I stared at my own reflection. Malinis ang pagkatirintas ni Manang Isabela. Nagustuhan ko ito nang husto.
Manang Isabela was like a good mother to me, too. She's been with me while I was a kid. Iyon nga lang ay nagkahiwalay kami when I decided to move to my apartment. I was eager to live on my own. And just now, I realized hindi na rin masama kung mabuhay akong may mga taong tinutulungan ako. By that, I will know more about myself. May mga pagkakataon kasing kailangan ko sila para mas lumago ako.
"May kotse sa labas, hija." Balita sa akin ni Manang Isabela.
"Po?" I turned to her. "Kotse?"
Akala ko ang dala ni Moffet ay iyong motor niya. Bakit kaya kotse ang ginamit niya ngayon?
"Yes. Baka iyon na 'yong hinihintay mo."
"Ah, sige po." Tumunganga ako saglit. I checked myself once again bago ko kinuha ang pocket bag.
I marched the way out to our house. Nasa taas si Lola Rita while Lolo Pocholo drove off to his business. Lately ay mas naging abala si lolo sa buhay niya.
Nasa pintuan pa lang ako ay natanaw ko na ang kotse na tinutukoy ng mayordoma. Nakita ko rin ang dalawang lalaki na seryosong nag-uusap. Ximi's face was more serious and I can say he was mad while Moffet's listening.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Napansin siguro nila ako. Sabay silang lumingon sa gawi ko. Moffet's face immediately lit up while Ximi has his poker face.
"Luca!" Masayang bati ni Moffet. Napangiti ako. I half ran towards them.
"Hey!" I greeted him. Ang guwapo niya ngayon.
Suot niya'y itim na polo, dark jeans and a pair of black shoes. He was still hot kahit isang butones lang ang nakabukas. But if I were to compare them, Ximi looked hotter with his thin pale yellow shirt, sweat shorts at tsinelas.
"Ready?" He asked while smiling.
"Yeah." Ngumiti rin ako. Nakakahawa ang ngiti niya. "'Di naman siguro masyadong maaga para tumulak na?"
"Hindi rin. It's almost eleven."
"Ah... sabagay."
"Keep him safe, Moffet." Singit ni Ximi. Napasulyap ako sa kanya at nadatnan kaagad ang matalas na mata. "She's naive and careless."
Pagkatapos niyang bitawan iyon ay umalis na siya sa harap namin. Sinundan ko naman siya ng tingin.
"What is his problem?" Napatanong ako sa kawalan.
"Nag-away sila ni Patricia kagabi." He said, making me turn to him.
"Really?" Bulalas ko. "Is he always like that?"
"Not really," he shrugged. "And I find him weird."
Weird? Bakit? Gusto kong magtanong pero mas minabuti kong manahimik nalang. Siguro hindi ko pa talaga kilala si Ximi nang lubusan. Bihira lang kami nagkakasama at madalas pa ay nag-aaway kami.
We decided to drive off. Siya ang nagmamaneho at ako naman sa tabi niya. It was suffocating. Bilang lang ang paghinga ko.
To be near him felt different. It was a roller coaster feeling.
I was watching him while he was driving. Mabuting tao si Moffet. Masasabi ko iyon kahit na dalawang araw pa lang kami nagkakilala. By the way he acted towards me, he's seemed so nice. Unlike Ximi when I first met him, he was arrogant and insulting.
"Malapit na ba tayo?" Tanong ko. Huminto ang sasakyan dahil traffic.
"Medyo. Gutom ka na ba?" Sumulyap siya sa akin.
"'Di pa naman. Marami akong nakain kanina."
"Sounds good. Mabuti at 'di ka pabaya sa sarili mo."
"What do you mean?" I scrunched my brows at him.
"Other girls have their diet just to make them look good."
"Boys wants a good-looking girls." I said.
"Not all the times." Agap niya. Sumulyap muli siya sa sakin bago pinatakbo ang sasakyan. "Kasi kung ako ang pagbabatayan, I prefer simple girls."
Simple girls? Simple na kaya ako sa paningin niya?
"... just like you, Luca." He said and I gulped once.
"You... like me?"
I bit my lower lip. Uminit ang pisngi ko. I just didn't want to believe that he liked me.
"Isn't it obvious, Luca?" He laughed softly like it was funny.
Napakurap kurap ako. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. I didn't know what and how to react.
He liked me? For real?
"I-I..." I stammered. "I don't know yet. Sino ba ako para magustuhan mo?"
"Don't you trust yourself, Luca? You're actually beautiful... only if you know it."
I remained silent. I wasn't prepared for this! At seryoso ba siya sa sinabi niya? Aasa ako!
"You've got a funny side, Moffet." Sabi ko.
"I'm serious." He said but he was smiling. Iyong ngiting sinsero. "I remember you back when we were in high school."
Literal na lumawak ang mata ko. Kilala niya ako?! Wait... how?!
"You know me?" 'Di ako makapaniwala. He must be lying!
"Who wouldn't, Luca? You're good in academics. You graduated with honors, right?"
Oh my god! I didn't know he knew me as that person! Akala ko nga ay parang hangin lang ako sa kanya.
