webnovel

You're stuck with me for a while

Ang mga tilaok ng tandang at hindi ang nakasanayang buzzer ng alarm clock ang gumising kay Carlee nang araw na iyon. Kahit disoriented pa sya dahil sa antok ay napangiti na sya ng pagkatamis-tamis.

She could sense there was something special ang different about that morning, she just knew it. Nagmulat sya ng mga mata at ang nabulwagan nya ang kwarto na kinalakhan nya sa probinsya. It was then that she realized what was special about that day. She's home.

At last, after almost a year ay nakauwi rin sya ng Sta. Quiteria. Ang maliit na bayan nila na matatagpuan sa munisipyo ng San Mariano na nasa gitnang part ng Isabela. Huli nyang uwi ay nong pasko pa pero saglit lang dahil kailangan nya bumalik agad sa trabaho sa Manila.

This time medyo mahaba-haba ang leave nya. It's been awhile mula nong nakapag vacation leave sya ng mahaba-haba kaya na-excite talaga sya. Makakapag-pahinga din sya ng isang buwan.

Hindi sya makapaniwalang pinayagan syang mag-leave ng boss nya. Ayaw na ayaw kasi nitong nawawala sya ng matagal. But this time, approved agad ang leave form nya. Yon nga lang may kondisyon.

Gusto nitong pangasiwaan nya ang basketball clinic ng SM Corp sa lugar nila. Dapat sana ay sa ibang bayan yon gaganapin kaso nag-last minute location change at ayon nga sa lugar nila ang bagsak ng clinic.

Kung tutuusin ay labas na yon sa trabaho nya pero pumayag narin sya baka magbago pa ang isip nito at di sya payagang mag-leave. Isa pa hindi naman mahirap ang pinapagawa nito sa kanya, kaya ayos lang.

All she needed to do was makipag-ugnayan sa munisipyo for the permits and to make sure na maayos ang iba pang particulars like venue and equipments. Madali naman niyang magagawa yon dahil kakilala nya ang current Vice Mayor nila.

Bumangon na sya at nagpunta sa banyo. Paglabas nya ng pinto ay kamuntik nyang mabunggo ang malapad na bulto ng Tiya Rebecca nya. Ito ang bunso sa tatlong kapatid na babae ng kanyang ama. Nasa two hundred pounds ang timbang nito gayong nasa five feet and two inches lamang ang taas nito. In short, obese ito.

Nasa lahi talaga nila ang tabain. Ang dalawa pa nyang tyahin ay obese din katulad ng Tiya Rebecca nya. Ang ama pati ang dalawang kapatid nya ay may katabaan din. Sya lamang ang payat sa kanila. Nakuha nya ang balingkinitang katawan nya sa kanyang yumaong ina. Iyon ay kung matatawag na payat ang figure nya. Mabalakang kasi sya at medyo mayaman ang kanyang dibdib.

Binati nya ng magandang umaga ang Tiya Rebecca nya sa wikang Ilokano

"Naimbag nga bigat mo Manang." Instead na "tiya" o "auntie" ay "manang" ang tawag niya sa mga tiyahin dahil yon ang nakasanayan sa kanila.

"Bakit bumangon kana? Aba'y maaga pa." sa wika nito pagkatapos ibalik ang pagbati nya.

"Bakasyon mo ngayon kaya dapat lubusin mo ang pahinga mo. Sige na, bumalik ka sa kwarto mo at matulog ka pa." Dagdag nito

"Manang naman, ngayon ko na nga lang ho uli kayo makakasama ng matagal-tagal, tutulugan ko pa kayo?" Kagabi lang sya dumating kaya first day nya yon kasama ang pamilya.

"Kunsabagay, may punto ka sa sinabi mong yan."

"O sya, kung ayaw mo nang matulog uli, ikaw ang bahala. Pumunta ka na lang sa kusina para makapagkape ka. Naroon na ang papa mo at ang mga Manang mo. Ako naman ay aalis muna."

Itinanong nya kung saan ito pupunta.

"Papanam?"

"Mapanak diay amianan dia ayan ti modista." Tugon nito.

"Kukunin ko lang ang mga bestidang ipinatahi namin."

Pagkatapos magpaalam dito ay nagtungo na sya sa kusina. Nandon nga ang dalawa pa nyang mga tiya at ang papa nya. She greeted them "Good morning" pagkatapos ay umupo sya sa tabi ng papa nya na sobra nyang namiss. Niyakap nya ito at hinalikan sa pisngi.

"I love you Pa." Malambing na sabi nya.

Tumaas ang isang sulok ng bibig nito at pagkatapos ay lumikha ito ng tunog na tila nagsasabing "i love you rin anak."

