miguel sa kamay niya at hinawakan siya sa baba upang magtagpo ang kanilang mata, "I saw how dangerous he is. Don't tell me na makikipagkita ka talaga sa kanya?"
Binawi ni Lexine ang kamay niya at hinarap ang mata nito, "I need the athame."
"Why not Elijah or Eros? Bakit kaillangan ikaw pa? Baka kung anong mangyari sa'yo."
Napabuntonghinga si Lexine, "Look, Miguel. I can handle myself. This is already out of your mission. This doesn't concern you."
"It does," giit ni Miguel, "I told you everything about you concerns me," hinaplos ni Miguel ang magkabilang pisngi ni Lexine, "I care about you."
Natigilan si Lexine sa mga sinabi nito pero may mainit na kamay ang humaplos sa kanyang puso lalo na nababasa niya sa mga mata nito ang sincerity.
"I know that you don't want to talk about your past and I understand. Alam ko rin na wala akong alam kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa inyo ng ex mo. But there's one thing I'm sure," muling kinuha ni Miguel ang dalawang kamay ni Lexine at marahang pinisil ang mga iyon.
Tinitigan niya si Lexine diretso sa mga mata, "I like you Lexine, no… it's even more than that. Just give me a chance and I can prove to you how much I mean it."
"M-miguel…" di malaman ni Lexine kung ano ang dapat isagot sa binata. Tila naputol ang dila niya habang malakas ang kabog ng kanyang dibdib gawa ng mga mata nito na napaka-init sa kanyang pakiramdam.
"If you would just let me enter your heart, Lexine," dinikit ni Miguel ang bibig sa mga kamay ni Lexine at pareho itong hinalikan.
Lexine wished na sana ay magawa niyang tangapin ang feelings ni Miguel pero sa mga sandaling iyon ay nahihirapan pa siyang buksan ang sarili. At hindi niya din sigurado kung magagawa pa ba niyang muling magmahal gayong ang puso niya ay napupuno ng galit.
***
TAHIMIK naglakad si Lexine papasok sa loob ng private mausoleum. Puti ang pintura ng kabuuan nito na may kahoy na pinto. Sa loob matatagpuan ang nag-iisang marbled casket. Nilapag ni Lexine ang dalang bulaklak sa tabi ng lapida nito. Kung saan nakasulat ang pangalan ng taong pinakamamahal niya.
"Lolo…"
Parang kahapon lang kung kailan inilibing si Alejandro. Kaya't ang sakit at pighati sa dibdib ni Lexine ay sariwa pa, katulad ng malaki at malalim sa sugat sa puso niya. At nang muli silang magkita ni Night, tila asin ang lalaki na kiniskis sa sugat at nagbigay sa kanya nang mas matinding hapdi.
"Nakita ko siya ulit Lolo. Gusto kong maghiganti, gusto ko siyang saktan, pahirapan, at iparamdam sa kanya ang lahit ng kirot at pagdurusang pinagdaanan ko," sunud-sunud na pumatak ang mga luha ni Lexine.
"At tagal kong pinaghandaan ang araw na magkikita kami. Nagpalakas ako, nagsanay, naging mas matibay at malakas. Sinabi ko sa sarili ko na pag dumating ang panahon na maghaharap kami. Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang ginawa niya sa'yo. Pero bakit nang makita ko siya… bakit nasasaktan pa din ako? Bakit naninikip pa rin itong dibdib ko?"
Nanginginig ang buong mukha ni Lexine habang pinagmamasdan ang pangalan at litrato sa lapida. At sa tuwing nakikita niya ang mukha ni Alejandro muling bumabalik lahat ng galit niya at kinakain nito ang buong pagkatao niya.
"Hindi ako titigil hangga't hindi kita naipaghihiganti."
Nagkuyom ang dalawang palad ni Lexine at pinigilan ang mga luha. Kung kinakailangan araw-araw siyang pumunto sa puntod ng lolo niya gagawin niya. Dahil araw-araw niya din ipapaalala sa sarili ang mga kasalanang ginawa ni Night sa kanya at kahit kailan ay hindi niya ito patatawarin.
Eto na cupcakes, ihanda ang puso kasi roller coaster ulit na chapters! Alam niyo naman si Author bipolar! Hahahaha
Enjooooooy!
Pa-vote po ng powerstones hehe mwaaah