webnovel

My Troubled Heart

综合
已完結 · 178.6K 流覽
  • 38 章
    內容
  • 評分
  • NO.200+
    鼎力相助
摘要

Meet Lolita (Lola for short) Dala dala ang pangarap na makaahon sa buhay lumuwas ng Maynila si Lola. Pagkadaong pa lang niya mula sa barko, hindi pa man lumalagpas ng limang minuto ay puro kamalasan na ang sumalubong sa kanya. Itinakbo ng magnanakaw ang lahat ng pera niya. Will she ever find grace in this kind of situation or will she find love instead? Pero bakit natagpuan na lang niya ang sarili na karga karga ang isang cute na baby at katabi ang mega duper pogi na lalaki na ubod naman ang kaarogantehan? Read & you'll find out...

標籤
1 標籤
Chapter 1Letter

Brad's POV :

"Who the hell are you?"

Iritang bungad niya sa babaeng hanggang dibdib lang niya ang taas. Pupungas-pungas pa siya ng buksan niya ang pintuan.

It's fucking 6am in the morning!

Napansin niyang tila naningkit ang mga mata nito at dali-daling umiwas ng tingin. Hindi na siya nag abalang takpan ang sarili dahil sa inis dahil sa pagkakaantala ng tulog niya.

Imbis na sumagot may iniabot itong puting papel sa harapan niya. Hinagod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Solicit ba ang kailangan ng babaeng 'to?

Pansin niyang may kalumaan ang damit nito. Parang nabuhay sa katauhan nito si Miss Tapia dahil sa haba ng daster at pagkakapal-kapal ng salamin nito. Is this some sort of disguise? Hindi niya alam kung gusto niyang matawa sa reaksiyon ng mukha nito.

"I don't have cash here Miss. This is an exclusive village, how the hell did solicitors entered here?"

Naningkit lalo ang mata nito ng bumaling ang tingin nito sa kanya. Tila hindi nagustuhan ang binitawan niyang salita. Cheeky!

"Mukha ba akong nanlilimos?"

Lalo yata itong napikon ng hindi siya sumagot. Hindi niya napigilang tumawa. Well, isn't it obvious?

***

Lola's POV:

Aba eh ang loko pala 'tong mokong na 'to! Tinaasan niya ito ng kilay. "How about you try to read the letter first. Baka hindi ka na makatawa kapag nabasa mo niya yan.".

May bahid ng pagkagulat ang mukha nito ng marinig siyang magsalita. Hindi yata nito inaasahang marunong siya ng wikang Ingles dahil nga napagkamalan siya nitong nanlilimos.

She already experienced those kind of stares while outside. Ibang-iba ang mga pananamit nila sa probinsya. Halos kita na nga yata ang mga kaluluwa ng mga babaeng nakakasalubong niya. Aminado siyang may pagka-init ang klima sa Pilipinas pero ganun pa man hindi rin siguro siya makakapag suot ng damit na abot singit lang ang natatakpan.

Tinanggap nito ang sulat at dahang dahang binasa. Tila siya naman ang gustong tumawa sa halo-halong reaksiyong nakalatay sa mukha nito.

Serves you right!

Sabay silang nagulat ng may umingit ng iyak ng malakas. Napababa ito ng tingin sa maliit na baby carriage na nasa tabi lang niya.

"No way... No way...", paulit-ulit nitong sabi habang tila nahulog ito sa kawalan sa pag-iisip.

"Yes way... Yes way..." Nanunukso niyang sabi.

你也許也喜歡