Tahimik lang kaming dalawa na nakaupo sa general's chair. Alam kong nakatingin lang siya sa akin while I was facing my side to him. I wasn't comfortable enough. Aminado ako. Lalo na dahil sa naaamoy ko ang pabango niyang dumidikit sa katawan ko.
"Next time, don't go around alone. Okay?" Bigla niyang sabi na sinabayan ng isang buntong hininga. Tumango naman ako saka siya nilingon.
"Why are you so scared?" Tanong ko. "'Di naman ako mawawala."
Kung makareact siya ng ganoon, he was so scared of losing me. Dapat ba akong matuwa roon?
He sighed defeatedly. "Because I don't want to commit the same mistake, Luca. There was one time when we almost lost Ori." Titig na titig siya sa akin. He was serious, I must say. "I blamed myself when we failed to find her."
I was looking at him straight, too. Napapatingin ako sa labi niya at sa mata kapag nagsasalita siya. It was weird, actually. 'Di naman ako ganoon makipag-usap sa iba.
"Then, how did you find Ori?"
He looked away and slowly faced his side to me. Dahil ba ayaw niyang makita ko ang ekspresyon sa mukha niya?
"Because of Bruno." He muttered and faced me again. "Bruno was the one who found her. And from that moment, I promised to myself na 'di ko na pababayaan si Ori."
"So, that explains why Ori sees you as her father?" I concluded.
Pero nakakapagtaka lang dahil 'di naman sila magkamukha. Sa mata lang talaga. Shape and the color.
He heaved a sigh. Sa kung paano niya gawin iyon ay parang nahihirapan siya. Parang ayaw na gusto niyang sabihin 'yong totoo.
"Let's go anywhere?" He brushed off the topic, faking a smile.
"Sure." I agreed.
Tumayo kaming pareho at naglakad kahit saan. Dahil kabisado niya ang buong lugar ay pinagkakatiwalaan ko siya.
Pumunta kami roon sa hagdan pataas. It was good for trecking; for burning fats.
"Do you want to know the whole story?" Bigla niyang tanong habang umaakyat kami sa taas. Napahinto ako sa paghakbang just so I can face him.
"I'm willing to listen, Ximi. Kung komportable ka naman magkuwento, why not?" I smiled bitterly.
Another shade of Ximi, I thought to myself. Nakakapanibago ang ganitong pag-uugali niya. Pero sa totoo lang, natutuwa ako dahil kung magkukwento man siya, it only meant pinagkakatiwalaan niya ako.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Napatingin kaagad ako roon. He was two steps before me. So bale nakatingala siya nang kaonti sa akin.
"Promise me you won't judge me?" Aniya. Pinagsalubungan ko naman siya ng kilay.
"Why would I judge you, then?" Tumawa ako nang mahina. "Alam mo bang masarap sa pakiramdam na may nagkukwento sa akin tungkol sa buhay nila? It only means pinagkakatiwalaan nila ako. Kaya kung nag-aalala ka na huhusgahan kita, 'di ba't hinuhusgahan mo na rin ako?"
Natahimik siya sa sinabi ko habang ako ay nanatiling nakatingin sa kaniyang mata. I was trying to read his mind, to translate the message of his soul.
Humangin ang paligid. Bagama't tanghali na ay 'di ganoon ka-init sa balat ang araw. This place was a perfect site para magmuni-muni.
"Okay, I'm sorry." He finally said. "Alam mo kasi... hindi naman lahat katulad mo, Luca. Iba iba ang mga tao. Kagaya ko, iba ako sa'yo. Iba ka rin sa akin. Sabi nga nila, everyone is unique. And we just met... we haven't given yet the chance to know each other personally."
I pursed my lips. "Tama ka. Pero... ipagpalagay nalang natin na komportable tayo sa isa't isa. That we both know each other spiritually. Hence, we have a connection."
"All right," suko niya. Tumawa ako nang mahina at ngumisi naman siya. Baliw.
Nagpatuloy kami sa pag-akyat. Ang bilang ko ay 84. Ewan ko kung tama ba iyon.
Nang nakarating kami sa tuktok ay napangiti ako nang malawak. "Wow" was understatement. The place was heaven! Puwede kang manood ng sunset at sunrise! Isa pa, mahangin at relaxing dahil na rin sa mga punong kahoy.
