"NO WAY!" he roared. "How could I not know? I am the legal guardian of that patient. Kaya dapat sinabihan niyo muna ako kung may maglalabas sa kanya rito! You should've ask my permission first!"
"We're so sorry, Mr. Lewis. Pero, hindi po kayo ang nakalagay na legal guardian ng pasyente according to the documents that we have. Your name was only under the sponsor's list that couldn't give you any credit to make decisions for the patient," mahinahong paliwanag ng babaeng nasa information desk.
"But, I'm her husband!" Sandali siyang natigilan nang mapagtanto ang lumabas sa kanyang bibig dahil sa galit. "E-ex husband I should say..." Medyo binabaan niya ang boses sa pagbabawing iyon.
"Pasensya na po talaga, Mr. Lewis. But, that couldn't give you any credit."
Sandali niyang nai-hilamos ang kamay sa mukha. At pinag-isipang mabuti ang magiging pasya. Matapos ang ilang sandaling pananahimik ay muli niyang hinarap ang babae.
"O-okay! Ganito na lang... Puwede mo bang sabihin sa akin kung sino ang naglabas sa kanya rito? At saan siya dinala?"
He can't just let her go that way. Oo. Kailanma'y hindi niya sinukuan ang dating asawa. Siya rin ang nagpasok dito sa mental hospital para ipagamot ang kalagayan matapos ang nagawa niyang kasalanan. Ngunit, hindi nga niya ipinalagay ang kanyang pangalan bilang legal guardian nito kundi isa lamang na anonymous sponsor dahil ayaw niyang malaman ito ni Misha oras na gumaling ito. Pero, ngayon nagsisisi siya dahil hindi niya naisip noon na mangyayari ang ganito—na mawawala ito ng tuluyan sa kanya.
"Inilabas po siya ng isang accredited foreign women's nongovernmental organization matapos makausap at malamang magaling na. Nag-agree naman po ang patient na sumama sa kanila. At dahil wala po siyang legal guardian na maaaring magpasaya para sa kanya... tinanggap po namin ang sarili niyang pagpapasya since nasa legal age naman po ang pasyente."
"Gusto kong pasalamatan ng personal ang organization na iyon sa paglabas sa kanya rito. Maaari kong bang malaman ang buong pangalan at address nila?"
"Sure, Sir! Heto po..." At ini-abot nito sa kanya ang isang brochure na naglalaman ng mga detalye ng organisasyon. "Tumatanggap din po sila ng sponsorship kung mamarapatin po ninyo. Mas marami po kayo roong matutulungang mga kababaihang biktima ng kalupitan at karahasan. Karamihan po sa mga sinusuportahan nila'y rape victims at hiwalay sa mga asawa dahil sa pambubugbog at—"
"I got it! I got it. Okay? Thank you!" Inis niyang tinalikuran ang madaldal na babae. Wala na siyang interes pang pakinggan ang mga sinasabi nito dahil parang natatamaan na siya.
VIPER INSTITUTE
"MISHA, here's your résumé," agad na salubong sa kanila na Nagi pagpasok pa lang ng building. At ini-abot sa kanya ang isang folder.
"Résumé? For what?" Kunot-noo niyang binuklat ang laman ng folder at bahagyang binasa ang ilan sa mga naroon.
"Pag-aralan mo ang mga nakalagay d'yan and meet Ms Lexie at fifteen hundred hours. Ipapaliwanag niya ng mabuti sa 'yo ang mga nakalagay d'yan. Well, nag-base pa rin naman kami sa totoo mong background. You don't need to have a new identity unlike others 'coz that would be a lot suspicious since kilala ka ng target. Nagdagdag lang kami ng kaunti kaya iyon ang dapat mong pag-aralan. You have to establish a career for your future missions to run smoothly. In short, you need to book a job according to the skills stated in your résumé. Kailangan mong mamuhay ng natural para sa mga mata ng iba... Lalo na sa dati mong asawa para walang maghinala sa 'yo. Copy?"
"Pero..." Sa bilis nitong magsalita hindi na magawang pumasok pa lahat sa utak niya ang mga ipinaliwanag nito.
"Ops! No more buts, Misha!" Bahagya pa itong umiling-iling. "According to the informant... Nagpunta ang dati mong asawa sa mental hospital na pinanggalingan mo at nagtatanong tungkol sa iyo. At para maitago ang totoo mong misyon, we have to deceive him," tahasan nitong paliwanag.
