webnovel

Courting (1)

Nang marinig ito ni Cody, hindi na napigilan ng kanyang mga labi ang kumurba at mapangiti. Gamit ang malapad na mga kamay, kanyang marahang itinulak si Bea mula kanyang balikat upang maipunto ang paningin sa makinis nitong mukha.

He was actually worrying over something that doesn't even matter. Looks like, mukhang hindi lang talaga ready ang dalaga sa pagpasok sa relationship.

Feeling such enlivening relish, he heaved his chest up and let out a basking sigh. His eyes immediately narrowed while curving it hanggang sa magmukha na siyang chinito.

With the young lass still looking at his face, he delicately cupped her visage and nimbly dug his thumb on her rosy cheeks.

"Okay then..." Wika ni Cody habang malagkit na nagkatitigan ang dalawa.

As his eyelashes flattered on his blinks, he raised his hand until it patted Bea's head na para bang isang aso, softly rubbing it hanggang sa mapapikit si Bea dahil sa calming effect na dulot nito.

"Pwede ba kitang ligawan?" A deep soothing voice made Bea lift her eyelids and fervently stare on the alluring look of the young man.

Napayuko nalang bigla si Bea at kinagat ang labi dahil sa ubod lakas niyang pigil upang hindi kiligin sa napakaattractive na mukha ng binata. She cupped her face when it surged sudden hotness na nagpamula sa kanyang pisngi.

Mas lalong napangiti si Cody.

"Oh...ano na? Wala pa ba akong matatanggap na sagot?" He cheesily said na tila ba kinikiliti ang mokong.

Nang pumasok ito sa tenga ni Bea, agad siyang nahugot mula sa kanyang pananaginip. Ano bang nangyayari sa kanya? Kanina nangangamba siya na pumasok sa relationship, pero heto siya ngayon, kilig na kilig. Ganyan ba talaga kapag naiinlove?

With a snap of her face, itinuon niya ang kanyang mga mata kay Cody na kanina pa naghihintay at nakatitig sa kanya.

At instant, mabilis na nabalot ng galak ang mukha ni Bea as her hands crawled towards his face and said.

"Yes."

Only that word came out. Just three letter word but it made their future change completely.

~

"Bianca! Kain na!" Sigaw ni Henry mula sa baba ng boarding house nila.

"Okay. Saglit lang!"

Sagot ng dalaga. Impernes, maaga siya ngayong nagising at nakaligo. Maaliwalas na maaliwalas ang mukha. Sa unang tingin, agad mong maiisip na mayroong magandang nangyari sa kanya anupa't kanina pa siya nakatingin sa salamin habang nakahilira ang mga make up, foundation tyaka iba pang pampaganda. Nakacurler pa nga ang kanyang buhok niya eh, tulad nung ginagamit ni Aling Consing. And when you gaze her bed, yung dating mga nakatago niyang pamormang mga dress, nakalatag na at pagpipilian nalang mamaya. Wow. Perstym 'to ah. Bea ikaw pa ba yan? Grabe! Heavy ang epek ng pag-ibig sa bruha ah. Naconscious agad sa ityura.

Habang nakasmile na pumipili ng gagamiting make up, she was endlessly humming na tila ba isa na siyang ibon na nabudburan ng mga pollen grains mula sa bulaklak. Kung kanina mo pa siya kasama, talagang maiirita ka na dahil ang tinis ng pagkakahum nito.

Tapos saglit mapapatitig siya sa empty space, then sabay siyang mapapatili na tila ba may multong kumiliti sa kanya. And after that she would start slapping her cheeks at iuuga uga ang ulo. Minsan nga napapalo niya na ang mini table. Ilang ulit iyung nangyari, enough para masasabi mo na nababaliw na siya.

"Bianca! Lalamig na ang pagkain!" Napakamot si Henry habang nakatingin sa pinto ng kwarto ni Bea sa taas. Nakaligo na rin si Henry at ready na na pumasok sa kanyang trabaho. Hinihintay niya nalang na pumalo sa 7:30 ang orasan.

Napakunot ang kanyang mga kilay dahil walang sumagot.

"Hoy! Anong ginagawa mo?! Ambagal mong magbihis ah! Lalamig na ang pagkain oh."

"Saglit nga lang. Madali na." Malamlam na boses ni Bea ang tumakbo papunta sa kanyang tainga.

With that wala siyang nagawa kundi ang mapabuntong hininga.

'Hays. Kelan ka ba Bea magiging katulad ng ate mo?' Napakamot nalang siya at minadaling tinakpan ang mga pagkain sa hapag.

"Tao po?"

Maya-maya pa'y isang pamilyar na boses ang nagmula sa labas kasabay ng marahang pagkatok sa pinto.

Napataas ang kilay ni Henry at saglit na napasulyap sa kwarto ni Bea.

Napatakbo nalang si Henry sa pintuan at ibinukas ang pinto upang makita kung sino ang maagang bumisita sa kanila.

When he totally swayed the door, dun lang nakita ni Henry ang ubod tamis na nakasmile na si Cody.

Napakunot bigla ang noo ni Henry as though hindi niya nagustuhan ang biglaang pagbisita ng binata. Hindi naman kasi ganto dati si Cody, yung bumibisita tuwing umaga. Eh, gantong mga oras, papasok palang sila ni Bea sa trabaho. So, they have no time para eentertain ang binata, and alam ito ni Cody, yet this time, andito na siya sa harapan niya. But why?

Dahil dito, pumasok sa isipan niya ang napakatagal na pagbihis ni Bea.

'Don't tell me... susunduin ni Cody si Bea? But why? Hindi niya naman 'to ginagawa dati eh. Sila na ba?'

Henry suddenly pursed his lips upang ipersuade ang sarili na hindi totoo ang kanyang naiisip.

But as he was telling himself not to haste his thoughts, dun niya lang naituldok ang paningin sa bouquet ng malalagong red roses na hawak hawak ng binatang nakatayo sa kanyang harapan.

下一章