webnovel

ELEVATOR

HTG's|Note : UD na !!! HAHAHAHA ! Mga experience to ni pinsan ko . Uo ! Ghost buster sha eh ! HAHAHAHAHAH !

Enjoy reading ...

----

ELEVATOR

" CALL CENTER BUTTERFLY " ang tawag nila sa akin. Hindi kasi ako ma perme sa isang call center. Hindi ko usually inaabot ang regularization, lumilipat agad ako sa iba after a few weeks on the floor. Ewan ko? Siguro, that is how i was wired.

It works for me. Kung pwede nga lang mag kulong ako sa kwarto at mag DVD marathon o kaya mag soundtrip, yon ang gagawin ko mag hapon.

But, sometimes it bothers me. Hindi ko ito nababanggit sa iba. Pero, im a ghost magnet ata. Most of the time graveyard ship ako so, kapag lumalabas ako ng bahay mga past 6 na.

Madilim na don sa nilalakaran ko na pa baba ng call center na pinapasukan ko. Maraming beses na kasing nangyari na may nakakasalubong ako sa pag lalakad -- weird -- nakatitig sa akin na para bang nanlilisik ang mata. Tapos, kapag pinilit kong i spot ang nilalakaran nila, nakalutang ang mga paa nila sa lupa.

Alam ata nilang nakikita ko sila. Mga kaluluwang gumagala na ayaw talagang mag paabala. Nagagalit sila kapag sinusundan sila ng tingin. Naalala ko minsan noong bata pa ako, nag lalaro ako sa bangketa tapos may dumaang karo ng patay.

Dun sa mga pamilyang naka buntot sa karo. May nakita akong maputlang lalaki naka pamburol at nakatitig sa akin. Hindi na naalis yon sa isip ko. Dun sa isang call center na pinapasukan ko, sabi nila may bata daw nag lalaro sa may training rooms sa 2nd floor. Madalas hinahampas nya yong swivel chair.

Yung cr sa dulo, wala ng gumagamit dahil madalas sya doong nag paparamdam. Akala ko may laman yong isang cubicle kasi may naririnig akong kaloskos wala naman pala. Minsan nga nag cr ako dun mag-isa. Habang nag huhugas ako ng kamay, biglang namatay yong ilaw. Tapos, sa gilid ng mga mata ko para bang may nakita akong payat na naka blue uniform sa tapat ng ihian. Nakalutang ang paa nya mga 2 feet mula sa sahig.

Baka, iyon yong multo na namatay sa elevator. May isang utility man daw kasing nag kumpuni ng sirang elevator tas nag short circuit yong mga kable. Nabagsakan sya ng elevator kaya ayon, patay agad.

Minsan nga nag rounds yong gwardya, binuksan nya yong traning room 3. May nakita daw syang tao nakaharap sa computer. Akala nya agent, pag sasabihan daw nya sana. Kasi, bawal mag stay sa training room kahit before mag start ang class. Kaso, nakatalikod ito sa kanya kaya tinawag nya hindi ito sumagot. Pag bukas nya ng ilaw, wala syang nakitang tao.

Sa workforce naman namin, may area na sobrang lamig kahit naka patay yong aircon. Isang araw nung kinausap ko yong ka batch ko sa dun bigla na lang tumilapon yong Avaya, yung phone na ginagamit namin sa calls. Nag taka sila, minsan kasi kusa na lang umiikot yong upuan ng 360 degrees.

Sa takot nila nag takbuhan daw silang lahat. " baka, poltergeist yong multo! " sabi ng ka batch ko. Hindi ko na lang binanggit na nakita ko yong bata sa salamin ng window. Tumakbo sya at nag tago sa ilalim ng computer station na parang nag lalaro.

Parang nasanay na ako sa manefestations. Atleast, hindi pa ako nakakita ng multo na sabot ang bungo o putol ang kamay yong tipong naaksedente. Hanggang sa mag work ako sa isang kompanya somewhere in in Origas.

Sabado, kaya kunti lang ang agents na may work saka, rest day ng nag oopisina. Mga 8 pm yon kaya si manong na lang ang naabutan ko. Sa 36th floor ang work station namin. Bago ko i-swipe yong i.d. ko bigla akong kinilabutan. Sabi ko baka, malamig lang kasi, malakas ang ulan sa labas. Nag good evening si manong.

" pauwi na po kayo maam? " usisa nya tumango lang ako at shaka binusisi ang bag ko.

Tapos, kinuha ko yong payong ko doon sa lagayan sa tabi ng door. Hanggang sa tapat ng elevator. 36th floor ay parang aburido ako pinindot ko yong down button. Binilang ko sa isip ko yong changing numbers sa taas. Nag ding ang elavator at bumukas ang pinto.

Walang tao. Nakita ko ang reflection ko sa salamin. Nilingon ko si manong tas nag wave sya sa akin. Pumasok ako sa elavator at pinindot ko yong G para bumaba sa ground floor.

Kulob yong katahimikan. Binilang ko uli yong numbers. Nang biglang nag stop yong elavator. Nag stop sa 31st floor, bumukas yong door. Walang tao. Nung mag sasara na yong door, biglang may lumapit na matandang babae. May kasunod syang bata. Pinindot ko yong button para bumukas ulit ang pintuan.

" salamat ineng. " sabi nya at nakahawak sa braso nya yong bata.

Nakatingin sa akin yong bata naka kapote sya, yong bata transparent. Basang-basa ng buhok nya. Pati ang gilid ng mga mata nya. Sumugod ito sa ulan. Sabi ko sa sarili ko. Ito namang nanay kako, hindi pinayongan ang anak nya ang lakaa pa naman ng ulan sa labas.

Hindi ko masyadong napansin ang mukha nung nanay. Medyo stucky yong katawan nya. Naka T-shirt lang sya at maong. Parang, ahente ng mga products. Yong tipong mag oorder ka gamit ang brochures nila. May dala syang malaking shoulder bag. Ang naaalala ko yong kwentas nya na parang jade ang pendant na nabibili sa muslim doon sa bangketa.

Dinukot ko ang cellphone ko. Isinaksak ko ang earphones sa tenga ko. Biglang bumukas ang pintuan ng elevator sa 23rd floor. Nagulat ako. Nagkaa tinginan kami ng babae. Pinindot ko yong close button. Pagka baba namin sa ground floor, nauna akong lumabas ng elevator sumunod yong ale. Tsinek ng guard ang bag ko. Yong bag naman ng ale ang tsinek.

" asan po yong anak nyo? " tanong ko sa babae.

" ha? Anong anak? " pag tataka nya.

" kanina po kasi, may kasama ka yong bata. Naka kapote. " paliwanag ko.

" mag-isa lang akong bumaba ija. " sagot nya.

" baka, yong batang nag mumulto dito ang sumabay sa inyo sa elevator. " seryosong sabi ni guard. Tumahimik na lang ako.

下一章