webnovel

Chapter 37

Pagdating namin sa Maynila ay inabangan kaagad kami ni Manong Teodoro. Ximi texted him kung anong oras lalapag ang eroplano. Mabuti at wala siyang pinagkakaabalahan ngayon kaya naman nasundo niya kami kaagad.

"Parang ang tagal ng isang linggo, a." Komento ng drayber. Napangiti naman ako roon. I honestly missed him, so as lola and lolo, at pati na rin ang mayordoma namin. "Pero mabuti nalang at bumalik na kaagad kayo."

"Bakit po?" Napatanong ako. Usually 'di naman niya sasabihin ang ganitong bagay kung walang problema.

"Inatake na naman kasi ang Lolo Pocholo mo."

"Ho?!" Tumaas ang boses ko. Dinalaw kaagad ako ng kaba. "Nasaan po siya ngayon? Ayos naman ang pakiramdam niya?"

Napalingon ako kay Ximi na ngayo'y nanonood lang sa akin. Tila binabantayan niya bawat ekspresyon sa mukha ko.

"Oo, hija. Maayos naman ang lagay ni senyor."

Napahinga ako nang malalim. It was a relief for me to know that Lolo Pocholo was fine. But, nag-aalala pa rin ako para sa kalagayan niya. I couldn't stand watching him suffering.

Ximi held my hand. I was still anxious. Hindi ito ang pangalawang beses na bumalik na naman ang sakit ni lolo. Dapat talaga sa kanya ay nagpapahinga sa bahay, e. Gusto kasi magtrabaho pa.

"Worry not, babe." He gently said, caressing my hand with his thumb. "Pagdating na pagdating natin sa bahay, we'll check Lolo Pocholo."

Tumango ako at lumunok ng isang beses. Kinakabahan ako. Ayokong may mangyaring masama kay lolo. I would rather lose anything but not him. Hindi ko makakaya iyon.

Pagkarating namin at pagkaparada ng sasakyan ay bumaba kaagad ako mula rito. Hinayaan naman ako ni Ximi na puntahan kaagad si lolo sa kanyang kwarto. I was crying silently, praying lolo's fine.

Umakyat kaagad ako sa taas. Hindi ko pinansin ang paligid. Pokus lang ako kay lolo. I was dying to see him again. Sana pala ay 'di na ako pumunta ng Bukidnon dahil wala naman akong napala roon. Although it was a good experience, I should have stayed her in Manila to watch over lolo. I will never ever forgive myself kung may nangyaring masama sa kanya.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng matatanda. 'Di na ako naghintay ng sagot bagkus pumasok kaagad ako sa loob. At doon, nadatnan ko si lolo na natutulog nang mahimbing while lola was sitting on the edge of their bed.

"La!" Tawag ko kaagad at tumakbo papunta sa kanya. Kita ko ang gulat sa kanyang mata na kaagad napalitan ng tuwa nang napagtantong ako ito.

"Apo," she called out in between her beautiful smile. Kahit may wrinkles na ang gilid ng kanyang mata, maganda pa rin siya.

"How's lolo po?" I asked and sat beside her. Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap nang mahigpit.

"He's doing well, apo. Your lolo is fine now. He just needs to rest."

Kumalas ako mula sa kanya. Tinignan ko siya nang diretso sa mata. Kita ko ang sakit doon na kahit siya, parang nawawalan na ng pag-asa.

"Ano raw ba ang sabi ni Raja?" Tanong ko ulit. Raja was Lolo Pocholo's personal doctor.

"Nagbigay na ng gamot si Raja, apo. Nakainom na rin ang lolo mo kaya ngayon ay nagpapahinga na siya."

I sighed heavily and glanced at lolo. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa kanyang dibdib. Half of his body was covered with blanket.

"Dapat kasi 'di na siya nagtatrabaho, la." Dismayado kong sabi at bumaling sa babaeng matanda. "We all know it's not healthy anymore. He should have just rested here."

