webnovel

Chapter 47

"She's intimidating." Komento ni Ximi nang naglalakad na kami pabalik sa sasakyan niya.

"She's always like that." I said.

Maybe she wanted to be like her father kaya siya ganoon. Isa rin kasi iyon sa paraan para 'di ka basta basta naloloko ng ibang tao. You have to show them how hard you are so they won't see your soft side na gagamitin nila para pabagsakin ka.

"I see..." tanging sabi niya.

Bumalik na kami sa sasakyan nang nakaramdam ako ng gutom. Naisip ko kung kakain ba kami o sa bahay nalang para makapagpahinga kaagad. Gusto ko ng matulog ulit. Naririnig ko na ang pagtawag ng higaan ko.

Pagkapasok namin sa loob ng sasakyan ay kaagad kong tinali ang seatbelt sa katawan ko. And he was doing the same thing.

"Wanna eat or rest?" He suddenly asked. He started the engine while his eyes on me.

"Puwede both?" Natawa ako sa sarili kong sagot. Umiling naman siya nang nakangisi.

"Eating while resting or resting while eating?"

"Wow, nagjoke." Pang-aasar ko. Pinanliitan naman niya ako ng mata.

"Minsan nga lang, e." He pouted like a baby.

"'Di na rin masama." I teased and he rolled his eyes. "Sige, kain nalang tayo."

"Okay. My treat." He waved his brows at me.

Habang nasa biyahe kami ay panay lang sa tawa. Nagkukwento kasi siya sa mga past experiences niyang nakakatawa umano. He even said nakakahiya ang naging karanasan niya.

"Patricia told me you can sing." Sabi ko.

Naalala kong kilig na kilig si Pat nang nagkwento siya about Ximi who can sing. 'Di ko naman alam ang tungkol doon kasi never ko pa siyang naririnig na kumakanta.

"A little bit," he said and shrugged his shoulders.

"Weh?! Kantahan mo 'ko dali!" Pangungulit ko.

Gusto kong marinig ang boses niya! Feeling ko tuloy mahihimatay ako sa ganda!

"Not now, babe," he chuckled.

"But I want now!" Humalukipkip ako. Gusto kong magpacute sa kanya para pumayag siya.

"Hmm," he hummed sexily. Uminit ang pisngi ko sa tunog na 'yon. "If ever you're here in my arms again, this time I love you much better. If ever you're here in my arms again, this time I'll hold you forever."

Wow. Napatunganga ako nang marinig ang kanyang boses. 'Di siya pangmalakasan but it was soothing. It can touch your heart. It can caress your soul.

Hinawakan niya ang kamay ko at iniangat iyon. He kissed my knuckle at pinasada iyon sa kanyang pisngi.

"Wait for me, babe," he said, almost pleading. Tinignan niya ako nang diretso. Ang kanyang mata'y namamasa. "Aayusin ko muna ang sarili ko before I will surrender my whole life to you, Luca. I can't just give it to you broken."

"I understand, babe." Sabi ko at pinatong ang isang kamay sa ibabaw ng kanya. Ngumiti ako to give him assurance. "Sabi ko naman sa 'yo na maghihintay ako."

Hindi na siya umimik. Parang may gusto siyang sasabihin but he chose to shut up.

Nang nakarating kami sa destinasyon namin ay pinarke niya ang kanyang sasakyan sa nakareserbang parking area for customers. Bumaba kami pagkatapos at sabay na pumasok.

We took the vacant seat good for two people. May lumapit sa aming tauhan ng resto at may ibinigay na menu list. Nag-order kami nang nakapili na. I chose liempo dahil natakam ako bigla at siya naman ay fried chicken with rice. Hilig niya sigurong ulam ay fried chicken o baka wala lang siyang ibang mapili.

Pagkaalis ng waiter ay may kinuhang card si Ximi. Nagdalawang isip pa ako kung magbabayad ba ako but his actions told me to back off.

"I won't let you pay, babe. Never." He said. "So keep your penny with you."

