webnovel

Eternal Promise (2): Bracelet

+++ Kale +++

Actually he is more than a friend to me. And way more than of being a brother to him. Kunti lang ang naalala ko nung bata pa kami but I would never forget nang ipakilala kami nila Mama sa isa't isa, around 5 years old palang kami.

Mas maliit pa nun sakin si Josh, but mas chubby lang tingnan. Even though that time hindi kami masyado nagkakalaro since laging kinukulong si Josh sa bahay nila until nang pumasok na kaming dalawa sa kindergarten.

Hindi pa naman kami masyado close but I still remember him. Every time na magsitakbuhan ang iba naming classmates laging siya huli dahil dun lagi siyang pinagkakaisahang pagtawanan tyaka siya iiyak.

I don't know but my body insisted na tulungan siya. And that's why I always stayed beside him. Hanggang mag elementary lagi nang kaming magkasama.

"Kale. Sang kang section mag eenroll?" Tanong ni Josh habang bumibili kami ng ice cream kila Aling Duday.

Mag na 9 years old na kaming dalawa ni Josh, maggigrade 3 na rin next school year but still mas matangkad pa rin ako sa kanya. Nawala na rin yung mga baby fats niya.

"Hindi ko pa alam? Ikaw?" Sabi ko habang hinahanap ko ang twin drops.

Napasmile si Josh sabay kamot sa ulo. "Hindi ko rin alam."

Tiningnan ko siya with indifferent eyes.

"Magdecide ka na, ba't mo pa ko tatanungin."

Natahimik siya bigla saka napatitig sa ice cream. Napatingin ako sa kanya.

"B." Sabi ko saka ko kinuha ang twin drop.

"Talaga?" Napatingin siya sakin.

"Oo. Sabay na tayo mag-enroll next week." Sabi ko.

"Mmh!" Saka tumango si Josh habang nag smile.

"Tara." Yaya ko sa kanya saka pumunta sa counter.

"Eto po Ate Duday." Sabi ko habang inabot ko ang bayad kay Aling Duday. Dalaga pa ang ityura niya noon kaso ang hilig hilig niyang magkulot ng buhok. Lagi ko siyang nakikitang may mga nagpilipit sa buhok niya na kulay pink. Di ko alam kung ano tawag.

"Oh. Eto ang sukli. Salamat." Sabi niya

"Salamat din po." Saka kami nag bow ni Josh. Papaalis na sana kami ng mapansin ko ang bagong telepono sa tindahan.

"Ano po ba yan ate Duday?" Sabay turo ko sa telepono.

"Wow! Telepono po ba yan?" Biglang napatakbo si Josh sa may counter.

"Oo. Kala ko Kale meron neto sainyo." Merong kayo ditong numero eh.

"Meron nga po. Kaso hindi po ako marunong gumamit."

"Talaga? Merong kayong telepono? Wow. Ang galing!" Sabi ni Josh habang manghang mangha siya sakin.

"Gusto niyo turuan ko kayo?"

"Talaga po?" Napasabay kaming sabi ni Josh.

"Syempre naman, ubusin niyo muna ang ice drop niyo."

"Okay po!"

After 1 week naming pabalik balik kay Aling Duday, natuto kami ni Josh kung pano gumamit ng telepono. Telepono namin sa bahay ang tinatawagan namin saka bumabayad nalang kami ni Josh although sabi ni Aling Duday wag nang bayaran.

Nung nakaenroll na kami, medyo nahirapan lang kami ni Josh na bumili ng mga gamit kasi may dumaang bagyo, kaya't nakapos ang mga tao sa pera. At first day of classes absent agad si Josh.

"Josh?" Sabi sa may gate nila.

Hapon na nang pumunta ako sa kanila. Walang sumasagot. Kaya dahan dahan akong pumasok sa loob nila. Medyo comfortable na rin naman akong pumasok kasi since kinder lagi kaming naglalaro dito samay gate.

"Josh?" Sabi ko ulit saka ako sumilip sa bintana nila.

"Tahan na Joshua. Wag ka mag alala, bukas baka makakuha na tayo ng pera."

Narinig kong sabi ng Mama ni Josh, habang si Josh namay umiiyak sa may mesa nila.

Nabigla ako sa narinig ko kaya't nahiya na akong magpakita sa kanila. Hindi ko naman sinasadyang marinig. Naalala ko si Josh.

Wala pa ata siyang uniform. Tyaka sapatos. Dun ko naalala mga sinabi sakin ni Josh na...

