webnovel

Chapter 25

It's almost two o'clock in the afternoon pero kararating lang ng eroplano. Ubos ko na rin ang pagkain namin. Inubos ko na kasi mukhang walang balak kumain ang isa.

"Water," alok niya na kararating lang. Tahimik kong inabot iyon at ininom.

"The plane just arrived." Balita ko pagkatapos uminom ng tubig. "Anong oras kaya tayo makakarating?"

Umupo siya sa tabi ko. Muli kong naamoy ang kanyang pabango.

"Depends but if I were to calculate," he checked his wristwatch and glanced at me. "Probably six in the evening."

"Saan ba tayo magstay?"

Parang ang nangyari ay sumama lang ako sa kanya. 'Di ko talaga natanong sa kanya ang plano.

"We'll stay at home for awhile." Simple niyang sagot. Umawang ang labi ko. Poprotesta sana ako kung 'di lang tinawag ang flight namin. He stood up immediately and hang his bag behind his back.

Sa bahay niya kami magstay? For a week? 'Di kaya nakakahiya iyon?

"Hey!" Tawag ko sabay takbo papunta sa kanya. Ano ba nama't ang bastos kausap.

Sumiksik ako sa mga nakapila. Nasa unahan na kasi siya. 'Di naman puwedeng magpapaiwan ako rito.

Sa labas pa lang ay nakikita ko na ang malaking eroplano. It was colored in red. May malaking hagdanan doon para doon kami aakyat. Mayroon ding mga tauhan para maggiya sa aming mga pasahero o kaya'y nilalabas ang mga bagahe ng kararating lang na mga pasahero. They had their own exit way, by the way.

"Ximi!" Tawag ko at tumakbo papunta sa kanya. He was just chillin'. Para bang komportable siyang mag-isa. To think wala siyang dalang mabigat na bagay.

Nilingon niya ako. Ngayon ay may suot na siyang sunglasses na pang summer. Bakit kaya ang guwapo niya sa paningin ko ngayon?

"Wait naman!" Reklamo ko at huminto sa tapat niya. "Parang kanina lang ayaw mo akong iwan tapos ngayon, you're acting like you're flying alone." Sumimangot ako.

'Di siya umimik at kahit nakasalamin siya, kita ko kung paano niya ako titigan. Nanunuot sa buto iyon. Nakakaconscious tuloy ng itsura. Kaya naman pasimple akong nagpunas ng labi. Baka may dumi gawa ng kinain ko kanina.

I crossed my arms in front. "Huwag ka ng lumayo sa'kin. Baka kasi mawala ako."

Pero imbes na magsalita siya ay naglahad siya ng kamay. Sa una ay nalito ako. 'Di ko naman nakuha ang pinapahiwatig niya.

"Let's go?" Mahinahon niyang tanong. Saglit akong nag-iwas ng tingin bago tinanggap ang kamay niya.

Oh, god. Ang lambot talaga ng kamay niya!

My heart was racing pero 'di ko pinapahalata sa kanya na may epekto siya sa akin. Maingat niya kung hawakan ang kamay ko na parang isang babasagin. I didn't know for what was that sensation. I just knew he's got a power to electrify me.

He ushered me to the plane. Bawat hakbang ko ay nakabantay siya. He was treating me like a little child. But it was good, I must say. I imagined dad doing this to me while I was just a kid.

Napabuntong hininga ako. I suddenly missed my dad. Kung nasaan man siya ngayon, I hoped he was so proud of me. Nag-iisa nila akong anak but I didn't think I had something to brag about.

"You okay?" Rinig kong tanong ni Ximi nang na-stuck kami sa hagdanan. Pinadausdos niya ang kanyang kamay sa akin. Nilingon ko siya and saw a hint of sadness in his eyes. Pero 'di iyon ang una kong napansin. It was my heart... skipping and racing.

"O-Oo," I stammered. Lakas ng epekto ng kumag na 'to sa 'kin. "Bakit mo natanong?"

"Nothing," tipid siyang ngumiti. Nag-iwas naman ako ng tingin.

