TATLONG araw ding hindi nagbiro si Harris at totoo ngang paulit-ulit na ipinagawa sa kanya ang paghampas ng tubig na nasa maliit na palanggana. At sa totoo lang talaga'y sawang-sawa na siya at pagod na sa ganoong insayo—kung insayo man nga ang tamang maitatawag doon. Ngunit, natutunan din naman niyang habaan ang kanyang pasensya at ang magtiyaga sa paulit-ulit na gawain kahit paano.
Tapos na siya roon kaya naman panahon na para mag-level up. Baril na ang hawak niya ngayon. Mabababang kalibre muna ang ipinagagamit sa kanya ni Harris at saka na lang daw sa matataas na kalibre kapag gamay na niya ang 45 pistol na hawak.
"Okay! Break a neck, Baby!" Hinalikan muna niya ang hawak na baril bago ito itinutok sa shooting target.
Pagkatapos niyang huminga ng malalim ay kinalabit na niya ang gatilyo ng baril. Bahagya pa siyang napaatras dahil sa lakas ng impact ng pagputok ng baril sa kanyang kamay. Doon niya naalala na kailangan niyang hawakan nang maigi ang baril. Kailangan din ng presence of mind para hindi niya ito mabitawan sakaling magulat siya.
Ang unang putok na iyon ay mintis. Ni hindi niya nahagip ang gilid ng shooting target.
"Kainis naman!" maktol niya. Pagkuwa'y muling itinutok ang hawak na baril sa target at ilang ulit na kinalabit ang gatilyo ng baril.
"Patience. Patience. Patience. Maraming patience!" saad niya sa sarili nang hindi pa rin niya nagawang patamaan ang target.
"Ano ba?! Ang lapit-lapit na nga hindi ko pa rin mapatamaan!"
Ang galing din naman kasi ng mentor a.k.a partner niya at hinahayaan lang siyang mag-insayo rito sa loob ng shooting range ng mag-isa. Matapos nitong ituro sa kanya kung alin ang kakalabitin at kung paano hawakan ng tama ang baril ay iniwan na siya nito. E, hindi pa nga niya alam ang dapat niyang gawin o kung papaano ang tamang posisyon para mapatamaan ng maayos ang target. Basta lang siya nitong binigyan ng baril at inutusang tadtarin ng putok ang nag-iisang shooting target sa kanyang harapan.
"Haaay!" Naitirik na lang niya ang mga mata at muling sumubok.
Makailang ulit pa niyang ginawa ang routine at sa wakas ay nagawa rin niyang patamaan ang target. Sa balikat nga lang. Hindi bulls eye pero bilib na balib na siya sa sarili ng mga sandaling iyon. Nagtatatalon siya sa sobrang tuwa at manaka-naka pang napapalakpak.
"Harris, should see this! Ang galing ko!"
And speaking of the gorgeous devil, named Harris. Hayan na ito at papasok na sa shooting range. Galing ito sa main office ng Viper Institute at sa nakikita niyang ekspresyon sa mukha nito'y medyo alanganin ang mood ng lalaki. Pero hindi iyon naging hadlang para hindi niya ibalita rito ang achievement niya sa shooting. Kaya naman mabilis niyang inilapag ang baril sa desk na naroon at agad itong sinalubong.
"Kumusta? Alam mo, may good news ako sa 'yo!" pagbubukas niya ng usapan.
"Nag-insayo ka ba?" tila labas sa ilong na tanong nito. Para itong napipilitan at hindi naman talaga intensyong magtanong.
"Oo naman! Ano ba'ng ginagawa ko rito? Obvious naman 'di ba?" pamimilosopo niya. "Halika, bilis! May ipapakita ako sa 'yo!" aniya't biglang hinatak ang lalaki patungo sa may shooting panel.
"Ano ba 'yon?" nagtatakang tanong nito't nagpahila na lang sa kanya.

"Tingnan mo, tingnan mo!" kinikilig na ipinakita niya kay Harris ang napatamaan niyang target.
Ngunit, taas-kilay lang siya nitong pinakatitigan. Parang gusto nitong sabihing 'iyan na 'yon?'
"Ang galing ko 'di ba? Aminin mo! Hmmm..." patuloy niya sa pangungulit dito.
"Not that bad. Let's call it a day!" tipid nitong turan. At tinalikuran na siya. Tila wala talaga ito sa huwisyo ng mga oras na iyon.
