Maymay's POV
"Ewan ko ba. I think I found the right girl for me May." nakita kong naka smile si Edward habang lumalakad palayo saken.
Naiwan na ako ni Edward sa paglalakad, hindi ko alam kung bakit pero natigilan ako sa mga narinig ko.
He found the right girl? What does that mean? Parang may gumuhit sa parte ng puso ko. Ano yun?
Naguguluhan ako, bumalik ako sa katinuan ko ng mabangga ako ng nagmamadaling lalake.
"Ooopps! Sorry Miss!" napahawak ang lalake sa mga braso ko dahil muntik na akong matumba sa pagkabangga nya sa akin. Nakita ko na lang na napalingon si Edward at dali daling bumalik sa akin.
"Aww! Ang sakit nun brad! Wala ka bang mata?! Bulag kaba?!" nasabi ko ng bigla. Nagtataka ako bakit biglang galit na galit ako, kung tutuusin kasalanan ko kasi nasa gitna ako ng daanan. Natamaan nya kasi ang kanang balikat ko.
"Sorry Miss. Hindi kita napansin, medyo nagmamadali kasi ako." nagsusumamong sabi ng lalake. Matangkad sya, magandang lalake, bilugan ang mata, mala Angelina Jolie ang mga labi nya.
Hoy! Ano at pati labi nya ay nakikita ko.
Magkatinginan kami ng lalake ng may narinig akong pamilyar na boses at humawak sa tagiliran ko. Kaya napakislot ako.
"May are you okay? What happened?" nagaalala ang tono ng boses ni Edward.
"Nabangga kasi ako nitong si Pretty Boy, muntik na akong matumba." sumbong ko sa kanya. Nakita kong nahihiya ang binata, nakalimutan ko na din yung kakaibang na-feel ko at na-focus ako sa nasa harap ko.
Kinuha ni Edward ang mga braso ko sa lalake dahil medyo matagal na nga din naman nya akong hawak at hindi natinag sa pagdating ni Edward.
"Bro, next time watch where you're going okay?" pagsasabi nito sa lalake, pero hindi tiningnan ni Edward ang lalake, mas nagfocus sya saken at inaalam kung may masakit pa ba saken.
"Sorry ulit Miss, Bro." tinapik nya si Edward. "By the way I'm Donny Pangilinan." inextend nya ang right hand nya. Hindi ito pinansin ni Edward.
"Ummm, hi.." hinarap ko sya at kinuha ko ang kamay nya na ikinagulat ni Edward. "I'm Mary Dale Entrata, this is my Best Friend Edward John Barber."
"Dale, sorry ulit ha? Hindi ko talaga mean na mabangga kita" paulit ulit naman tong si.. Ah Donny..
"Don't mind me. Nagulat lang din kasi ako kaya napagtaasan kita ng boses, but I'm fine." para lang kumalma na, cute pa man din ang lolo mo.
"Wait.. What?! Ganun lang yun?!" sumingit na si bibo kid. "you almost fell May then okay lang?! Ang lakas nun for sure kasi matutumba kana." dama mo yung inis at concern ni Edward. But I don't have any choice. Ano? Ipapupulis ko sya? Tsss
"Dong, I'm good okay?", napahawak ako sa malambot nyang pisngi to asssure him na ayos lang ako.
Ang OA naman kasi netong BFF kong to. Kung sana hindi nya ako iniwan sa paglalakad edi hindi ako nabangga. Sura din diba?!
Wala ng nagawa si Edward, nagpaalam na din si Donny dahil nga nagmamadali ito. Nagtuloy kami sa paglalakad ng walang imikan til makarating kami sa bahay namin.
"You sure you're okay?" malambing ang boses ni Edward ng hawakan nya ang balikat ko.
"Yes, Dong. Okay ako. Thank you ha?" hinawakan ko yung kamay nya at pumasok na ako sa bahay namin at sya naman nagdiretso na sa kanila.
"Ma, dito na po ako." pinuntahan ko si mama na nasa kusina, parang nagluluto sya ng food namin for dinner.
"Uy, anak. Adito kana pala" nag kiss ako kay mama at umupo sa upuan ng dining table. "Dumating na pala ulit sina Heaven dito satin ah. Alam mo na ba?"
