Tahimik ang buhay pag-ibig ni Faye Alcantara, pero nagbago ang lahat ng ito nang magtapo sila ni Raphael, isang anghel sa mesidina na pasaway at nawalan ng kapangyarihan sa mundo ng tao. Parusa nga ba ito ng langit ang pananatili niya sa mundo ng tao? o isa itong tadhana para pagtagpuin sila ng landas ng mortal na si Faye?
Araw ng mga puso ngayon sa Malaya University. Hindi magkamayaw ang mga mag-aaral dito. Bulaklak dito, tsokolate roon, mga liham na sintamis ng bigkas ni Balagtas, harana na kahit na sintunado ay tuloy lang makapagpasikat lang sa mga babaeng kanilang iniibig.
"Mahal na mahal kita Faye Alcantara!" nabaling ang atensyon ng lahat ng may sumigaw na lalaki sa ika-apat na palapag.
Lumingon naman si Faye, isang fourth year education student. Ngumiti lang siya at patuloy na naglakad kasama ang dalawa niyang kaibigan.
"Grabe ka Faye, hindi mo manlang ba papansinin yung lalaki?" tanong ni Sophia
"Oo nga naman Faye, Jusko te kung ako ang may peslak na ganyan hay nako! Dami ko na siguro naget na mga papa!" sabat naman ni Andrei ang baklang kababata ni Faye na isa ring education student katulad niya.
"Baliw!" binatukan ni Faye si Andrei na ikinatawa ng magkakaibigan. "Ayoko lang paasahin yung tao, wala pa sa isip ko yang mga ganyang bagay." paliwanag niya.
"Ehem. Hindi natin masasabi malay mo naman diba?" ani ni Sophia.
"Hep hep hep! trulalu bessy darating ka rin sa punto na pahihirapan ka niyang puso mo."
"Ha? malabo yang sinasabi mo bakla. Nasobrahan na yata kayong dalawa sa chocolates na binigay ko." pang-aasar ni Faye sa dalawa na kumuha ng mga regalong natanggap niya.
"Ayaw mo naman kasing kainin edi kami na lang makikinabang ni bakla."
"Tama ka diyan bessy! Itong si Faye ang arte-arte."
"Hoy! kayo talaga malay niyo may gayuma yan-" naputol ang sasabihin ni Faye dahil nawala bigla ang dalawa niyang kaibigan. Tumingin siya sa likod at nakita niya ang dalawang nakiki-usyoso sa kumpol ng tao.
"Faye dali! Lumapit ka rito ang pogi nung lalaki oh." Lumapit lang si Faye pero hindi siya sumilip sa lalaking pinagkakaguluhan.
"Oh eh anong meron?" tanong ni Faye.
" Sa pagkakarinig ko ang daming pinaiyak na babae ng poging med student na yan. First year pa nga lang yata, oh my God! ang baby pa." kwento ni Andrei na tuwang-tuwa sa nakita at narinig.
"Oo. Marami na nga raw regalo na natanggap kaso ni isang babae wala siyang sinagot o pinansin." dugtong ni Sophia na hindi rin mapakali.
"Ah. Ganon? baka naman pogi lang yan pero waley ang ugali." sa hindi kalayuan ay narinig si Faye ng isang babaeng patay na patay sa med student. Lumapit ito at tinitigan ng masama ang tatlo bago nagsalita.
"Hoy kayong mga higher year mabait si Miguel ko para sabihin ko sainyo! Umalis na nga kayo." galit na sabi ng second year student.
"Baklang to! Suri po ah! Suri diyan na kayo sa crush niyo leche! Tara na nga sis!"
"Tong mga lower year na to ginigigil niyo ko!" sunod na sabi ni Sophia.
"Tama na nga yan hoy. Tara na uwi na tayo mga bakla." ani ni Faye na humingi ng pasensya sa estudyante. " Sorry girl ah. Pasensya ka na samin di na mauulit! bye!"