"You can't blame him, apo." Malumanay niyang tugon. She has the sweetest voice I've ever heard. "Alam naman nating mapilit siya."

Muli akong nagpakawala ng mabigat na hininga. May katigasan kasi ng ulo si lolo. Ayaw niya umano rito sa bahay dahil mas lalo siyang manghihina.

"Nga pala, kumusta ang lakad niyo sa Bukidnon?" She changed the topic.

Naglihis ako ng tingin pero ibinalik kaagad iyon sa kanya.

"I don't want it, la." I confessed. "I want to work here or to plan Atifa's wedding. Plantation is not my interest. Isa pa, I don't like working with Raven."

"But why? Raven's such a nice guy." She said, as if my mind will change.

"I already know about that, la. I just don't like him. Puwede naman kasing si Ximi nalang."

Natahimik si lola sa sinabi ko. Ewan ko ba kung bakit lagi nalang ganoon ang nakukuha kong tugon kapag pinag-uusapan na namin si Ximi.

"La," I held her hand. Saglit siyang napatingin roon saka ako tinignan nang diretso. "Kilala mo ba kung sino ang ama ni Ximi?"

Her reaction was different. Para bang nagulat siya sa tanong na iyon. And she seemed torn in between two choices.

"Bakit ayaw nila Don Diego at Donya Imelda kay Ximi, la? Ximi is good naman, 'di ba? Workaholic na tao."

"Apo," she mentioned and cupped my hand. "Wala kasi ako sa lugar para sagutin 'yang mga katanungan mo. Isa pa, labas na tayo sa problema nila."

"Pero may alam ka po tungkol dito?" Kumunot ang noo ko. Nag-iwas naman siya ng tingin.

"Bata pa lamang ay magkaibigan na ang Lolo Pocholo mo at si Diego, lalo na't magkamag-anak din sila. They build their own dreams which is ang magtayo ng plantasyon sa bayan ng Bukidnon. Pinaghirapan nila iyon... pinalago hanggang sa naging tanyag ito sa buong Pilipinas at maging sa ibang bansa. Nang naging sagana ang negosyo nila, they both decided to marry the woman they love. Iyon ay ako at si Imelda. Naging maganda naman ang takbo ng mga buhay namin hanggang sa magkaanak kami, who happened to be Cairra. Sina Imelda at Diego naman ay nagkaroon ng problema sa pagbubuntis. Matagal na panahon ang hinintay nila to have their own child pero habang ganoon, they decided to adopt a baby girl. At iyon ay si Thiana."

Mataman akong nakikinig sa kanyang kwento. I found it really interesting lalo na nang nabanggit ang pangalan ni Mama.

"Thiana is a good daughter. Responsable at masunurin. Wala ka ng mahihiling pa hanggang sa umibig siya sa lalaking 'di gusto ng pamilyang Del Monte. 'Yon ang dahilan kung bakit ayaw nila kay Ximi."

Napakurap ako. Bigla akong nablanko sa nalaman ko. Pero habang ganoon, bigla akong may naalala sa sinabi ng nanay ni Ximi.

"Isang negosyante raw po ito, la? How true is that?"

Pero sino 'yon? Sayang naman kasi 'di ko nalaman ang pangalan ng tatay ni Ximi. Makakatulong na sana ako sa kanya.

"Yes, apo." Lakas-loob niyang sagot. "Pero ayaw ipaalam sa iba kung sino."

"Pero kilala mo siya?" Agap kong tanong. Mahinang tango naman ang itinugon niya.

I sighed exasperately. My mind was drowning. Kung puwede ko nga lang sanang malaman kung sino, baka makakahanap ako ng impormasyon tungkol sa kanya.

"Bakit po kaya ayaw ipaalam kay Ximi, la? Kasalanan po ba 'yon?"

Si lola naman ngayon ang napabuntong-hininga.

"Masyadong delikado ang sitwasyon, hija. Siguro hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman ni Ximi ang katotohanan."

"La?" May kumatok na lalaki. Kumalabog kaagad ang puso ko, lalo na nang bumukas nang malawak ang pinto.