"W-what? Bakit daw niya ako hinahanap?" Nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkabigla.
'Totoo ba 'to? Hinahanap ako ni Loven? Why?' Hindi niya maintindihan ang sarili pero bigla siyang nakaramdam ng saya sa nalaman.
"'Wag ka na namang mag-assume! I'm sure it's far different from what you think," agad na supla ni Harris nang makita ang pagngiti niya ng lihim.
Sinamaan niya ito ng tingin at matapos ay inirapan. 'Bakit ba napaka-keen observer ng mokong na 'to? Lahat na lang napapansin at binibigyan ng malisya!'
"And Harris... Aren't you going to work? It's Monday." Baling ni Nagi sa lalaki.
"Yeah, I'm on my way. Dumaan lang ako dito para kumuha ng insect repellent. May nakita kasi akong isang SUROT sa compartment ng sasakyan ko kahapon. And it sucks you know!" sarkastikong turan nito habang pinandidilatan siya ng mga mata.
"Surot pala, huh! Tsk!" She rolled her eyes in disgust. Siguro kailangan na niyang mag-shower para kahit papaano'y mabawasan ang stress niya sa lalaking ito.
'I can't stand him anymore!'
"Alright! Sa tingin ko kailangan ko nang mauna sa inyo. Marami pa akong kailangang gawin. Adios Amigos!" Hindi na niya hinintay pang makasagot ang dalawa at mabilis nang nag-walk out.
Nagkibit-balikat na lang ang dalawa bago nagpasyang tunguhin na ang kani-kanilang pupuntahan.
PRACTICE ROOM(FASHION & ETIQUETTE)
"HELLO, Ms. Lexie!" magiliw niyang bati pagbungad pa lang sa pinto. Ngunit, seryosong mukha pa rin nito ang sumalubong sa kanya—kagaya ng dati.
Ni hindi man lang ito nag-abalang tumayo sa kinauupuang pulang couch na nasa gitna ng fashion room. Pagpasok pa lang ay si Ms. Lexie at ang upuan kaagad ang unang mapapansin dahil sa puting-puti na pintura ng kabuuan ng silid.
"Stand here. Quick!" mayamaya'y maawtoridad nitong utos at ipinunto ng hawak na long stick ang espasyo sa harapan nito.
Agad naman siyang tumalima at tuwid na tumayo habang yakap ang folder ng kanyang résumé. Sobrang nakakailang ang mga titig ng babae na parang guidance counsellor na punong-puno ng isi-sermon sa kanya.
"I guess, napag-aralan mo na ang iyong résumé?"
"Opo."
"So, do you have modeling experience before?"
"A-ah, w-wala po..." naiilang niyang sagot.
"Yes, you have!" galit na sigaw nito at hinataw ng pamalong hawak ang gilid ng couch—na labis niyang ikinagulat. Halos mapatalon pa siya sa kinatatayuan, dahil hindi niya inasahan ang ginawa nito.
"I will ask you again. Do you have an experience in modeling before?" mahinahon nitong tanong.
"W-wala po talaga, Ms. Lexie. Culinary po ang n-natapos kong kurso—" nauutal niyang sagot.
"Shut up!"
Kahit inihanda na niya ang sarili ay nagulat pa rin siya sa ginawa nitong pagbulyaw.
"I thought you're done studying your résumé, Ms. Ramirez?" Hindi maitago ang pagkadismaya sa mukha nito. "We revised it for you to lie! Kung hindi mo matututunang magsinungaling kahit minsan, you can't live in this world! And one more thing. Kapag English ang tanong... English din ang isagot mo. That's a simple basic interview manner that you supposed to know since this is not your first time booking a job! Isn't it?"
"I'm sorry, Ms. Lexie..."
"Okay. Kaya ka narito sa harapan ko ngayon para totohanin ang kasinungalingang iyon. I'll train you to become a real top model." Huminahon na rin ito kahit papaano.
Bigla siyang pinanlakihan ng mga mata sa sinabi nito. "T-totoo po?"
"Since you're bad at lying... Yes!"
"P-pero, bakit kailangang modeling pa po? E, mas madali sana kung related na sa degree ko..."
"Chief cook are stucked in the kitchen most of the time. They can't even leave boiling eggs for an hour. But, models can roam around... Anywhere. Anytime. It will put you in the best place in an important events. Do you get it?" paliwanag nito.
Namangha siya sa ginawa nitong paliwanag. Kailangan pala, planado na ang lahat bago pa man gumawa ng kahit na isang hakbang. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit niya kailangang gawin ang mga ito.
