webnovel

Chapter 22

Umahon na ako at umupo sa gilid ng pool. Nagmamasid naman siya sa akin, binabasa ang bawat galaw kong ginagawa.

"What's wrong, Luca?" He asked worriedly. Saglit akong tumingin sa kanya saka umiling sabay lihis ng tingin.

No, Luca. It wasn't the thing you expected it was. Normal lang naman siguro 'yong may dumaloy na mahinang kuryente sa katawan mo. It wasn't a big deal at all.

The water danced, signalizing Ximi was moving too. Pagsulyap ko sa kanya ay naglalakad na siya papunta sa akin.

"You better rinse now, Luca. It's getting cold. Look at your clothes."

Napatingin ako sa suot kong halter top. 'Di pa ako nagbihis mula nang dumating ako rito. Siguro tinamad lang saka 'di ko naman inasahang mababasa ako ngayon. All I wanted was to ponder. Ximi was just too playful.

"You, too." Sagot ko.

"Susunod ako. Sige na. Kumilos ka na. Baka magkakasakit ka pa."

I pouted. "Okay." Tumayo ako saka umikot at naglakad palayo. Wala na akong narinig na kahit na anong salita mula sa kanya.

Umakyat ako sa taas para maligo at makapagbihis ng pantulog. Sure akong basa rin ang hagdan dahil sa akin. Tumutulo iyong tubig mula sa damit ko. 'Di bale na. 'Di naman siguro ako pagagalitan.

Pagkatapos kong mag-ayos ay nakaramdam ako ng gutom. Bumaba ako sa kusina at sakto namang nandoon si Manang Isabela.

"Nagugutom ako, manang." Sabi ko.

"Ipaghahanda kita. Ano bang gusto mo?"

"Hmm," I held my chin, wondering. Ano kayang masarap kainin sa oras na 'to? "Maybe sotanghon nalang, manang."

"Sige. Hintayin mo nalang."

"Sige po. Salamat." I smiled at her.

Pumunta muna ako sa sala at sakto namang kalalabas lang ni Ximi mula sa kwarto niya. He looked at me from head to toe while drying his hair.

"Bakit?" Tanong ko. Napatingin ako sa suot kong angry bird na pantulog. Magkaterno ito.

"Bagay sa'yo." Komento niya sabay tawa nang mahina. He pursed his lips, trying to hold back his laugh.

"Funny." I mocked and rolled my eyes at him. Umupo nalang ako sa sofa. Nagugutom na talaga ako.

He walked towards me, still nagpupunas ng buhok gamit ang pink niyang tuwalya. It matched to his pastel pink cotton shirt and black sweat shorts.

"You see? You're an angry bird again." He joked pero 'di ako natawa roon. Naiinis ako!

Sinamaan ko siya ng tingin. He just gave me a teasing grin.

"Whatever you say." I barked.

A moment later when Manang Isabela came before our eyes. Suot niya pa rin ay apron. She looked at me with curiosity then turned to Ximi.

"Gutom ka rin ba?" Tanong niya sa kumag.

"Don't mind him, Manang." Pagsusungit ko. Kuryoso namang bumaling sa akin ang mayordoma.

"Nag-aaway na naman ba kayo?" Palipat lipat ang tingin niya sa amin. Umiling naman ako at nag-iwas ng tingin.

"Wala namang bago, manang." Rinig kong sagot ni Ximi. Pinaikot ko nalang ang mata ko kesa tignan siya.

No. You don't like him, Luca. Itaga mo sa bato at itatak mo sa utak 'yan. You don't feel unusual sensations and you won't fall for that person.

"Hay naku," Manang snapped. "Kayo talaga. Baka naman kayo pa ang magkakatuluyan niyan."

"No way!" Tutol ko kaagad at tinignan nang diretso si Ximi sa mata. "Imposible. I would rather fall for Moffet."

I turned to Manang Isabela na mukhang dismayado sa akin. Pinagkibit-balikat ko nalang iyon.

"Osya, maiwan ko muna kayo. Baka luto na ang sotanghon niyo."

Nag-iwas ako ng tingin at bumaling sa tv. I turned it on at nilipat lipat ang channel hanggang sa napadpad ako sa MYX. Maganda ang music kaya 'di na ako naghanap pa ng iba.

"Moffet pala." I heard Ximi said. Nilingon ko siya and I blushed saka nag-iwas ng tingin.

"Kesa naman sa'yo na sakit lang sa ulo." Seryoso kong sabi.

'Di siya nagsalita kaya nilingon ko siya. He was already typing something on his phone at 'di nagtagal ay itinapat niya ang speaker sa kanyang tainga.

"Moffet," sabi niya. Nanlaki kaagad ang mata ko.

Anong balak ng kumag na 'yan?!

"Yeah, she's here." Pinagsalubungan ko siya ng kilay and signalizing him to stop. But he didn't. He seemed enjoying the show. "She's not... okay... she just told me she likes you."

Napasapo ako sa mukha ko. Nakakahiya! Ano ba naman 'tong lalaking 'to! Paepal talaga kahit kailan!

