Paglabas niya ng banyo ay nakita niya si Saga na nakatayo sa may study table niya. Hawak-hawak nito ang picture frame na nakadisplay sa may lamesa. Creative shot niya iyon noong grumaduate siya ng high school. Nakasuot siya ng uniform ng nurse at masayang nakangiti sa camera.
Natatandaan niya kung gaano siya kasaya ng araw na kinuhanan sila ng creative shot at graduation picture. Pakiramdam niya ng mga araw na iyon ay isa na talaga siyang ganap na nurse.
Inayos niya ang kanyang bathrobe saka nagdesisyong magsalita.
"Can you wait outside?" tanong niya na ikinalingon nito.
"Why?" nagtatakang tanong nito.
"I'll just change," sagot niya na ikinatawa nito ng mahina.
"You can change in front of me, you know," tila naaaliw na sabi nito na ikinainis niya. "I've seen, felt and tasted you so no need to be shy," nakakalokang patuloy pa nito na ikinainit na mukha niya.
"Jerk," mura niya dito na ikinatawa lang nito. Nagdesisyon nalang siyang sa banyo nalang magpalit. Nagdadabog na dinampot niya ang itim niyang bistida saka nagtungo sa closet para kumuha ng panibagong underwear.
Agad siyang nagtungo sa banyo at mabilisang nagpalit. Hindi na siya nag-abalang maglagay ng make-up. Sinuklay niya nalang ang kanyang buhok saka nagdesisyong harapin ang lalaki.
Nakaupo na ito sa kama niya. Nakayuko ito kaya napadako ang mga mata niya sa hawak nitong album. Mga pictures niya iyon mula pagkabata hanggang magcollege.
"What are you doing," sita niya dito at mabilis na hinablot. Nagulat ito sa ginawa niya kaya saglit na natigilan. Alam niyang bakas sa mukha niya ang galit dito. Bakit hindi? Lahat ng mga pictures niya ay may nakalagay na caption at para makita nito iyon ay hindi tama.
"I'm sorry," sabi nito na ikinagulat niya. Hindi niya inexpect na magsosorry ito sa kanya. Sa sandaling nakausap at nakasama niya ito, buong akala niya ay puro kaarogantehan ang alam.
"Let's go back," sabi nalang niya at naglakad papuntang lamesa para ilagay ang album.
"Not yet," sabi nito kaya napalingon siya. Nakahalukipkip na ito at balik sa mapang-asar nitong ngiti.
"They'll be looking for us,"frustrated na sabi niya.
" They won't, " siguradong sagot nito." I told them that we'll talk, "patuloy nito.
" We have nothing to talk about, "inis niyang sabi dito.
" Do you prefer-"
" Fine, let's talk," putol niya sa sasabihin nito dahil alam niya kung anong kalokohan na naman ang sasabihin nito base sa naaaliw na expression nito.
"Too bad," tila malungkot na sabi nito na ikinaikot ng mga mata niya. Hindi niya alam kung ilang taon na ito pero sigurado siya na mejo malaki ang agwat nila pero kung umasta ay parang bata.
"You're so childish," komento niya na nakapagpatawa dito. Hindi niya maiwasang hangaan ang kagwapuhan nito. Kapag seryoso ito ay tila napakamisteryoso nito dahil hindi mo mababasa kung ano ang iniisip. Kapag nakatawa naman ito o nakangisi ay nakakainis pero nakakagaan ng loob. Hindi niya maintindihan ang paiba-iba niyang nararamdaman para dito.
"Let's talk outside then," yaya niya at naglakad na palabas nang hindi na hinintay kung papayag man ito o tumutol. Hindi niya ito nililingon pero alam niyang tahimik na nakasunod ito sa kanya.
Pagkababa nila ng hagdan ay dahan-dahan siyang sumilip sa dining area. Nagtaka siya nang makitang wala na ang kanilang mga magulang at tanging ang tatlong kasambahay nalang nila ang nandoon na masayang nagkukwentuhan.
" 'Nay Celia, nasan po sila?" tanong niya sa pinakamatanda at pinakamayordoma na nagpalaki sa kanya at sa daddy niya. Nasa 60's na ito pero malakas pa.
"O anak, ikaw pala," masiglang bati nito at lumapit sa kanya. "Bakit naman nagtanggal ka na ng make-up nak," puna nito imbes na sagutin siya, na ikinainit ng mukha niya dahil may dahilan kung bakit wala na siyang makeup. "Sige ka, baka mamaya ayawan ka ni sir," biro nito na ikinatawa ng lahat.
