Tumakbo ako papunta sa loob. Abot langit ang kaba ko sa 'di maipaliwanag na dahilan.
"Oh, Luca? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Bungad sa akin ni manang. Nababahala ang kanyang mukha.
She scanned my whole body and I faked a grin at her.
"Basang basa kang bata ka!" Bulalas niya. Pareho kaming napalingon nang nag-ingay ang daan papuntang pool.
"We just had a bonding, manang." Sabi ni Ximi na ngayo'y nakangisi. Pinandilatan ko naman siya ng mata.
"Bonding? Kailan pa kayo nagkasundo?" Takhang tanong ng mayordoma. Napaikot ako ng katawan para harapin siya.
"Huh, bakit? Anong meron, manang?"
"Eh si Ximi 'yan, eh. Bata pa lang kayo 'di na kayo nagkakasundo."
"You also know him, manang?" I asked.
Ako lang ba ang hindi kilala si Ximi? Hindi naman siguro ako nagkaroon ng amnesia?
"Oo naman, hija. Ikaw talagang bata ka. Alam mo bang bata pa lang kayo ay 'di na kayo magkasundo?"
Pinagsalubong ko ang kilay ko. Nagjojoke lang ba 'tong si manang?
"So we've met before?" Pagkaklaro ko at bumaling kay Ximi na ngayo'y pasimpleng magkadikit ang mga labi.
"Jusko mga bata pa naman kayo noon. Hindi niyo pa alam ang mga pinaggawa niyo sa buhay." Aniya. "Sige na. Umakyat ka na doon at maligo ka. Magbihis ka na ng pantulog mo." Nilingon niya si Ximi. "At ikaw naman, may damit ka roon sa kwarto mo. Magbihis na kayo."
Umalis si manang samantalang ako ay nanatili sa kinatatayuan ko. Nabablanko ako sa narinig ko.
Kilala ko na ba talaga si Ximi mula noong bata pa kami? Or maybe I just forgot about him kasi sabi nga mga bata pa kami.
"Ang sakit pala makalimutan." Ximi said, feigning that he was hurt. "How can you forget me while you're always in my mind?"
"Excuse me?" Tinarayan ko siya. "I really don't know what you are talking about. Baka nagkakamali lang sila na ikaw 'yong kaaway ko kahit noong mga bata pa tayo."
"How sad, Luca." Umiling siya na parang dismayado. "Pero mas mabuti na ring wala kang maalala, right? Tutal hindi rin naman siya masakit sa parte ko."
"Arte mo." Umirap ako. "Sige na, magbihis ka na. Baka kasalanan ko pa kung bakit ka magkakasakit. May date pa naman kayo ni Pat bukas."
Humalakhak siya, nalilibang siguro sa akin.
"You really think it's a date?" Mangha niyang sabi, nang-iinis ang ngisi. "Relax, may bibilhin lang kami para sa debut ni Abi."
"Bakit siya pa kung puwede naman ako?"
Of all the people, si Pat pa? Siguro may gusto talaga 'tong kumag na 'to kay Pat.
"Eh ang tanong, gusto mo ba?"
Naglihis ako ng tingin. May point naman siya roon. Ayaw ko siyang makasama.
"You see? Silence means "yes"."
"Assuming!" Kutya ko. "Feeling mo talaga guwapo ka, 'no?"
"Bakit hindi ba?"
He stepped forward, I did the opposite. Nanghahamon ang bawat galaw ng kanyang katawan.
"H-Hindi!" Sigaw ko at kumaripas ng takbo. Narinig ko pa ang tawa niya. I just ignored him.
Jeez! Naiinis ako sa sarili ko! Bakit ko ba kasi kinakausap ang kumag na 'yon?
Pagkapasok ko sa kwarto ay ginulo ko ang higaan ko. Nagwala ako habang nakatakip ang unan sa mukha. At nang napagtanto kong basa pa ako, bumangon ako at nagbihis. Malilintikan talaga sa'kin 'yang Ximi na 'yan.
I stayed inside my room the whole night. Kahit anong pilit kong matulog ay 'di ko kaya dahil binabagabag ako ng kung ano anong bagay.
So, kilala ko talaga si Ximi? Bakit 'di ko kaagad siya nakilala? Bakit nakalimutan ko na siya? Ano bang meron sa amin noon at 'di na raw talaga nagkakasundo?
Kasi mayabang siya. Aroganteng bastardo. I hate him. Tapos.
Kinaumagahan ay nagising ako nang tanghali. Nagmuni-muni muna ako sa kwarto bago ako naligo at nagbihis ng pambahay na damit. For the first time of my life, naappreciate ko ang momentong wala akong ginagawa. Puro trabaho nalang kasi ang inaatupag ko.
"What's your plan for today, apo?" Tanong ni lola.
Nasa kusina kami, kumakain. Wala na ang dalawang lalaki dahil maaga umano umalis. Nakipagkita sila ngayon sa may-ari ng lupa na ibebenta sa kanila. Kasama rin nila ang kanilang mga abogado.
