Anger can be an effective negotiating tool, but only as a calculated act, never as a reaction.
@International_Pen
((( LUIS )))
Tuluyan akong napaharap sa kanya. At bilang respeto napayuko ako…"Ako na din ang humihingi ng kapatawaran sa kapangahasan ng aking ama." At alam na niya ang ibig sabihin ko. Ngumisi na lamang ito.
"Parang napakaganda ang taon na darating kung sa taon na ito, sisimulan na nating humingi ng kapatawaran. Wag mo na yun isipin. Masaya na akong bumalik na sa akin ang asawa ko."
"Maraming salamat po."
Saka lumapit na nga ako sa tatlo… na nagkakagulo dahil sa mga butuin na nakikita sa kalangitan. Inilapag ko sa kahoy na mesa yung Barbecue… at kanya kanya kuha sila… di nga lang si Sena.
"Iniihaw pa lang yung Mais."
At mahina niyang sinuntok sa balikat si Sean. " Barbecue kasi inuna. Nakakainis naman. Tsk."
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者