Nang nakapasok na kami sa loob ng eroplano ay hinanap namin ang upuan namin. Ang sabi sa akin ay malapit kami sa bintana. And if that was the case, ang sarap lumipad habang pinapanood mo ang tanawin sa baba.

When we found our seats, nilagay niya sa taas ang kanyang bag. Halos nakaupo na ang lahat, liban sa mga nag-aayos ng kanilang gamit. At ang iilang FA din ay tumutulong sa kanila.

"Finally," I heard him said as he settled down beside me. Ako ang umupo malapit sa bintana. Mabuti at pinagbigyan niya ako na rito nalang uupo.

"You okay?" Tanong ko sa kanya. He just smiled that made my heart flutter.

"Yeah," tumango siya. His eyes swimming in excitement. "Ikaw? Excited?"

"Sort of," I nodded. "It feels like it's my very first time to fly to Bukidnon. Oo nga pala, where did you leave the car?"

We both buckled our seatbelts dahil iyon ang sabi ng babaeng nasa harap. She was demonstrating something na 'di ko na pinakinggan since I was busy talking to the man beside me.

"Manong will pick it up. I gave him the key kaya medyo natagalan ako sa pagbalik kanina."

"I see... pero puwede namang si manong nalang ang nagdrive sa atin papunta rito?"

"Istorbo lang 'yon." Simple niyang sabi.

I wrinkled my nose at him. Anong ibig sabihin no'n?

"So, paglapag natin sa Cagayan de Oro, may susundo rin ba sa atin?"

"Yup," he nodded reassuringly. "Our driver will pick us up and we'll go home immediately. I'm thinking pagod ka na kaya uuwi na muna tayo."

"That means bukas na tayo pupunta sa plantation?" Pagkaklaro ko. What was his plans again?

"Maybe... still depends on you. We can tour around Manolo Fortrich if you want to."

Napakurap-kurap ako sa kanya. May mga naglalaro ng eksena sa utak ko. Nakakaexcite iyon!

"Sounds good." I agreed. "One week naman tayo roon so no need to rush."

Tumango lang siya at tipid na ngumiti. 'Di na siya muling umimik kaya naman bumaling ako sa labas.

The whole field was wide. Ilang ektarya kaya ito? May mga punong kahoy akong nakikita roon sa malayo at may iilang bahay o gusali.

May sinabi ang flight attendant na i-turn off muna namin ang cellphone dahil magti-take off na ang eroplano. Tutal wala naman akong cellphone, 'di ko na pinansin pa iyon. Nilibang ko nalang ang sarili ko sa labas.

I could feel the plane moving slowly at habang tumatagal ay mas bumibilis ang takbo nito na parang nakikipagkarera. Unti unti rin itong tumataas, maging ang view sa labas, so I was assuming na 'di na nakalapag ang mga gulong sa lupa.

I watched the breath-taking view outside my window. It was trully a masterpiece. May yamang tubig na green at blue ang kulay, may kabahayan at may sakahan.

If people only knew the essence of life, wala na sanang sirang yaman ang mundong ito. They were blinded by foolishness and greedy deeds. Ewan ko ba kung bakit hindi pa rin sila kontento sa kung anong meron sa kanila. Living in simple life was the best feeling. Iyong tama lang na may kinakain ka tatlo o limang beses sa isang araw. Minsan ay sobra pa.

I was wondering if money has something to do with our own happiness. Napansin ko lang, lalo na sa mga pinsan ko, they were working hard for money. They devoted their lives for power and fame. They'll trade everything until they got satisfied.

Pero sa lagay ko, I don't really care much about the money. I was content with what I had; although sometimes I had to pamper myself just so I can feel I'm living. But squandering for nothing means nothing to me. Aksaya lang iyon sa oras ko.

"Luca," muli ko na namang naramdaman ang mahinang boltahe sa katawan ko nang hinawakan niya ang kamay ko. I turned to him na ngayo'y matamang nakatingin sa akin. "Kanina ka pa tahimik. Is there something bothering you?"

