webnovel

Kabanata Pito

Nang magising si Tzu En ay saka lang pinasok ang bagong mattress. Doon siya matutulog mamayang gabi para sure na komportable siya. Nakakahiya naman kung 'di siya accommodated dito.

"What about those two men, Ma?" I asked ma ma, referring to Tzu En's bodyguards.

"They'll also sleep here, sweety. Pero doon na sa kabilang kuwarto. Nilinis ko na 'yon."

Oh? Nagulat ako sa sinabi niya. Siya na ang nag-asikaso lahat. 'Di niya pa rin pinabayaan kahit 'yong dalawang tauhan ni Tzu En.

"Thank you, Ma." I said and hugged her. Niyakap naman niya ako pabalik saka hinalikan ang buhok ko.

"Anything for you, sweety. Are you happy?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. I grinned and smiled at her.

"Yes, Ma. Thank you so much."

Nang hapong iyon ay kumain kami ng merienda. Tzu En seemingly enjoyed the moment. Wala naman akong narinig na reklamo mula sa kanya. Pero kung tutuusin, 'di talaga siya mareklamo. He gave whatever he has. He considered little things. And yes, he's just too good to be true. He's a nice guy and I wish he won't change.

"Wanna try to swim?" Aya ko kay Tzu En. Pero tinignan niya lang ako na parang naninimbang. "It's fine! The waves are low."

"Okay," he nodded and I smiled at him.

"Let's go?" I held his hand. Hinatak ko na siya the moment he nodded in approval.

'Di kami nagpakalayo dahil pareho kaming 'di marunong lumangoy. Marunong naman ako pero dahil si Tzu En ang kasama ko, 'di ko kayang pagkatiwalaan ang sarili ko. Kailangan kong mag-ingat.

"Hey!" Reklamo ni Philia. "Sali ako!"

Tumakbo siya papunta sa amin. Humagikhik naman ako while Tzu En was watching me. I smiled at him kaya pumula ang pisngi niya.

Mabuti at 'di na mainit. Papalubog na ang araw, actually. Maganda na ang kulay ng skyline.

"Let's watch sunset," sabi ko kay Tzu En. Tahimik naman siyang tumango.

Umahon na kami. Binigyan kami ng tuwalya ng tauhan ni Tzu En. Kanya ay kulay blue while I have pink. Pink is beautiful. It makes me look more feminine.

"Isn't it beautiful?" I asked Tzu En, mesmerized by the sunset. Nag-aagawan ng teritoryo ang kulay kahel, pula, blue at puti. Ang araw ay dilaw na dilaw at bilog na bilog. Sobrang ganda niya tignan.

"You're more beautiful, Lian Wan." He said, making me turn to him. Nadatnan ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Ang bilis niyang mangamatis.

"I know," pagmamayabang ko but I ended up laughing. Ngumiti naman siya. "What can you say about Romblon?"

I looked down. Pinaglaruan ko ang puting buhangin. Ang lambot nito sa paa. Kapag nababasa 'to, madali kang lumubog. Para siyang slime sa pakiramdam.

"Now I understand why you love Romblon." He said. Nag-angat kaagad ako ng tingin sa kanya na ngayo'y nakangiti sa akin. "It's beautiful here. Peaceful and relaxing. Unlike in China, we follow rules of our families. Here, it's where we can be who we want to be. We are what we really are."

I smiled in awe. Masaya akong naintindihan na niya ako. Ibang iba ang China sa Pinas. Doon kasi, marami kaming sinusunod lalo na sa batas ng pamilya namin. Dito, masarap tumira sa Romblon dahil malaya kami.

"I am blessed, Tzu En." I said in awe. "I am surrounded with people who love me, who treasure me. That's why I am doing my best to make them proud of me. I love them, too. They make me who I am now."

He tucked the loose strands of my hair behind my ear. Umusog siya saka ako hinalikan sa pisngi. Uminit naman ang mukha ko.

"We are always proud of you, Lian Wan. And I am also thankful I met you... that you're part of my life. I treasure you so much."

I just smiled genuinely at him. That's all I can do. Nagpapasalamat din ako dahil nakilala ko siya at parte siya ng buhay ko. Sa tanang buhay ko sa China, siya lang 'yong nakakaintindi sa 'kin bukod kay ma ma. Siya rin ay kakampi ko.

Nang lumubog na ang araw ay napagdesisyonan na namin ni Tzu En na bumalik sa bahay. Lumalamig na ang hangin at medyo malamok na. Baka magkasakit pa siya kapag nakagat ng insekto.

We took a bath and changed to our nightwears. Ako ay long sleeve dress na sleeping beauty and disenyo while Tzu En had his panda sleeping clothes. He looked so cute. Bagay sa kanya ang panda. Paborito niya 'yon. Minsan naman We Bare Bears na disenyo.

"Hinahanap ka ni Lolo Pablo, Solaire." Anunsyo ni Philia na kapapasok lang sa loob ng bahay.

"What did you tell him?" I asked. I forgot to visit Lolo Pablo. Siyempre inuna ko si Tzu En.

"I told him na baka bukas ka na makakabisita kasi busy ka pa ngayon."

