webnovel

Wakas

This is my last shot for Sinking Beneath the Waves. Thank you so much for being with me until the end! Ung nagvovote, thank you so much! You keep me going kaya natapos natin to. Salamat nang sobra. Until we meet again in next story! Please recommend this story to your friends if this is a good shot. Muchas gracias! Tai xiexie le!

Pinagmasdan ko ang mapunong paligid. Mixed emotion ang nararamdaman ko ngayon knowingly I went back to the place where I came from.

But it doesn't mean this is my home.

Bukidnon was never my home, nor will be. I don't belong here. Home is a comfort zone. Home is where you really belong. But Bukidnon? Never.

You can never consider a home na 'di ka parte ng pamilya. You can't say it a home kung nandyan ka nga pero parang 'di ka nakikita. You were like a wind trying to make them feel your existence. Home is where family lives and family loves each other unconditionally. Iyong 'di ka pinaglilihiman ng sikreto.

Binaybay ko ng tingin ang daan papunta sa kabilang bahay. Maraming alaala ang gumagambala sa 'kin. Maraming mga bagay na pilit akong hinihila pababa, pinipilit akong lunurin.

Huminga ako nang malalim. This is my choice. I left Luca in Manila just to find the missing pieces of myself. I need to know myself more. I need to know where is my father and who is he.

'Cause I know he is the only key to unlock the mystery of my life. He is the only way. Siya lang ang tanging makakasagot sa lahat ng katanungang ilang taon kong hinahanapan ng sagot pero hanggang ngayon ay nanatili pa ring tanong.

Who am I?

Of all the people I consider as a stranger, bakit ang sarili ko pa?

Kumatok ako ng tatlong beses sa puting pinto. Dito pa lang ay naririnig ko na ang boses ni Mama. May halong pait iyon sa tainga ko dahil alam kong sa lahat ng taong puwedeng magsinungaling sa 'kin, bakit siya pa?

Don't I deserve to know the truth? Dahil ba anak lang ako sa labas?

Kahit saang anggulo ko tignan ay 'di ko mahanapan ng butas. Every corner has its own edge na nagsasabing hanggang doon lang ako. Hanggang dito lang ako. 'Di na ako puwedeng lumagpas pa dahil bawal na. 'Di na ako kasali. 'Di na ako nababagay.

Bumukas ang pinto at ang mukha ni Abi ang sumalubong sa 'kin. She snapped her eyes open in surprise. Bigla siyang tumalon sa tuwa at niyakap ako.

"Kuya! Na miss kita!" She said while hugging me. Kumalas siya sa akin saka tumingin sa likod niya. "Ma, nandito si kuya!"

Napalunok ako. I wasn't comfortable. May mabigat na enerhiya sa paligid. 'Di ko maipaliwanag.

"Ximi!" Mom called out. Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. "You didn't tell me uuwi ka rito."

She stood right there in front of me, pinagmamasdan ako. Nakaramdam ako ng banyagang sensasyon sa pagitan namin.

Again, I can't explain it.

She was supportive, kind and a loving mother. Pero 'di naging sapat sa 'kin 'yon hangga't patuloy niyang ililihim sa 'kin ang lahat. Anak niya ako at may karapatan akong malaman kung sino ang tatay ko!

"May pasalubong ka ba, kuya?" Nakangising tanong ni Abi. Tipid naman akong ngumiti at tumango sa kanya, dahilan para tumili siya at lumabas ng bahay. Nasa loob ng kotse ang dala kong pasalubong sa kanya.

"Gutom ka ba? Baka pagod ka. Magpahinga ka na." Ani Mama.

"Ma,"

'Di ko alam kung paano sisimulan ang usaping ito. Iniisip ko pa lang ay nababasag na ako. This is my kryptonite. This is my lowest level.

Kita ko ang alinlangan sa mukha ni Mama. Para bang naghihintay siya ng kasunod kong linya pero isang buntong hininga lang ang iginawad ko. I was weak.

"I need to rest, Ma." Sabi ko at nilagpasan siya. 'Di ko na narinig ang sagot niya dahil dumiretso ako sa kwarto ko.

My life is a mess; I am a mess and a loser. My soul was dead long ago and I can't remember when it was born.

