webnovel

Chapter Thirty Nine

             "Where will I put this?" tanong ni Tyler.

             "Doon sa isang kwarto." wika ko.

             Agad siyang nagpunta doon. Pinaupo ko muna si Stephanie sa sala. Nilibot niya ng tingin ang paligid.

             "This is a nice unit." aniya.

             I shrugged. Lumabas si Tyler mula sa loob ng kwarto. "Mag-order ka nga ng pagkain." utos ko rito. "Doon sa pinagtatrabahuan ko ah? Masarap don."

             He nodded. "Okey babe."

             "You really don't need to do all these, Ken... But thank you."

             "No worries. You're my sister so..."

             After a couple minutes, bumalik si Tyler sa amin. Umupo siya sa tabi ko. Mukhang hindi ito sanay na makaharap ang kapatid ko. I remembered what happened sa La Paraiso. Noong iniwan ko sa kanilang dalawa.

             "I'm happy na nagkatuluyan kayo." ani Stephanie habang nakangising nakatingin kay Tyler.

             Kumunot ang noo ko. "You don't even know about--"

             "Of course, I know, Ken... I heard your conversation with him that day. I was just trying to piss you kaya nakigitna ako but... Well... You're his first virgin trophy."

             Napaubo ako. Mahina namang natawa si Tyler. Sinamaan ko ng tingin si Stephanie. "Don't remind me."

             "Where's that shirt anyway?"

             "Mom told me to throw it that day."

             Natatawa siyang umiling. "Hindi talaga siya marunong maka-appreciate ng magagandang bagay."

             Natawa na rin ako. Ilang minuto kaming nagkwentuhan. She td me about her plans while Tyler's nust playing with my fingers. Hinayaan ko na siya. Ayaw kong magbangayan pa kaming dalawa sa harap ni Stephanie.

             Ilang minuto lang ay dumating na rin ang order namin. Dinala iyun ni Tyler sa sala. Inutusan ko siyang maghanda ng kakainan namin. Hindi naman siya umangal. Ginagawa niya lahat ng inuutos ko. Very obedient.

             "Thank you." ani Stephanie. "Hindi ka ba male-late sa klase mo?"

             "Aabsent na lang muna ako. Mamayang tanghali na ako papasok."

             Yumuko siya. "I am realky sorry to burden you, Ken."

             "You don't have to be sorry, Stephanie."

             Kumain na kaming tatlo. Panay ang paglagay ni Tyler ng pagkain sa plato ko.

             "Tinataba mo ba ako? Hindi ko mauubos toh!" masungit kong wika.

             "I just want you to eat a lot, babe."

             Ngumuso ako. Tiningnan ko si Stephanie at napapangiti ito habang nakatingin sa amin. Bigla akong nahiya. I was never really used na sweet kami sa harap ng iba. We're private. Halos hindi naman kami nakikita ng mga taong magkasama, lalo na ang pamilya ko.

             Matapos namin kumain ay kinailangan ko na magpaalam kay Stephanie para ihatid si Tyler sa labas. Okey lang naman daw siya doon mag-isa.

             The next day, nakitambay na naman si Tyler sa condo ko. Nakakahiya nga at andito si Stephanie. Nangingiti na lang ito habang nakatingin sa amin. Habang naglilinis ako sa kusina, bigla na lang akong niyakap ni Tyler mula sa likod.

             "Ano ba!" awat ko rito.

             "It's still early for your first subject, do you want to come with me in my office?"

             Tiningnan ko siya. Is he serious? I looked at myself. Hindi pa naman ako naka-uniform. Magbibihis pa sana ako nun sa dorm. Well, I really want to see his office at para malaman na din ng lahat ng tao doon na pagmamay-ari ko na siya.

             "No need. I'm not interested." wika ko.

             "Come on, babe. Sige na please? Gusto pa kitang makasama ng mas matagal."

             Tinaasan ko siya ng kilay. "Ayoko nga!!" pero deep inside gusto ko lang talagang pilitin niya. Malay ko lang shoe lang niya toh at ayaw naman talaga niya akong dalhin sa opisina niya.

             "Ihahatid kita sa university mamaya. I promise."

             Huminga akong malalim. Sige na nga at baka magbago pa ang isip.

             I nodded. Tuwang-tuwa naman ako nitong niyakap. He hold my hands kahit na ayaw ko sana. Hindi niya binitiwan ang kamay ki hanggang sa makapasok kami ng sasakyan niya. Tsk. Ang bilis ko talaga mag-give in pag siya na ang naglalambing. Nakakainis noh?