Nakalabas na ng unibersidad ang magkakaibigan at naghiwa-hiwalay na.
"So paano? Mauna na ko sa inyo mga bakla! babush!" paalam ni Andrei na nag-flying kiss pa bago sumakay ng jeep. Sumakay na rin sa kotse si Sophia, sinusundo kasi ito ng kanyang daddy tuwing uwian.
Walking distance lang ang bahay ni Faye sa unibersidad, kaya naman naglalakad na lang ito tuwing uwian. Sa kanyang paglalakad ay nakita niya si Lala, ang batang kalye na lagi niyang nadadaanan pauwi. Gula-gulanit ang damit ng bata, umiiyak din ito at isinisinga ang mga sipon na naipon sa ilong niya. Hagulgol ng malakas, konting punas hanggang sa paulit-ulit na ganito ay nilapitan na siya ni Faye.
"Hala bakit ka umiiyak Lala?" pagtatanong ni Faye na nalungkot dahil mukhang may pinagdadaanan ang bata.
"K-Kasi po nakita ko p-po yung mga b-bata kanina may dala silang mga chocolate." sagot ng bata habang pinupunasan ni Faye ng panyo ang madungis nitong mukha.
"Aha! Gusto mo rin ng ganon?" naalala ni Faye na marami nga pala siyang natanggap na tsokolate at mga pagkain. Binuklat niya ang laman ng kanyang bag kaya lang sa kasamaang palad, "Nako patay! binigay ko nga pala kila Andrei at Sophia yung mga chocolates." napakamot na lang siya ng ulo at nag-isip kung anong pwedeng gawin.
Wala na rin siyang natitirang pera ngayon dahil bumili siya ng mga libro na gagamitin niya sa darating na Licensure Examination Test. Lalo tuloy lumakas ang iyak ng bata, sinubukan ni Faye na patahanin ito pero hindi na ito nakikinig.
"Hala baby! Tahan na sa susunod na daan ko dito bibilhan kita ng maraming-maraming pagkain!" sambit niya pero hindi siya pinapansin ng bata.
Isang med student ang papalapit sakanila may dala itong mga flower, chocolate at kung ano-ano pa. Naisip ni Faye na manghingi sa lalaki tutal Valentine's day naman ngayon at hindi rin naman kawalan ito sa dami ng dala ng binata.
"Ah ano, Kasi ganito pwede bang--"
"Pinaiyak mo?" tanong ng binata na walang emosyon ang mukha. Matangkad ito at maputi, sa madaling salita magandang lalaki.
"Ha? Teka, teka hindi yata tayo--" kumunot ang noo ni Faye sa narinig niya. Ayaw siyang patapusin nitong magpaliwanag.
"Eh bakit umiiyak yung bata?" tanong ulit ng binata na agad namang iniabot ang mga pagkain sa bata at itinapon sa basurahan ang mga bulaklak.
"Oh bakit mo tinapon yung mga bulaklak? Hindi mo pa nga nabibigay yan sa taong gusto mo eh." pagtataka ni Faye dahil bago pa ang mga ito at mukhang may pagbibigyan siya.
"Buti sana kung makakain yung mga bulaklak na yan." paliwanag ng binata na inalalayan naman ang bata sa pagbubukas ng pagkain at botelya ng tubig.
"Ah alam ko na! Hindi yan tinanggap ng crush mo noh?" siguradong tanong ni Faye dahil mukhang yun naman talaga ang pinakamalapit na tanong. Pero bakit? sa tindig pa lang at awra ng lalaki na ito sinong babae ang tatanggi? sa isip-isip niya.
"Hindi bale okay lang yan! Ganyan talaga ang love nako bata ka pa huwag mong sayangin mga bagay na yan sa mga walang kwentang babae--" dugtong pa niya na agad namang sinagot ng kausap.
"Wala akong pakialam sa mga babae." sagot ng binata.