Napatingin ako sa kamay niyang nakapatong sa kamay ko. I didn't know how to label my feelings for him. O kung meron nga ba talaga. 'Di ko alam paano ko malalaman na gusto ko siya.

"W-Wala naman," I replied. I was not lying either. Wala naman akong problema sa ngayon.

"I promise I won't leave you again." He assured. He smiled but it didn't reach his eyes. He looked hurt inside.

Tipid din akong ngumiti. "Promise?"

"Promise." He nodded. "Kaya kung ano man ang bumabagabag sa'yo, shake it off. I'm here, okay?"

"Okay."

After that, tahimik na muli kami. Nang nilingon ko ang view sa labas, makakapal na ulap lang ang nakikita ko. It was funny to think na ang lapit ko na sa ulap pero 'di ko pa rin abot. 'Di ko man lang mahawakan. I didn't even think it knew I was there the whole time.

Kalahating oras na kaming nasa himpapawid. Nagsimula ng mag-alok ang mga babae ng pagkain. Some passengers ordered, some didn't just like us.

"Baka gutom ka na." Sabi ko kay Ximi na ngayo'y nagcecellphone.

"I'm still full. What about you?" He glanced at me at balik muli sa screen niya. May katext siguro.

"'Di rin." Tipid kong sagot. Maybe he was texting Patricia his whereabouts? I didn't know. Ayoko rin namang malaman iyon.

Nilibang kong muli ang sarili ko sa labas. The thick clouds looked so soft na parang gusto kong humiga roon. Naisip ko bigla na bumili ng ganoong unan o higaan. Or maybe 'wag nalang tutal 'di naman iyon importante.

"I texted mom na nasa eroplano pa rin tayo." Rinig kong sabi ng katabi ko kaya naman bumaling ako sa kanya.

"Close ba kayo ng mama mo?" Napatanong ako.

Kung buhay pa si mama ngayon, close kaya kami? May kapatid pa kaya ako o mananatiling mag-isa? Will she support all my decisions in life o kokontrahin nila dad iyon?

I didn't know. I had all the what ifs in life. What if I was a boy? What if I still had my parents with me? What if I grew up to other world? To other life? Will life still be fair and just?

"Yup," he plopped the last letter. "Of course, she's my mother. Sa kanya ako nagmula."

Right. Ang swerte niya kasi may natatawag pa siyang 'mama'. May natatawag siyang 'papa' at mga kapatid. While me, wala na. Yet, I was blessed because of lolo and lola. I was more than enough to them.

"Sorry," bigla niyang sabi. Umiling naman ako at ngumiti to give him assurance.

"Don't be..."

I kept silent. I didn't want to talk about it anymore. Masakit sa parte ko na ganito ang sitwasyon ko ngayon but I had to be strong. I had to be tougher. I had to accept what I lost and appreciate what's left. That's life. Bago ko pa man mawala iyong mga iniingatan kong tao, I should treasure them while they are around so no regrets in the end.

After one and a half hour, the plane already took off. May sinasabi muli ang mga tauhan dito but I was busy contemplating. Ano kaya ang itsura ng CDO? Tiyak naman akong maganda iyon.

"Luca," tawag niya sa akin na ngayo'y nakatayo para kunin ang bag niya. Nang nakuha niya iyon ay umupo ulit siya. Masikip kasi ang daan.

"Bakit?" I asked.

"Wala naman. Okay ka lang?"

Bakit panay tanong nito sa 'kin kung okay lang ba ako? Iniisip niya pa rin ba 'yong nangyari kanina?

"Oo naman. Ikaw ba?"

Para kaming timang na panay tanong kung okay lang kami. Bawat oras yata kami nagtatanungan ng ganoon.

"Yeah." He replied, timid. 'Di na siya ulit nagsalita.

Pagkababa namin mula sa eroplano, sumalubong sa akin ang mainit pero mahangin na lugar. I can already feel summer calling my name. Marami naman sigurong beaches dito, talon, lagoons o ano pa. May resorts din na puwede kang mag-stay for how many days you want to.

Lumipat sa kaliwang banda ko si Ximi para matakpan ako mula sa sikat ng araw. At walang pasabi sabi, hinawakan niya ang kamay ko at iginiya ako kung saan.

