webnovel

Kabanata 1

Six in the evening when I arrived inside my condo. Nagpahinga muna ako bago naligo. After that, I grabbed some cereal at nilagyan ito ng gatas. I usually don't eat much in dinner since I don't work. Sayang lang 'yon.

Pagkatapos kong maligo ay binalutan ko ng tuwalya ang buhok. 'Di ako nagbo-blow dry dahil para sa akin masama iyon. Feeling ko lang. Unlike sa iba kong mga pinsan na nagb-blow dry ng buhok, minsan pinaplantsa pa.

Well, I have no problem with that. Choice naman nila iyon.

Just when I was about to sleep, nabuhay ang screen ng cellphone ko. I checked kung sino ang tumatawag at napantantong si Atifa iyon. Kaagad na umikot ang mata ko at tamad itong sinagot.

"Ano na naman, Tifaklong?" Irita kong bungad sa kabilang linya.

"Buksan mo 'yong pinto, Lucaret. Nasa labas kami."

Kami? So, 'di siya nag-iisa?

"Matutulog na ako, Atifa. Sino ba kasi nagsabi sa'yo na tumambay kayo sa labas?"

I was tired. At talagang mapilit silang pupunta ako sa kasal. Puwede naman kasing matuloy iyon kahit wala ako.

"Ano ba naman, Luca! Ginagalit mo talaga ako, ano?!" Sigaw niya sa kabilang linya.

"Maybe we'll come back tomorrow, hon?" Rinig kong lalaking boses. Nakasisiguro akong fiancé niya iyon.

"No, hon. Andito na tayo, eh." Malumanay pero halatang may inis sa boses ni Atifa. 'Di ko na muling narinig ang boses ng lalaki. Baka nanahimik na.

Having no choice, bumangon ako para pagbuksan ng pinto ang dalawa. Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sakin ang maladragong mata ni Atifa. Pero 'di lang iyon ang una kong napansin. Ang pananaba niya rin ay kapuna-puna.

Pumasok siya sa loob sabay bangga sa balikat ko. Pinagkibit-balikat naman ako ng magiging asawa niya.

"I can't go, Atifa." Sabi ko kaagad at sinundan siya. "How many times do I have to tell you?"

"You can't just say "no", Luca." Pagmamatigas niya. Umupo siya sa sofa at sinamaan ako ng tingin. "Alam mo bang isa sa pinakamahalagang araw ko ang Feb. 14?"

"Bakit naman kasi February 14 pa?" Saglit kong tinignan 'yong lalaki. "Alam mo namang isang event organizer ako."

"Puwede ka naman kasing magtrabaho sa'kin, Luca." Pagdadahilan niya.

"Ay wow?" Sarkastiko kong bulalas. "P50,000 a day?"

Let's have a deal, then. Kung kakagatin niya ang pain ko, nasa kanya na iyon. Basta ako, I only want the benefits. Who wouldn't want them?

Siningkitan niya lang ako ng mata na para bang nagtitimpi sa sarili at nagbabasa rin at the same time. She's a psychologist... or a psycho?

"Dinaig mo pa ang mga celebrity, Luca."  Aniya at humalukipkip. "At nagmamatigas ka pa. Eh kung isumbong kita kay lola?"

I smirked at her.

"That's a sign of defeat, Atifa. I have a valid reason, anyway."

"Kahit pa, Luca!" Giit niya. "'Di ba ako mahalaga sa'yo?" She started whimpering and I rolled my eyes in disgust.

"Oh my god, Atifa. Bakit ba kayo nagmamadali? And look at you, tumataba ka. Don't tell me..." nilingon ko 'yong lalaki at siningkitan siya ng mata. Nag-iwas naman siya. "Buntis ba si Atifa?"

Muli kong nilingon si Atifa at maging siya'y 'di makatingin sa akin. I concluded na buntis ang gaga dahil hindi man lang nag-react.

"Kaya you want the wedding soon?" Pagkaklaro ko kahit pa hindi na nila kailangang magpaliwanag.

"Luca," sambit niya, tunog nanghihina.

Natahimik ako dahil sa mga bagay na bumabagabag sa akin. If Atifa is pregnant, definitely itong lalaki na ito ang ama ng bata?

Bumuntong-hininga ako at umupo sa tapat ng inuupuan ni Atifa. Tumabi naman sa kanya ang lalaki.

"Ilang buwan na ba 'yan?" Tanong ko.

I care for the baby. Magiging parte na rin siya ng mga buhay namin. Swerte niya kapag nagkataon.

"Dalawa pa naman." Sagot ni Atifa.

"Two months pero ang laki ng itinaba mo?"

Ano kaya sa pakiramdam ang pagdadalantao? Is it fearsome? Exhilarating?

'Di na muli sumagot si Atifa kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataong magtanong ulit.

"Alam na ba 'yan nila tita at tito?"