"Weh? Hala okay lang na mabusted ka pero wag kang--" sinubukan ni Faye na palakasin ang loob ng binata dahil mukhang nawalan na ito ng pag-asa sa pag-ibig.
"Hayyyy nako ate ang ingay mo po!" sabat ng bata na masayang kinakain ang tsokolate habang may dungis pa ang mukha.
"Ay. Sorry baby! ito kasing si kuya mo po ang kulit po." paliwanag niya sa bata.
"Bakit mo po ako pino-po eh mas matanda ka po? Tsaka wala naman po talagang gustong babae yan si Kuya Miguel po." sagot ng bata bago uminom ng tubig.
"Ha?" bakas sa mukha ni Faye ang kaguluhan.
"Hay nako! Kaya po ako umiiyak kanina k-kasi nakita ko po ang daming pakain ni Kuya. Binibigyan po siya ng mga babaeng katulad mo po!" asar na paliwanag ni Lala dahil hindi makaintindi si Ate Faye niya.
"Wait t-teka ibig mong sabihin-"
"Bigay nila. May problema?" itinuro ni Miguel ang mga babae sa kabilang kanto na tuwang-tuwa na nakatitig sakanila. Pero hindi maipinta ang selos sa mukha nila dahil may kasama itong babae.
"Ate niya lang siguro yun." sambit ng isang babae para tumahimik na ang lahat.
"Ah oo naman pero kaloka ha ang layo ng itsura nila! ang chaka nung girl." sagot ng isang babae na halos naligo na sa suot na make up.
"Ah! Hindi mo naman kasi sinabi ng maaga ahehe." ani ni Faye na napahiya ng kaunti sa mga sinabi niya kanina. Hindi nga siya nagkakamali na hindi katanggi-tanggi ang lalaki na ito dahil siya ang umaayaw sa mga babae.
"Okay lang." sagot naman ni Miguel na parang wala lang sakanya ang mga nangyari. "Eh bakit pala ikaw wala ka manlang natanggap sa mga manliligaw mo o boyfriend?"
"Ha? eh kasi ano kanina meron marami nga eh-"
"Aw. Wala kang natanggap? Bihira yon sa babae ah. Baka naman maganda ka lang tapos nevermind-" sambit ni Miguel na bahagyang natawa sa sinabi. " Eto oh para sayo." iniabot ni Miguel ang kaisa-isang bulaklak na nasakanya.
"Hala! No need na may mga natanggap naman na ako talaga kanina--"
"Ang arte mo naman po ate! Maganda ka po?" singit ng bata habang binubuksan ang Kitkat niya.
"Jusmeng bata to! eto na sige." nagulat siya sa sinabi ni Lala at agad namang kinuha ang bulaklak dahil baka umiyak na naman ang bata kapag hindi siya sumunod. "Thanks! Ha ha! Pero baka magalit yung mga babae na yun" nginuso niya ang mga babaeng sunod nang sunod kay Miguel sa kabilang kanto.
Ngumingiti rin pala ang lalaking 'to eh, sobrang suplado pa, sa isip-isip ni Faye. Mukha rin namang mabait kasi mabait ito kay Lala at ibinigay pa ang mga natanggap niya. Dahil kung masama itong tao una sa lahat hindi niya ito gagawin.
"Para kay mama talaga dapat yan." simpleng sagot ng binata.
"Eh! Bakit mo binibigay sakin?"
"Tinatamad na kong ibigay sa susunod na lang." pagkasambit nito ay biglang naglakad papalayo si Miguel sabay paalam sa dalawa.
"Bye Lala!" nginitian niya ang bata at itinaas nito ang kamay at winagayway. "Hoy ikaw rin na babaeng sawi sa araw ng mga puso paalam sayo." dagdag pa niya.
"Ano? Ako sawi ngayon? Huh kung maka-hoy parang mas matanda sakin tss." inis na sabi ni Faye habang inaayos ang gamit at paalis na rin. "Daming foods baby pakabusog ka ha!" Niyakap niya ang bata at naglakad na rin pauwi.