Sa ilang araw na pananatili ko sa Bukidnon ay pinagpaliban ko muna ang tungkol sa sarili ko. Kapag kaya ko ng harapin, saka ko lang hahalungkatin iyon. Magsisimula ako sa ugat hanggang sa pinakabunga. Ugat kung paano sila nagkakilala ni Mama at Papa hanggang sa nagkaroon sila ng bunga at ako iyon.

Moffet:

Pumunta ng Australia si Luca nang mag-isa.

Nablanko ako sa nalaman ko. Ayaw maproseso ng utak ko 'yong impormasyon mula kay Moffet.

Australia? Wala akong alam na pupunta ng Australia si Luca. At bakit mag-isa lang siya? Paano kung mapahamak siya roon at wala ako?

Fuck.

Nagtipa kaagad ako ng reply. I need to know more about it. Mula nang umuwi ako rito sa Bukidnon ay wala na akong koneksyon kay Luca. I tried to contact her but she wasn't responding. I asked Herana and her other cousins but they only gave me one answer:

Hindi nila alam.

Hindi nila alam kung nasaan si Luca? Hindi ba nila alam kung ano ang ginagawa niya?

O baka naman pati sila ay pinagsisinungalingan ako?

Ako:

Tell me more, Moffet. I need more details.

Kung 'di ko lang kailangang umuwi rito ay 'di ko iiwan si Luca nang mag-isa! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, I should have stayed!

Napahilamos ako ng mukha. I tried to call Luca pero 'di talaga siya sumasagot. Nagriring lang hanggang sa 'di ko na talaga matawagan.

Dumating ang reply ni Moffet na kaagad kong binasa. Kinakabahan ako sa 'di maipaliwanag na dahilan.

Sino ba kasing pumayag na umalis si Luca ng bansa nang mag-isa lang?!

Moffet:

Sorry, tol. Wala na akong ibang alam. Patay 'yong cellphone niya at 'di rin siya active sa social media. Sabi ni Herana na ayaw ni Luca ng distraction. At wala ring sinabi kung kailan siya uuwi.

Mas lalong sumiklab 'yong inis ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala ako sa tabi ni Luca ngayon at naiinis ako sa kanya dahil umalis siya nang mag-isa. Tapos ngayon, patay ang cellphone at 'di rin active sa social media?

Nanghina ako. Back to zero na naman ako nito. Paano kung may makilala siyang mas gwapo sa 'kin? Mas magaling sa pagpinta at mas arogante?

Forgive me, Lord, but I will kill whoever is that. 'Wag niya lang siyang magkamali.

Bawat araw at gabing nagdaan ay wala akong ibang iniisip kung 'di si Luca. Pinagdarasal ko na sana maayos ang kalagayan niya roon. Ang sabi sa 'kin ni Lola Rita ay kailangan ni Luca na mangibang bansa para sa ikapayapa ng utak niya.

I know she needs freedom more than I need space from her. It was the only way to explore the world. To say that we are meant for each other. Kasi naniniwala akong kung siya talaga ang tahanan ko, sa kanya lang ako babalik. At ganoon din siya sa 'kin. Sa akin lang niya mahahanap 'yong kapayapaang hinahangad ng kanyang puso't kaluluwa.

In my remaining days in Bukidnon, naisipan kong bumalik sa planta ng pinya. Si Raven ang namamahala roon at wala akong pakialam. 'Di ko naman pagmamay-ari iyon. Wala akong balak na galawin iyon kahit anong mangyari, either I am a Del Monte or not. Ang inaalala ko lang ay si Lolo Pocholo na masyado ng matanda para magtrabaho rito. Dapat sa kanya ay magbiyahe sa ibang bansa.

"Ximiboy!" Natatawang tawag sa 'kin ni Raven nang nakita niya ako. "It's been awhile since the last time we saw each other. Musta naman?"

"Still breathing. How 'bout you?" Walang emosyon kong sagot.

Ngumisi siya. Kung 'di lang siya mahal na mahal ng mga Del Monte, baka matagal na 'tong nabubulok sa ilalim ng lupa.

I don't have any problem with Raven. I just don't like being compared to him when I know I'm way better than him. Lamang lang siya ng dugo at pangalan.

"I'm fine," mayabang niyang sabi. "Plantation is doing a great job. You should try running it."

Kalmado lang ako kahit gusto kong paputukin ang mukha niya. He better back off bago pa man mandilim ang paningin ko.

"I'll see if I can invest, Mr. Del Monte." Isang banyagang lalaki ang nagsabi noon mula sa likod ni Raven. Pareho kaming napabaling sa lalaking negosyante.

