Pinalipas ko muna ang ilang oras bago ako lumabas ng condo. Halos di na bumalik ang mga mata ko sa pag-ikot ng makita si Tyler na nakaupo sa tabi ng pintuan ko. What the fuck is he up to?? Tingin niya ba maaawa ako sa mga paganito niya? Neknek niya.
"Where are you going? Aalis ka ba? Saan ka tutuloy?" tanong nito at tutulungan sana ako sa dinadala pero agad ko iyung nilayo sa kanya. "Halos lunch na. Kumain ka na ba?"
Mabilis akong pumasok sa elevator. Kainis. Nakasunod lang siya sa akin. Nakakainit ng ulo. Kumain na ba daw ako? Malamang hindi pa? Nakita niya ba akong lumabas ganito? Nakita niya bang may nagdeliver ng pagkain kanina?
"I... I closed a deal with a client today. They are one of the most important client we have kaya talagang pinagpursigihan naming makuha ang sagot nila. I am free now. I can finally be with you." pagpapatuloy niya sa pagdaldal.
Mukha bang interesado ako sa mga sasabihin niya? Do I look like I care? Can finally be with me? Well, I'm sorry but it's fucking too late.
"You didn't come home last night. Saan ka tumuloy? Hindi ka rin daw pumasok kahapon sa klase niyo. Saan ka nagpunta?"
Malumanay lang naman ang pagkakatanong nito pero nakakainis. Diba dapat ako ang mas may karapatang magtanong niyan? Ang kapal kapal ng mukha. Sarap isako.
Nilabas ko ang extra phone ko saka nagtingin-tingin doon. I texted my friends para may magawa lang ako. Nananadya ata yung elevator at ang tagal kung bumaba ngayon. Sasapakin ko talaga ang kung sino man ang nakatoka nito dito ngayon.
"Ken..." tawag niya sa pangalan ko.
Saktong tumawag si April kaya agad ko iyung sinagot.
"Why are you using your old number?" taka nitong tanong.
"May nangyari lang... I will be using this for now. Hindi ko pa alam kung kailan ako makakabili ng bagong phone since wala akong pera."
"Sooo... You're determined na about looking for a part time job?"
Ngumuso ako. "Ganun na nga. Wala naman akong ibang choice... Unless makahanap ako ng sugar daddy."
Malakas na naubo si Tyler sa sinabi ko. Hindi ko siya pinansin. Tss. Papansin.
"I think your boyfriend can give you everything you want, Ken. Ba't di ka na lang humingi?"
I laughed. "Break na kami." I said bitterly.
I don't know kung anong naging reaksyon niya sa sinabi ko dahil bumukas na ang elevator. Agad akong lumabas mula roon at dire-diretso sa basement kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Hindi ko ito nadala kahapon kaya pinakiusapan ko si Zen na ilagay na lang sa parking lot ng condo ang sasakyan.
Binuksan ko ang trangkahan ng sasakyan saka nilagay doon ang mga gamit ko. Isasara ko na sana iyun ng maramdaman kong may humawak sa braso ko.
"Let's talk... Please." aniya.
"I don't think I have time for that, Mr. Laurel. I have things to do."
Nakita ko ang desperation sa mga mata nito. Hindi niya binitiwan ang mga braso ko kahit anong gawin kong tanggal rito. "Ano ba Tyler? Bumitiw ka na nga. Bakit ba ang kulit mo??"
"I know you're mad at me but... Can we please talk? I will explain everything to you. I really wanted to talk to you and to see you yesterday but I lost my phone and--"
"What an excuse. Try again next time. Yung kapani-paniwala naman."
"I am not lying. I really lost my phone. I was busy yesterday kaya hindi ko na rin nahanap. Ken--"
"I don't really care, Tyler. Hindi ako nakatulog magdamag dahil nag-alala ako sayo. Alam mo ba na pumunta ako sa kompanya mo kahapon only to see you flirting with other woman? Sinubukan kong tanggalin yun sa utak ko but then you didn't text me. Di mo ba kayang manghiram kahit saglit lang ng cellphone ng mga kaibigan mo o katrabaho mo para lang ipaalam sa akin na okey ka lang? Kahit hi na lang, di mo pa nagawa... Tapos malalaman ko ngayon na nakikipaglandian ka na naman sa ibang babae sa loob ng restaurant. Ngising ngisi ka pa nga eh. Mukhang di ka man lang nabother kung may nag-aalala ba sayo."
