webnovel

HOSPITAL

HTG's|Note : Olaaa ? Gusto kg mag EXPLAIN senyo . I don't own THIS STORY oky ? Itong kwento lg na'to ha ? Yg TALE 1-10 akin yon . Ito lg talaga ang hindi sa akin oky ? I just saw this earlier and nakaagaw sya ng attention ko . Actually , na post sya sa FB so , kinopy ko . Oppps ! Hindi ako nag plaplagarize . Oo ! Hindi talaga . I have my own story . Uwag muna manghusga . Hindi ko na iniba ang pag sulat nya gaya sa post nya . Shinare ko lg to oky ? See the pictures above . Screenshots lg yan kasi , mabagal wifi ng kapitbahay namin . Please lg . Don't me guys ... Enjoy reading ...

P.S. nasasa inyo yan kung maniniwala kayo o hindi . Basta ! Para sa akin THEY DO REALLY EXIST .

P.P.S nasa #586 IN HORROR na ag HORROR TALE KOOOO ! THNKS Ü guys :*

READS are HIGHLY NEEDED !

----------------------------------------------------

HOSPITAL

"DI AKO NA NANAKOT MAY IKUKWENTO LANG AKO "

May ishashare lang ako na naexperience namen kagabe sa perpetual hospital ..

Bumisita lng kame sa isang kaibigan namin na naka admit duon ..

Pagdating palang namen sa perps sumakay agad kame sa elevator .. Dahil nasa 4th floor yung room ng kaibigan namen ..

Paglapag ng elevator sa 4th edi bumukas na ang pinto .. Ang bumungad agad sa amin ay nurse station na may isang wheelchair sa harapan .. Napansin ko na pumihit paikot parang medyo humarap samen ung wheelchair ..

Ako naman parang wala lang dedma lang sabay sabi ni camille "lakas talaga dito" napaisip ako sa sinabe nya .. (Na alala ko nakakakita pala sya)

Lumingon ako sa nurse station ang lalayo naman ng nurse dun sa wheelchair .. Sinabe ko sa sarili ko "ayos un ahh!" 😳

Edi naglakad na kame papunta sa room ng kaibigan namen biglang ung kwarto na nasa dulo medyo mahaba pa ang lakaran ..

Pagdating namen dun nagkwento nanaman si camille .. Sabi nya "babe dito nung natulog ako nakaraan tatlong beses may humawak saken .."

Medyo natakot ako at ang nasabe ko "mamsiekuy anong password ng wifi?? 😂😂"

Nung binigay na saken ung password sobrang hina as in mabilis pa free data ko .. Sabi ni camille "lakad ka dun daduts labas ka sa bandang gitna dun sobrang lakas ng signal .."

Edi ako go agad kase manunuod ako ng pujoke ulo eh 😂😂

Habang nanunuod ako nasa kalagitnaan ako ng hallway .. Medyo malakas loob ko kase ung isang janitor halos sa pwesto ko nag papolisher ..

So ayun habang nanunuod ako siguro nasa kalagitnaan na ko ng pinapanuod ko biglang nag back as in parang pinindot eh ..

Saken naman parang wala lang di ko na inisipan ng kung ano ano .. Minsan lang makanuod ng youtube eh hahahaha

Nung malolobat na ko bumalik na ko sa kwarto .. Sabi ni camille "Huy babe matulog ka na kase mag aalas tres na .. Sige ka .."

Edi ako humiga na sa tabi nya tapos sya yumakap saken 😍😍😍 ayieehhh .. Kinilig ako 😂😍

Siguro wala pang 15mins nakatulog agad sya nasa likod ko ung braso nya nun nang bigla syang nagicing ng gulat na gulat !

Sabe ko bakit ? "may humawak nnaman saken daduts!" .. Tapos bumalik din siya sa pagtulog .. Ako di ko nalang pinansin (medyo nasanay nadin ako tuwing ganun siya)

Kinuha ko cp ng tropa namen at nagbabasa ako ng mga page dahil naka online si camille dun ..