Nakaramdam ako ng lukso ng dugo nang magtama ang mata namin. He seems so familiar.

"Well, that's good to hear, Mr. Ferragni." Sagot ni Raven sa lalaking matanda. "I would like to know if you're willing to invest so I may consider you to be our partner."

Nakatingin lang ako sa lalaking Mr. Ferragni umano. Ganoon din siya sa akin. Nakaramdam ako bigla ng kaba.

"Oh," si Raven at tumabi sa 'kin. Tinapik niya ang balikat ko. "This is Maximilian Abenajo, my cousin."

"Ximi, right?" Pagkaklaro ng matanda.

Napatingin sa 'kin si Raven nang may halong pagtataka. Maging ako ay nabigla dahil kilala ako ng matanda.

I tried to recall where and when did we meet. Pamilyar na pamilyar sa akin ang matandang ito.

"You know him, Mr. Ferragni?" Raven asked curiously. Tumango naman ang matanda nang nakatingin sa akin. 'Di nagtagal ay nagpakawala siya ng matunog na ngisi.

"Who wouldn't know Maximilian Abenajo, Mr. Del Monte?"

Bahagyang magkasalubong ang kilay ko. 'Di ko talaga maalala kung kailan kami nagkakilala.

"Hijo, have you remembered when you were ten? You joined in an art contest dito sa Bukidnon."

Nakapamaywang akong nag-iisip sa sinabi niya. I was ten years old when I joined in an art contest.

"You have won the first place and I was the one who gave you the winning price," untag niya. Nang maalala ko iyon ay napatango ako.

"Nice to meet you again, Mr. Ferragni." Sabi ko.

It was a shame to forget this old man. Mas hasa pa ang utak niya kesa sa akin. O baka dahil malaki lang talaga ang pinagbago niya? May abo na siyang buhok ngayon. Dati ay itim na itim ito.

More days passed by at wala pa rin akong balita tungkol kay Luca. Wala na kasing masabi sila Lola at Lolo sa kalagayan ng babae. 'Di na nagpaparamdam sa kanila. Walang sinumang kinokontak kaya kahit ayaw nilang mag-alala ay 'di nila maiwasan.

Where are you, Luca? I want to fly wherever you are right now. I want to feel your skin again, to hear your voice and to see your face. I want to keep you in my arms once again.

"I need to know the truth, Ma! Parang awa mo na." Pagsusumamo ko sa kanya.

Ilang buwan na ako rito pero wala pa rin akong nauumpisahan. Wala pa rin akong mahanap na tanong. Sobrang layo ko pa sa finish line.

"X-Ximi," umiiyak siya ngayon. Gusto kong magalit but seeing Mom breaking down into tears want me to stop asking.

But fucking NO. I need this!

"Ma, hanggang kailan mo sa 'kin itatago ang katotohanan? I fucking need an answer, Ma! Anong bang mahirap doon?"

Napasinghap ako. Nanggigil ako nang sobra. Gusto kong magwala but I have to keep my sanity with me.

"Ximi, please... 'wag na. 'Wag mo ng alamin!"

"Fuck, Ma!" Sinipa ko ang upuang kahoy na nagdulot ng ingay. Sinundan iyon ng iyak ng bata. Napalingon ako kay Ori na hawak hawak ang manika niya.

"K-Kuya," sambit niya at napatingin kay Mama. Nagbabadyang tumulo ang luha.

"Go to your room, Ori," utos ni Mama pero umiling lang si bunso at tumakbo papunta sa 'kin. Kinarga ko kaagad siya at hinalikan sa pisngi.

"Hush now, baby. Dada's fine." Alo ko sa kanya. Umiiyak siya sa bisig ko. Takot na takot.

Mariin akong pumikit at hinalikan si Ori sa pisngi. I love this little girl so much kahit kapatid ko lang siya sa ina. She doesn't deserve to cry like this. Ako nalang ang masaktan, 'wag lang siya.

"Mag-usap nalang tayo sa susunod, Ma. Pagod na ako." Sabi ko at umalis. Lumabas muna ako sa bahay at dumiretso sa kabila.

Binaba ko si Ori nang nakapasok na kami sa loob ng lumang bahay. I knelt in front of her at hinalikan siya sa noo. Basa pa rin ang pisngi niya pero 'di na siya umiiyak.

"Everything's fine, baby. Trust Dada, okay?" Malambing kong sabi sa kanya.