"Okay. Just call her instead." Huli niyang sabi bago binaba ang cellphone. Napahinga ako nang malalim. I was having a mini heart attack dahil sa ginawa niya!

"What the heck, Maximilan?" I huffed. "Are you crazy?"

I balled my fist. Ano nalang ang iisipin ni Moffet? Although he had a hint that I like him, as far as I know, 'di pa naman ako umamin.

"What?" He chuckled. Nang-aasar. "You're blushing."

He laughed even more kaya nahiya na talaga ako. Pinagtitripan ako ng hayop na 'to!

"What's going on here?" Rinig kong boses ni lola. I looked at her direction at 'di ako nagkamali. Kasama pa niya si Lolo Pocholo.

"La!" Masayang sambit ni Ximi. Mukha siyang nawiwili sa nangyayari. "Guess what? Luca likes Moffet."

Napaawang ang labi ko. Taran... my god! What was he doing?!

Uminit ang buo kong mukha sa kahihiyan. Heck, Maximilian! Lagot ka sa'kin pag-alis ng dalawa!

"Really?" Tunog namangha pa si lola. "May nalalaman ka na palang ganyan?"

"N-No, La!" Depensa ko. "Moffet's a good friend of mine. Saka sino bang hindi magugustuhan ang ugali niyang napakabait?"

I prayed lola will buy my excuses. Nakakahiya talaga! Gusto kong kurutin si Ximi dahil naiinis ako sa kanya!

"Kung sabagay..." lola said, pero may halong pang-aasar iyon. Nakikinig naman si lolo sa amin. Mukhang 'di interesado sa usapin. "I like Moffet, too. And who wouldn't like him? Guwapo na, mabait pa."

Oh, goodness. I was dying to escape from this issue. Magkaibigan lang kami ni Moffet! Saka oo crush ko siya. Dati. And if ever hanggang ngayon, hanggang doon lang 'yon. My heart was looking for more.

"Lo," sambit ni Ximi. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya sa akin.

"Yes, hijo?" Sagot nito. Umupo siya sa sofa katabi ang asawa.

"Pupunta kami ni Luca sa plantation bukas. What do you think, lo?"

"Why not? So she will know about it." Tumango tango siya.

"You think I can make it, Lo?" I asked.

Sa totoo lang, kinakabahan ako sa naging desisyon ko. I wasn't ready yet. Pabigla bigla rin ako. I was not thinking about it for how many times.

"Yes, apo." Lolo answered. "I believe you can make it. Ximi will be there to help you. Kung magkakaaberya man, siya na ang bahala."

Napabuga ako ng hininga. "Sige, lo. Sounds better."

Makaraan ang ilang sandali ay dumating si Manang Isabela.

"Luto na ang sotanghon, Luca. Kakain na ba kayo?"

"Do you want to join us, lo? La?" I asked them. Umiling naman si lolo.

"We're already full, hija. Kayo nalang ni Ximi."

"Okay." I nodded. "Kakain lang po ako."

"Sure." Lola replied.

Tumayo at tumungo ako sa kusina. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Ximi sa akin. I stopped from walking and faced him.

Siningkitan ko siya ng mata. "'Di ka rin pabibo, ano?" Sarkastiko kong sabi. "Pasumbong sumbong ka pa sa kanila. Bata lang?"

"What's wrong with it, Luca? They better know about it."

Lumapit ako sa kanya. Naramdaman ko naman ang bahagya niyang paggalaw.

"Why? Do you really think I like Moffet?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. Muli na namang magkalapit ang mga mukha namin.

"You just told us." Depensa niya. "Have you forgotten?"

Mas lalong sumingkit ang mata ko. Kulang nalang din at maglalapat na ang mga labi namin.

"Kain na kayo." Rinig naming utos ni Manang Isabela. Ngayon lang rumehistro sa utak ko na halos maghalikan na kami ni Ximi.

I stepped back and felt my face burned in embarrassment. I looked away and settled down on my seat.

"Mainit pa 'yan. Dahan dahan kayo." Ani manang habang nilalapag ang soup.

"Thanks, manang! You're the best!" Si Ximi. Umiling nalang ako.

Dahil mainit pa ang sabaw ay naligaw ang isip ko. I was thinking of the scene na magkalapit ang mukha namin. 'Di naman siguro nakakahiya iyon? Kababae kong tao pero ganoon kung umasta? Paano kung sa iba iyon at bigla akong hahalikan? Edi hello, first kiss? Yuck!

"Kain ka na. 'Di ka gusto nun." Demanda ni Ximi. Bahagya akong nagulat kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Che! Mind your own business, you idiot."

Ngumuso siya and I winced. "Mukha kang pato!" Humalakhak ako.

"Look who's talking?" He fired back. Sinamaan ko ulit siya ng tingin.

"Alam mo? 'Di ko alam kung paano ka pinagtatiyagaan ni Patricia. Sa ugaling mong 'yan," umiling ako at 'di na nagsalita.

"Do you think Moffet will also like you with that personality of yours?" Panghahamon niya.

"Siyempre!" Pagmamayabang ko. "He just told me he likes me." I stuck out my tongue at him.