Grabeh. Punong puno ng emosyon ang bawat salitang lumalabas mula sa bibig ko. I feel so angry at gusto kong ilabas yun sa kanya.
"Ken... Baby... She was a client. Dad told me to take care of her. I had no choice. We need her for our company. Nagkita kami for a meeting. It was only for business."
Umiling ako. "I don't care, Tyler. Sa dami ng kasinungalingan sinasampal sa akin ngayon, hindi ko na alam kung ano yung totoo. Stay honest with me or stay away from me. You don't have to tell me everything. Just don't lie to me."
Marahas kong inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin saka mabilis na akong pumasok sa sasakyan ko. I looked at him in my rearview mirror as I was leaving the area. Nakatayo lang siya doon habang nakatingin sa papaalis kong sasakyan. It actually hurts me... Na hindi niya pinilit sa akin yung mga rason niya... Parang sinasabi na rin kasi niya sa akin na totoo yung mga bintang ko sa kanya.
Hindi ko namamalayan, pumapatak na pala yung mga luha sa mga mata ko. Does he think I'm that stupid? I am not as old as him but I'm not dumb.
"I already told my cousin about you. Hindi naman gaanong malaki ang sweldo pero okey na rin. You can work at night. Since 5 matatapos ang klase mo, you can start at six then end at eleven since hanggang eleven lang sila."
I sip my coffee. I asked April na i-recommend ako sa mga kakilala niyang may mag negosyo. Sakto namang nangangailangan daw ng dagdag na empleyado for closing shift yung restaurant ng pinsan niya kaya pwede raw ko roon.
I really need money. Konti na lang ang perang meron ako. Hindi naman ako pwedeng manghingi sa pamilya ko diba? Hindi pa ako nakaka-try na magtrabaho, but I think I can do it since hindi naman mahirap.
"You should meet her later. Sasamahan na kita. Don't worry, she's really nice."
I smiled. "Thank you, April. Ang dami ko ng utang sayo. Balang araw, mababayaran din kita."
She chuckled. "We're friends. I don't see any reason para hindi ka tulungan. Everytime na ako din naman ang may problema, andyan ka rin para sa akin." aniya. "Anyway, totoo ba talaga yung sinabi mo? Wala na kayo ni Tyler?"
Napaiwas ako ng tingin sa kanya. I was just angry. Sa totoo lang, hindi ko rin alam ang stado ng relasyon namin. Parang nawalan ako bigla ng gana... I suddenly felt like focusing on my life. I want to prove myself to my parents... Gusto kong ipamukha sa kanila na hindi ko sila kailangan and most importantly, I want to prove na hindi namin kailangan ng lalaki sa buhay namin. If dad wants to leave, then leave. We'll do just fine... Stephanie doesn't need that jerk guy who impregnant her. We're her for here.
"Why? I know you love him and he loves you.."
Nagkibit-balikat ako. "I just don't feel it anymore... I mean, gusto ko munang unahin ang sarili ko. If we're meant to be, we're meant to be. Besides, I'm too young. Hindi dapat ako nagseseryoso agad. Sa lahat ng sinabi sa akin ni daddy sa akin, I think he's right about one thing. Hindi dapat nagmamadali sa isang relasyon. I-enjoy ko na muna ang buhay ko and if tingin ko sawa na ako, then doon na siguro ako magse-seryoso."
"I don't think tito meant what he said to you that way." natatawa niyang wika.
"Ni-revise ko lang ng konti."
Sabay kaming natawa na dalawa. I feel fine now. Kailangan ko na muna sigurong lumayo kay Tyler. Simula ng dumating siya sa buhay ko, lagi na lang akong nagwo-worry. Busy siya sa buhay niya, so am I. I don't want us to be a burden to one another... And who knows? He might find someone else.