"Okay," tanging sabi ko. I turned to Tzu En na ngayo'y tahimik lang na nanonood sa 'kin. "Are you hungry?"

"Hi, Tzu En!" Bati ni Philia, parang close lang kay Tzu En.

Tumabi si Philia kay Tzu En. Umusog naman nang kaonti ang kaibigan ko. Napuna 'yon ng pinsan ko pero binalewala niya lang.

"You should have your school here, Tzu En. It's nice to live here, right?" Philia grinned. Ramdam kong 'di komportable si Tzu En sa kanya. "Oh, I'm Philia. In case you forgot. I'm Solaire's second cousin. What about you?"

'Di sumagot si Tzu En bagkus tumingin siya sa 'kin. Nginitian ko siya para masabing ayos lang. I want him to feel comfortable with Philia. Baka maging magkaibigan pa sila.

"Tzu En," tipid na sagot ng lalaki. "Romblon is nice."

"Of course!" Philia bragged. Natawa ako roon. Umiling nalang ako at umalis sa harap nila. Baka mamaya ay magkaibigan na sila.

Lumabas muna ako ng bahay. Ang malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin. I feel like I'm dreaming. Pero totoong nandirito ako ngayon sa Romblon.

"Solaire?" Isang pamilyar na boses ang tumawag sa 'kin. Hinanap ko kung saan 'yon pero kusa siyang nagpakita sa 'kin.

"Kuya Gilau!" I snapped my eyes wide open nang nakita ko si Kuya Gilau. His caramel brown eyes glistened as he was grinning. Tumakbo ako papunta sa kanya. Sinalubong naman niya ako ng yakap. He hoisted me up and kissed my forehead.

"We miss you here, Solaire." He said and I giggled.

"Si Papa kasi 'di ako pinayagang umuwi. But thanks to Tzu En, I was able to fly back here."

"Tzu En?" He mouthed. Maingat niya akong binaba sa lupa. Ang kanyang bushy brows ay magkasalubong.

"My friend, Kuya Gilau." Untag ako.

"Ah," tumango siya. "Anyway, Lolo Pablo's been looking for you. Sabi ni Philia, baka bukas ka na makakapunta sa 'min."

"Yes, Kuya Gilau. Naligo kasi kami ni Tzu En kanina sa dagat kaya nakalimutan kong puntahan si Lolo Pablo."

Kuya Gilau smiled and tucked my curly hair behind my back.

"It's fine, Sol. It's good to see you again. I missed you so much. Akala ko 'di ka na uuwi rito."

"I missed you too, Kuya Gilau. I'll try next summer na makakauwi ulit dito."

"Talaga?"

"Yes, Kuya Gilau. I promise." Nagtaas ako ng palad, senyales na nangangako. Tumawa naman siya kaya natawa rin ako.

Ang laki ng pinagbago ni Kuya Gilau. He's probably 21 years old now. Ako ay 11 pa lang. Ang laki ng agwat ng edad namin but it didn't hinder us from being friends. And I am so blessed dahil tinuturing niya akong nakababatang kapatid.

Nagpaalam na si Kuya Gilau. Uuwi na umano siya para makapagpahinga na. Pagod daw siya dahil sa trabaho. Ang sipag talaga ni Kuya Gilau. Parang gusto kong ganoon din ang taong magugustuhan ko. Gusto ko masipag, maalaga at mapagmahal. Gusto ko rin 'yong mahal na mahal ang pamilya.

Kinabukasan ay pinakilala ko si Tzu En kina Lolo Pablo, Kuya Saturnine at Kuya Gilau. Masaya silang nakilala ang kaibigan ko at nagpapasalamat dahil inaalagaan umano ako nang maayos ni Tzu En. 'Di nakapagsalita si Tzu En pero namumula ang kanyang pisngi. Halatang 'di siya sanay sa ibang tao.

Sunod noon ay pumunta kami sa pagawaan nila Kuya Gilau. I was excited dahil muli kong mahawakan ang mga tools na meron sila rito. Maging si Tzu En ay tinuruan namin. Madali siyang natuto. Ang talino niya talaga.

Nag-draw ako ng dahon sa isang mahogany. Pinakita ko 'yon kay Kuya Gilau at siya na ang umukit. Pinanood ko ang bawat galaw ng kanyang kamay. Palipat lipat siya ng hawak, so bale parehong kamay ang ginagamit niya. At mukha talagang bihasa siya sa ganoong larangan. Kahit anong klase ng chisel ay kaya niyang gamitin.

"Wow, Kuya Gilau!" Bulalas ko nang matapos niyang ukitin ang ginawa kong malaking dahon. Maganda ito at malinis ang pagkakagawa. Sa tuwa ko'y pinakita ko 'yon kay Tzu En. "You see, Tzu En? Someday, I'll be good in this."

Kapag nasa tamang edad na ako at kaya ko ng pagkatiwalaan ang sariling gumamit ng mga tools, ako na mismo ang uukit. Pag-aaralan ko 'to nang mabuti. I want to be proud of myself.

