webnovel

Chapter 4: IRIS

Nagmamadaling magbihis si Faith dahil may trabaho pa siya. Regular siyang nagpeperform sa isang bar. Hindi pagsasayaw ang trabaho niya, kundi ang pagkanta at pagtugtug ng gitara. Nakapasok siya dahil sa talento. Pero bukod don, ay nagpeperform rin siya sa iba pang bar. Depende kung may tatawag sa kanya. Ang kita naman niya sa lahat ng trabaho ay napupunta sa kanyang renta, pagkain at iba pang mga pangangailangan. Kasali na rin ang mga projects sa school. Nag-iipon rin siya para sa pang kolehiyo sa susunod na taon. Libre na rin naman ang kuryente niya dahil naawa ang landlady sa kanya. 17 pa lang siya, malapit na mag 18, at nagsasarili ng magsumikap para sa kinabukasan niya. Maaga rin kasi siyang namulat sa katotohanan ng mundo.

Pagkatapos makapagsapatos ay agad niyang hinablot ang gitara na nakalatag sa single bed at lumabas na ng kwarto. Dire-deritso na siya hanggang sa labas at nilock yung pinto bago nagpatuloy sa pag-alis.

Nagbus lang siya papunta sa bar. Pagdating niya ay marami ng tao at siya na ang susunod na magpeperform.

"Akala ko hindi ka na darating."

Agad napaharap si Faith sa kanyang likuran. Si Jayce pala ang nagsalita. Isa ito sa mga bartender don.

"Nahuli lang ako kasi matagal akong nakaalis sa school." Paliwanag niya.

Umupo si Faith sa isang stool. Sa harap ni Jayce. Inilapag niya ang gitara sa gilid.

"Kumusta naman pag-aaral mo?" Tanong nito habang naghahalo ng drink ng isang costumer.

"Ayos naman. Kapagod nga lang kasi ang dami na ng ginagawa ko."

"Saan mo balak mag college?"

"Depende kung saan makapasa ako ng scholarship."

"Napakadeterminado mo ha. Yan ang gusto ko sayo eh. Hindi sumusuko." Nakangiti pa ito ng malapad.

Inirapan lang ito ni Faith. "Hindi ako madadala ng ngiti mo kahit sobrang perpekto pa ng ngipin mo."

"Ouch." Pag-acting ni Jacye na nasasaktan. Nilagay pa ang kamay sa puso. "Ang sakit mong magsalita. Tanggap ko na naman na binasted mo ko."

Hinawakan ni Faith ang kamay ni Jayce na nasa puso at kinuha yun. Nilapit pa niya ang kanyang mukha dito. "Sabi ko naman sayo eh, wag mo ng subukan dahil wala kang mapapala sa'kin." Seryusong sabi ni Faith at dumistansya na siya dito.

Nanliligaw kasi ito sa kanya noon. Kahit gwapo na at matangkad ay nireject pa rin niya. Wala siyang planong makipagrelasyon sa kahit na sino. Gaya nga ng sinabi niya, ang dami na ng kanyang ginagawa. Working student siya sa loob ng school at labas. Scholar kasi siya at kailangan niyang e maintain ang matataas na grades at ang pagtulong sa mga anong gawain sa school. Mag-isa lang kasi niyang binubuhay ang sarili kaya hindi na pinapansin ang mga walang kwentang bagay na ginagawa ng mga kaedad niya.

Pumalakpak na ang audience at saka lang namalayan ni Faith na tapos na pala ang performer. Siya na ang susunod. Kinuha na niya ang gitara nang nagsalita uli si Jayce.

"May susunod pa bago ikaw."

Tumingin siya dito na nakakunot-noo. Halatang naguguluhan.

"May nagrequest kasing costumer kanina na gusto niyang kantahan ang kanyang nagugustuhan kaya magpeperform siya sa harap ng lahat."

Tiningnan uli ni Faith ang platform at humanda na ang lalaki dala ang gitara nito.

Bumalik uli siya sa pag-upo at nakinig nalang.

Maganda naman ang boses ng lalaki. Ayaw nga lang niya sa kinakanta nito. Masyadong romantic na nakakapanindig balahibo sa kanyang pakiramdam.

~Di ko man maamin

Ikaw ay mahalaga sa akin

Di ko man maisip

Sa pagtulog ikaw ang panaginip

Malabo man ang aking pag-iisip

Sanay pakinggan mo ang sigaw

Nitong damdamin..

Pagkachorus ay naglipsync si Jayce at umaakto pa sa harap niya. Kinakantahan siya nito.

~Ako'y alipin mo kahit hindi batid Aaminin ko minsan ako'y manhid Sana ay iyong naririnig

Sayong yakap ako'y nasasabik..