"Naku nay, baka ako pa ayawan niyan," biro din nito na mas ikinainit ng mukha niya. Halos lumuwa ang mga mata niya nang maglakad ito palapit sa matanda at akbayan ito. Kita niya kung gaano ito naaliw sa sitwasyon nila. Gusto niyang mainis pero hindi niya akalaing hindi niya magawa dahil sa pag-akbay nito sa matanda ay tila napakanatural. Kitang-kita din niya ang tila pagkagulat ng mga kasambahay pero agad din nawala at napalitan ng tawa.
"Naku ser, ako din gusto ko ng akbay," biro ni Ley na apo ng matanda. 16 taon ito, mas bata sa kanya ng 4 na taon. Nagaaral ito sa umaga at tumutulong sa gawaing bahay pagkatapos ng klase.
"Ano ka, ako muna," sabat naman ni Andrea na mas maranda sa kanya ng limang taon at mukhang kasing edad lang ng lalaki.
"Manahimik nga kayo," awat ng matanda sa dalawa na ikinasimangot ng mga ito. Napatawa siya sa biruan ng mga ito. Kung meron man siyang pinakaipinagpapasalamat sa mga magulang ay ang pagpili ng mga kasambahay nila. Ang turing niya sa mga ito ay pamilya at alam ng mga ito iyon. Ang mga ito ang dahilan kung bakit nagagawa niyang tumawa sa loob ng bahay nila. Natigil lang siya sa pagtawa nang mapansing nakatitig sa kanya ang lalaki.
"Aagawan niyo pa tong si Luna," pagpapatuloy ng matanda na ikinaikot ng mga mata niya. Nakangisi na ulit ang lalaki nang magtama ang mga mata nila. Di niya maiwasang hangaan kung gaano ito kabilis magpalit ng expression at paiba-iba pa samantalang sa kanya ay kung di bahagyang nakangiti, mas madalas siyang nakasimangot.
"Sa ganda ni ate Luna at gwapo nitong si ser, malabong mangyari yan 'La," komento ni Ley.
"Gusto mo sayo nalang siya Ley?" pabiro niyang sabi na ikinataas ng kilay ng lalaki. Bahagyang seryoso talaga siya sa sinabi. Kahit na gaano pa siya kaattracted sa lalaki, hanggang physical lang yon at kung may choice lang siya ay aayawan niya pa din ito at hihintayin ang lalaking mamahalin siya at mamahalin niya din.
Hindi alam ng mga ito na ipinagkasundo lang siya. Ang alam ng mga ito ay boyfriend niya ang lalaki dahip yong ang paliwanang niya nang nagulat ang mga ito nang banggitin ng mga magulang niya ang okasyon ngayon.
Kinulit siya ng mga ito na ikwento kung pano sila nagkakilala at pano nanligaw pero sinabi niya nalang na sikreto na niya iyon. Kahit na alam ng mga ito, lalong-lalo na ang nanay Celia niya, na halos kontrolin siya ng mga magulang niya ay hindi naisip ng mga ito na pati pag-aasawa ay sila din ang magdidikta kaya mabilis niyang napaniwala ang mga ito.
"Ouch," sabi ng lalaki at mala-artistang nilagay ang kamay sa dibdib na akala mo nasaktan. " 'Nay oh, pinapamigay ako," sumbong nito sa matanda.
"Magsitigil na nga kayo," natatawang pag-awat ng matanda. "Pero hijo, alagaan mo tong si Luna ah," seryosong sabi nito. "Mahalin mo siya ng buong-buo dahil mahal na mahal ko tong alaga kong to," patuloy nito na ikinakonsensya niya. Kung alam lang ng matanda na walang pagmamahalan sa kanilang dalawa ay magagalit ito at sigurado siyang aawayin ang daddy niya kahit na ikasibak pa nito. Alam din ito ng mga magulang niya kaya hindi ipinaalam ng mga ito ang sitwasyon. Kahit na batas ang salita ng daddy niya sa pamamahay na ito, minsan ay nakikinig ito sa matanda dahil ito din ang nagpalaki dito. "Kapag may sakit yan, alagaan mo kahit na ipagtabuyan ka pa dahil mahilig sarilihin ng batang to ang mga nararamdaman niya."
"Opo," sagot ng binata na ikinangiti ng matanda.
"Si nanay Celia talaga, nagdrama na naman," pabiro niyang sabi pero sa loob-loob ay hindi na niya kayang magpatuloy pa ito. Ayaw niyang ipressure ang lalaki sa pagsisinungaling. "Di mo pa nay sinasagot tanong ko kung nasan sina mommy," pag-iiba niya ng usapan.