"Grabe 'to! Hindi man lang na-appreciate ang achievement ko. Kung tutuusin sariling sikap ko 'to kaya mas dapat kang bumilib! Kaloka! Kung nakikita lang sana ako ngayon ng papa ko, for sure maglululundag 'yon sa sobrang pagka-proud sa'kin!" Naitirik na lang niya ang mga mata sa pagkadismaya.
"Well, I'm not your dad."
Narinig pala nito ang sinabi niya. Ngunit, hindi na ito nag-abala pang lumingon o huminto man lang.
Palabas na sana ito ng pinto nang makasalubong nito si Nagi na papasok naman sa loob ng shooting range. Pansamantalang huminto si Harris at hinarap ito.
"Nasabi mo na ba sa kanya ang plano?" panimulang tanong ni Nagi sa binata.
"Ano'ng plano?" nagtataka namang sabat niyang tanong. Nagpabaling-baling din ang tingin niya sa dalawa.
"Well, I guess, hindi pa." Taas-kilay na pinakatitigan ni Nagi si Harris. At pinaningkitan pa ng mga mata.
Irita namang bumaling sa kanya ang lalaki at nagpipigil ng inis. "But, she's not yet ready!"
"Para saan ba? Ano ba'ng plano iyon?" naguguluhang muli niyang tanong sa mga ito.
"You have to get ready for tomorrow's first operation, Misha," diretsong pahayag ni Nagi. Hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa.
"O-operation? As in, magpi-field na rin ako?" Hindi niya mapigilan ang biglang kabahan sa kanyang nalaman. Pero naroon ang excitement sa loob-loob niya.
"Oo. Kaya maghanda ka na. Makipagkita ka kay Ms Lexie mamaya para ma-orient ka na sa mga dapat mong gawin," sagot ni Nagi.
"K-kay Ms Lexie? E, 'di ba fashion and etiquette lang ang itinuturo niya? Bakit sa kanya?" Napuno siya ng pagtataka. Ano ba ang gagawin niya, magpapaganda lang sa operation? Kailangan ba dapat na magaganda ang mga babaeng agents during operations? O 'di kaya nama'y mang-aakit siya ng lalaki kaya kailangan niyang magpaganda?
'Diyos ko po! Huwag naman sana!' Impit niyang dasal.
"Siya ang magtuturo sa 'yo sa kung ano ang mga dapat mong gawin, Misha."
"But, that was just a party. Puwede namang ako na lang muna ang pumunta," pangangatwiran pa rin ni Harris.
Halatang ayaw talaga siya nitong makasama. Sa tingin din niya'y sakit sa ulo nito ang pagiging partner nila sa assignment, kaya nagkakaganito ito.
"And that's the point, Harris! Party lang naman nga iyon. Wala kayong ibang gagawin kundi ang magmatyag at kumuha ng ilang ibidensyang magagamit natin para sa investigations. We even made it clear with you a while ago kung ano lang ang mga dapat gawin, at kung paano tatakbo ang party na iyon.
Maraming suspected drug dealer ang dadalo. Kahit si Mr Loven Lewis lang ang apple of the eye ninyo, hindi ibig sabihin na kaya mo na itong mag-isa, Harris! And that's why Misha is here. Puwede siyang makalapit sa target ng hindi paghihinalaan! Kaya, kahit na baliw siya o tatanga-tanga, malaki pa rin ang maitutulog niya! Nauubusan na tayo ng oras. Lalo lang tumatagal ang kaso. At kung hindi pa natin siya isasabak sa field, talagang hindi siya mapipilitang agad na matuto!" mahabang paliwanag ni Nagi. Tuloy-tuloy ito sa pagsasalita at puno ng awtoridad. Walang pakialam kung may masasagasaan ito sa mga sinasabi.
Sa kabilang banda'y bigla namang napataas ang isang kilay ni Misha nang marinig ang pagtawag ni Nagi sa kanya ng 'baliw' at 'tatanga-tanga.' Kaagad na nagpagting ang kanyang mga tainga.
"Aray ah! Hindi naman yata ako na-offend sa mga itinawag mo sa'kin, Ms Nagi. Should I say, thank you?" Sunod-sunod na lamang siyang napa-iling.
"I'm sorry for calling you by those names, Misha. Ang gusto ko lang ipunto ay maging seryoso kayo sa trabaho niyo. At puwede ba, magkasundo na kayo, ha?" Pabaling-baling ang tingin nito sa kanilang dalawa at matamang naghihintay ng kasagutan mula sa kanila.