Sobrang nakakatawa ito na parang dinidibdib talaga ang kanta at pagkanta sa kanya. Natawa naman siya sa itsura nito. Napatingin si Faith sa gilid dahil muntikan ng matumba ang gitara niyang nakasandal dun at inayos ito. Nakangiti pa rin siya dahil sa ginawa ni Jayce. Nang muli niyang itaas ang tingin ay nakita niya sa unahan ang isang kaeskwela. Mataman itong nakatingin sa kanya. Nawala rin bigla ang kanyang ngiti. Nakatitig din siya dito dahil hindi niya kailan man inaasahan na makita ang lalaking ito sa bar na pinagtatrabahuan niya.

~Ako'y alipin mo kahit hindi batid

Aaminin ko minsan ako'y manhid

Sana ay iyong naririnig

Sayong yakap ako'y nasasabik

Pagkat ikaw lang ang nais makatabi

Malamig man o mainit ang gabi

Nais ko sanang iparating

Na ikaw lamang ang siyang aking

Iibigin..

Limang minuto pa lang nang nakapasok si Raindell sa club. Hindi niya akalaing sa romantic club siya dadalhin ng kanyang mga pinsang babae. Nakapwesto sila sa isang table na medyo malayo sa platform pero malapit lang sa bar counter. Lalo niyang pinagsisisihan ang pagsama sa mga ito nang marinig ang napakaromantic na kanta. Napakaklaro kasi ng meaning ng kantang yun at may naalala siyang ibang tao. Hindi niya alam kung bakit, pero naiisip niya si Faith dahil sa kanta. Hindi nalang siya nagfucos sa pakikinig. Tumingin siya sa paligid habang nakasimangot.

Natigil ang pag-iikot ng mga mata niya nang makita ang babaeng nasa isip niya. Kakwentuhan nito ang bartender at tumatawa si Faith sa ginagawa ng lalaki. Biglang tumigil ang kanyang paghinga sa nasasaksihan at titig na titig lang siya dito. Si Faith. Hindi lang nakangiti. Kundi tumatawa pa. Tumatawa. Ngayon lang niya nakita ang pagliwanag ng mukha nito na palaging nakasimangot.

Umiwas agad ng tingin si Faith kay Raindell. "Bigyan mo nga ako ng isang basong alak." Paghingi niya ng inumin kay Jayce. Di niya alam kung bakit nakaramdam siya ng hiya agad. Nahihiya na siyang magperform, dahil makikita at mapapakinggan siya ni Raindell. Di niya rin naman kasi akalain na pumupunta pala ito sa mga ganoong club. Teka.. Bakit ba hinahayaan niya ang taong yun na maapektuhan siya? Hindi sila magkaibigan ni Rain, di rin sila magkaaway. Ano nga ba sila? Hindi niya alam. Basta di niya hahayaang magpaapekto sa presensya nito. Maaapektuhan pa ang pagtatrabaho niya.

Binigyan na siya ni Jayce ng alak at agad niyang ininom yun.

"Ui, dahan-dahan lang. Ang boses mo niyan." Sabi nito nang agad niyang nilunok ang buong laman ng baso. "Bakit parang biglang na badmood ka ata." Napansin pala nito ang pagbago ng aura niya.

"Wala." Pabalang niyang sabi at inilapag ang rackglass ng medyo malakas.

"Anong wala? Eh halatang-halata ko, kani-kanina lang tumatawa ka pa, tapos bigla kang sumungit ulit. Anong nangyari?" Pagdidiin nito sa usapan at kinuha na ang baso sa harapan niya.

"Wala nga." Narinig niya ang palakpakan at hudyat na yun na tapos na yung huling kumanta at siya na ang magpe-perform. Tumayo na siya at kinuha ang gitara.

"Goodluck. Idol talaga kita." Sabi ni Jayce.

Tumango lang siya dito at lumapit na sa stage. Huminto siya saglit para ilabas ang gitara sa lalagyan. Tapos umakyat na siya sa platform.

Isinaksak niya ang chord sa gitara at umupo na. Hindi naman niya masyadong mamukhaan ang mga audience kasi dim ang lights, may spot light na nakatapat sa kanya pero matagal na niyang sinabihan ang operator nyon na kapag siya ang nagpeperform ay huwag nitong masyadong liwanagan ang pwesto niya, ayaw nya rin ng nakakasilaw na ilaw.

Ready na lahat, kulang nalang umpisahan niya. Pero sa katunayan di niya napag-isipan kung ano ang tutugtugin. "May request ba kayong kanta? Sabihin niyo sakin." Tanong niya sa lahat.

