@International_Pen
((( SENA )))
Kumain kami ni Sean.
At napangiti na lamang siya sa akin.
Tahimik kaming kumakain… at nagsimula ito ng umalis na nga si Cecile.
Para kaming magkasintahan… na nagka-aminan pa lang na may nararamdaman sa isa't-isa. Abnuy na Sean.
Kaya lang may tumawag sa kanya…
At saka bago sagutin yung phone niya…
Nilagyan pa ako ng pagkain sa pingan ko.
"Eat more, Sweetheart."
Lumayo siya sa akin para sagutin yung tawag. Napabuntong hininga na lamang ako. Asawa ko Sena… taong abala sa mundo ng negosyo, lagi mo yan tatandaan. At buti na nga diba na abala siya…
((( SEAN )))
Nagulat ako na ang caller ay ang aking ama.
"What it is Mom?"
"Sean, clean this mess before your name damaged even more! Kawawa ang asawa mo nito!" galit na galit sa kabilang linya ang aking ama.
"What all about?!"
"Damn you Sean. How dare na pinatulan mo ang anak ni Sonia!"
"Ha-what?.."
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者