Habang nagbabasa ako nararamdaman ko ang lakas ng heartbeat ko .. Sobrang lakas pero ung pakiramdam ko ok naman normal lang iniisip ko kung kinakabahan ba ko eh hindi rin naman ..

Basta ang weird nagulat nalang ako nung biglang inalis ni camille yung mga kamay nya ..

Nagulat at nag sabi ng "aaahray.." dun ako kinabahan sabi ko "bakit nanaman mamsie?"

May humawak ulit daw sa kanya umuwi na daw kame .. Sabe ko maya konte nagcharj pa phone ko ..

Mga 3minutes cguro sabi nya magcr daw sya .. Sinamahan ko pagbukas namen ng pinto nung mailawan ung kamay nya eto ang nakita namen... (picture below)

May mga pantal sya na parang nakalmot .. Sabi ko bakit pakalmot ? Sagot nya "di ko rin alam eh..diba nagulat ako ? Nahila ko bigla dun parang medyo masakit .."

Ako kinabahan na tlga 😂😁 sabi ko "maya na tayo uwi yosi muna ko sa baba" hehehe .. Ayun nagyosi ako .. Sumama sya saken ..gusto pa maiwan at ako nlang daw yoko nga !

Nung paakyat na ulit kame .. Sabi nya "babe daan tayo sa chapel dito" .. Sabi ko "saan ba un?" Sabi nya sa 2nd floor daw ..

Sige kako .. Nung nasa second floor na kame .. Yung chapel walang ilaw .. Sobrang dilim pati hallway na dadaanan .. Walang katao tao..

Pucha si camille parang wala lang derederetcho .. Ako yung hakbang ko medyo ready-takbo pabalik eh 😂😂 edi binuksan nya mga ilaw sa chapel ..

Nagdasal kame duon .. Pero yung pakiramdam ko medyo iba gawa siguro ng takot din .. Pero napansin ko si camille parang di mapakali eh ..

Ako naman parang niyuyugyog pag napikit .. Para akong nahihilo .. Biglang may nagbukas ng kabilang pinto sa chapel ..

Ako naman medyo pakeme pa unti unti ko tinitignan (feeling nasa horror film 😂😂) pagtingin ko may doctor nag dadasal ..

Edi pumikit uli ako .. Pagdilat ko si camille di padin mapakali at dalawa nalang kame .. Sa chapel wala na ung doctora ..

Sabe ni camille "dadutskuy di ako makapag concentrate .. Parang ang ingay .. Daming nabulong.."

At ayun bumalik na kame sa kwarto ng kaibigan namen .. At nagsabe na uuwi na kame ..

Paguwe pa namen lumagpas pa kame ..

So lakad pagdating namen sa kanto namen .. Habang papalapit kame sa street light bigla namatay yung ilaw .. Mga 5am yun take note!

Parang nalaglag puso ko eh 😂😂 nagulat ako .. Sabi ko oohh putspa nakakagulat naman to ..

Tatlo o apat na hakbang namen kumurapkurap yung ilaw ng poste .. Biglang parang nagulat si camille .. At biglang tumingin sa likod ..

Sabi ko "anu yun babe?" sagot nya "Basta !" Lumakad na kame papunta sa bahay .. Sabi nya "mauna ka babe.." Medyo nagpahuli siya ..

Pag uwi sa bahay ang sabe nya may sumunod daw sa amen .. Nung kumurap daw ung ilaw nakita nya tatlo kame sa anino ..

Nasa gitna .. Maliit lang daw eh bata siguro ...

Di ko to pinopost para magpabida shinare ko lang naexperience ko kagabe .. At sobrang kinilabutan kase ko sa mga marka na yan ...

Hindi ko din po sinisiraan ang perps ahh ..hindi lang sa perps naka danas ng ganun si camille .. Halos sa lahat ng pinuntahan nya..mapaHospital, simbahan, o bahay...

下一章