O baka naman isang sikreto ang pagbubuntis ni Atifa? Baka isusurprise lang nila o ano?

"Hindi pa, Luca." Mahinang sagot ni Atifa at tinignan ako nang diretso. "No one knows except you."

My breathing hitched. How come ako lang nakapansin sa pagbabagong iyon? O baka naman hindi nila iniisip na gagawa ng kung ano si Atifa since they trusted her?

"But we will announce soon. Kapag maayos na ang lahat."

"So that's the reason why February 14 is the wedding?"

"May hinahabol din kasi kami, Luca. Saka planado na ang lahat."

"Planado na rin ang Valentine's Day ko, Tifa."

Bumusangot siya, parang batang nagtatampo. Kung ang lalaking 'to nadadala niya sa ganoon, ako hindi.

"You can work with us, Luca." Sabi ng lalaki.

Sumandal ako sa sofa at humalukipkip. Sila namang dalawa ay nakatingin sa akin.

"It's not yet too late to decide naman." Sabi ko. "I'll check it tomorrow."

"Pinapahirapan mo lang kami, Luca. You can just-"

"Inaantok na ako, Atifa." Pagputol ko. Tumayo ako at humikab. "Bukas mo na ako awayin, please?"

"Immature ka pa rin, Luca." Aniya, mukhang dismayado.

Natawa ako roon. Sarap niya talaga inisin. At mukha pang mas lalong nainis nang tumawa ako.

"Pag-iisipan ko pa, Atifa. Busy talaga ako sa work. Puwede niyo naman kasi i-adjust."

Umupo ulit ako. Nawala na 'yong antok ko. Pag-uusapan nalang namin 'yong sa kasal niya.

"Eh kailan mo naman gusto?"

Nanahimik ako sa tanong na iyon. Kailan nga ba?

"March 1 is fine with me."

"What the?!" Bulalas niya. "Ang tagal naman, Luca!"

"Ba't ba atat na atat ka ng matali sa kanya?" Inirapan ko ang gaga.

Makakapaghintay naman 'yong kasal. 'Di naman kailangang madaliin. Marriage is just a title. Ang mas mahalaga roon ay tunay silang nagmamahalan.

Huminga nang malalim si Atifa. Mukhang natalo sa lotto.

"Fine." Aniya at tumayo. Hindi ako tinignan sa mata. Inalalayan naman siya ng lalaki. "If you don't want, 'wag na. Nakakahiya naman kung makakaabala pa kami sa trabaho mo."

Umirap ako at tumayo. Bahala kayo riyan. Basta sakin ay klaro na may trabaho ako sa araw na 'yan.

"Lock the door before you leave." Sabi ko. 'Di ko na hinintay ang sagot nila. Umalis na ako saka pumasok sa kwarto.

Kinabukasan, inayos na namin ang mga kailangang gamit para sa birthday party ng anak nila Mr. and Mrs. Deduyo. We gathered things related to Belle like roses, The Beauty and the Beast characters and give aways. Kahit ang gown ng bata ay kami na ang nag-asikaso. Everything was settled and perfected. Handa na iyon para sa gaganaping 1st birthday ni Mica.

"Sa mga sumusunod na projects natin, I'm not sure if ganoon siya kabigat. But I have received an email from Ms. Aubriene Abenajo na tayo ang mag-aayos ng kaniyang debut." Balita ni Ms. Nherrie sa amin nang minsang nagkasama-sama kaming kumain.

We had no idea about that Aubriene Abenajo but Ms. Nherrie provided us some details about her just to have knowledge to settle into one theme of the debut.

She's kind of a celebrity. Isa siyang model ng sikat na clothing line. Not to mention her IG accounts with 500k followers. She has so many dreams and she loved music. In fact, she has her own band. And the debut, simple as it may sound, gusto niyang pagpasok niya ay kumakanta siya. It would be like a concert. Masigla ang magiging kalabasan ng plano if it would go well.

"Sikat pala 'yang si Aubriene. " sabi ni Pat. Nasa labas kami ng building dahil break time ngayon. Kumakain kami ng street foods. "Naririnig ko pangalan niya pero 'di ko alam na siya pala iyon."

"Ang ganda niya infairness." Segunda ni Euni. "Ang puti pa at model."

"Kaya nga eh." Singit ni Ivy. "'Di malabong maraming magkakagusto sa kanya."

Napaisip ako sa sinabi ni Ivy. Sa akin kaya may nagkakagusto? Pero kung sabagay, 'di rin naman ako interesado sa ganyang bagay.

"Kayo ba, guys? May nanliligaw na sa inyo?" Tanong bigla ni Ivan. Napatingin ako sa kanya nang wala sa oras.

Sa akin? Wala naman. Baka walang magkakagusto sa akin. 'Di naman ako katulad ni Morthena na maraming nagkakagusto sa kanya kahit wala siyang ginagawa.

"Gusto mo ba akong ligawan, Ivan?" Pagbibiro ni Patricia. Tumawa lang kami.

