webnovel

Chapter 393 Will you sign the contract Miss Janine?

@International_Pen

((( JANINE )))

Nang makalapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko.

" Protektion ang maibibigay mo sa iyong mahal na mag-ama at kaligtasan mo rin."

Pinisil pisil niya ang aking kamay at hinalikan ito, kapalit ng luhang pumatak sa sahig.

" Wala kang kawala diba Janine. Huling pagkakataon ko na itong makita kong umiiyak. Bibigyan kita ng sapat na oras para magpaalam. Dahil alam ko mahirap gawin ang gusto ko, yan, katangap tangap na siguro ang binibigay kong oras. Gawin mo ang nararapat Miss Janine. "

Saka niya binitiwan kamay ko… at siya ang tumungo sa pinto. Bago ito tuluyang umalis… inutusan pa nito ang mga Doktor para ipaliwanag sa akin ang sakit ko… na matagal ko na ngang inililihim sa aking asawa. Naiwan ang batang secretarya niya, wala na akong salitang nailabas sa aking bibig. Kundi tango…

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者

下一章