We just arrived in Laguindingan Airport. Ang hirap pala kung mag-isa kang umuwi at 'di mo pa kabisado ang lugar. Mabuti nalang kasama ko si Ximi at mukha namang tantiyado niya lahat ng daan dito.

Pagkapasok namin sa loob, doon kami sa bagsakan ng mga gamit. We waited for five minutes bago namin nakuha ang maleta ko. Siya ulit ang nagpagulong no'n at inilagay niya sa ibabaw ang kanyang bag.

Halos walang pinagkaiba ang lugar na ito sa NAIA. Kung meron man, I didn't bother myself to check it out.

"Nasa labas na 'yon sila manong." Sabi bigla ni Ximi. "He's waiting for us outside."

"What about those who don't have someone to pick them up? Anong sasakyan nila? Van? Jeep? O maglalakad lang?"

"Jeep?" He chuckled. "We have Magnum Express here, Luca. Pagkalabas mo, some will approach you for a ride."

Siningkitan ko siya saglit ng mata. He was inconsiderate! Siyempre 'di ko alam kung anong sasakyan ng mga kararating lang dito. Malay ko ba?

Pero mukha naman talagang tanga kung jeep, Luca. Kahit naman doon sa Manila, 'di jeep ang sinasakyan. Taxi or van.

I slapped my forehead mentally. Gutom ba ako o pagod?

Pagkalabas namin ay totoo nga ang sinabi ni Ximi. May mga taong nakikipag-usap sa mga kalalabas lang. 'Di ko maintindihan. Bisaya ata.

May parang terminal sila ng van. 'Di ko alam anong tawag sa kanila. Sa unang tingin, the place looked like a peryahan but actually not. More like a small waiting shed.

Huminto kami sa paglalakad kaya napatingin ako kay Ximi. May sasakyan palang parating. Baka ito na ang tinutukoy niyang van nila. Kulay itim ito and it's a GL GANDIA.

"Nice van," I teased. Nagkibit balikat lang siya nang nakangisi.

Huminto ang sasakyan sa tapat namin. 'Di nagtagal ay bumukas ang pinto ng drayber at may lumabas na lalaki.

"Ximiboy!" Tuwang tuwa niyang bati sa kasama ko.

"Manong!" Tumawa rin si Ximi at nakipagbiruan sa drayber; which made my heart flutter.

Ganito pala kung masaya si Ximi. Dapat lagi siyang masaya kesa sa arogante o seryoso. I can see the sincerity of his soul; the genuine smiles in his lips.

"Binata ka na!" Puri ni manong at napatingin sa akin. "Chicks mo?"

"No, manong." Humalakhak siya. Uminit naman ang pisngi ko.

Ganito ba sila mag-isip? Like, may makasama ka lang na babae o lalaki, syota mo na kaagad?

"Meet Luca..." pakilala niya sa akin. "Apo nila Lola Rita at Lolo Pocholo."

"Teka," siningkitan niya ako ng mata, sinusuri ang buo kong katawan. "Ito ba 'yong lagi mong kaaway dati noong mga bata pa kayo?"

"Ah, eh..." ngumisi si Ximi at napakamot sa batok. "Yes, manong."

Lumawak ang ngisi ni manong. "Ang laki mo na, Luca! Parang kailan lang, lagi pa kayong nag-aaway nitong si Ximi."

I gaped at them, speechless. Sa totoo lang, wala akong alam sa sinasabi nila.

Why do people always say magkakilala na kami ni Ximi dati pa man? At noon pa ay lagi na kaming nag-aaway?

"Tara na!" Alok ng drayber kaya nalihis ang utak ko. "Ilalagay ko lang 'tong maleta sa likod."

He did what he just said while I remained on my foot. Nawala ako sa ulirat. I was thinking what did I miss.

Ximi opened the door and looked at me like he was waiting for my response. Sa huli ay pinagkibit balikat ko 'yong mga tanong na gumagambala sa akin. Pumasok ako sa loob ng van at sumunod naman si Ximi.

下一章