Tiim-bagang namang nanahimik na lang si Harris sa kawalan ng magawa. Ayaw na rin naman nitong makipagtalo pa kay Nagi dahil talo lang ito. Mas mataas ang katungkulan ng babae't sumusunod lamang ito sa utos.
"Ms Nagi, wala naman sa'kin ang problema, e. Kundi d'yan sa antipatikong beast mode na 'yan!" Naitirik niyang muli ang mga mata't matalim na inirapan ang lalaki.
"At ako pa talaga ang sinisi mo? E, ikaw nga 'tong ang hirap-hirap matuto sa mga itinuturo ko sa 'to!"
"Ang tanong, tinuturuan mo ba ako ng maayos? Pakisagot nga!" pambabara niya sa lalaki.
"Anong gusto mong palabasin—"
"Shut up!" bulyaw na putol ni Nagi sa diskusyon ng dalawa. "Puwede ba, ha? Puwede ba? Naririndi na ako sa inyong dalawa. Para kayong mga bata kung magtalo! Ano ba?" Nanginginig na ito sa sobrang pagka-inis.
"Whatever!" Madilim ang mukhang tinalikuran ni Harris ang dalawa at walang lingon-likod na tuluyang nilisan ang shooting range.
Naiwan namang natitigilan ang dalawa at nagkibit-balikat na lang.
TATLONG mararahang katok ang pumukaw sa pagninilay-nilay ni Misha sa loob ng kanyang silid ng gabing iyon. Ang pag-iisip niya sa mga bagay-bagay na dapat niyang gawin sa operation ay pansamantala munang nahinto, at pinilit na bumangon para tunguhin ang pinto.
Hindi na siya nag-abala pang tanungin kung sino ang taong iyon. Alam naman na kasi niyang ligtas siya sa loob ng facility na ito, at malamang ay isa lang na naman itong staff ng agency na may dalang gamot o hand out para sa mga susunod niyang kakabisaduhin sa training.
"Anong kai—Harris?" Pinanlakihan siya ng mga mata nang makita ang binata na nakatayo sa harapan ng kanyang pinto. Nananatiling blangko ang eksprisyon nito sa mukha kaya hindi niya alam kung ano ang mararamdaman at iisipin ng mga sandaling iyon.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Ehemm!" Sandali munang nilinaw ng binata ang kanyang lalamunan bago nagsalita. "A-ah, alam mo, Misha... Hindi mo naman kailangan na gawin 'to—"
"Nagpunta ka ba rito para lang sabihin sa'kin na huwag na akong sumama sa operation? Huh!" Hindi siya makapaniwala na nagpunta pa ito rito para lang paatrasin siya.
Ganito na ba ito kadesperado na huwag siyang isama? Gaano ba kapanganib o kasimple ang operasyon na iyon para sukdulan itong tumutol na isama siya?
"H-hindi! Gusto ko lang sabihin na... good luck para bukas," medyo nag-aalangan pang pahayag nito.
"T-talaga?"
"Pero 'wag mong isipin na magiging maluwag na ako sa 'yo ngayon! Hindi ibig sabihin na porke pumapayag na akong makasama ka sa operasyon, ay dapat ka nang magsaya! Hindi ako nagpunta rito para lang sabihan ka ng good luck. Ang sweet ko naman kung gano'n!" Bahagya pa itong umismid at tinaliman ang pagkakatitig kay Misha.
"Ang gusto ko lang talagang sabihin ay umayos ka bukas! Naroon ang dati mong asawa at ayaw na ayaw kong makikitang magpapa-cute ka sa kanya! Maliwanag?" patuloy nito.
"Aba't! Ano namang akala mo sa'kin baliw na magkakandarapa pa rin sa hinayupak na 'yon pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa'kin?" Pinaningkitan niya ito ng mga mata sa sobrang pagka-inis. Hindi talaga niya maintindihan kung anong pinaglalaban ng lalaking ito't laging mainitin ang ulo.
"Masaya akong marinig 'yan! Good!" Tatango-tango naman nitong turan, sabay talikod at naglakad na paalis. "Mabuti nang nagkakaintindihan tayo, nang wala kang masira sa operasyon bukas," patuloy pa nito. Ngunit, hindi na nag-abala pang lumingon kay Misha.
"Napakayabang mo talaga!" iritang sigaw na pahabol niya rito. Sobra siyang nanggigigil ng mga sandaling iyon, at sa kawalan nang magawa ay pabagsak na lang niyang isinara ang pinto.
...to be content