"Patricia told me she loves me. Mas lamang pa rin ako." Pagmamayabang niya rin.

"I don't care." Agap ko. "Kahit sino pang babae ang magsasabi sa'yo na mahal ka nila or gusto ka nila, wala akong pakialam dahil 'di naman kita gusto."

"Ouch," he feigned a hurt. "But I don't care either. I don't like you, too. We're even."

"No," tutol ko kaagad. "Mas 'di kita gusto kahit saang anggulo kita tignan."

Natahimik siya. Ako naman ay nagbaba ng tingin sa soup. Ano ka ngayon, Ximi?

'Di na siya nagsalita. I was laughing hard at the back of my mind. Sino ang talunan ngayon?

Nang medyo kaya ko na ang init ng sabaw ay sinimulan ko na itong higupin. It was good. Masarap talaga magluto si Manang Isabela dahil may sangkap ng pagmamahal. Mahal niya lahat ng ginagawa niya and I never heard her complaining.

"Ximi," tawag ko. 'Di na kasi talaga siya nagsalita pa.

'Di siya sumagot. Nakabaling lang ang atensyon sa mangkok niyang paubos na ang sabaw pero marami pa ang sotanghon.

"Ximi." Tawag ko ulit. Naiinis na naman ako sa lalaking 'to. "Maximilian!" Sigaw ko.

"'Di ako bingi, Luca." Walang emosyon niyang sabi. Ngumuso naman ako.

"Narinig mo pala ako, eh!"

"What do you want?" Nag-angat siya ng tingin sa akin. Sumimangot naman ako.

"Sungit." Bulong ko. Nawalan na naman ako ng ganang kumain kaya tumayo ako at lumayas sa harap niya.

Wala na ang dalawang matanda. Baka umakyat na. Umakyat na rin ako. 'Di na naglinis ng sarili. Tinatamad ako o nawala sa mood. Baka pareho.

I locked myself inside my room. Gusto kong umiyak sa inis. Ano ba talagang problema ng lalaking iyon? Bakit lagi nalang may saltik?

Frustrated, I grabbed all my things needed for painting. I have to express this feeling. Sasabog yata ako.

I dipped my paint brush to red acrylic paint. I filled the whole paper with that color, some was dotted with black. Nakakainis kasi ang ugali ni Ximi! Daig pa ang babae kung magmood swing!

"Ugh!" I blurted out. Naiinis pa rin talaga ako. 'Di ko alam anong gagawin ko sa mga sandaling ito.

Tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang nagtext. Moffet's name was on my screen. I took a deep breath and calmed myself down. Mabuti nalang talaga at always right time si Moffet.

Moffet:

Busy?

Ngumiwi ako. Medyo wala ako sa mood magreply pero nakakahiya naman kung balewalain ko. Baka isipin noon na masama akong tao o masyadong paimportante.

I typed my reply. Medyo kumalma na ako kahit papaano.

Ako:

Not really.

I was not in the mood para kiligin. In fact, 'di ko alam kung anong nararamdaman ko sa mga oras na 'to. I just wanted to be alone... to be far from nagging people.

Nilapag ko ang cellphone at sakto namang umilaw ang screen. Tumatawag si Moffet. Wala sa gana ko itong sinagot.

"Hey!" Bungad niya. He was too nice to be treated in opposite way. Kaya naman pilit akong ngumiti.

"You called." I said and slightly smiled. Nakakagaan din pala ng pakiramdam ang boses ni Moffet.

"Just wanna check on you. What are you up to?"

"Ahm," I glanced at my sheet. Red and black lang ang nakikita ko. Talagang negatibo ang feeling. "Painting, I guess?" I laughed softly.

"Painting, hmm. Sounds interesting. Pareho pala kayo ng talent ni Ximi."

"He's better than me." Sagot ko, which was partially true. Mas magaling mag-express si Ximi ng emosyon niya. And he seemed so veteran specially when it came to mixing colors.

"No, Luca." He chortled. "No one is better than anyone. Everyone is equal. It's just the matter of how a person appreciate something."

Napaisip ako sa sinabi niya. Somehow naintindihan ko ang words of wisdom niya kesa kay Ximi. Si Ximi kasi, minsan malalim, minsan mababaw. Paiba iba ng taste.

"Si Ximi pala?" He asked.

"Why? 'Di ba nakausap mo 'yon kanina?" I asked back.

Why would he look for that arrogant man?

"I can't remember, Luca." He said na ikinabohol ng kilay ko. "I haven't talked to him yet."

"You mean... simula noong umalis ka?"

Napakamot ako sa ulo. Was that a joke? 'Yong si Ximi na kausap si Moffet, it was just a play?

Bobo, Luca.

"Yeah. Why?"

I contemplated. Sabi na't nakadrugs si Ximi, eh! Dapat talaga ipadrug test na 'yan para makumpirma!

"W-Wala," I cut off. "Akala ko kasi kausap mo siya kanina."

"No, Luca. Baka iba 'yon."

"Baka nga..."

Tumunganga ako sa kawalan. 'Di ba ako nananaginip lang?

下一章