Uminit ang mata ako while watching the innocent. Masyado pa siyang bata para madamay sa ganito. She's supposed to be playing around with her dogs. Hindi tulad ngayon na umiiyak.

"Dada," sambit niyang nalulungkot. Hinawakan niya ang magkabilaan kong pisngi. Hinalikan ko naman ang maliit niyang kamay.

I have sworn to myself to be a responsible father. Hangga't kaya ko ay ipaglalaban ko ang anak ko. 'Di ako papayag na basta basta lang siya ilalayo sa 'kin without giving me a good fight. My child deserves a father. I deserve the child, too. Kaluluwa ko ang inalay ko para lang mabuo siya. Kung hindi dahil sa 'kin, 'di siya mabubuo.

"Why are you crying, dada?" She battered her lashes softly. I just smiled and gave her a kiss on forehead.

Limang buwan na ako rito but it feels decades. Nangungulila ang puso ko kay Luca but I know I can't do anything about it. Hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung nasaan siya. Gustong gusto na ni Herana halughugin ang buong Australia para lang mahanap ang kaibigan pero pinipigilan siya ng mga pinsan ni Luca. Mas mabuti na raw na may sapat siyang oras para sa kanyang sarili dahil pagbalik niya rito sa Pinas, balik na naman sa dati ang kanyang buhay.

While waiting for the perfect moment to find out the truth, inabala ko ang sarili ko sa pagpipinta. Pero bawat sulok ng lumang bahay ay nakikita at naririnig ko si Luca. I just imagined she's with me, throwing innocent answers.

Ang dami niyang tanong. 'Yon din ang gusto ko sa kanya. She's so innocent when it comes to love. Ang daming tanong dahil maraming gustong malaman.

Parang ako lang. Pero kung siya nakukuha niya ang kasagutan, ako hindi.

Natapos ko na ang lahat ng pininta ko tungkol sa amin ni Luca. From the moment we held our eyes until we bid our goodbyes. Hanggang ngayon ay presko pa rin sa alaala ko kung gaano ka lungkot ang kanyang mata nang kinailangan kong umalis. Sobra rin akong nasaktan pero iyon lang ang naisip kong paraan para hanapan ng panakip ang puso kong butas.

Isang taon na ang lumipas pero 'di pa rin umuuwi si Luca dito sa Pinas. Iniisip ko nalang na masaya na siya sa piling ng iba. Kasi deserved niyang maging masaya. She deserved to be loved more than I can make her feel my love, more than I can make her happy.

Kasi 'di ko puwedeng ipilit na kami pa rin hanggang sa huli. Hanggang 'di ako buo ay 'di ko siya kayang harapin. 'Di ko siya kayang panindigan. All I can hold on to is my selfless love for her. Pero sa puntong ito, mukhang malabo na. Inaamag na ang puso ko.

"Ximi," rinig kong tawag ni Mama mula sa likod ko. Hanggang ngayon ay 'di pa rin kami maayos. Kung nagkakausap man kami, saglit lang o kaswal na parang magkakilala lang.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. 'Di nagtagal ay umupo siya sa tabi ko. Napatingin ako sa kamay niyang humawak sa braso kong may hawak na brush.

"'Nak," she called out with a breath. I had no choice but to face her. "Alam kong nahihirapan ka dahil sa 'kin."

Nagbaba ako ng tingin. Uminit ang gilid ng mata ko at nagsimulang lumabo ang mata.

"Siguro ito na ang tamang panahon para makilala mo ang tatay mo," she said. Nag-angat kaagad ako ng tingin sa kanya.

"Ma," I hoped. Sa tagal kong hinintay ang pagkakataong ito ay ngayon lang ako nakaramdam ng pag-asa.

Mom smiled sadly at me. "I'm sorry, 'nak. Patawarin mo si Mama kasi naging duwag ako. Natakot ako na baka mahiwalay ka sa 'kin kapag malaman ng tatay mo ang tungkol sa 'yo."

Tahimik lang akong nakikinig sa bawat salitang lumalabas mula sa kanyang bibig. Sobrang tagal kong hinintay 'to.

"Alam kong kilala mo na si Maximo Ferragni, anak."

Kinutuban ako sa sinabi niya. Sa pangalan pa lang ay sobrang lapit ng koneksyon namin.

"Siya ang lolo mo," dugtong niya.