Pagkatapos naming kumain ay inayos na namin ang mga kailangan. Nakipag-usap na kami kay Aubriene. Ang birthday niya ay next month pa naman. So basically we have one month to prepare.

Nang nagkaroon ulit kami ng breaktime ay tinignan ko ang cellphone ko. No more yammers from my cousins. I missed them suddenly.

I dialed Morthena's number. I was wondering why she hasn't nagged me about the wedding of Atifa. I was wondering too if she hasn't known the reason behind the rushed wedding.

Baka takot si Atifa na iwan siya ng lalaki who was assumed to be the father of her child? Since she'll be a mother soon, she would need a partner. Kaawa naman kung lalaking walang ama 'yong bata.

Nag-ring lang ang kabilang linya. I checked my wristwatch and found out it's almost four o'clock in the afternoon. One hour left before the work's over.

Namatay na ang kabilang linya. Nakaka-frustrate naman ang babaeng ito. 'Di na nangulit sa akin.

Binalik ko nalang ang cellphone ko sa bulsa. Baka papayag nalang sila na 'di ako makakapunta sa kasal ni Atifa.

Well, that's fine with me. I have works to do.

Pagkatapos naming maayos ang mga kakailanganin sa celebration ay nag-off na kami. Kanya kanya na kaming umuwi. As usual, magco-commute lang ako. Pero bago ako nag-abang ng taxi, dumaan muna ako sa isang convenience store. Nauhaw ako bigla. I grabbed some distilled water at binayaran kaagad iyon.

While waiting for a taxi, sinusundan ko ng tingin ang bawat sasakyang dumadaan. Mapa-jeep man, bus, tricycle o magagarang sasakyan. But one thing that hooked me was a gray sports car. I used to love sports car when I was in college. I even had my own collection of it, mapa-promo man 'yan galing or nakikita ko sa mall. Ngayon kasi hindi ko na gawain iyon. Nagtitipid na ako ngayon para sa sarili ko at sa mga sumusunod na araw.

Binibigyan naman ako ng pera ng mga lolo at lola ko pero 'di ko ginagamit iyon. Iniipon ko iyon sa bangko for emergency purposes. The last time I checked, it's almost 10 million pesos na iyon. Nagsimula akong maglagay ng pera sa bangko nang tumuntong ako sa kolehiyo at hanggang ngayon. Kung makabigay din kasi sila sa akin parang pang isang taon na. To think they're giving me monthly. Malaki laking pera talaga ang maiipon ko.

Napabuntong-hininga ako. Kung may na-miss man akong gawin, siguro iyong pagpipinta. It's been awhile since the last time I painted my own work named "Fragile". Sa sobrang busy ko ngayon, nakakalimutan ko na kung paano maglibang.

It's 5:45 in the afternoon when I grabbed a taxi. Ako lang ang pasahero at nagpapasalamat ako roon. Sa likod na ako umupo, making myself comfortable. Hindi ako sanay na may nakakasabay na pasahero sa akin kaya naman kahit malaki laki 'yong babayarin ko, ayos lang iyon. Ayaw ko lang magulo ang isip ko. Ayaw ko ng maiingay na tao at makukulit.

Alas sais y media na nang gabi nang nakauwi ako sa condo. Traffic 'yong dinaanan naming lugar dahil nagkaroon ng banggan ng jeep at sasakyan. Nakita ko ang driver ng kotse na galit na galit sa driver ng jeep. Kaawa naman 'yong manong kasi napapahiya siya. To think nagtatrabaho lang iyon para may mapakain. I guessed he had no choice but to pay for that absurd ass-like creature.

"Kawawa naman si manong drayber ng jeep." Bulalas ni manong taxi driver sabay iling sa pagkadismaya. "Mukha namang mayaman 'yong may-ari ng magarang sasakyan, pinagbayad niya pa dahil lang sa maliit na gasgas sa kotse."

Nalungkot ako bigla sa sinapit ng jeepney driver. Kung 'di ba naman siraulo 'yong isang driver, baka 'di mangyayari 'yong gitgitan. Isa pa, it was an accident. Sino bang makakapagsabi kung kailan mangyayari iyon?

Nakakaawa 'yong matanda. Pero mas nakakaawa 'yong binatilyo. Sa ginawa niyang iyon, siya ang naging katawa-tawa.

"Iba talaga kapag mayaman ka." Manong hissed. "Madali mo lang mapapaikot ang mga taong mas mababa sa'yo."

Bumuntong-hininga ako. He was right. Powerful people can easily turn the tables. Kayang pamunuan ng pera ang mga bagay. Pero ano ba ang magagawa ko riyan? Wala naman ako sa lugar nila. I just wished may mapapakain pa rin 'yong matanda sa pamilya niya. Kawawa naman kasi. Nagtatrabaho nang marangal, nagpapakahirap at mapupunta lang pala sa wala ang pera.

下一章