Mula nang magka-stroke ito 3 years ago ay naparalized na ang kalahati ng katawan nito. Ang sabi ng doktor ay di na raw babalik pa sa dati ang pagkilos nito dahil sa tindi ng damage ng mga ugat nito from the stroke.

Naupo sya sa mesa at pinaghain naman sya ng almusal ng Tiya Dina nya. Ito ang panganay sa tatlong Maria.

"Kayo ho Manang?" Tanong nya

"Nauna na kaming kumain, di ka na namin hinintay dahil ang akala namin ay mamaya ka pa babangon."

"Eh si Kuya ho?"

"Naku, maagang umalis. Sinundo kanina ni Mang Andoy dahil kailangang isugod sa ospital ang panganay nya. Natatandaan mo ba si Elisa?"

"Oho. Siya yong Reyna nong huling nagsagala ako dito, di ba?"

"Tama. Sya nga. Hindi kinaya ng midwife ang pagpapa-anak sa kanya kaya kailangan dalhin sa San Marcelino."

Sa San Marcelino ang pinakamalapit na ospital at doon din nagtatrabaho ang Kuya Gino nya bilang doktor.

Nagsimula na syang kumain. Kasabay nya ang kanyang ama na inaalalayan ng Tiya Martha nya. Isa itong balo. Unfortunately hindi ito biniyayaan ng kahit isang anak. Ang Tiya Rebecca at Tiya Dina naman nya ay parehong matandang dalaga. Habang kumakain ay panay ang kwento ng dalawa tungkol sa mga naganap sa bayan nila habang wala sya. Ganon din naman ang ginawa nya, nagkwento din sya ng mga nangyari sa kanya habang nasa manila sya. Kahit tapos na syang kumain ay tuloy parin ang kwentuhan nila.

"May gusto ka bang ulam para sa tanghalian?" Singit ni Tiya Martha sa kwentuhan nila.

"Kung ano nalang ho ang meron tayo rito para di na kayo mamalengke pa." sagot nya

Pagkasagot nya ay itinaboy na sya ng mga ito dahil magluluto na raw ang mga ito.

Nagulat pa sya nang tingnan ang relo. Almost 10 na pala ng umaga.

Siya na ang ngdala sa papa nya sa kwarto nito. Tinulak nya ang wheelchair nito paakyat sa second floor. Di na sya nahirapan dahil may rampa naman ang hagdan nila na pinagawa talaga ng Kuya Gino nya para sa wheelchair ng papa nila. Gipit sila sa pera kaya naisip yon ng Kuya nya dahil di hamak daw na mas malaki ang gagastusin nila pag nagpagawa pa ng kwarto sa baba para sa ama.

Medyo malaki kasi ang nagastos nila sa pagpapaospital sa ama nong ma-stroke ito. Lahat nang naipon nila ay naubos sa pagpapagamot dito. Kahit ilang taon na mula nang mangyari yon ay di parin sila gaanong nakakabawi. May mga binabayaran parin silang utang at di pa nila ganap na natutubos ang bahay at lupa nila na nakasanla sa bangko.

Alam nilang medyo matatagalan pa bago nila mabayaran ang lahat ng mga obligasyon nila. Dalawa lang kasi sila ng kuya Gino nya ang magkatulong sa pagbabayad. Di pa sila gaanong matulungan ng bunsong kapatid nila na si Beverly dahil kakalipad palang nito sa United KIngdom bilang nurse.

Pagkapanhik ay inalalayan nya papunta sa kama ang ama. Pagkatapos ayusin ang pagkakahiga nito ay naupo sya sa tabi nito at minasahe ang kamay at braso nito. Itinuro nito ang newspaper sa side table maya-maya. Naintindihan naman nya ang ibig-sabihin nito. Pinagbasa nya ito ng dyaryo hanggang sa maidlip ito. Ilang bwan narin ang nakalipas mula nang huli nya itong naipagbasa ng dyaryo.

Nang masigurong komportable ang ama sa pagkakahiga ay hinalikan nya ito sa noo saka iniwan na ito. Binalikan nya ang mga tiyahin sa kusina. Nakabalik na pala ang Tiya Rebecca nya galing sa patahian. Busy na ang tatlong Maria sa paghahanda ng lunch nila.

"Sasaglit lang po ako sa bayan." Paalam nya

Isang tricycle ride lang ang San Marcelino mula sa kanila kaya kung aalis na sya ay tama lang na makakabaik sya para sa pananghalian.

"Bakit? Anong gagawin mo doon?" Tanong ng Tiya Martha nya

"Pupunta lang ho ako sa Inn para magpreserve ng room. Sa friday na ho kasi ang dating ng magtuturo ng basketball sa mga bata." Mahaba nyang sagot. Naipaliwanag na nya sa mga ito ang clinic kanina habang kumakain.