"O, Ximi?" Sagot ni lola. Napalunok ako nang husto when our eyes met. He smiled at me then turned to lola. "How's lolo, la?"

"Maayos naman siya, apo. Salamat sa pag-aalala." Nakangiting sagot ni lola.

Bumaling siya sa akin. "I already put your luggage inside your room and here," may pinakita siya sa akin. Laking gulat ko nang cellphone ko iyon. "... I found your phone."

"Oh," tanging bulalas ko. Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Ilang percent na ba?"

"34," tipid niyang sagot. Nang kinuha ko iyon ay naglihis siya ng tingin. Parang guilty sa isang bagay.

"Salamat," sabi ko at bumalik sa tabi ni lola. Sumulyap muli ako kay lolo na natutulog. "Sana gumaling na si lolo, la. I can't stand watching him like that."

Kung puwede nga lang na ako nalang, papayag ako basta 'wag lang si lolo o si lola. I better suffer than to watch them lying down on their bed.

"Magtiwala ka lang, apo. Gagaling din ang lolo mo." Umaasang wika ni lola. Somehow nabuhayan ako ng pag-asa. Kung si lola ay positibo, dapat ay ako rin.

Nang maggabi ay sabay kaming kumain maliban kay lolo. Baka mamaya ay magigising iyon saka kakain. 'Di puwedeng istorbohin ngayon para tuloy tuloy ang pagpahinga.

"Ibig sabihin ba ay 'di mo tinanggap ang alok nila?" Pagkaklaro ni lola.

Tutal narito na rin naman kami ay pinag-usapan namin ang nangyari sa Bukidnon kahit pa nasimulan na namin iyon kanina. Sinabi ko kay lola 'yong totoo.

"Yes, la. Wala namang naging problema kina Don Diego at Donya Imelda iyon, maging sa mga magulang ni Ximi. I guess they all respect my decision. 'Di ko talaga hilig iyon. Isa pa, tatanggapin ko iyon unless it's Ximi I will work with."

Basta 'yon ang gusto ko. Wala ng makakapagpabago pa sa akin. I have decided to reject the proposal.

"Ikaw bahala, apo. Mas mabuti na rin iyon para matutukan mo ang kasal ni Atifa. Tiyak akong matutuwa iyon kapag malaman niyang nakauwi ka na."

Napangiti ako sa sinabi niyang iyon. Sumulyap ako kay Ximi na ngayo'y nakatingin na rin pala sa akin.

Sa ngayon, okay naman kami ni Ximi. At kontento na rin ako sa kung anong meron kami. Medyo 'di ko na iniisip 'yong sinabi ni Elliana sa akin dahil una sa lahat, 'di naman kami ni Ximi. 'Di rin siya nanliligaw sa akin. He never mentioned a thing. Kung naghahalikan man kami, siguro nadadala lang sa bugso ng damdamin o kung ano man ang tawag doon.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na akong magpahinga. It was a long and tiring day after all. Kailangan kong makabawi para maging handa sa nag-aabang sa akin na trabaho.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pagkababa ko ay nadatnan ko si lolo na umiinom ng kape. Ganoon na lamang ang naramdaman kong tuwa nang makita siyang masigla.

"Lolo!" Tuwang tuwa kong sambit. Lumapit kaagad ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi nang matagal at mariin. Umani ako ng mumunting halakhak mula sa kanya. "Kumusta pakiramdam mo? Have you taken your med already?"

"Yes, apo." Humalakhak siya. Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya sa likod at hinarap siya. Umupo ako sa tabi niya.

"That's good to hear, lo. You should stay here and rest until you fully recovered."

"Ano ka ba naman, apo. Maayos na ang lagay ko."

"Lo," I gave him a disappointed look. "Please?" Nagpacute ako. Kahit ngayon man lang ay pagbigyan niya ako. "Magpahinga ka muna rito. It's good for your health. 'Wag mo munang problemahin ang negosyo."