             While on the way, panay ang kwento niya tungkol sa trabaho. Nakinig naman ako. Kahit ipakita kong hindi ako interesado, deep inside, gusto ko rin malaman kung anong ginagawa niya sa buong araw na hindi kami magkasama.

             Nang nasa kompanya na nila, proud na proud niyang hawak pa rin ang kamay ko. Bumati sa kanya lahat ng mga empleyadong nadadaanan namin. Kita pa sa mga mukha nito ang katanungan while looking at me. Well, that's right bitches. This hot guy right here is mine.

             Pumasok kami sa loob ng elevator. May ibang mga empleyado doon. Hindi ako sanay sa totoo lang. Everytime na pumupunta ako sa opisina ni daddy noon, they always make sure na wala kaming kasabay... Well, compared to every giy I knoe Tyler's really very simple.

             Hinapit niya ako sa beywang ko. Medyo naasiwa ako lalo na't may mga nakatingin.

             "Your hair really suits you. When did you cut it? The last time we're together, mataas pa ang buhok mo."

             "Bago lang... That time na pumunta ako rito at hindi ako pinapasok ng mga empleyado mo?"

             He smiled. "Don't worry, I will tell them to let you in kahit anong oras o araw. You're my priority... And I am really sorry about that day. They were just following rules."

             "I know, Tyler."

             "Parang ayaw na kitang paalisin ngayon. Gusto ko na labg ikulong ka sa opisina ko buong maghapon. I want to see you every second."

             "Tsk. Ang Oa mo na ah?"

             Niyakap niya ako. "Why am I so addicted to you, Ken?"

             Napatikhim ako. Ramdam ko ang awkwardness ng mga empleyado na kasama namin sa loob. Mahina ko siyang pinalo sa braso. Sinenyasan ko siya na tumigil sa kalandian niya pero tumawa lang ang gago.

             "Where are you staying tonight?" tanong niya bigla.

             "Sa condo? I can't leave Stephanie there alone, knowing her condition."

             Tumango-tango ito saka tumingin sa akin. "How about the kid's father? He should take care of them." aniya.

             "Halata naman sigurong wala siyang balak panindigan ang bata, diba? Stephanie won't be there kung may balak siya. Ang kapal ng mukha. He seduced my sister. He used her and then he left her when she's pregnant. Hindi ko akalaing may ganung klaseng lalaki. Napaka-walang kwenta."

             "Your sister's unlucky to meet someone like that."

             Tumango ako. "But Stephanie's a strong woman. Magiging maayos lang siya kahit walang suporta ng gagong lalaking yun."

             Ngumiti siya sa akin saka pinisil ang mukha ko. "I can't wait to have sons and daughters with you."

             "Magtigil ka nga." wika kong nag-iinit ang mga pisngi.

             "I should start building our own house now. Yung sakto para sa sampung bata."

             Pinalo ko siya. "Aba, sampu? Alam mo ba kung gaano kahirap magbuntis? Makita ko pa lang si Stephanie ngayon parang... Kinakabahan na ako."

             "You should not worry. I am here with you. We'll raise the kids together."

             Parang nabilaokan lahat ng mga empleyadong kasama namin. Panay ang pag-ubo ng mga ito. Yung iba parang hindi na humihinga. Buti na nga lang at bumukas na ang elevator.

             Halos magdikit na kami ni Tyler habang naglalakad. Ayaw niya akong bitawan kahit anong sita ko. Nakakainis. Masyado siyang ano ngayon... Parang ayaw na niya akong bitawan pa.

             When we arrived at his office namangha ako sa disenyo nun. Parang kasing laki nito ang condo ko. Grabeh. It was really big. He has his own kitchen sa loob. May maliit na kwarto din raw doon but hindi ko na sinilip. Umupo ako sa upuan niya while he's talking with his secretary... And mind you, lalaki ang secretary niya. Tinotoo niya talaga yung sinabi ko. Kaloka.

             Naagaw ng isang collage photos na nass picture frame ang paningin ko. Hindi ko mapigilang matawa ng makita ang mukha ko roon. It was all my pictures... Yung nasa La Paraiso kami. Yung pinicturan na lang niya ako bigla at may mga moments pa na hindi ko maalalang kasama ko siya nung mga time na yun. May picture din ako nung nasa club ako. What the hell? Was he my stalker? Tsk.

下一章