"Naku, ba't gagastos pa kayo? Nariyan naman ang kwarto ni Beverly, walang gumagamit. Doon mo na lang patuluyin ang bisita mo." Sabat ng Tiya Dina nya

"Pero..." Sasabihin sana nyang wala namang problema sa kompanya ang gumastos sa accommodations kaso di na nya nadugtungan ang sasabihin dahil nag second the motion naman sila Tiya Martha at Rebecca nya.

"Oo nga naman Carlee. May punto si Manang Dina mo. Doon mo na lamang patuluyin sa kwarto ni Beverly ang bisita mo. Mainam yon at makakatipid kayo."

"Isa pa, baka sabihin ng boss mo na hindi tayo marunong tumanggap ng panauhin. Aba'y hindi maganda yon. Dapat ipakita nating magigiliw ang mga taga-Santa Quiteria" mahabang litanya ng Tiya Rebecca nya.

Pinagtutungan na sya kaya ano pa bang magagawa nya kundi sumang-ayon.

"UNBELIEVABLE!" Bulalas ni Jason sak aburidong initsa sa passenger seat ng kotse ang cellphone nya. Hindi sya makapaniwalang may lugar pa pala sa Pilipinas na hindi naaabot ng cell coverage. It was totally unbelievable!

Kanina pa nya gustong tawagan si Eunice kaso hondi nya magawa dahil walang signal. Mula nang nagtalo sila at nagwalk-out sya dahil sa naunsyaming bakasyon nila ay di parin sila nagkakaayos. Gusto nyang ito ang unang lumapit sa kanya dahil wala naman talaga syang kasalanan. Ito ang dapat na umunawa sa kanya dahil tawag ng tungkulin ang dahilan kaya i natuloy ang Thailand trip nila. Mabuti sana kung kagustuhan nya ang nangyari pero hindi naman.

Tinikis nya ito at mukhang tinitikis din sya nito. Kaya ayon, ilang linggo nang nakalipas ay wala silang communication. Ni hindi nga sya kinonsola nito nang matalo sila sa finals. Medyo ngtampo sya rito ng konti pero as days go by nawala din naman. Ang hinintay na lang nya ay ito ang unang mag-approach sa kanya.

At sa wakas ay ginawa na nito. Tinawagan sya nito kanina. Ang kaso di nya narinig na nag-ring ang cp nya dahil naiwan nya sa kotse nong sumaglit sya sa restroom pagkatapos nyang magpa-gas. Napansin na lang nyang my missed call nang makapasok na sya town proper ng Sta. Quiteria. At yon nga di sya makapag-return call dahil out of coverage.

Itinutok nalang nya ang atensyon sa daan. Ilang minuto pa ay nakikita na nya ang ang munisipyo. The usual building ng mga municipal hall. Off white ang kulay nga structure tapos sa harap ay may nakatirik na flagpole.

Pumarada sya sa nakitang parking lot sa may glid ng two story building. Pagkababa a binaybay nya ang pathway na nasa gitna ng compound. Sa magkabilang gilid ng path ay mga santan na kulay pula. Maganda ito sa mata dahil puno ito ng bulaklak. Simple pero maganda ang landscaping ng Munisipyo. Masarap sa mata. Pagdating nya sa entrance luminga-linga sya. Hindi nya alam kun saang department sya pupunta. Hindi malinaw ang instruction sa kanya kaya nagstay nalang sya sa lobby.

Nagkaroon kasi ng last minute changes ang clinic. Dapat talaga ay sa Bagiuo sya pupunta pero nagkaroon daw ng konting mix-up kaya naiba ang venue.

Ang bilin lang sa kanya ng Coach ay magpunta lang daw sya sa municipal hall ng Sta. Quiteria before lunch ng araw na yon. May sasalubong daw sa kanya pagdating nya doon. For additional instructions at detail ay tatawagan nalang daw sya nito. He did not get any call. Obviously, parehong hindi nila na-anticipate ang kawalan ng cell coverage doon.

May mangilan-ngilang tao na dumadaan sa lobby. Binati at nginitian sya ng mga ito pero walng nagtangkang lumpit sa kanya para kausapin sya.

He wondered where the person who was supposed to meet him was. Maya-maya ay may napansin syang babae na papalabas galing sa isa sa mga pasilyo. Di nya sure pero ang hula nya ay employee ito doon dahil sa uniform nito.

Lalapitan na sana nya ang babae para tanungin dahil naiinip na sya, mga ilang munuto narin sya nakatayo doon. Pero nang hahakbang na sana sya ay may napansin sya sa gilid ng mga mata nya na may naglalakad palapit sa kanya. pumihit sya paharap sa paparating, naisipi nya na malamang ito na ang hinihintay nyang tao. Pero ganon na lang ang pagkabog ng dibdib nya nang mapagsino ito.