"Okay," suko ko. 'Yoko ng away. 'Di 'yan magpapatalo.

Pagdating ng pagkain namin ay kumain kaagad ako. Feeling ko ilang taon akong 'di kumakain dahil nagugutom talaga ako.

"Babe, dahan dahan," natatawa niyang sabi. Ngumisi naman ako at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Ginutom mo kaya ako," sabi ko sa gitna ng pagnguya. 'Di ko na nga ginamit ang mga kubyertos dahil mas gusto kong magkamay.

"Ano?" Natatawa niyang sabi. Tuwang tuwa ang kumag sa inaasta ko. "Mukhang mapapagastos ako 'pag kasama ka."

Sinamaan ko siya ng tingin. Nawalan ako bigla ng gana kumain.

"Don't worry may pera naman ako. 'Di ko gagalawin 'yang iyo." Umirap ako. Tinanggal ko ang iilang kaning dumikit sa kamay ko.

"What I mean is, I need to remind myself na 'di kita puwedeng gutumin." Natatawa niyang paliwanag.

"Che!" Uminom ako ng tubig. Pagkatapos ay inirapan ko siya. Siya naman ay nakangisi pa rin. Tuwang tuwa sa akin.

"Sorry, babe. Cute mo pa lang magutom." He smiled playfully.

Hindi ko na siya pinansin pa. Naiinis ako sa pagmumukha niya. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain. Sayang 'yong liempo.

"Babe, bati na tayo." He suddenly said. Sinamaan ko lang siya ng tingin saka inirapan. Ngumisi pa rin ang kumag. "I'll make it up to you, babe."

"Kanta ka muna," panghahamon ko.

Bigla kong naalala na kinantahan niya ako sa loob ng sasakyan. I wanted so bad to hear his voice once again. Gusto kong malunod sa kanyang boses at masasabi ko sa sarili kong he's all worth the try and cry.

Siningkitan niya ako ng mata. Ganoon din ang ginawa ko. 'Di ako magpapatalo sa lalaking 'to. Dapat ay ako ang magwawagi!

"Kung ayaw mo-"

"Fine," buntong hininga niya. He wiped his lips with his tissues. Umismid naman ako. I told you ako ang mananalo!

He stood up, his eyes fixed on mine. 'Di naman ako nagpapatalo. Nakikipagtitigan din ako sa kanya.

"You gotta sing me a song, babe. Bawi ka sa 'kin," panghahamon ko. Gusto kong matawa sa mukha niya dahil mukhang napipilitan lang siya.

Umalis siya at tinungo ang banda. Kinausap niya ang mga tao roon at tumango naman sila. Ximi glanced at me and smirked. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Mukhang siya pa yata ang panalo sa 'ming dalawa.

Umakyat siya sa stage. Komportableng komportable sa sarili. Aroganteng arogante talaga. Pinanood ko naman siya hanggang sa nasa gitna na siya.

"Sound check," he said on mic. Nakuha niya kaagad ang atensyon ng lahat. Guwapo pala ng boses niya sa mic.

"Who's that?" I heard a girl. Hinanap ko kaagad siya at napagtantong nakaupo ilang metro mula sa akin. Katapat niya 'yong mga babaeng nakaupo sa likod ko.

"Ang gwapo ng boses!" The girl behind my back giggled.

"Hey, guys." Rinig kong boses ni Ximi. Nakuha niya kaagad ang atensyon ko. "I wanna sing a song for my fiancee."

Everyone gasped, lalo na 'yong mga babaeng nasa likod ko. Para bang nanghihinayang sila kasi ikakasal na pala si Ximi.

Yes, ikakasal na siya. At sa akin lang kaya back off.

Nagsimula ng tumugtog ang banda. I realized that that song was one of my favorite playlist. Pareho ba kami ng taste sa music? Or alam niyang paborito ko ang kantang 'to?