"Kale, pag first day of school sabay tayo pagpasok, tyaka bili fishball pag uwian." Sabi niya habang tuwang tuwa. Nalungkot bigla ako at parang maiiyak.

Tumakbo ako pauwi samin saka nag halungkat sa mga gamit sa attic ng bahay.

"Oh. Kale. Anong ginagawa mo, ibalik mo yan pagkatapos." Sabi ni Mama.

Buti nalang nakuha ko ang luma kong leather shoes, kaso masyado nang maalikabok.

Dali dali akong bumaba saka kinuha ang Kiwi at pangbrush.

"Kale, anong gagawin mo dyan? Binilhan ka na ni Mama mo ng sapatos ah. Masikip ba yung bago mong sapatos?" Sabi ni Papa ng makita niya akong naglilinis ng sapatos.

"Uhoh!"

Napaubo na ako sa sobrang alikabok.

"Akin na nga yan, ako na." Kinuha agad ni Papa ang brush saka siya ang naglinis.

Nang makita ko na malilinis na ang sapatos, tumakbo ako sa taas para kausapin si Mama.

"Ma, ilan po ba uniform na binili niyo sakin?"

Napatingin sakin si Mama habang naggagansilyo.

"Dalawang pares ng polo tyaka shorts, bakit?"

"Pwede po bang akin na ang isa?"

"Huh? Sayo naman talaga yun eh?"

"Hindi po, i mean. Ah. Eh. Akin na lang po."

"Hindi kita maintindihan, nak."

"Ah.."

"Ibibigay mo ba kay Josh?" Sabi bigla ni Papa nang umakyat siya dala na ang makintab na sapatos.

Napatingin sakin si Mama.

"Nak..."

Dahan dahang lumapit sakin si Mama.

Hindi ko alam pero bigla nalang ako napaiyak.

"Ma! Akin nalang po! Ma! Ayos lang po na isa lang ang uniform ko." Hindi ko mapigilan na umiyak. Naaalala ko kasi si Josh na umiiyak. Naaawa ako sa kanya. Ayaw ko siyang nakikitang umiiyak.

"Nak. Hindi naman namin sinabing hindi iyo yun eh. Ikaw ang bahala kong gusto mong ipamigay." Sabi ni Mama saka niya ako yinakap. Mas napaiyak pa ako nang yinakap na ako ni Mama.

Kinaumagahan, ibinigay sakin ni Mama ang isang paper bag, nandun na yung plantsadung uniform.

"Sige na Kale, ingat sa paglakad ah."

"Sige po ma." Dali dali akong pumunta kila Josh.

"Josh?" Saka ko nakita ang Mama ni Josh na nagwawalis.

"Oh Kale."

"Si Josh po?"

"Josh! Andito si Kale!"

Maya maya pa'y patakbong lumabas si Josh. Halata sa mata niyang mag hapon siyang umiyak.

"Kale!" Nakasmile yang sabi. Hindi ko alam kung bakit mas masakit makita siyang nakasmile nang ganun. Naiisip ko ulit ang pag iyak niya.

"Ito oh!" Sabi ko agad saka ko itinaas ang paper bag.

"Huh? Ano yan?"

Inabot ko sa kanya ang bag.

Magbihis kana. Sabay na tayo pagpasok. Sabi ko with indifferent eyes.

Lumaki bigla ang mata ni Josh nang makita niya ang uniform.

"Talaga? Akin to?" Sabi ni Josh na maiiyak na.

Hmmh. Tumango ako at pinipilit na hindi mag smile. Dun nakita ng mama ni Josh ang uniform.

"Kale, sigurado ka ba rito? Ang bago pa nito ah." Ani ng Mama ni Josh.

"Opo. Meron pa po kasi akong uniform, baka kasi po kailangan ni Josh. Tyaka nag absent po siya kahapon."

"Maraming salamat, Kale. Oh, anak magpasalamat ka. Tyaka maligo ka na. Sandali lang Kale ah."

"Opo."

At last nakahinga ako ng maluwang nang makita ko si Josh na ngiting ngiti na nakauniform. Kaya't magkasama na kami nun araw araw sa pag pasok. Tyaka bonding time din namin noon tuwing recess sa puno nang mangga saka magkukwentuhan kami sa kung ano anong bagay habang kumakain. But even though meron na siyang uniform, I know problema pa rin ang pera sa pag snack. Kaya minsan hindi na rin ako nag ssnack para masamahan ko si Josh.