"Ang ganda pala rito eh!" Bulalas ko. Hinanap ko ang pares niyang mata at nadatnan kaagad ang ningning doon. His eyes swam in amusement. "What?" I gave him a questioning look.
"Nothing," he shook his head in adoration. "You look like a little girl."
"Seryoso!" Giit ko. "Ang ganda kaya rito! Alam mo kasi, minsan lang sa buhay ko na makapunta sa ganito. Although I've been to different countries but iba pa rin 'yong puro green lang nakikita ko. Or those fresh flowers."
Maganda naman ang mga napuntahan ko ng lugar. Nag-enjoy pa nga ako eh. Pero kasi iba ang hatid sa akin ng mga punong kahoy. 'Yong mga bulalak na iba't iba ang kulay.
"Okay, okay." He chuckled. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Let's tour around."
"Sounds good!" Galak kong sabi.
We went to a fishpen. Ang sabi kasi ni Ximi ay may sariling palaisdaan ang resort na ito. I was curious kaya sumang-ayon na rin ako.
"Marami palang pools dito." Komento ko. Malapit na kami sa fishpen.
"Yup. We also have rooms, usually hilltop. Pero depende pa rin kung saan mo gusto magstay. We have rooms malapit sa pool. Doon sa taas or... anywhere." Tango tango niya.
"Pero 'di naman tayo mag stay dito, 'di ba? Uuwi tayo sa inyo?"
"Hmm," sumingkit ang bilugan niyang mata, mukhang nag-iisip. "Ikaw ba? You want to stay here?"
"Uhh," ako naman ang nag-isip ngayon. "Huwag nalang siguro. Uuwi pa si Natasha."
"She can drive on her own. Malaki na 'yon."
"Hoy, grabe ka." Saway ko. Tumawa lang siya sa naging reaksyon ko.
"Seriously?" He was laughing. Almost nawawala ang itim ng mata.
"Magkaklase ba sila ni Aubriene?"
"Yeah," he cleared his throat pero natatawa pa rin siya. "Halos magkamukha na nga 'yon kasi laging magkasama. She's fine, really. No need to worry about her."
"Maldita ba 'yon?" Napatanong ako. Naalala ko kasi na nagsusungit sa akin kanina.
"No." Umiling siya. "She's actually a nice girl. Baka ikaw ang maldita?"
"Excuse me?" Tinaasan ko siya ng kilay. Muli na namang bumungisngis ang kumag.
Trip ata ako ngayon? Hmm.
"Ikaw kaya 'tong arogante?" Angil ko. Bumungisngis lang ang kumag. "'Di naman ako magmamaldita kung mabait ka sa'kin."
"Uhh," tumango tango siya, nang-aasar. "Alam mo,"
"Oo alam ko." Agap ko. Sumama iyong tingin niya kaya tumawa ako. "Upo muna tayo. Sakit na ng paa ko."
Kanina pa ako lakad nang lakad. Kung saan saan na ako nakakarating tapos, nagyaya pa 'tong isa maggala.
Umupo kami sa may silong. Maraming punong kahoy rito at madamo pa kaya perpektong lugar para makapag-isip.
Umugong siya nang nakaupo kami. Nababasa ko sa kanya na may gusto siyang sabihin pero 'di niya masabi.
"'Di kaya tayo hahanapin?" Tanong ko sa kanya na ngayo'y prenteng nakaupo. Nakasandal siya sa puno.
"Hayaan mo silang hanapin tayo." Simple niyang sabi, dahilan para pagsalubungan ko siya ng kilay.
"'Di ko pa naman nami-meet si Don Diego. Nandoon kaya?"
"Si Lola Imelda lang."
"Ah, okay." Tanging sabi ko. Kaya ba "Villa Imelda" ito dahil kay Lola Imelda ang lupaing ito?
"Where are we again?" He suddenly asked.
"Nasa fishpen?" 'Di ako sigurado. 'Di ko alam anong tinutukoy niya.
Bigla siyang tumawa. Baliw talaga ang kumag na 'to. Nag-aadik na naman.
"Yeah, you're right." Aniya sa gitna ng tawa. "But kidding aside," sumeryoso siya. Ang kanyang tingin ay nasa malayo. "Kaya 'di kami magkamukha ni Ori ay dahil..." he trailed off, mukhang nag-iisip.
I was patiently waiting for him to say something. Mukha talaga siyang nahihirapan sa sitwasyon niya. It seemed like he wasn't ready yet to talk about it.