My breathing hitched. I was expecting it pero iba pa rin ang naging reaksyon ko. Nablanko ako. Huminto ang pag-ikot ng mundo.

"While your dad, si Maxenstein Ferragni."

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa 'kin, Ma?"

I felt betrayed by fate; by everyone around me.

"K-Kasi," umiyak siya at umiling. "Ayaw ng lolo at lola mo na madikit ka sa kanila. They are dangerous!"

"M-Ma," niyakap ko siya nang mahigpit. Bumuhos nang tuluyan ang luha ko.

"Sorry, Ximi," umiiyak niyang sabi. Hinagod ko lang ang likod niya.

I understand everything now. May dahilan kung bakit hindi pinakilala nila Mama sa akin ang tunay kong pamilya. Kung bakit 'di nila ako kailanman pinadikit sa pamilyang Ferragni. The Del Montes were just trying to protect me from Ferragni clan lalo na't kilalang makapangyarihan na pamilya. Naging sapat na sa akin na malaman kung saan ako nagmula. Ngayon ay 'di na ako naghahangad pa ng ibang bagay. Natakpan na ang butas sa puso ko. Napunan na ng pagkukulang na ilang taon ko ring hinahangad.

Ngayon, handa na akong harapin ang babaeng tuluyang kokompleto sa buhay ko. Sana ay 'di pa huli ang lahat. Sana ay ako pa rin kasi mula noon at hanggang ngayon, si Luca pa rin ang nagmamay-ari ng puso ko.

Bumalik na ako ng Maynila. Maayos ang naging paalam ko sa pamilyang Abenajo. Pumayag naman sila, lalo na si Dad. He knows I can handle myself and I know what I want in life.

Nakuwento ko na sa kanila ang tungkol sa amin ni Luca. Tuwang tuwa sila, lalo na si Abi. She likes Luca kasi parang ate na rin ang turing niya rito. Si Ori naman, bagaman 'di niya naiintindihan ang bagay na 'to ay masaya pa rin siya. Sinabi kong ate na niya si Luca.

I was preparing myself to propose once again. It's my only assurance that she's for me; that she's my happy ending.

"'Di talaga namin alam, apo. Hanggang ngayon ay 'di pa rin siya umuuwi." Balita sa 'kin ni Lola Rita.

Will you come back home to me, babe? Kailan? Hanggang kailan ulit ako maghihintay para sa 'yo?

Bawat araw na nagdaan ay mas lalo akong nalulunod sa pangungulila. I miss my babe so much. Kailan ba niya balak umuwi? O baka 'di na siya uuwi kasi may inuuwian na siya sa Australia?

I shook my head mentally. 'Di puwedeng may iba na siya. 'Di puwedeng may nauna na naman sa 'kin. Tama na 'yong naunahan ako ni Moffet. 'Di ko na palalagpasin pa ang sinumang mangahas na mang-agaw sa kanya.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang bumukas ang pinto. Lahat kami ay napatingin dahil wala namang ibang papasok dahil kompleto kaming lahat sa loob.

"Narinig niyo ba 'yon?" Tanong ni Lola Rita. Tumayo kaagad si Manang Isabela at tinungo ang daan papunta sa pinto.

Tahimik kaming nag-aabang ng balita at habang ganoon, 'di ko maiwasang kabahan. Baka si Luca na 'yon. Sana. Kasi namimiss ko na siya. Sobra. Sobra pa sa sobra.

"Lulu!" Masayang tawag ni Manang Isabela. Napatingin kami sa isa't isa. Kaagad na tumayo ang tatlo habang ako ay nanigas sa kinauupuan ko.

She's finally home. She's back!

"Apo!" Rinig kong tawag ni Lola Rita.

"La," nabasag ang boses na 'yon.

Natahimik ang lahat. Nangangati ang puso kong puntahan si Luca at yakapin siya nang mahigpit. Mahigit isang taon din ang lumipas mula nang huli naming pagkikita.

Mariin akong pumikit at nagdasal nang taimtim. Kung talagang si Luca para sa 'kin, bigyan niyo ko ng magandang senyales.

Nagmulat ako ng mata at buong lakas at tapang na tumayo. Ito na talaga. 'Di ko na puwedeng patatagalin pa 'to.

Naglakad ako papunta sa kanilang kinaroroonan. Bawat hakbang na ginagawa ko ay mas lalong bumibigat ang paa ko. Parang gusto kong umatras at sumugod at the same time.