"Smart, beautiful and talented. Who wouldn't like that kind of girl?"
Umiling ako. Hindi ako matalino. Maybe I can describe myself as talented but not really smart. Iyong pagiging with honor ko, 90 ang average ko kaya nakapasok.
"You're too fast, Moffet." Sabi ko. "Too early to feed me lies."
Humalukipkip ako. I wanted to believe him pero kasi naisip ko na baka nagsisinungaling lang siya. Wala akong karanasan pagdating dito pero may alam ako. I've been with Herana for almost my entire life. Alam ko lahat ng kwento.
"I'm not, Luca." Humalakhak siya. "You know I even planned to introduce myself to you."
"You did?" Exaggerated kong reaksyon. "But did you know I was sending you loveletters?"
"Actually..." napakamot siya sa kanyang noo. "Yes." He grinned.
Oh. I was speechless. Tama nga ako.
"Was it because of Ethan?"
"Ethan?" Sumulyap siya sa akin. "No." Iling niya. "I just know it by myself."
"You mean nahuhuli mo akong nilalagay iyong cards sa locker mo?"
Wews. Why didn't he confront me? 'Di man lang siya nagbalak na kausapin ako?
"Hmm, yeah." Tumango siya. "Nahihiya kasi akong kausapin ka."
"Ah," tumango ako. "Oo nga pala, bakit kotse ang dala mo ngayon?"
"Because I have you." Simple niyang sagot but I didn't get to his point.
"What do you mean?" My forehead creased.
"I won't let you ride in my motor, Luca. You deserve better."
"Okay." Tanging nasabi ko. Gusto ko pa sanang kumontra.
'Di na ako nagsalita, ganoon din naman ang ginawa niya, hanggang sa makarating kami sa bahay nila Atifa. He got out first and I remained inside. Alam ko namang balak niya akong pagbuksan ng pinto.
"Welcome." Aniya sa gitna ng ngisi nang binuksan ang pinto. "When was the last time you visited here?"
I got out and he locked the door. "I can't remember, actually."
"Namiss mo ba?"
"Hmm, kind of." Tumango ako.
Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Wala pa ring nagbago. May mga puno pa ring nakakapalibot sa lupain nila. The whole place was refreshing lalo na't mahangin ang paligid.
"Let's go?" Aya niya. I turned to him and smiled. Ang ganda ng view.
Ang gwapo niya pa rin. Mas nagmature ang mukha lalo na ang katawan. And to think we both like each other, 'di ba nakakatuwa iyon?
"Tara." Tumango ako at nagsimulang maglakad. Bahagya pa akong nagulat nang hinawakan niya ang baywang ko.
Pinagkibit balikat ko nalang iyon at pinagpatuloy ang paglalakad. May kalakihan ang bahay ni Atifa kaya medyo mapapasabak sa paglalakad.
We stopped in front of the door. He pressed the doorbell at narinig ko ang pag-ingay nito sa loob.
"Do you think Atifa knows we're here?" Tanong ko.
"Yup." He plopped the letter p. "I told her and Tam."
"Sounds good." Tumango ako. "Atleast we know 'di tayo magkakaaberya."
"I'm always prepared, Luca." He said and winked at me. Naglihis naman ako ng tingin.
Kinikilig ako!
'Di nagtagal ay bumukas ang pinto. Isang nakasisilaw na babae ang sumalubong sa amin.
She changed a bit. Tumataba siya at mas lalong lumiliwanag ang kulay ng balat. Siguro maganda ang epekto ng pagbubuntis sa kanya.
"Luca!" She greeted cheerfully. Bigla niya akong niyakap sa leeg. Naubo ako nang bahagya. "Sorry," she grinned and released me.
"Hi!" Bati ko. I scanned her whole body. Nakadress siya at halata na ang umbok ng kanyang tiyan. "You're still beautiful, Atifa."
"I know right," she rolled her eyes and flipped her hair. Bigla naman siyang ngumisi. "Pasok kayo."
I glanced at Moffet. He just nodded as his reply.
Pumasok kami sa loob at naupo sa puting sofa. Si Atifa naman ay dumiretso sa kusina.
"Si Tam pala ay pinsan mo." Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya. "How did the two meet kaya?"
"School natin. 'Di mo ba kilala si Tam?"
Ngumuso ako. Sa school na dati naming pinapasukan at kung saan ko rin nakilala si Moffet? I can't believe it!
"Hin...di."
Sa dami ba naman ng section namin. Imposibleng kilala ko lahat ng kabatch ko. Swerte na nga 'yong minsan naging magkaklase kami ng mga pinsan ko.
"That explains you're somewhat introvert before." He concluded.
"'Di naman. Siguro 'di lang ako interesado sa iba." Sagot ko, nakatunganga sa kawalan.
"Swerte pala ako kasi nagustuhan mo ako dati?"
Napalingon ako sa kanya. He was smiling. I couldn't say he was fake dahil totoo naman ang mga ngiting iyon. I have seen those back when we were in high school.
"Anong swerte roon?" I barked. "Marami namang nagkakagusto sa'yo. Ayaw mo lang talaga sa kanila."