"What in heaven's name is Carlee doing here?" Sa loob-loob nya. Ito ba ang sundo nya? Malamang! What a silly question.

Oh my, what a sight she was! Pagkakita palang nya dito ay nawala nang parang bola ang pagod nya dahil sa byahe. Nabigla man ay di nya maiwasang namnamin ang presensya nito. Ang ganda-ganda talaga nito. Bagay bagay dito ang suot nitong hanggang sakong na palda at white off shoulder na blouse. Nakapusod naman ang shoulder length nitong buhok. Summer na summer ang get up nito. Sobrang nakakabusog sa mata. Gustong-gusto nya ang maamo nitong mukha. She looked like an angel. He sighed. If only she did not turn him down before, she would be his angel right now. Hanggang ngayon iba parin talaga ang dating sa kanya ng dalaga.

"Hi!" Kahit mga ilang hakbang pa ang layo nito ay magiliw na nya itong binati sabay ng matamis na smile.

"Ikaw ang pinapunta nila rito?" Tanong nito nang makalapit sa kanya. Evident ang pagtataka sa mukha nito.

He could not help but chuckle. Ang cute cute kasi ng flustered expression nito.

"Bakit parang hindi ka yata natutuwa na ako ang nandito?"

"Hindi naman sa ganon. Hindi ko lang inaasahan na ikaw ang makikita ko dito. Ang akala ko hindi blue-chip player ang ipapadala nila. I mean, well, you know what i mean." mahaba nitong sagot

"I had no choice. Nag-draw lots kami at ako ang maswerte. I guess you're stuck with me for a while." Nginitian nya ito

She smiled back.

"Pasensya na kung pinaghintay kita ha? Kanina ka pa ba naghihintay?"

"It's alright, don't worry about it."

"Sumilip na kasi ako kanina kaya lang wala kapa kaya sumaglit muna ako sa opisina ng friend ko dito para mangumusta."

"It's no big deal really. Kadaraing ko lang din." And the he remembered something.

"Wait, wala ba talagang cell signal dito sa inyo?"

"Meron naman. Kaya lang natumba ng nagdaan bagyo ang communication tower malapit dito. Tapos mababa pa ang lugar na'to kaya hirap kaming makakuha ng transmission mula sa ibang lugar." Mahaba nyang paliwanag.

"That's too bad."

"Oo nga eh, sobrang hassle. Pero i heard na nire-repair na yong tower."

"I see,.. Mabuti naman. Pero iniisip ko ngayon kung paano ko makakausap si coach about sa iba pang details ng clinic?"

"Don't worry, i have all the details. I'll relay it to you nalang later." sabi nito

"Ah, okay Good. So where do we go from here?" Tanong nalang nya dito

"I'm sure you're tired. Mas maganda siguro kung magpahinga ka muna. Mahaba-haba din an ibiniyahe mo. Pwede kitang samahan dyan sa Inn, malapit lang dito. O kung gusto mo naman, nakabukas ang bahay namin para sa'yo. Yon nga lang, pagpasensyahan mo lang dahil di kalakihan ang bahay namin." Mahaba nyang sabi.

Hindi pa nakakabuwelo ang utak nya ay mabilis pa sa alas-kwatrong sumagot ang bibig nya.

"I'd rather stay at your place." Sagot nya. Para hindi sya lumabas na overeager ay sinabi nyang mas mainam ang ganong arrangement para hindi na sila mahirapang makipag-communicate sa isat-isa considering hindi nila magamit ang mga telepono nila.

"So, pano. Tara na sa inyo?" yaya nya dito

Hindi nya mapigilng maexcite. Sa bahay na kinalakihan ni Carlee siya titira ng isang bwan.

She jus smiled and nodded.

Saka nauna na palabas ng munisipyo. Maapad ang ngiting nakasunod sya rito.

Pero napa tigil syang bigla nang bigla itong pumihit paharap sa kanya nag hindi tumitigil sa paglalakad.

"Can we use you're car? Nag tricycle lang kasi ako papunta dito. Okay lang ba sayo magtricycle?" Tanong nito. Naisip siguro nitong sa laki nya di sya magiging komportable sa tricycle.

"Sure, sure, sure." Sunod sunod nyang sagot. Di sya makapag concentrate dahil sa likod sya nito nakafocus. Habang nagsasalita kasi ito ay di ito tumigil sa paglakad kaya paatras ang naging lakad nito. Binabantayan nya kung may bato o may makakasalubong ito sa pathway. Tsk tsk minsan may pagka pabaya din pala itong anghel sa harap nya. Naisip nya.

"Alright, where did you parked?" Tanong nitong nakatalikod parin sa daan.

"Dito." Sabay hawak nya sa mga balikat nito at ipinihit paharap sa kaliwang side nya.

"There." turo nya sa SUV nyang nakaparada sa tabi.

下一章