"Hmm," he hummed, mukhang may naalala. "Your lola told me you turned down the offer. But why?"

I heaved a deep sigh and moved my brows. Heto na naman tayo sa usaping ito. Paulit ulit nalang.

"Lo, just like I said-"

"And why are you keep on pushing Ximi to be your partner?" He stared at me suspiciously. Malisyoso masyado ang matandang 'to.

"Kasi nga, lo, kilala ko si Ximi. Si Raven, I just met him. Yes, he's good. He's actually nice but still, I prefer Ximi."

"Is there no personal reason behind it?" He asked suspiciously.

Pinagsalubungan ko siya ng kilay and eventually laughed a bit.

"What do you mean by personal, lo? I don't see any subjective reasoning."

But he didn't bite my rationales. Hindi pa rin siya kumbinsido na hindi personal ang naging desisyon ko.

"You haven't seen Raven working with the plantation yet. And now you're making your own story."

Mas lalong kumunot ang noo ko. Parang may gustong klaruhin si lolo sa bawat salitang binibigkas niya.

"If you're thinking I like Ximi, then you're thinking wrong, Lolo Pocholo. We're just friends and nothing else." Depensa ko.

Friends nga lang ba? Parang... oo, tama. Magkaibigan lang kami na naghahalikan. Tama ba 'yon, ha?

"I see," he said. Mapanghusga pa rin ang kanyang tingin sa akin.

After that, I excused myself from Lolo Pocholo. I needed to talk to Atifa kaya tinawagan ko siya. I asked her kung libre ba siya ngayon and she was giggling while saying "yes". Ay ang bruhang buntis. Excited na akong makita. Baka naman ipaglilihi pa niya anak niya sa akin?

Nagpaalam ako sa mga matanda na aalis muna ako para makipagkita kay Atifa. I already told my cousin na pupunta ako sa bahay nila and she agreed. Aniya'y mabuti nalang na pupunta ako dahil nababagot na siya sa bahay niya. Wala kasi ang magiging asawa niya ngayon. Abala rin sa ibang bagay.

Hinatid ako ni Manong Teodoro sa bahay nila Atifa. Natutuwa iyon dahil ikakasal na umano ang pinsan ko. Napakibit-balikat nalang ako. Naalala ko bigla ang sinabi sa akin ni Manong Ato na hindi madali ang pagpasok sa buhay ng may asawa. Siguro totoo iyon lalo na kung 'di malayong naranasan na niya iyon.

"Paano niyo po malalaman kung nahanap mo na 'yong taong para sa'yo?" Tanong ko bigla. I was just curious. Malay ko ba sa ganyang mga bagay.

"Hindi 'yan nalalaman, anak. Nararamdaman 'yan." He said like he was trying to make me understand. "Pagdating sa ganyang bagay, hindi ako eksperto pero base sa karanasan ko, alam kong siya na ang para sa 'kin dahil komportable ako sa kanya. Tanggap niya ang buo kong pagkatao at 'di niya binabago 'yong pagiging ako. Kapag kasama ko siya, ramdam kong ligtas ako palagi. Isa pa, nangangarap siya kasama ako."

Nagbaba ako ng tingin. May kirot sa puso ko ang sinabi niyang iyon. 'Di ko alam kung bakit.

"Basta, hija." Pahabol niya. "Kapag naramdaman mo na siya na ang para sa 'yo, 'wag mo ng pakawalan pa. Si misis kasi, 'di lang alam kong siya 'yong para sa 'kin kung 'di naramdaman ko rin ito. Ang swerte ko nga dahil napunta siya sa 'kin. Bihira lang ang babaeng tulad niya."

Ang swerte. 'Yon ang masasabi ko para sa kanilang dalawa. Ang swerte dahil sa lawak at laki ng mundo, natagpuan nila ang isa't isa.

Huminga ako nang malalim at ngumuso. E ako kaya? Kailan ko mahahanap 'yong taong para sa 'kin? Puwede bang si Ximi nalang 'yon?

下一章