Hinawakan ko ang kamay niyang nasa kanyang hita. Nilingon niya ako sa nagtatakang mukha but I just smiled at him.
"You don't have to force yourself, Ximi." Malumanay kong sabi nang nakangiti. "I understand why it's so hard for you to open this topic because it's too personal. Besides, we're friends but it doesn't mean it's a must that I know everything about you. May mga bagay kasi na 'di mo dapat pinagpipilitan. May mga pagkakataong dapat ikaw lang ang nakakaalam kung kinakailangan."
Naiintindihan ko kung gaano kahirap para sa kanya na magbahagi ng kanyang kwento. Kasi kahit naman ako, may pagkakataong nililihim ko ang isang bagay 'di dahil wala rin akong tiwala pero dahil tungkol ito sa pagkatao ko. It's just that, there are things better left unsaid.
He held my hand and my breathing hitched. 'Di ko alam kung bakit sa tuwing hinahawakan niya ako ay may mahinang kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. Lalo na sa puso. It was weird but I knew it felt so good.
"Thank you, Luca." He said, his eyes were blue. "Pero ang totoo niyan, kapatid ko lang sa ina sila Abi at Ori."
Napalunok ako sa sinabi niya. Nablanko ako. Para bang may sumabog sa kaloob looban ko. Hindi ko inasahan iyon. I just told him na 'di niya kailangang sabihin sa akin ang tungkol sa kanya.
He sighed heavily. "I grew up with no clue who is my father. I asked mom sino siya pero ayaw niyang pag-usapan."
Natahimik kami pareho. Maraming gumagambala sa isip ko. Parang gusto kong magtanong nang magtanong hanggang sa makuntento ako. But I knew my place. I shouldn't cross the line.
"I got Willson's last name dahil iyon ang gusto ng pamilya ni mama kahit pa 'di nila ako tunay na apo."
Willson was the husband of Mrs. Thiana Abenajo. Kaya si Ximi ay Abenajo kasi gusto ng pamilyang Del Monte. Pero kung ganoon, bakit sinasabi ni Ximi na 'di siya tunay na apo?
Tumingin sa malayo si Ximi at pinaglaruan ang damo. "Si Mama, 'di siya tunay na Del Monte. Inampon lang siya." Tinignan niya ako nang diretso. "That only means hindi rin ako tunay na apo nila Don Diego at Donya Imelda. I have no rights to be called as that."
I gulped once. Nahihibang ako sa kwento niya. I honestly didn't get him. Nakakalito ang kwento ng kanyang buhay.
Kung ampon lang si Mrs. Thiana, hindi siya tunay na Del Monte. Kung anak naman sa labas si Ximi, 'di rin siya Del Monte at mas lalong hindi Abenajo.
"But how did that happen?" I asked. I was still bubbled. "Okay naman ang trato nila sa'yo?"
He was just staring at me, looking for something. Sa huli ay nag-iwas siya ng tingin.
"That's why I moved to Manila." He paused. "I know they just couldn't accept me."
What? Paano nangyari iyon?
"Kaya ba... ayaw ni Don Diego ipamana sa'yo ang plantation? And he doesn't trust you enough to run the business?"
Bakit naman ganoon? Hindi naman kasalanan ni Ximi na mabuo siya. In fact, he was a gift. He's talented at may itsura. What else could they ask for? I believed mabuti siyang tao.
"Probably," mahina niyang sabi. "But you know what?" Tinignan niya ako nang diretso. "I'm not after their money. Kaya ko namang buhayin ang sarili ko. I just don't like them making me feel unwanted."
I battered my lashes slowly. Naaawa ako sa kalagayan niya. Hindi ko alam na ganito pala ang pinagdadaanan niya. All I knew was he was arrogant. Kaya rin siguro nasasaktan siya kapag tinatawag ko siyang "bastardo" dahil totoo iyon. And knowingly hindi niya kilala ang Papa niya, I didn't think he was whole. Kasi para naring sinabi na patay na 'yong tatay niya.
Pero bakit nga ba ganoon? Bakit kailangan nilang ilihim 'yong parte ng pagkatao ni Ximi? Why don't they just let him know about his father? Unless kriminal or kagalit?
I didn't know. I can't find all the answers.
I smiled at him, dahilan para magtaka siya. "Nandito naman ako, Ximi. 'Di kita iiwan." Sinsero kong sabi. "If you think that all of them will judge you, ako hindi. If you feel like they don't like you, nandito ako. Tanggap ko ang buo mong pagkatao."