Marami siyang narinig na request. Pinaglipat-lipat niya ang kanyang tingin sa mga audience. Pilit niyang iniiwasan na mapadako ang tingin niya sa direksyon ni Rain. Pero awtimatikong napunta ang tingin niya don nang magrequest din ang katabi nitong babae. Di niya napigilang malipat ang tingin kay Rain, saglit nagtama ang kanilang paningin at umiwas na din siya, tumango na siya at tumingin sa gitara. "Okay. Thank you sa mga nagrequest pero isa lang po ang tutugtugin ko. Pakinggan nyo na po ito." Sabi niya at nagsimula ng tumugtug.

~And i give up forever to touch you,

Coz i know that you feel me somehow,

You're the closest to heaven

That i'll ever be

And i don't wanna go home right now..

Tumahimik na ang mga tao nang nag-umpisa na siyang kumanta. Pabaling-baling ang tingin niya sa mga audience at sa gitara. Paminsan-minsan ay pumipikit din siya.

~And all i can taste is this moment,

And all i can breathe is your life,

But sooner or later it's over,

I just don't wanna miss you tonight..

Ipinikit niya ang kanyang mga mata.

~and i don't want the world to see me,

Coz i don't think that they'd understand,

When everything seems to be broken,

I just want you to know who i am...

Titig na titig si Rain kay Faith habang kumakanta ito. Lalo na ng kumanta na ito sa chorus. Di niya akalaing napakaganda at swabe ng boses nito sa pagkanta. Hindi niya maintindihan pero may kung anong nararamdaman siya sa kanyang dibdib. Di rin niya itatangging mas humanga pa siya dito. Maganda na, matalino, masipag, at talentado pa. Di nga lang ito mahilig sa lalaki, pansin niya.

Ipinagpatuloy lang ni Faith ang pagkanta. Kapag chorus ay napapapikit siya dahil ramdam niya ang kinakanta.

~And i don't want the world to see me,

Coz i don't think that they'd understand,

When everything seems to be broken..

Napamulat uli ang mga mata niya at di inexpect na tatama yun sa mga mata ni Rain.

I just want you to know who i am...

Yumuko siya agad dahil di niya alam kung anong pumasok sa utak niya na kantahin ang huling linya na nakatingin dito. Para niya kasing pinapahiwatig yun kay Rain. Ang lakas ng tibok ng puso niya sa nangyari. Parang gusto na niyang lamunin na siya ng kanyang kinauupuan. Nagfucos nalang siya sa gitara, sa instrumental part nyon. Nang tapos na ang kanta ay tumayo siya at nag bow sa audience. "Salamat po sa pakikinig." Pumalakpak ang mga 'to.

May narinig pa siyang mga nagsasabi na idol daw siya at crush pa ng kalalakihan. Binalewala niya lang ang mga yun at bumaba na sa platform dala ang gitara.

Tinawag si Faith ng manager ng bar. Lumapit siya dito at binigyan ng pera agad. "Salamat po, boss." Pasasalamat niya sa matandang babae.

"Mas malaki pa sana ang matatanggap mo kung papayag kang maging waitress ko na lang." Sabi nito. Matagal na siyang inaalok nito na maging waitress dahil mas gusto nitong malaki ang maibigay sa kanya. Pero ayaw niya kasi di siya komportable. At ayos na rin naman sa kanya ang binibigay nitong pera.

"Napag-usapan na po natin yan boss, di ba?" Bitbit na niya ang gitara at nakasilid na ito sa lalagyan.

"Okay, di na kita pipilitin. Pero kung magbago pa isip mo, sabihin mo lang sakin ha, iha."

"Okay po." Pagtango na rin niya. "Alis na po ako, boss. Salamat po ulit."

"Sige. Ingat iha." Tinapik siya nito sa balikat.

"Opo." Huling sabi niya saka tumalikod na at humakbang palayo.

"Faith!" Tawag ni Jayce. Dumadaan lang naman kasi siya malapit sa bar counter. May ipinasang mineral bottle si Jayce. Nasalo yun ni Faith sa isang kamay niya na di nakahawak sa gitara.

"Salamat." Sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng bar.

"Ingat!" Pahabol pa ni Jayce pero di na siya lumingon pabalik.

Parati siyang binibigyan nito ng tubig pagkatapos mag perform. Hindi iyon masyadong malamig kasi nga ayaw niyang magkaubo.

Paglabas ni Faith ay huminga siya ng malalim. Tinignan niya ang oras sa wristwatch niya. Napabuntong hininga uli siya.

"May gagawin pa ako." Bulong niya sa sarili. Pagod na katawan niya pero kailangan niyang magsumikap para mabuhay.

"Anong gagawin mo?"

Halos mapatalon siya nang may biglang nagsalita sa likuran niya. Napatingin siya don at nahuli ang halatang pagpigil nito na sumilay ang ngiti sa mga labi. Humakbang si Rain at tumabi ng tayo sa kanya.

下一章