"Hey, there's a look in your eyes. Must be love at first sight." Unang linya pa lang niya ay nanindig na ang balahibo ko. Lalo na't naka-piano lang ay sobrang romantiko ng melody. I wasn't exaggerating but his voice melt my heart.

And I realized how lucky I was to have him. Na sa dinami-rami ng babaeng puwede niyang magustuhan ay ako pa na walang ibang ginawa kung 'di ang mainis sa kanya.

"The closer I get to touching you. The closer again to loving you. Give it time, just a little more time, we'll be together."

Nalulunod ako sa lambing ng boses niya. If only I could listen to it every second, I would die loving him.

I never expected his talent. Ang alam ko lang ay mayabang siya when it comes to his talent sa art. Ang swerte pala ni Patricia because she got the chance to hear Ximi's voice first. But it didn't mean I envy her. Ako pa rin naman ang mahal ni Ximi so there's no reason to feel bad about it.

"Then could I love you more. So much stronger than before. Why does it seem like a dream. So much more so it seems. I guess I found my inspiration. With just one smile, you take my breath away."

Kakaibang kinang sa mata ang mayroon si Ximi ngayon. He was singing like he was the original composer of it. He can feel the song, kaya ramdam ko rin siya. And to think he was singing it for me, I wanted to bury myself alive for being so blessed.

Kapag siniswerte ka nga naman. Minsan lang umibig at natapat pa sa tamang tao.

Kasi dapat talaga hindi minamadali ang pag-ibig. Tama nga naman si Atifa. Love will find its way to find you and your better half. You just have to be faithful, to be patient because everything is worth the wait.

Kesa naman sa mapupunta ka sa maling tao. Kaya ka nasasaktan at sobrang umaasa kasi you thought siya na. Na pinipilit mong siya na talaga even though there is someone who is meant for you; who will fulfill your half empty soul. Masyado kang atat kaya sinisisi mo ang ibang tao kung masaktan ka.

Nang matapos ang kanyang pagkanta ay maraming pumalakpak. Proud na proud pa sa kanya 'yong mga babaeng nasa likod ko. I just let them. Hanggang paghanga lang din naman sila. Ako, matatali ako kay Ximi and I am so proud of it.

Bumaba na si Ximi. Hinanap niya kaagad ang pwesto ko. But along his way to me, nagulat ako nang biglang nagkagulo 'yong mga babae sa likod ko. Nakita ko nalang sila na tumakbo papunta sa fiancee ko at kumuha ng mga picture kasama siya.

Ximi took a glance from me. Nagthumbs up naman ako sa kanya nang nakangiti. I wanted him to feel comfortable with the girls. Magpapapicture lang naman, 'di naman nila aagawin si Ximi mula sa 'kin. And as if they can.

Nang matapos sila sa pagpicture ay nagpaalam kaagad si Ximi sa mga babaeng halatang kilig na kilig. They bid their goodbye with a biting lips. Wala naman sa 'kin 'yon lalo na't 'di rin pinansin ni Ximi.

Ximi walked towards me. Mukhang nag-aalinlangan siya na ewan. But eventually smiled at me at ganoon din ang ginawa ko.

"Was that a good shot, babe?" Kaagad niyang sabi nang nakangiti. Umupo siya sa tapat ko.

"Of course, babe. Mukhang nadagdagan na naman ang mga babaeng nagkakagusto sa 'yo."

"Oh," he scoffed. "Jealous?"

"Huh!" I mocked at him. "Why would I? I trust you, Ximi. Saka as if namang makukuha ka nila mula sa 'kin?"

"That's my girl," he chuckled. Umirap naman ako at tumawa.

Nang nasettle na namin ang pagkain sa tiyan ay napagdesisyunan na naming umalis. We needed to go home dahil baka nag-aalala na sila lola at lolo dahil 'di pa kami umuuwi.

"I already informed them na kumain muna tayo." Sabi niya nang nasa loob na kami ng kotse. Tumango naman ako dahil napanatag ang loob. "With me, you don't need to worry about a thing. I always got your back."

