I changed my clothes into v-neck black floral dress. It complimented my light skin lalo na ang red stiletto heels at gold anklet. After that, ready na ako umalis.
My phone beeped once again. I thought it was from Ximi but to my surprise, Lola Rita's name was on my screen. Binasa ko kaagad ang mensahe niya.
Lola Rita:
May napili ka na bang isusuot sa kasal, apo? Kung wala pa, I will give you some sketches that you would love to pick.
Napakamot ako sa batok ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay lola. Nahihiya naman akong tumanggi sa kanya lalo na kung sa text lang. Hindi pa kasi kami ulit nagkita mula nang huli kong pagbisita sa bahay nila. To think it's been a month since that day.
Nagtipa ako ng sagot. Magdadahilan nalang ako.
Ako:
Hindi ko pa napag-isipan iyan, lola. Naging abala ako these past few days.
Bumuga ako ng hangin. Kinakabahan ako. Kailangan ko pang makausap nang personal si Lola Rita para mapaliwanag ko sa kanya ang side ko. Makikinig naman ako sa kung ano ang ipapayo niya sa akin.
Tumunog muli ang cellphone ko. Nagreply na si Lola Rita. Pero akala ko kanya iyon, galing pala kay Ximi.
AAB:
I'm on my way. Don't be late, k?
Umirap ako. K mo mukha mo! Panira talaga ng araw 'tong kumag na 'to. Naririnig ko ang boses niyang nakakairita. 'Di ko pa rin makalimutan kung paano niya ako ininsulto kanina. Mabuti nalang talaga at mapagtimpi akong tao. If it's not for work, 'di ko pakikisamahan ang lalaking iyon.
Just when I was about to type my reply, dumating ang mensahe ni Lola Rita. I exited Ximi's message and read lola's instead.
Lola Rita:
Well that's fine, apo. Sa May pa naman ang kasal ni Atifa.
Kumunot ang noo ko. May ang kasal ni Atifa? Parang kahapon lang pinipilit niyang February 14. What happened? Was it all because of me?
Nagtipa ako ng sagot. Hindi ko na pinansin ang oras. It's 7:25 at ang meeting namin ay eight o'clock. May kalapitan lang din naman ang coffee shop mula rito.
Ako:
Bakit May pa, lola? 'Di ba nga ngayong 14 na 'yong kasal?
Baka may napagtanto si Atifa? Or baka naguluhan 'yong lalaki? Baka naisip nilang masyado ngang maaga para magpakasal? Kung ano man ang dahilan nila, kailangan kong malaman iyon.
Habang naghihintay sa sagot ni Lola ay tumulak na ako. Nag-taxi lang ako. Dala ko na rin lahat ng kailangan ko like my loptop, pens and papers. Hindi ko alam anong trip ng lalaking iyon kaya wala rin akong alam na papasok sa panlasa niya.
Parang timang lang. Siya lang kilala kong lalaking may "taste" pagdating sa ganyang bagay. I bet he got that savage mind, eh?
Huminto na ang sasakyan, hudyat na nasa tapat na ako ng coffee shop. From here, I can smell the taste of Valentine's. Tunay ngang ang mundong ito ay pinapamunuan ng pag-ibig. Foolish people always believe that love is the key to happiness. I don't know how true is that. We all have different point of views.
Nang nakapagbayad na ako ng pamasahe ay lumabas na ako. Ang malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin. Mas lalo kong naramdaman ang paglalim ng gabi. Sa mga oras na ito, dapat ay nakapagpahinga na ako. Pero dahil natamaan ako ng kamalasan, nandito ako ngayon sa isang lugar kung saan makikipagkita sa isang annoying poop.
Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Kahit sa labas pa lamang ng coffee shop ay mararamdaman mo na kung gaano kasarap mabuhay mag-isa. The whisper of the wind sent chills to my bone. Mas lalo kong naa-appreciate ang katahimikan. Hindi na rin masama kung mag-isa ka lang sa buhay as long as marunong kang makuntento sa kung anong meron ka.
Asan na kaya ang kumag na iyon? Kinuha ko ang cellphone ko mula sa pocket bag para tawagan si Ximi. Kung bakit ba kasi ako nandito? Kung bakit pa kasi ako pumayag na makipagkita sa kanya!
I dialled his number. Nagri-ring lang ang kabilang linya. Matiyaga ko itong hinintay, 'di alintana na bitbit ko ang laptop at iba pang gamit.
"Where are you, Ximi?" Nanggigigil kong tanong sa kawalan. "Malilintikan ka talaga sa'kin mamaya."
Sa unang dial ko ay hindi siya sumagot. Sinubukan ko sa pangalawa at sa wakas, sinagot din ng kumag.
"Yes, Luca?" Prente niyang bungad.
"I'm outside the coffee shop, sir. Would you mind to fetch me up?"
"Oh!" Bulalas niya. Nahihimigan ko ang intensyon niyang mang-inis sa akin. "Wait me up, k?"
