Halos di ako makilala ni Sir Josh, grabe daw yung effort ko para sa party na ito. Yun naman pala,
Projector Assistant lang ako… Ano ba yan. Ganda ganda nga, pero projector ASSISTANT LANG!
"Sundan mo lang Sena yung schedule sa Invitation, may mga notes na din naman akong inilagay kung ano yung Ipapakita mo Okey."
Saka umupo ako dun sa harapan ng laptop kasama yung mga IT na Operator ng mga Visual Effects.
Haist
Sout ng Headset para sa signal ni Sir Josh. Sayang naman ng ayos ng buhok ko. Hmph. Sabagay empleyado lang ako.
Madaming nagsidatingan, yung ilan mga foreigner na mga business tycoon din. Yung ilan naman governments, at yung ilan, sa mga entertainment industry na andun yung mga Artista na gusto ko hingan ng Autograph. Hay naku, di ito concert, normal na pang leisure time lang to ng mga mayayaman. At mahalaga dito na di sila istorbohin sa social life nila.
Dumating na si Boss Luis… haist sayang naman.
Maraming nakikamay sa kanya, grabe ang swabe ng kagwapuhan niya. Di mo aakalain na siya yung lalaki na may mga akay-akay na bata sa bahay ampunan. Ang ngiti niya na kinakapraning ko… Ahahaha.
Sena, taken na siya ni Rhen, kung iisipin wala ka sa kuko nun. Saka walang wala ka talaga, yun ang katotohanan.
Napasinghap na lang ako at inalis ko ang titig sa lalaking yun. Nakita ko na din naman si Rhen na papalapit ito sa kanya. Nagseselos ako, pero ano magagawa ko. TAKEN na NGA!
May dumaan na waiter, kumuha ako ng isa dun, di ko alam kung may alcohol ba ang nakuha ko o wala… haist… juice or wine… Bahala na, ingit na ingit na ako… at sobrang wala naman magagawa.
Magpakalasing kaya ako. Ahahaha. Tanga ka Sena, ikaw pa ang sisira sa Party na ito.
"Sena!" napalingon ako.
"Rymalene?"
"Ako nga! Ang sosyal natin ah. Talbog mo pa ako." Palapit niya sa akin. "Kanina pa kitang tinitignan… at sabi ko familiar ang mukha mo…"
"Ikaw nga!" at napayakap ako sa kanya.
Siya naman ang Rich Kid ng School namin noon sa Elementary. At wala na akong balita sa kanya after nung graduation namin. Ahahaha, siya naman ang bank Manager ko. Nyahahaha, hinihiraman ko ng pera kung kailangan mag-paxerox ng module. Di ko alam kung bakit Rich Kid ang tawag namin noon, siguro di lang siya pinababaunan ng parents niya ng pera, at halos Biscuits at pagkain ang dala niya na walang sawa na hinahatiran at alaga ng kanyang matandang Yaya. Tapos ang ginagawa niya, benebenta niya ng Piso yung baon niyang Biscuit na halata namang hindi ganun ang halaga nun. Sus kung magnenegosyo to, mababanckrupt kaagad to.
Pero ngayon tignan mo, ganun parin siya, paghahalataan na Rich Kid, pero napaka simple niya.
"Saan ka na ba ngayon!" usisa niya na ang titig sakin… mula paa hangang ulo.
"Dito…" sabay turo ko ng headset at laptop.
"Ayon Parents ko!"
Napalingon din ako. Matatanda na din.
"At ayon din ang fiancei ko…"
Turo niya sa isang lalaki na nakasalamin.
"Gwapo no?" Napatango na lang ako… halata naman na di siya masaya.
"Bakit Rymalene?."
"Hay naku, bes… ikakasal na ako."
"Ha?! Eh ba't ang lungkot mo?!"
Napalunok laway siya.
"Arrange Marriage ang mangyayari eh. Haha, pero okey lang gwapo naman diba, marami kaming cute na babies kapag nagkataon?"
Napalingon sa amin yung lalaki na sinasabi ni Rymalene. Hmmm…
Gwapo nga, pero mahal niya ba?
Namalayan ko na lang umalis na siya sa tabi ko, wala man lang paalam. Naku.
Arrange Marriage, kaloka, parang Scratch Sweepstake lang ang peg, yung tipong kikiskisin mo yung papel na yun, at bahala na kung Manalo ka o hindi. Sana maging masaya nga sila.
Haist. Kung uso man ang Arrange Marriage na yan sa akin, eh kung gwapo nga din naman ang mapapangasawa ko… DEAL na ako. Ahahaha… at sana si Luis na lang yun O kamukha ni Luis.
Nagkagulo bigla, lalo na yung mga Media na may kanya kanya nang posisyon ayun nagulo ulit. Kanya-kanya kuha ng litrato, sa daming Artista na dumating, aba ito lang ang pinag kaguluhan.
Sino kaya to…