Ayaw na ayaw kong nag-aalala sila lola at lolo sa 'kin kaya gusto kong malaman nila kung nasaan man ako at sino ang kasama. I wanted them to trust me more than I wanted them to feel relaxed when I wasn't around.

Hinawakan ko ang kamay ni Ximi na nakahawak sa gear stick. Mukhang nabigla siya kaya napatingin siya sa 'kin. I just smiled and rubbed his hand.

"Thank you so much, babe. You make me so happy." I said, almost crying.

It was true. Hindi masisidlan ang kaligayahang nararamdaman ko ngayon. He was everything. A father, a lover, a partner, and my better half. Kaya kapag mawala siya sa 'kin, baka 'di ko kakayanin. 'Di ko alam kung saan ako pupulutin.

"Babe," hinawakan niya ang kamay ko. "I should be the one to say that. I've been waiting for you for years."

"For years?" Pag-uulit ko. Marahan naman siyang tumango.

"I can't get you off my mind since then. I waited for you but I know it was impossible to collide our paths so I decided to be in a relationship with Elliana."

I was stupified. I can't find a perfect word to best describe what I feel right now.

"Elliana told me when you two broke up, wala ka ng sineryosong babae." Sabi ko.

Iyon ang naalala kong sinabi ni Elliana sa 'kin. Naguluhan lang ako kasi ang sabi ni Ximi ay he waited me for years. Nang naramdaman niyang malabong magkakatagpo kami ay nakipagrelasyon nalang siya kay Elliana.

"I didn't even get myself to serious relationship with her, babe." He reprimanded.

Ibig sabihin, 'di niya sineryoso si Elliana? But Elliana seemed so in love with him. And I thought they felt the same thing kasi may paint pa nga siya roon.

"Didn't you cry when you two ended?" I asked again.

Ang daming tanong na bumabagabag sa isip ko. 'Di ko alam paano ko sila masasagutan kaya tanong ako nang tanong.

"I only cry for you, babe. Sayang ang luha kung 'di ikaw ang rason sa pagpatak nito."

I didn't think it was a compliment. But somehow kinilig ako sa sinabi niya.

"Okay," tanging sabi ko. Wala na talaga akong ibang maisip na sasabihin.

Pinaharurot na niya ang kanyang sasakyan paalis. It was already late in the afternoon when we got home. Tuloy, ang daming tanong ni lola.

"Gutom ba kayo? Ipaghahanda ko kayo." She presented. Tumutol kaagad ako.

"Kumain na kami, la. Worry not."

"Saan ba kayo kumain?"

"Sa isang resto bar. Kumanta pa nga po si Ximi, e."

I was so proud of Ximi. Sobra. 'Di ko maimagine. 'Di ko madescribe.

"Talaga?" 'Di makapaniwala niyang bulalas. Nagkibit balikat naman si Ximi nang nakangisi.

"Pinilit ako ni Luca, la." Pagsusumbong niya.

"Hoy!" Tinulak ko siya pero 'di man lang natinag. "Ang sabi mo babawi ka."

Para kaming batang nag-aaway. Pero totoo naman talaga! 'Di ko siya pinilit. Para lang talaga bati kami kaya ko siya pinakanta. Isa pa, ang sarap kasi pakinggan ng boses niya.

"Luh?" He played innocent. "La, o. Nanghahampas!"

"Baliw," humalakhak ako. Natawa rin si lola, maging si Ximi.

"Sige na, magpahinga na kayo." Ani lola. Tumango naman ako saka sumulyap kay Ximi na ngayo'y nakangisi sa 'kin. Parang may pinapahiwatig sa 'kin 'yon.

"Sige, la. Bihis lang ako." Pagpaalam ni Ximi then he turned to me. "Bati na tayo?"

Tinaasan ko siya ng isang kilay. Bumungisngis lang ang kumag saka umalis sa harap ko. Napailing naman ako.

Parang bata.

下一章