Namula ang kanyang mata at namamasa ito. His eyes were happy, kita ko iyon. Sa ekspresyon ng kanyang mukha, I knew he was relieved.
"You don't know how much this means to me, Luca. You know it's rare to find someone like you. Aminado akong 'di ako naging mabuti sa iyo noong una pa, yet, you stayed. Pinagtiyagaan mo ako."
"Ayos lang 'yon, Ximi. Huwag mo ng isipin pa ang nakaraan. Let's just say naging totoo ka lang sa'kin noong una pa."
"Luca," he stiffened. For the first time, nakita ko siyang umiyak. "Can I hug you?"
"Uhh," uminit ang pisngi ko at nagsimulang bumilis ang tibok ng puso. I didn't know what to say. Ni hindi ko alam ano bang gawin ko pero sa huli ay ngumiti ako at tumango.
He hugged me so tight. Mas lalo akong kinabahan dahil baka maramdaman niya 'yong puso ko. Doble pa naman ang bilis nito. Lalo na't naaamoy ko na naman 'yong pabango niya.
He was caressing my hair and it felt good. Bukod kay lolo, siya lang ang gumagawa sa akin nun. And it reminded me of how gentleman my dad was.
Dahan dahan siyang kumalas mula sa akin at hinanap ko kaagad ang pares niyang mata. He was smiling! Nakakagaan ng loob ang makita siyang nakangiti bagaman namamasa ang mga mata. Nagpapasalamat pa rin ako.
He cupped my face while smiling at bigla akong hinalikan sa noo. Nanigas ako bigla sa ginawa niya. I was caught off guard!
"Salamat, Luca." He said. He tucked the loose strands of my hair behind my ears.
Pinagmasdan niya nang maigi ang mukha ko while I remained my eyes on him. Para bang kinakabasido niya bawat anggulo ng mukha ko. Nakakaconscious. Uminit bigla ang pisngi ko.
"Aren't you blushing?" He teased in amusement. Sa sobrang hiya ko ay tinulak ko siya palayo. Mas lalo siyang natuwa kaya mas lalo rin akong nahiya.
Loko 'yon, ah! Pinagtitripan na naman ako!
"Crush mo ba ako?" He asked teasingly. Tinarayan ko naman siya.
"Ang kapal talaga ng mukha mo, ano?"
Umusog ako, enough to stay far from him. Kanina pa talaga kumakalabog ang puso ko. Baka aatakihin ako nito bigla!
"Halata naman, Luca." Natatawa niyang sabi. "Kahit 'wag mo ng aminin."
"Hoy, ang kapal ng mukha mo!" Tumayo ako. I was able to compose myself kahit pa hinang hina na ang tuhod ko. Ang lakas talaga ng epekto ng kumag na 'to sa'kin!
Nag-eenjoy yata siyang inisin ako dahil tumatawa pa rin ang kumag. Aba talaga! May saltik 'tong si Maximilian.
Naglakad ako palayo. Mabilis pa rin ang tibok ng puso. Mariin akong pumikit at nanalangin na sana matapos na ang araw na 'to.
This is so bad. Mali ito, e.'Di dapat ako nagkakagusto sa kumag na 'yon. Baka naman ako lang 'yong nahuhulog sa kanya while he was falling for someone else. Mahirap na kapag ganoon ang sitwasyon. While I was happy with him, he was happier with someone else.
"Luca!" Rinig kong tawag niya. 'Di ko siya pinansin. I was already breaking down. Alam ko sa pagkakataong ito, masasabi kong may nararamdaman na ako para sa kanya. Sino ba namang hindi mahuhulog kung ultimo paghawak niya lang sa kamay ko ay parang sasabog na 'yong puso ko? Paano pa kaya kung alam ko na ang kwento niya and I decided to stay and accept his whole package?
No, Luca. Mali talaga ito. Kaibigan lang ang tingin niya sa iyo lalo na kung nililigawan niya si Patricia. At baka naman ikaw ang inientertain niya dahil ikaw 'yong nandito? Paano kung kasama na niya 'yong taong totoong gusto niya? Edi basura nalang tingin niya sa'yo?
I walked slowly habang nakatingin sa baba. Napabuntong hininga ako. Minsan na nga lang magkakagusto, sa maling tao pa.