"Wala naman, la. Maybe I'll just stay here the whole day." Inaantok kong sagot.
"Are you staying here for good?"
"Yup." I smiled. Ngumiti rin si lola. "Habang tumatagal, mas lalo akong nalulungkot sa buhay." Tumawa ako nang mahina. "I just want to be with you again, la... kayo ni lolo." Sumubo ako ng fried rice at nginuya kaagad iyon.
"Ikaw naman kasi ayaw mong makinig sa amin." Umiling siya. "Gusto mong maging independent mula nang namatay ang mga magulang mo. Pero buti nalang talaga at nakaligtas ka, ano?"
Napatigil ako sa pagnguya at tumitig sa kanya. Muli ko na namang narinig ang nabasag na ilaw sa aking utak.
"A-Ano po ba ang nangyari, la?" Tanong ko.
Hindi nga? Kasama ako sa aksidente pero nakaligtas?
"Hay naku, hija. May mga nakaraang binabaon na dapat sa limot. Ang mahalaga ay malusog ka ngayon at masaya ka sa buhay. Huwag mo ng isipin ang ganyang mga bagay. Pahihirapan mo lang ang sarili mo."
Pero gusto kong malaman ang totoo. Iyan ang gusto kong isagot ngunit minabuti ko nalang na 'wag ng magsalita pa. Tama si lola. Pero alam ko sa sarili ko na kailangan ko iyon dahil parte iyon ng nakaraan ko.
Pagkatapos naming kumain ay tumambay ako sa loob ng aking kwarto. I felt so alone. Kinuha ko ang picture album ko noong bata pa ako. Naluha ako bigla nang nakita ang larawang kasama ko pa ang mga magulang ko.
"I can't remember what has happened, ma, pa." Pumiyok ako. Nagbabadyang bumuhos ang mainit na luha. "Sino ba si Ximi? Bakit 'di ko siya matandaan?"
Gusto kong halungkatin ang nakaraan pero para saan pa? Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. At ang sabi ni lola, 'wag ko na isipin iyon.
Tama, Luca. Tama lang na wala ka ng maalala sa nakaraan mo. Baka pagsisisihan mo lang.
Alas dos ng hapon nang dumating sina lolo at Ximi. Kagaya ng lagi niyang ginagawa, sinasalubungan niya ako ng ngisi. Minsan napapaisip ako kung nakadroga ba ang kumag na 'to. Ang creepy na niya ngumiti.
"How's your day, Luca?" He asked.
Nagpahinga si lolo sa kaniyang kwarto at nandito naman ako sa labas, malapit sa pool nang dumating si Ximi. Kahit kailan talaga 'di ako titigilan ng lalaking ito.
"Fine. How 'bout yah?" Tanong ko.
"Tiring," he answered at umupo sa tabi ko. "Nakakapagod mag-asikaso ng papeles."
Nilingon ko siya na ngayo'y nakatingala nang bahagya sa langit. Ang kanyang braso ay nakatukod sa kaniyang likuran, silbing suporta sa kanyang katawan. Mabuti at 'di kami naiinitan dahil nakasilong kami sa ilalim ng punong mangga.
Suot niya'y puting polo at nakabukas na naman ang dalawang butones. Nakabalandra ang clavicle at malaman nitong braso.
"Eh paano pa kaya kung mag-aasawa ka na. I'm sure 'di lang ganyan karami ang aasikasuhin mo."
"And what makes you think magpapakasal ako?" He stared at me.
"At bakit naman hindi kung marami namang naghahabol sa'yo?" Tinaasan ko siya ng kilay.
He chuckled under his breath. Napapansin ko ng laging ganyan ang reaksyon niya kapag may sinasabi ako. Nakakatuwa 'yon, ha?
"Girls chase boys because of the benefits. They only want the pleasure."
"And how sure are you?" Agap ko.
I remembered what Herana told me, "boys won't chase girls unless they want something." Tapos ito naman si Ximi, ang sabi ay benefits lang ang habol ng babae sa lalaki. Sino ba ang tama?
"100% sure, Luca. Palibhasa kasi wala kang alam sa ganitong bagay. Try mo kaya minsan. Hindi rin naman masama."
"Loko ka ah?" Inirapan ko siya. "I can't even imagine myself being committed to someone. As long as I can live alone, there's no way of needing a man in my life."
Naglihis ako ng tingin mula sa kanya. Bakit ba halos lahat ng tao ay pinipilit akong magkaroon ng lovelife? I would just ruin my life.
"Hmm," he hummed kaya napabaling ako sa kanya na ngayo'y nakatingala na naman sa langit. "Someday you will swallow all your lines." He glanced at me. "And I will be there to remind you what you just said. I swear."
Bumaling siya sa ibang direksyon while I remained my eyes on him. Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya. Pero kahit na ganoon, 'di pa rin magbabago ang paniniwala ko.
Unless I like a boy so much like Moffet? Puwede pa siguro.
Sa pagpatak ng alas tres y media nang hapon, nagmeryenda kami sa loob ng mansyon. Masaya na akong makita ang matatanda na tumatawa dahil sa tuwa. Iyon naman ang mahalaga sa akin. Ayos na ako sa pagiging single dahil kaya ko namang mabuhay nang walang kapartner.