"Yeah," he chuckled. Sakto namang dumating si Atifa at ang kanyang magiging asawa.
"Hi," I greeted them and stood up.
Nilingon ni Tam si Moffet. Kung 'di ko kilala ang lalaking ito, mapagkakamalan kong masungit. Mabuti nalang at pinagkakatiwalaan ko siya dahil asawa ni Atifa.
"What?" Si Moffet kay Tam.
"Kunwari ka pa." Si Tam. 'Di ko mabasa ang mata dahil nakasalamin siya. "You're just making excuses to be with Luca."
"Hey!" Angil ni Moffet. Tumawa naman ang mag-asawa. "Don't be rude."
Tam turned to me. Nakakaintimidate ang awra niya. Mukhang 'di palangiti at palakaibigan.
"Margarico has a big crush on you, Luca." Tam said teasingly. "Be aware with that man. He's crazy."
"That's not true!" Si Moffet na parang bata. He then turned to me and shook his head. "He's a liar, Luca. You see? Napaniwala niya si Atifa."
"Hey!" Si Tam naman ang nagreklamo. Ang cute pala nilang magpipinsan. Parang mga bata lang. "Watch your mouth, Margarico. You know Atifa well."
"Tama na 'yan, love." Awat ni Atifa saka bumaling sa akin. "Do you want to have our lunch first? Or we'll eat while discussing your business here?"
"Both." Tam replied and grinned. Umirap naman ang pinsan ko.
"Let's eat. Nagugutom na ako." Reklamo ni Atifa. Hinatak niya si Tam papuntang kusina.
I turned to Moffet at nagkibit balikat lang siya.
"They are usually weird couples."
"You must know their love story." I concluded.
"Yup. More than you could imagine."
Ah. Baka naging third wheel 'tong si Moffet sa relasyon nila. Paano ko nalaman ang salitang iyon? Siyempre from Herana!
Pagpatak ng alas dose ay sabay sabay kaming kumain. Ulam namin ay sinabawang isda. Nagc-crave si Atifa sa ulam na 'yon.
"So, have you hired an organizers already?" I asked in the middle of our lunch.
"Not yet, Luca." Si Atifa ang sumagot. "Do you want me to hire you?"
"I would love to, caz. Kahit nga libre ko na, eh."
Hindi siya sumagot kaya tinignan ko nang diretso si Tam saka si Moffet. Para bang nag-uusap sila sa kanilang isipan.
"What made you change your mind?" Tam asked in his serious voice.
"Nothing, actually." Kaswal kong sagot. "Your bride is my cousin. Unfair naman kung 'di ako ang mag-aasikaso ng kasal niyo."
"Ah," si Tam, tunog nang-aasar. "I thought it's because of Margarico."
"N-No," umiling ako. Nahotseat ako bigla. "We're just friends, Tam."
"Doon kami nagsimula ni Atifa. Right, love?" He turned to his bride. Atifa just smiled like a baby. Ang cute niya palang magbuntis.
Umiling nalang ako. Pinagtitripan ba nila kami? Ako?
Tinapos na namin ang pagkain. Finally ay alam ko na ang magiging kalabasan ng kasal. They love beach wedding. No, scratch that. Si Atifa ang may gusto ng ganoon. Supportive lang si Tam.
Atifa was the planner herself. Ako lang ang mag-oorganize. Moffet and I will arrange the set up. Sabi kasi ay 'di na magha-hire ng team for the set up tutal nandito naman ako at ang iba kong mga pinsan. Willing to help naman ako.
Alas tres nang napagdesisyunan na naming umuwi. Kailangan na ring magpahinga ni Atifa. Maselan ang kanyang pagbubuntis. Mabuti nalang talaga at ginagabayan siya ni Tam.
I pray to have a man like Tam. Ang pinakagusto ko sa lalaki ay maalaga, mapagpasensya at siyempre, malapit sa langit.
"Mabuti naman at maganda ang pag-uusap niyo ni Atifa." Moffet commented.
Pauwi na kami. Siya pa rin ang nagmamaneho at katabi niya pa rin ako.
"Oo nga eh. Baka bukas ay mag-uusap kami ng mga pinsan ko about Atifa's wedding."
Gusto ko sanang kompleto kaming magpipinsan pero mukhang malabo. Ang iba ay busy, ang iba ay 'di puwede. Lalo kung si Zette ang pag-uusapan.
"May pinsan ka bang lalaki?" Bigla niyang tanong.
"Yup. But they don't usually live here. 'Yong iba nasa ibang bansa, 'yong iba naman ay malayo rito."
"Ah." Tumango siya. "Napansin ko kasing mga babae ang pinsan mo."
"Yeah... magaganda pa."
"Maganda ka naman, Luca." Agap niya.
"Sus." Tutol ko. "Sinasabi mo lang 'yan kasi you like me. Pero kapag hindi na, baka nga you don't want to see me anymore."
Napakamot nalang siya sa kanyang noo. Baka ayaw niyang makipagtalo sa akin. Mas mabuti 'yon kesa sa ipagpipilitan niyang maganda ako.