webnovel

Chapter 2: BURDEN

"Rain! nandiyan ang grupo ni Baron sa labas. Inaabangan tayo dahil hindi ata nila matanggap na natalo natin sila sa laro kahapon." Bungad ni Jason pagpasok ng classroom.

Natigil ang lahat sa ginagawa at nakatingin sa kanya. He stilled in his spot.

The teacher glared at him, he clearly interrupted the discussion.

"Gulo na naman ba Mr. Jason Vistas? Well, sad to say hindi ka makakasali dahil may detention kang sasalihan mamaya." Singhag ng guro.

"Ma'am, makakasali po ako sa pareho kasi ngayon ang gulo at mamaya pa ang detention." Sabay kamot sa batok pa niyang sabi.

Napatawa ang karamihan sa kanilang kaklase.

Raindell grunted on his seat. "Great, idiot. Magsalita ka pa."

"Okay, sige. Ngayon na magsisimula ang detention mo, hanggang mamaya. Go to my office now, Mr. Vistas and if i haven't found you there when i return, i'll give you a week under detention." Final na utos ng guro.

"Ma'am! Saan ba kayo galit? Sa gulong sasalihan namin o sa pagdisturbo ko ng klase?" Nagugulohang tanong ni Jason.

"Both." Nakatiim-bagang na ito at lumalaki na butas sa ilong sa paghinga, namumula na rin ang mukha.

Jason sighed in defeat. Tumingin siya kay Raindell. "Ma'am, bakit ako lang? May sasalihan rin namang gulo ang barkada ko ah."

The teacher took a deep breath, calming her nerves. "Lahat ng barkada mo na sasali sa gulo mamaya ay isama mo papunta sa office ko. Now, Mr. Vistas! Drag them with you."

Tumingin agad si Jason kay Raindell. Expressionless ang mukha nito. Raindell stood up and approached his friend, waiting at the door. Both get out and the class discussion proceeded.

Binatukan agad ni Rain si Jason paglabas ng classroom.

"Aray!" Impit ni Jason na hinihimas na ang batok. "Para sa'n yun?" He glared at Raindell.

"Nagtanong ka pa. Gago ka, kahit hindi ko gusto ang gurong yun at ang klase niya ay hindi mo naman ako kailangang idamay sa detention mo."

"Tatawagin ko pa ba ang iba?" Binalewala lang nito ang sinabi niya.

"If you won't, i would really think that i'm your favorite to go to hell with you." Matalim niyang sabi dito. Hindi naman siya galit kay Jason, talagang naaasar lang siya. Sanay na siya dito pero bad mood lang talaga siya ngayon.

"Indeed, you are." Jason mumbled in his side.

"Suntok o batok?" He threatened, nakataas na ang kamay.

"Tatawagin ko na ang iba." Daling naglakad si Jason papunta sa classroom kung nasan ang ibang barkada nila.

"Tumatakas ang gago." Sambit ni Rain nang malayo na ang kaibigan.

Pumunta siya sa pinakamalapit na bench na nakita niya at umupo don habang hinihintay ang iba. He looked around him, the campus is not clearly deserted kasi vacant ang ibang students sa oras na to.

He looked at the classroom across him, then he saw her. Sitting at the very back, obviously listening to the discussion of their class. Hindi niya alam kung bakit at paano pero naaakit lang talaga siya kay Faith. He continue watching her intently. Not minding that anytime, she could catch him staring at her, if she just look outside of the classroom, if she look out the door.

Then, as if hearing his thoughts, Faith turned her head and her eyes landed directly at him.

Kahit nahuli na siya nito ay hindi pa rin niya inalis ang tingin dito. He knows he seemed like a creep but he didn't care.

Sinipatan lang siya ni Faith at binalik ang tingin sa nagsasalitang guro sa harapan.

Inalis na niya ang tingin nang marinig ang boses ng barkada na papalapit sa kanya.

Tumatawa pa ang mga ito.

"Tara na." Patayong sabi ni Rain at naunang maglakad.

"Ui, Rain, dito ang daan papuntang office." Tawag ni Jason at tinuro pa ang daan.

Tumigil si Raindell at lumingon dito.

"Nasa labas sila ng school, hindi ba? Kaya tara na. Bilisan nalang natin." Sabi niya.

"Tara na dude. Limang minuto lang naman." Kent patted Jason's back.

"Sige na nga."

"Pwede mo rin naman takasan lahat ng detentions mo eh. Alam naman nilang hindi tatalab sa'tin ang mga punishments nila." Sabi ni Rain at naglakad na silang lahat palabas ng school.

Bwesit!

She cursed in her mind.

Hindi makapagfocus si Faith sa klase kasi marami siyang boses na naririnig. Tahimik naman ang mga kaklase niya pero hindi galing dito ang mga boses na yun.

I hate this! I goddamn hate this!

She wiped her sweat that's forming on her brows from a lot of concentration she's making. Sumasakit na din ang ulo niya.

Nasa paligid lang sila. Ilang taon na niya itong ginagawa ng paulit-ulit, araw-araw, every second from five years ago. Ignoring them, all of them. But it takes a lot of effort for her to do it. It's making her insane and exhausted. Nagsasawa na din siya pero wala siyang magawa dahil sa pinili niyang desisyon. Ang talikuran lahat.

She's feeling cold kasi nasa likuran lang niya. Maingay na nag-uusap. Akala kasi ng mga 'to na walang nakakarinig sa kanila, pero siya, rinig na rinig niya lahat. May gumagala din sa harapan. She can't copy what's on the board because some tall and bulky guy is standing in front, hiding the writings from her view. Everyone are copying easily because they can't see him. But she can.

The only relief she got is that no one tried to touch her. They know they'll just get dissapointed to ask for help to anyone because no one could see them, hear them, touch them and vice versa. But then again, she can. She sees them everywhere. What she really avoided is bumping with them, getting touched by them, luckily they don't. Or else, her cover would be revealed. Hindi siya tatantanan ng mga ito. Pipilitin siyang gawin at uutusan na tulungan sila sa kanilang misyon para makaalis na sila at makapasok na sa kabilang mundo. But she refuse to help them, she pretended she's just like everyone else. She can help them, do what they ask. But she won't. No. Never again.

So much had happened a long time ago. And she freaking regretted it. That moment changed her whole life. Fucking ruined it. Everything.

She winced from her headache. She cupped her temple. Ayaw na niyang maalala ang pangyayaring yun. Pero palagi niyang natatandaan dahil ang isa sa dahilan niyon ay kagaya ng mga hindi karaniwang nakikita sa paligid niya.

"Ms. Fajarah, are you okay?" Tawag ng guro na papalapit.

Tumingin ang buong klase sa kanya at naririnig pa niya ang ibang kababaihan na nagsasabing nagd-drama lang daw siya at sipsip sa guro nila.

Shit! Nakakainis rin ang mga totoong buhay.

"I'm fine, ma'am." She answered, looking ahead. Ignoring her headache, the voices and her classmate's gossips.

The teacher nodded and the class proceed.

下一章