Kilala ni mama si Heaven kasi magkakalaro kami nung kabataan namin, akala ko nga sya yung magiging bestfriend ko dahil lagi kaming magkasama, magkalaro, but she left dahil need ng parents nya mag-hands on sa business nila.
"Yes ma, nakita namin sya kanina sa bookstore. Ang ganda nya parin. I mean lalo syang gumanda." hinahangaan ko talaga ang ganda ni Heaven, walang inggit o galit, kasi tunay na maganda sya, mabait pa.
"That's good atleast friends parin kayo. Ang alam ko nagtransfer na sya dito e. Sa school nyo din." sabi ni mama habang nagluluto
"Talaga ma?!" gulat kong nasabi na may halong excitement. Paano ba naman kasi bitin yung oras ng paguusap namin kanina. Tapos ngayon magkakasama na ulit kami. Excited talaga ako.
"I'm happy ma. Kasi namiss ko din talaga sya, almost 9 years din syang nawala pati contact namin wala din. Hay. Mabuti bumalik sya." napangiti ako pero ewan ko ba parang may part sa puso ko na parang ang bigat.
Siguro kaya ko nararamdamn yun dahil nagugutom na ako. Hind na kasi ako nakapagmeryenda dahil nagdiretso na kami sa bookstore tapos sa coffee shop naman hindi ako nakaorder kasi mas naenjoy ko makipagkwentuhan kay Heaven.
"Change your clothes na darling, and we'll have our dinner na. Past 7 na din." sinabi ni mama kaya sumunod naman ako.
Pagkatapos namin kumain umakyat na ako sa kwarto ko. Parang wala akong gana, I don't feel like doing anything. Huh?!
Naalala ko lang yung lalakeng nakabanggaan ko kanina, he seems nice and cute. Naisip ko din ang sinabi ni Kisses na I need inspiration for my piece to finish. Hay buhay! Mary Dale!
Nag-open ako ng laptop ko after magshower, around 9pm na din, nagcheck din ako ng notifs and messages ko sa FB. Nothing new, lahat ay mga may crush kay Edward. Ano ba ako tulay? Mapayat ako pero hindi ako tulay my Gosh!
Nag-scroll down ako ng mga friend request ko. Usually kasi mga babae lang sila na may crush kay edward kapag inaccept ko mag-stalk na at mangungulit na saken.
Bigla kong binalik ang screen sa nagiisang lalakeng nag FR saken.
Familiar yung mukha nya, cute sya, bilugan ang mata, mala- Angelina Jolie ang lips... Donny Pangilinan?!
"Oh Gosh! He added me on FB?!" napabulong ako sa sarili ko.
Kinurot ko ang pisngi ko, hindi ako nananaginip kasi sobra akong nasaktan. "Bakit nya ako in-add? Nagtataka lang ako. Hmmm."
Oo nga pala, nagpakilala nga pala ako kanina and wala naman sigurong masama kasi FB connects people. I-confirm ko nga.
**kinikilig**
"Hala Maymay! Magtigil ka nga!" para akong sira na sinaway ko ang sarili ko.
**Beep beep**
Waaah! Nag-message si Donny!!
"Hi Dale, it's me. Sorry ulit sa nangyari kanina ha? But I'm happy that I bumped in to you. I did not do it on purpose, nagmamadali lang talaga ako. Kasi may inihabol kasi akong requirements sa bagong school na papasukan ko.. Mag-start ako tom, late na nga ako ng one day. BTW, hope to see you again Dale. 😊😘"
This is the first time na may nagmessage saken sa FB na lalake at hindi about kay Edward. Aaminin ko medyo kinikilig ako. Kasi ba naman may Smiley na may kiss pa.
My inner self wants to shout! Gustong isigaw na 'I think I have found my inspiration'. Kinuha ko ang tools ko para sa painting. I was about to paint, I stopped.
"Anong klaseng inspiration sya kung sa FB lang kami magiinteract." nawalan ako ng pagasa. Nalungkot ako. Napahiga na lang ako sa kama ko. Hindi ko namanalayan nakatulog na pala ako.
****************
Please follow my story..
Please vote for this and feel free to leave comments..
Thank you and God bless