"Wow! Sandali bili lang ako neto!" Nabigla ako nang tumigil si Josh sa harap ng isang bangketa na may tindang mga plastic bands, yung ginagawang bracelet.

"Bibili ka? Sayang lang yan, bilhin mo nalang ng pagkain." Sabi ko.

"Ayos lang. Pinag-ipunan ko talaga to."

Sabi niya sakin habang nakasmile.

Yun! Yun talaga ang pinakaayaw kong smile. Parang maiiyak ako. The more na mag smile siya, mas nararamdaman ko ang hirap na nararanasan niya.

Naisip ko nalang na pagbigyan si Josh since simula bata hindi man lang siya nabilhan ng laruan.

Magchichristmas nun nang mag exchange gift kami ni Josh. Tuwang tuwa siya sa regalo ko, mga text cards ng pokemon kasi ang mga regalo ko saka notebook.

"Wow! Si Pikachu oh. Si Wartortle, tyaka caterpie....." Sabi niya habang tinitingnan niya ang mga regalo.

"Buksan ko na regalo mo." Kinuha ko ang regalo niya. Bigla siyang napasmile. Dahan dahan kong tinanggal ang tape sa gift wrapper, ayaw kasi naming mapunit ang gift wrapper, since itatago namin to ni Josh. Para remembrance.

Nang matanggal ko na ang wrapper saka ko nakita ang ginamit niyang box, box ng Lion Tiger na katol. Unlike sakin, box nang floor wax na XXX. Binuksan ko ang box saka ko nakita ang gift niya.

Natulala ako sa gift niya.

"Kale? Ayaw mo ba?" Sabi bigla ni Josh habang tinitigan niya ako.

Mas niyuko ko ang ulo ko.

"Huh? Kale! Ba't ka umiiyak."

Kahit gaano kong yuko ng ulo ko'y di ko pa rin naitago ang iyak ko kay Josh.

"Ayaw mo ba? Sensya, yan lang kasi ang kaya ko." Sabi niya.

"Hindi." Sabi ko habang kinuha ko ang gift niya saka isinuot sa wrist. Mas napaiyak ako ng naalala ko ang pagtipid ni Josh para lang mabili ang plastic bands. Tyaka ginawa niya itong isang bracelet, na tinuro nung tindera ng bangketa.

"Salamat Josh. Hinding hindi ko to iwawala." Tumingin ako sa kanya habang umiiyak saka ngumiti.

Simula noon mas naintindihan ko na si Josh. Araw araw sabay kami sa pagpasok. Hindi ko alam kung bakit parang di kami nauubusan ng pinagkukwentuhan. Lalo na nung nakapasok kami sa isang resort. Since isinama namin si Josh sa pag outing namin. Wala naman kasi akong kalaro kung ako lang. Nagtry kaming lumangoy sa pool, muntik na kaming malunod. Kaya yun tinuruan kami ng isang life guard kung pano. Si Josh mas nagustuhan niya ang backstroke, kasi hindi daw siya nakakahinga kung nasa ilalim ang mukha niya. Habang ako namay yung crawl o freestyle ang nagustuhan ko. Mas mabilis kasi. Kaya yun nagustuhan namin ni Josh ang pag swimming. Taon taon, lagi kaming magkasama sa pag outing saka kami nag papaunahan sa paglangoy.

"Ang bilis mo naman, Kale. Kelan ba kita matatalo." Sabi ni Josh sabay kamot sa ulo.

Mag gigrade 5 na kami nun, pantay na ang height namin ni Josh, saka mas lumalaki na ng konti sakin ang mga muscles niya.

"Mas mabilis ka kaysa sakin." Sabi ko with indifferent eyes. "Mas mabagal kasi ang backstroke kesa crawl, kahit nga backstroke ang gamit mo kaya mo pa rin magipaggitgitan sakin eh. Pano pa kaya kung crawl gamit mo. Patuloy ko sabay kain ng ice drop."

"Ahaha. Eh hindi naman ako marunong mag freestyle." Sabi niya saka nagsmile.

"Ba't kasi ayaw mong mag freestyle?" Sabi ko sabay tikwil sa kanya sa braso.

"Ah!" Bigla siyang napaaray sabay kapit sa braso niya.

"Bakit, anyare sa braso mo?" Sabi ko.

"Wala. Wala to." Sabi niya saka nagsmile.

I clenched my teeth saka kinunot ang noo. That smile again.

"Mag pahinga ka muna. Wag mong pagurin sarili mo sa pag langoy. Baka sprain yan." Sabi ko.