"That's too dangerous, Lian Wan." Komento ni Tzu En. Base sa kanyang mukha na magkasalubong ang kilay, 'di niya gusto ang pag-uukit.

"No, Tzu En. It's fine. But I won't do it at this moment. I mean, maybe if I'll turn to 18." I wiggled my brows at him.

Nang pumatak ang alas dose ay nagyaya si Kuya Gilau ng tanghalian. Ang ulam namin ay pritong isda at may sawsawan na toyo na may sili. Kuminang ang mata ko nang makita iyon.

"You should try this fried fish, Tzu En. Then dip it to the toyo."

"What toyo?" He curiously asked. Tinuro ko ang toyo na tinutukoy ko.

"Soy sauce with chili."

"Okay," he shrugged. Ginawa niya ang sinabi ko. Pinanood ko naman ang bawat reaksyon sa kanyang mukha. Mukha namang nasarapan dahil tumango tango. "It tastes good."

"I told you," I wiggled my brows at him.

Nang matapos ang tanghalian ay dumating ang isang morenang babae. Nakastrappy top siya na kulay pula, maiksing maong short at tsinelas na green. Masasabi kong sexy siya. Straight ang pinaghalong brown at itim na buhok. Matangkad at may nangungusap na mga mata.

"Si Gillaume ba nandito?" She asked. Her voice is so soft.

"Uh, who are you?" I asked back. Si Kuya Gilau ba ang tinutukoy niya?

The woman around her early twenties smiled at me.

"I'm Marianne, Gillaume's girlfriend. And you?"

'Di ako nakasagot. Natameme ako sa narinig ko. Girlfriend siya ni Kuya Gilau? May girlfriend na pala siya?

"Gillaume isn't here, Lady Marianne." Si Tzu En ang sumagot. Pareha kami ni Ate Marianne na nabigla kay Tzu En.

"Oh, hello there, little boy. You're so cute." She pinched Tzu En's cheek.

I can't hate Ate Marianne. Wala naman siyang ginawang masama. She's too nice to be hated for nothing. Isa pa, girlfriend siya ni Kuya Gilau.

"Babe!" Isang boses ang gumimbal sa amin. Hinanap ko kaagad saan galing 'yon at nakita si Kuya Gilau na preskong presko sa puti niyang sando, green jersey short at tsinelas.

"Babe," bati ni Ate Marianne at humalik sa labi ni Kuya Gilau. Kaagad akong nag-iwas ng tingin. "Sorry pumunta na ako rito. Sino 'yan sila, babe?"

Nakatungo lang ako. Hinihintay ko ang sagot ni Kuya Gilau.

"Ah, sila Tzu En at Solaire." Si Kuya Gilau. "Solaire is Philia's second cousin. Si Tzu En naman ay kaibigan ni Solaire."

"Ang cute nila, babe. Mga instik?"

Nag-angat ako ng tingin kay Kuya Gilau. Ang malalim niyang mata ang sumalubong sa 'kin. Ngumuso ako at nagbaba ulit ng tingin.

"Yes, babe. Tuwing summer nandito si Solaire. Si Tzu En naman, ngayon lang. Baka sinamahan ang kaibigan niya."

"Ah, akala ko magkamag-anak. Halos magkamukha na sila." Ate Marianne chuckled.

"Let's go, Lian Wan." Tzu En held my hand and grabbed me out. Nagpadala nalang ako sa paghila niya.

Kinakabahan ako at nasasaktan at the same time. Nagseselos ako kay Ate Marianne. 'Di ko alam na may girlfriend na pala si Kuya Gilau. Paano na ako? Baka 'di na niya ako tuturuan sa carving kasi may girlfriend siya. Kailangan niyang unahin 'yon.

"Wait, Tzu En," sabi ko at huminto sa pagtakbo. Huminto rin siya at humarap sa akin. Nagtataka ang kanyang mukha. "This is not the way back to the house."

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Maraming nagtatayugang punong kahoy. Kita pa mula rito ang pagawaan pero 'di 'to ang daan pauwi sa bahay.

"Sorry," he said, almost in a whisper. Ngumiti naman ako.

"It's fine, Tzu En. Let's just go back." I smiled and held his hand. Tumango naman siya. 'Di nagtagal ay nagsimula na kaming maglakad.

"You know that girl?" He suddenly asked. Nalapagsan na namin ang pagawaan. 'Di na kami magkahawak ng kamay dahil mahirap maglakad kapag ganoon kami.

"Nope," umiling ako. "But maybe she's Kuya Gilau's girlfriend. Did you see them kissing?"

"It's a peck kiss but I also consider it as lingering lip kiss."

Napakurap-kurap ako sa sagot niya. Napansin niya rin siguro ang reaksyon ko kaya pumula na naman ang mukha niya.

"How do you know about kiss? Did you read any books about it?"

"N-No," he stuttered, looking so adorable. "M-My Papa t-taught me... about k-kiss."

Tinaasan ko siya ng kilay. Si Mr. Huang tinuturuan si Tzu En about types of kiss? Hmm.

"Okay," I smiled, revealing my teeth. "Let's go!" Hinawakan ko ulit ang kamay niya saka tumakbo kami.

下一章