She came into view like how the sun lit my world. Pero ganoon na lamang ang pagkaguho nito ko nang napagtantong may karga siyang batang lalaki na mahimbing na natutulog sa kanyang bisig.

I was so late. Uminit ang dugo ko. I was fucking late!

"L-La... L-Lo," lumunok siya ng isang beses. Halata sa kanya na kinakabahan siya lalo na nang nagtama ang mata namin.

Ito lang pala ang madadatnan ko rito. Ang malamang may anak na si Luca. Sino ang ama ng batang karga karga niya? Pinanindigan ba siya o iniwan lang na parang laruan?

Putangina.

Gusto kong patayin ang lalaking gumawa sa kanya niyan! Gusto kong iharap niyo sa 'kin kung sino ang nag-iwan kay Luca nang ganyan!

"X-Ximi," her voice broke dahil naiiyak siya. Gusto kong punasan ang luhang iyon dahil ayokong nakikita siyang umiiyak. Pero ang makitang may bata na siya, para akong pinagsakluban ng langit at lupa.

Kaya ba isang taon siyang wala dito sa Pinas dahil sa Australia niya pinagbubuntis ang batang 'yan?

No. Umiling ako at nagbaba ng tingin. Gusto kong isipin na sa akin ang batang iyon. Gusto kong angkinin ang paslit na 'yon. Sabihin niya lang na ako ang ama ng batang 'yon, handa akong ibigay sa kanya ang lahat. Babawi ako. Fuck, babawi ako!

"Apo," naiiyak na sambit ni Lola Rita. Nag-angat ako ng tingin kay Luca na ngayo'y tahimik na umiiyak.

"I'm so sorry, la, lo..." she cried. Kinuyom ko ang kamao ko.

Dapat ako ang tatay ng batang 'yan! Sana ako nalang ang tatay niya! Gagawin ko ang lahat para maging karapatdapat. 'Di ba deserved ko naman silang dalawa?

"Luca," I called in my stern voice.

Humikbi siya at tumingin nang diretso sa akin. Sa gilid ng mata ko'y nakatingin din ang tatlo sa 'min ni Luca.

"Is it me, Luca? Am I the father of that child?" Umaasa kong tanong.

'Di puwedeng 'di ko mabuntis si Luca dahil 'di naman ako gumagamit ng kung ano man kapag ginagawa namin ang usual routine. At 'di niya rin puwedeng sabihin na nakipagtalik siya sa iba dahil alam kong 'di niya magagawa iyon! Alam kong ako lang ang hinahayaan niyang pumasok.

Luca slowly nodded and my heart swelled in mixed emotions. Kaagad ko siyang nilapitan at niyakap nang mahigpit. Umiyak siya lalo, maging ang sanggol. I kissed her forehead so deep to make her feel my love.

My love. She's mine. Totally mine.

"Baby," pumiyok ako. Hinawakan ko ang maliit niyang kamay.

Lord, this is my son. Kamukhang kamukha ko ang panganay ko! Nakakataba ng puso.

"Babe," I whispered and turned to her. "Bakit 'di mo sinabi sa 'kin na may anak na tayo?"

"Sorry, babe," umiiyak niyang sagot. "I just thought you need time for yourself at kaya ko namang buhayin ang anak natin nang mag-isa."

"No, babe," tutol ko kaagad.

Gusto kong magalit sa kanya dahil nilihim niya sa 'king may anak na kami. Pero kapag iniisip ko 'yong panahong wala ako sa tabi niya lalo na noong pinagbubuntis niya ang panganay namin ay parang gusto kong isumpa ang sarili ko for being a worthless father.

"Kaya nga anak natin kasi tayong dalawa ang mag-aalaga. Next time, 'wag mo ng ulitin 'to, ha? Please, babe. Pinakaba mo 'ko."

"Akala mo talaga 'di mo anak 'to?" May himig pagkadismaya ang boses niya. Umiling naman ako dahil 'di totoo 'yon. Siguro kung nagduda man ako, dala lang ng negatibong emosyon. Ayokong mawala siya sa 'kin dahil lang may anak siya sa ibang lalaki. Ipaglalaban ko ang batang 'to kahit 'di ko laman at dugo.

"I love you, babe. Thank you so much for making me happy once again. Simula ngayon, 'di na tayo magkakahiwalay pa. Pangako 'yan." I said and kissed her lips.