Naiinis ako. Hindi sa kanya kundi sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit feeling ko useless ako. Hindi ko man lang inisip na gusto niya kong matalo sa pagswimming dahil dun kahit mahirap ang pagbabackstroke kinakaya niya paring makipagsabayan sakin.

"Haha. Ayos lang ako. Malayo to sa bituka." Sabi niya habang nakangiti.

"Sige. Kita nalang bukas." Saka siya nagbabye at lumiko ng kalye. Magkalapit lang ang bahay namin kaso liliko muna.

"Sige." Sabi ko ng malumanay.

Kinaumagahan napasmile ako habang papunta na kila Josh. Actually, si Josh lagi ang pumupunta samin bago pumasok sa school, but since baka masakit pa ang braso niya, inunahan ko na siya.

Chineck ko ulit ang bag na binigay ni Mama. Binilang ko ang dahon ng artamisa na kinuha ko kagabi.

"Sabi ni Mama kelangan muna daw tong dikdikin saka lagyan gaas saka ipahid sa masakit na parte ng katawan.Tulungan ko nalang kaya nito si Josh."

Inisip ko habang tinitingnan ang mga dahon.

"Josh?" Sabi ko habang nakasmile nang makarating na ako sa bahay nila. Walang sumasagot.

"Tita? Josh?" tawag ko ulit habang dahan dahan pumapasok sa bahay nila. Saka ako tumingin sa bintana.

"Jo-"

"Ipapakain mo sakin tong tutong na itlog ha! Kasimpleng pagprito hindi mo magawa! Wala kang silbing bata ka!"

"Masakit po tay!

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Sinasaktan ni Tito si Josh. Mahigpit na hinawakan ng Papa ni Josh ang braso ni Josh. Saka siya itinulak. Napasubsob sa sahig saka tinapon sa kanya ang niluto niyang itlog.

"Yan kainin mo yan!"

Patuloy pa rin ang pag iyak ni Josh. Nanlamig ang kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ngayon palang ako nakakita ng taong nanakit ng bata. At bata rin ako.

"Tumahimik ka nga! Ang sakit sa tenga!"

"Mama!!" Sa sobrang takot niya'y natatawag niya na si Tita.

"Sabi kong tumahimik ka!"

"Tito! Tama na po!" Napatakbo ako bigla papasok ng bahay saka niyakap si Josh nang sisipain sana ni Tito si Josh.

"Tama na po. Nasasaktan si Joshua." Sigaw ko habang umiiyak. Sabay na lang kami napaiyak.

"Kal-" Naputol niyang sabi. Nahalata niya na naka uniporme ako. "Pwede ba pumasok na kayo, ang iingay niyo!"

Saka pumasok sa kwarto si Tito. Dahan dahan kong itinayo si Josh. Nagkarun siya ng gasgas sa may tuhod, saka ko nakita ang mga pasa niya sa braso.

"Josh." Nagulat ako sa mga pasa niya. Dun ko narealize na hindi to dahil sa pagsiswimming kundi dahil sa ginagawa sa kanya ni Tito.

Gusto ko pa sanang tanungin siya, pero hindi ko na nagawa. Tinulungan ko nalang siyang mag-ayos para makapasok na kami. Nag suot nalang siya ng jacket para di mahalata ang mga pasa niya. Saka ko nakita ang itlog na niluto niya na nasa sahig. Bigla lumabas ang mga luha sa mata ko ng makita kong tutong ang luto niya. Naisip ko kung gaano kahirap ang magluto at naiisip ko na napapaso siya dahil sa init.

Tinakpan ko nalang mata ko pero naiisip ko pa rin na sinasaktan si Josh ng Papa niya. Hanggang sa tumulo na ang luha sa mga mata ko.

"Isumbong na kaya natin sa ibang tao si Tito." Sabi ko habang dinidikdik ang mga dahon.

Kunti nalang yung nakuha namin, nagkatapon tapon kasi nung tumakbo ako papasok ng bahay nina Josh.

"...." Hindi umimik si Josh habang nakaupo sa ilalim ng mangga sa school. Lunch break na nun kaya naisipan kong gamutin mga gasgas ni Josh.

"Aray!"

"Sorry. Tiisin mo muna." Sabi ko habang dahan dahan kong nilalagay ang mga dahon.

"Hindi pwede." Sabi niya.

"Huh? Kelangan tiiisin t-" Naputol kong sabi...

"Hindi ko pwedeng sabihin sa iba na sinasaktan niya ako."

Napatingin ako bigla sa kanya. Malungkot ang mga mata niya na parang maiiyak.