I rolled my eyes in disgust. This man never failed to get into my nerves. Kung 'di lang talaga para sa trabaho, pababayaan ko lang 'to. Bahala siya sa buhay niya.
Ilang minuto rin ang hinintay ko bago ko siya makitang naglalakad papunta sa akin. He's wearing pink polo shirt na nakabukas ang dalawang butones. Kita ang kaniyang maputing balat.
"Hey!" Masaya niyang bati. Halatang peke at mapang-inis ang ngiting iyon. I forfend myself from rolling my eyes.
Kliyente 'yan, Luca. Isipin mo nalang si Aubriene na kasalungat ng ugali niya.
"Sorry I forgot to remind myself you're meeting with me." Aniya at napakamot ng batok. Nag-iwas nalang ako ng tingin bago ko pa masapok 'tong lalaking 'to.
Nakalimutan niyang ipaalala sa kanyang sarili na makikipagkita siya sakin? What kind of crap was that? Bakit ba siya nandito kung nakalimutan niya ako?
'Di naman siguro baliw 'to? Nakadroga ba 'to?
I smiled, trying to smile genuinely. Ang hirap basahin ng lalaking 'to. Dinaig pa Chinese characters.
"It's okay, sir. What's most important thing is nandito ka na."
Smile, Luca. Give your best shot.
"Thanks." He winked at me. "So, let's go?"
"Yeah, sure." Tumango ako.
Nauna siyang pumasok sa loob. Sumunod naman ako, dala na ang mga gamit. Nasa loob na ng pocket bag ko ang cellphone, naka-silent mode. This is very important matter kaya bawal ang istorbo.
He led the way up. Nagpakagentleman ang kumag dahil nag-alok na dalhin na niya ang laptop ko but I refused. I don't need his help. I can manage.
"Here you go." He said and pulled the chair for me. I mouthed 'thank you' and sat down on the reserved seat for me. Nilapag ko na rin ang mga gamit ko sa mesa.
Tahimik lang akong nag-set up ng laptop. 'Di ko siya pinapansin na panay sa pagsulyap sa akin. I wondered what was he thinking. He's weird, actually.
I heard him cleared his throat. Sumulyap ako sa kanya at sakto namang ngumiti siya. Sa isip ko'y umiling ako. 'Di ko matantiya kung ano ang balak niya.
"You want to eat first? We can order some." Aya niya.
"No need, sir." I smiled at him. "Busog pa naman ako. If you won't mind, let's start discussing your plans."
Gusto ko ng matapos ito. 'Di ko kayang manatili sa isang lugar na kasama siya. 'Di ko gusto ang ugali niya. He reminded me of Ethan.
"Okay," bumuga siya nang malalim na hininga. "I hope this would look possible to make."
May iniabot siyang bond paper sa akin. Saglit akong tumitig sa kanya. Nasa mata niya pa rin ang naglalarong kinang na nanghahamon sa akin.
Maybe he's measuring my patience? Or he just wanted to be noticed? O baka trip niya sa buhay ang mang-inis ng kahit na sinong taong mapagdiskitahan niya.
Inabot ko ang papel na iyon at tinignan kaagad. It was a draft of designs na tantiya ko'y gawa niya.
"You made this, sir?" Pagkaklaro ko.
Hanggang saan kaya siya tatangayin ng kahanginan niya?
"Of course, Luca." Pagmamayabang niya. Sumandal siya sa kaniyang upuan at humalukipkip. Nakabalandra na naman ang pilyong ngiti. "I told you hindi pasok sa standards ko ang ginawa mo kahit apat pa iyon. So, I made my own. Wala na rin namang choice si Abi but to agree with me."
"I was wondering why she can do nothing against this when in the first place, she's the celebrant?" Tinaasan ko siya ng kilay. Nakipagtitigan naman siya sa akin.
I opened a program kung saan ko ili-lay out ang design niya. Masasabi kong maganda ito but this was too fancy. Ang sabi ni Aubriene ay minimal lang hangga't maaari.
It's a folded black card na wave style ang edge at may disenyong piano. May gold ribbon naman ito sa gilid. Ang pinakabase or kung saan ipi-print ang message, it's black at gold naman ang font color. May silver glitters sa edge or what is called border and over all, it's sophisticated.
"It's because I know what's good for her." Mariin niyang sagot.
"Hmm... I see." Sabi ko nalang. Ayaw kong makipagdebate sa taong 'to.
I tried to lay out his designs in my laptop. Hindi naman siya ganoon kahirap since I have tools to use. Marami akong downloaded modern fonts na naka-run sa sistema.
"Where did you get the inspiration of these designs, sir?" Tanong ko bigla.
It's too impossible to make this kind of idea without inspiration. Lahat naman siguro ng ginagawa ng isang tao may dahilan at may pinanghuhugutan.
