webnovel

Chapter 464 Good Thing I have My Brother

@ International_Pen

((( SENA )))

"Alam mo Amasona kong kapatid, kung maaga mo sanang sinabi eh, di nanghiram na ako ng bistida sa kapit bahay. Maiingit sila dahil may gwapo ka nang Tatay may maganda ka pang Nanay. Wag ka mag-alala, pupunta tayo ulit doon pagkatapos kumain. Nakalimutan moa tang lagi kang reresbakan ni Kuya. Sus. Wala silang binatbat sa akin."

Mapapangiti ka na lang talaga kay Kuya, wala kang reklamo na maririnig sa kanya dahil… siya itong panganay, at iniwan ako ng mga magulang ko… bilang responsibilidad na aakayin ni Kuya. Ngayon… heto na naman ba?

Narinig kong sumisipol si Kuya. May binabali siyang sanga sa tabi ko. Mahaba ang pasensya niya na naghihintay sa sasabihin ko.

"Kuya…" yun na lamang ang nabangit ko ng medyo inangat ko ang aking paningi.

"Sus, iyak mo lang yan. Apihin mo lang sarili mo. Sige ka."

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者

下一章