"Sasaktan niya raw si Mama kung magsusumbong ako."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Dun ko nahalata na hindi ko nakita sa bahay nila si Tita.

"Si tita? Asan si Tita? Ayos lang ba siya?" Sabi ko.

Saka siya pilit ng nagsmile.

"Hindi ko alam."

Napaiyak siya sa tanong ko. Halatang kinikimkim niya lang ang problema niya.

Nainis ako bigla. Nakita ko na naman siyang umiiyak. Naiinis ako. Masyado akong nagalit kay Tito. Bata pa lang naman si Josh.

Niyakap ko nalang si Josh saka ko tinapik tapik ang likod niya. Ginagawa kasi to sakin ni Mama kung umiiyak ako.

Saka mas lumakas ang pag iyak ni Josh habang mahigpit siyang kumapit sa braso ko.

"Nata- takot a-ako K-kale. Ba-baka sak-ktan n-niya si M-mama." Nauutal utal niyang sabi.

Wala akong masabi. Hindi ko alam ang gagawin ko. Although mas mature ako sa kanya mag isip, bata pa rin naman ang utak ko. Meron ding mga problema na di ko kayang solusyunan.

"H-hindi kkko ala-am kung a-ano no gaga-gawin kooo." Sabi niya.

Biglang humapdi ang mata ko saka paunti unting naluluha. Wala akong magawa kundi makinig nalang sa sinabi niya. Patuloy kong tinapik ang likod niya.

Walang tigil siya sa pag iyak hanggang sa mag ring na ang bell. Bumili nalang kami ng tubig saka tinapay para mag lunch tyaka di kami mahuli sa klase. Maraming nagtanong kung bakit kami umiyak at bakit mapupula ang mata namin, pero pinigilan ako ni Josh na wag sabihin kung bakit. Tyaka nagwoworry din naman ako kay Tita. Alam ko seryosong tao si Tito kaya hindi yun nagbibiro na sasaktan niya si Tita.

Simula nun hindi ko na nakitang tumawa si Josh. Araw araw na siyang umiiyak at laging natutulala. Araw araw rin akong kinukulit ng mga tao kung anong nangyayari samin kasi mismong ako natutula na rin. Pati sila Mama tanong nang tanong kung ano ang problema ko. Makailang ulit ko nang tinry na sabihin sa kanila kung bakit, pero walang lumalabas na boses kung sasabihin ko na. Biglang mangingig ang tuhod ko saka maalala ko ang pananakit na ginawa ni Tito.

Araw araw. Araw araw laging may tumatanong, merong kumukulit. Hanggang sa naumay na ako makipag-usap sa kanila and I just made an indifferent look para hindi na nila ako kausapin.

Hanggang sa maggi-grade 6 na kami. Nagtry kami ni Josh maglako ng empanada tyaka lumpia na luto ni Aling Duday tuwing hapon para naman makaipon kaming pambili ng gamit niya. Dahil na rin sa kagipitan sa peray napabayaan na rin ni Josh ang kalusugan niya. Lagi nalang sumasakit ang tiyan na kapag nakakakain siya ng mamamantikat maaasim na pagkain.

Almost 1 year nang hindi nakakausap ni Josh si Tita, lagi kasing kinukulong ni Tito si Tita. Pinagluluto nalang ni Josh si Tita saka niya nilalagay sa harap ng pinto ng kwarto. Si Tito nalang ang magbibigay kay Tita.

Not until isang hapong malakas ang ulan.

Kring!!!

"Hello? Sino po sila?" Sabi ni Mama nang sinagot niya ang telepono. Nasa taas ako nag bibilang ng sweldo namin ni Josh. Ako ang pinapatago ni Josh baka kunin kasi ni Tito.

"Josh?" Sabi ni Mama.

Napatayo agad ako saka dali daling bumaba ng marinig ko ang sabi ni Mama.

"Kale, tawag ka ni Josh. Mukhang andun siya kila Aling Duday."

Saka ko kinuha ang telepono.

"Hello, Josh?"

Malakas na malakas ang ulan sa labas kaya't ang ingay.

"Hsf!" Nahalata ko na sumisinghot si Josh. Nainis ako bigla. Naiinis na ako kay Tito masyado.

"Wag kang aalis jan!" Madiin kong sabi. Sabay babang hampas ng telepono. Dali dali kong kinuha ang kapote sa taas saka tumakbo papalabas ng bahay.

"Kale? KALE! San ka pupunta?!" Sigaw ni Mama.

下一章