NANG araw na iyon ay tinuruan muna siya ni Ms. Lexie kung papaano lumakad at umupo na katulad ng isang modelo. Advanced make up tutorial na rin ang itinuro sa kanya dahil maalam na rin naman siya sa pag-aayos ng sarili. Maging ang proper dining etiquette ay sinariwa na lamang nila dahil natutunan na rin naman niya iyon sa natapos na kurso. At ang lahat ng iyon ay nagtagal ng halos anim na oras. Kaya naman latang-lata si Misha nang magbalik sa kanyang silid.
Ngunit, kahit pagod na pagod at hawak na niya ang oras ngayon para magpahinga ay hindi niya magawang payapain ang isip. Ginugulo pa rin siya ng isiping hinahanap siya ni Loven.
Wala siyang maisip na dahilan kung bakit. Dahil matagal na nitong pinutol ang lahat ng ugnayang mayroon sila. Ni wala nga siyang ideya na alam nito kung saang rehabilitation center siya na-admit nang mabaliw siya.
Lahat ng tanong sa kanyang utak ng mga sandaling ito'y may malabong sagot. Bakit siya nito hinahanap? Anong kailangan nito sa kanya? Concern pa rin ba ito sa kanya? May mahalaga ba itong sasabihin sa kanya para mag-abala pa itong hanapin ang mental hospital na pinanggalingan niya?
'Bakit Loven? Bakit?'
Napabuntong-hininga na lamang siya sa kawalan ng ideya at tulalang natitigan ang kesame nang siya'y mahiga sa kama.
"WHY are you holding my hand so tight?" nakangiti niyang tanong sa asawa nang halos mamutla na ang kamay niya sa higpit ng pagkakahawak nito.
Ito ang una nilang gabi bilang mag-asawa. Masaya nilang pinagmamasdan ang mapayapang alon ng dagat sa pampang habang magkayakap sa loob ng ginawa nilang maliit na tent.
Malapad munang ngumiti si Loven bago sumagot. "'Coz I don't wanna lose you, Misha. From now on, hinding-hindi ka na makakawala sa pagkakahawak ko."
Kinikilig siyang napangiti. Parang kiniliti siya sa mga sinabi nito. "Wala kang dapat na ipag-alala sa'kin. Magsisilbi akong sand beach sa buhay mo."
"Sand beach?" kunot-noo nitong tanong.
"Yup! Bumayo man ang bagyo o lumakas man ang mga alon sa dagat at paulit-ulit akong hampasin... hinding-hindi ako aalis sa tabi mo. Walang anumang bagay ang makakapaghiwalay sa akin sa 'yo."
"Hmmm, talaga? Mambabae man ako?" birong tanong nito habang natatawa.
"Aba! Ibang usapan na iyon, nuh!" Piningot niya ng malakas ang tainga nito hanggang sa umaray ang asawa.
"Aray! Araaay! Kapag hindi mo pa tinigilan ang tainga ko, gagawin ko talaga 'yon!"
"Subukan mo lang! Makakakita ka talaga ng sand storm sa harapan mo!" Inirapan niya ito't tinigilan na ang pagpingot sa tainga nito.
"Takot ko lang sa 'yo!" saad ng lalaki. At muli siyang niyakap ng mahigpit. Nang makakita ng pagkakataon ay ninakawan pa siya nito ng halik sa mga labi.
"Tingnan mo ang mga alon..." Mayamaya'y muli itong nagseryoso.
Agad naman niyang ginawa at sandali munang inalis ang mga mata sa guwapong mukha ng asawa.
"Maging kagaya man nila ako na paalis-alis sa tabi mo... makakaasa ka pa ring babalik at babalik ako ano man ang mangyari." Malakas itong napabuntong-hininga. "I just can't imagine life without you, Misha."
Nang magtama ang kanilang mga mata'y pareho iyong nangusap. Kitang-kita roon ang masidhing pag-iibigang tila mahikang bumabalot sa kanilang dalawa.
At muli iyong napatunayan nang maalab nilang hagkan ang isa't isa.
MARIING napapikit si Misha at sunod-sunod na umiling upang pawiin ang mga alaalang iyon. Hindi rin niya namalayang namamasa na pala sa luha ang kanyang mga mata.
Sariwa pa rin ang mga sugat sa puso niya. Buhay na buhay pa rin ang sakit. Kailan nga ba ito mawawala?
...to be continued