"Two hectares lang naman ang nabili namin." Ani lolo sa gitna ng meryenda namin. "I think that's not enough for the extension of plantation. We need a wider space lalo na't lumalaki ang demand kesa sa supply."
"Would it take a year or more to grow those fruits, lo?" I asked.
"It would take 24 months before it would fruit, Luca. Depende pa 'yon sa season or climate." Si Ximi ang sumagot. Mukhang natatawa. Sinamaan ko ulit siya ng tingin.
Was my question stupid?
"And actually, pineapple isn't fruit at all."
"And how do you say so?"
I didn't know about that thing. Hindi prutas ang pinya?
"When you will be involved in this kind of firm, you'll get to know more about it and the nature of your products. But you can have your own research if you want to." He winked at me and chuckled under his breath.
"Alam mo? Panira ka talaga. Baka imbento mo lang na 'di prutas ang pinya. What are you? A scientist?" Pagtataray ko.
Tumawa sila sa sinabi ko. 'Di ko na talaga maintindihan kung bakit lahat sila they found me funny. Am I that obtuse type of thinker?
"You will understand soon, apo." Natatawang sabi ni lolo. Bumaling ako sa kanya na ngayo'y nakangiti sa akin. Maging si lola ay parehong ekspresyon ang pinapakita sa akin. "Sa ngayon, tapusin mo nalang 'yang kinakain mo at magpokus sa ibang bagay."
Sumimangot ako samantalang si Ximi ay nakangisi pa rin sa akin. Ang sarap niya talaga sapakin sa mukha.
Pagkatapos naming kumain, nagkulong ako sa kwarto ko. Tinawagan ko si Herana at maging siya ay natawa sa kwento ko.
"Ang slow mo naman kasi, girl." Aniya. Pinapamukha niya pang ako ang may kasalanan. "Negosyo nila iyon kaya marami siyang alam. Malay mo nga naman hindi prutas ang pinya."
"Ay ganun? So kampi ka sa kanila?" Bumusangot ako kahit 'di niya kita iyon.
"Hindi naman. OA mo talaga!" Humalakhak siya. "Pero infairness, mukha siyang matalino sa lagay na 'yon."
"Gaga," tanging nasabi ko. I guess wala akong kakampi rito.
Pagpatak ng alas sais ay tumambay ulit ako malapit sa pool. Hawak ko ay isang sketch pad at lapis. Naisipan kong gumuhit para mailabas ang nararamdaman ko.
There were gray clouds and a lonely star. Mayroon ding puno ng mangga at nandoon nakaduyan ang isang babae na puno ng katanungan sa isipan. May ilaw na nagsisilbing tanglaw at gabay sa madilim na kalangitan.
Pinagmasdan ko ang guhit ko. Parang may kulang na elemento. Hindi ko maisip kung ano.
"Bakit ba ang hilig mong mapag-isa?" Isang pamilyar na boses ang gumising sa natutulog kong kaluluwa. I took a glance at him at pilit na ngumiti.
"I don't like noisy people like you." Simple kong sagot at bumaling sa ginuguhit ko. Umihip ang malamig na hangin kaya naisipan kong dagdagan ng elemento ang sketch.
"Wow," mangha niyang sabi. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. "Ganda, ah? Mukhang magaling ka talaga riyan."
"Ikaw lang naman nag-isip na hindi ako magaling." Walang emosyon kong sabi habang gumuguhit ng pigura.
"I didn't." Pagsalungat niya. "Maybe I just think better than you."
Sinamaan ko siya ng tingin na ngayo'y ang lawak ng ngiti. Ang hilig niya talaga akong inisin.
"Edi ikaw na ang magaling?" Sarkastiko kong sabi at bumaling na sa pad.
"Alam mo," rinig ko ang paghinga niya nang malalim. "You don't have to be serious all the time. You know you look good when you smile."
Tahimik lang ako. Wala akong maisagot sa sinabi niya. Was that a compliment or a sweet talk?
"You know I don't believe in you." I mocked. Hindi ko pa rin siya nililingon. "So, kumusta ang date niyo ni Pat? Have you realized that she's the one for you?"
I turned to next page. Nawalan ako ng ganang gumuhit. Hindi ko alam bakit.
"Haven't yet," simple niyang sagot. Nilingon ko siya na ngayo'y nangungusap ang mga mata. "But I know for sure what I feel for her." He smiled genuinely. Alam kong kakaibang ngiti iyon.
"You think that's love?" I asked. Napatingin siya sa kamay kong may hawak na lapis.
"I think so." Tipid niyang sagot at kinuha mula sa akin ang sketch pad at lapis. Hindi na ako umangal pa. Hinayaan ko nalang siya.
Huminga siya nang malalim sa gitna ng ngiti. I wish I can see him like that always. He looks so good when I know that smile is up to something. Hindi iyong ngisi na mukhang adik.
He's in love. I can tell. And if that's really love, who am I to be against it?