"Just an imagination." Bored niyang sagot. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ang nababagot niyang mata ang sumalubong sa akin.
"I see..." tanging sabi ko. "Mukhang magaling magtrabaho ang imahinasyon mo."
"Kind of." Nagkibit-balikat siya. "I do love arts. Everything around me is considered as an art."
"Have you studied fine arts, sir?"
If he loves art, probably ang kinuha niyang kurso ay related sa arts?
"Yep," he pursed his lips. "I even mastered it."
Wow! Just wow. Ganoon siya kabaliw sa arts?
"How about you? What course have you finished?"
"Same, sir, but I didn't master it."
"In what degree or area?" Tanong niya ulit.
Napatitig ako saglit sa kanya. Bakit bigla siyang interesado? O baka ganito lang talaga siya magtanong?
"Painting." Simple kong sagot.
I focused myself on what I was doing. Hindi ko na siya pinansin pa. Mabuti na rin at 'di na siya nagtanong ulit. Kapag nagkataon, baka tuloy tuloy na 'yon hanggang sa mapunta sa pinakapersonal na tanong.
After a moment, I checked my wristwatch and found out it's already 9:15. Nakaisang oras mahigit na pala kami rito. Panay na rin ako sa paghihikab samantalang siya ay inabala ang sarili sa kanyang cellphone.
"What can you say about the design?" Tanong niya bigla. Nag-angat ako ng tingin sa kanya na ngayo'y nakatutok lang sa screen ng cellphone.
Hindi ako sumagot pero nanatili ang tingin ko sa kanya. Guwapo naman siya eh. Maayos ang kanyang buhok na mukhang malambot. Maganda rin ang hubog ng katawan. Bagay sa kanya ang mga polo at nakatupi ang manggas. If it's not because of his annoying attitude, maaaring magustuhan ko ang anyo niya.
He's arrogant kaya ayoko sa kanya.
He looked up and our eyes met. Kumabog ang puso ko sa gulat. Nag-iwas ako ng tingin at nagpokus nalang sa laptop. His eyes were something I can't explain. Sure talaga akong nakita ko na iyon. 'Di ko lang matandaan kailan.
"Okay naman ang disenyo." Kaswal kong sagot sa tanong niya kanina. I cleared my throat at tahimik na huminga nang malalim.
"You think Abi will like that?"
Ngumuso ako sa tanong na iyon. Akala ko ba walang magagawa si Aubriene kung ito ang gusto ni Ximi na design? Ang gulo niya talaga mag-isip!
"Hmm," I hummed. "Based on what we have agreed earlier, this is too fancy." Tinignan ko siya nang diretso. "Ang gusto kasi ni Aubriene ay minimal lang."
"But what about your opinions?"
"Ahm," pinag-aralan ko ang papel na ibinigay niya. Magkasalubong ang mga kilay ko habang nakanguso. "Maganda naman 'to, sir." I glanced at him. "Okay na rin ito. May taste ka nga sa arts."
He chuckled at umupo nang maayos. Inayos niya ang kaniyang manggas. His crystal watch glimmered as the light struck it.
"No need to mention." Pagmamayabang niya sa gitna ng ismid. I tried not to roll my eyes kaya naman nagbaba ako ng tingin, tumingin sa kaliwa, sa taas, sa kanan at sa kanya.
"I guess okay na 'to, sir." Sabi ko. Napahikab ako sa pagod at antok. "Bukas ko na ipapakita sa'yo ang finished work."
"That's fine with me." Aniya. "Bukas nalang 'to. You look so tired."
Buti naman at alam mo. Nakakapansin ka pa pala?
"Tell me where do you live at ihahatid na kita sa bahay niyo."
"No need, sir." Tutol ko kaagad. Umiling ako dahil hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari.
Pagkatapos niya akong insultuhin at pagmayabangan, may gana pa siyang maging mabait sa akin? No need. Kaya ko na ang sarili ko. Hindi ko siya kailangan.
"I insist." Pamimilit niya. Tamad ko naman siyang tinignan nang diretso.
"Sir, wala sa usapan natin na ihahatid mo ako pauwi. Isa pa, kaya ko naman ang sarili ko." Umirap ako at nagsimulang magligpit ng gamit.
Hindi na siya nagsalita pa kaya naman sumulyap ako sa kanya. May kung anong ngiting tagumpay sa kanyang labi. Kung ano man ang balak niya, 'di siya mananalo sa akin.
"Sige." Aniya. "Let's see each other tomorrow, then?"
"Sana 'di na." Bulong ko.
"Ano?"
"Huh?" Pagmaang-maangan ko. 'Di ko alam kung bingi ba ito o nananadya. "Wala naman akong sinasabi, sir."
"Okay." Aniya at tumayo. "Let's call it a day. Goodnight, Luca." He smiled and winked at me. Isang irap naman ang iginawad ko sa kanya, dahilan para mahina siyang humalakhak.
What a piece of crap.