"Sina Clara at Anton ay pumasok na sa kwarto nila. Umuwi naman na ang mga Mgulang nitong si Saga," sagot nito na ikinagulat niya.
"I told them to go without me," paliwanag ng binata dahil sa di maitagong pagkagulat sa kanyang mukha.
"Okay," sabi nalang niya. "Nay, labas muna kami jan sa may pool," paalam niya.
"Dalhan ko ba kayo ng pagkain?" tanong nito.
"You want some?" baling niya sa binata.
"Beer," sagot nito at tumango siya.
"Nay padala akong beer saka juice nalang po saken," sabi niya. "Tara," yaya niya sa lalaki at nagsimula na siyang naglakad palabas. Napatigil siya nang maramdaman niya ang braso nito sa bewang. Sisitahin niya sana pero napagtanto niyang pinapanindigan nito ang pagpapanggap dahil nasa harap sila ng ibang tao.
Nang makalabas na sila ay agad niyang tinanggal ang kamay nito. "They can't see us anymore," mahinang sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. Umupo siya sa bistro chair at kinopya naman nito ang ginawa niya. Magkaharap na sila ngayon at buong tapang niyang kinompronta ito.
"So you knew me all along huh?" mapait na sabi ko at hindi na nagpaligoyligoy pa. Hindi niya mabasa ang iniisip nito pero nakatingin ito sa kanya.
Kung titignan sila ngayon ay para silang estranghero. Hindi maiisip ng ibang tao na may nangyari na sa kanilang dalawa." Tell me, did you pat your shoulder when you succeeded in not just playing with me, but also on getting in my pants?" panunumbat niya. "You're-" di niya tinuloy ang sasabihin niya dahil napansin niyang nakakuyom ang palad nitong nakapatong sa lamesa. Kitang-kita niya niya kung pano ito pumikit at ang pano gunalaw ang mga panga nito na parang kinokontrol ang galit.
Napalunok siya at parang gusto niya nalang tumakbo nang magtama ang kanilang mga mata. Ang magkaibang kulay ng mga mata nito ay diretsong nakatingin at tila tumatagos hanggang kaluluwa niya.
"Ate, ito na yong inumin niyo," napahinga siya ng maluwag nang biglang sumingit at magsalita si Ley. Iniiwas niya ang tingin sa lalaki para salubungin ang tingin ng dalaga.
"Salamat,"sabi niya dito nang ilapag nito ng inumin nila.
" Enjoy sa date niyo po,"masiglang sabi nito. Pilit na ngiti ang isinagot niya dito at mukhang di naman nito napansin ang tensyon sa kanila ng lalaki dahil ngumiti pa ito na tila nanunukso bago umalis.
Napainom siya para ibsan ang panunuyo ng kanyang lalamunan.
Wala siyang balak salubungin ang tingin nito dahil natatakot siya dito.
Hindi niya maipaliwanag ang takot na nararamdaman niya dito dahil sigurado namand hindi siya nito sasaktan. Halos makalahati na niya ang juice nang damputin naman nito ang bote ng beer para uminom kaya napatingin siya dito. Hindi nito ginamit ang baso na bigay ni Ley kundi diretsong sa bote nito tinungga.
"Do you have some more accusations to say?" sa wakas ay nagsalita ito. Nakangiti na ito pero hindi abot sa mga mata nito.
"Accusations?" inis niyang ulit. "It's not accusations if they're obviously facts."
"Facts?" ulit din nito. "Just because you think of some things as facts doesn't mean they are," sagot nito na ikinatawa niya.
"Right," sarkastikong sambit niya. "What are your facts then?" nanghahamong tanong niya.
"That what happened last week is pure coincidence," sagot nito na ikinatalim ng mga mata niya.
"Bullshit," mura niya sa kababawan ng rason nito.
"Is it?" hamon nito. "Just because your conclusion is contradicting to the truth doesn't mean it's bullshit. There is only one truth Luna and what I'm saying is the truth," paliwanag nito.
"Right," pasarkastikong sambit niya habang tumatawa.
"That's right," puno ng conviction na sabi nito. "I may be all the negative things that you're thinking right now but being a liar is not one of them," pagpapatuloy nito habang diretsong nakipagtitigan sa kanya. Hindi siya agad nakaimik dahil sa sinabi nito kaya umiwas siya ng tingin at uminom.
Narinig niyang bumuntong huninga ito. "I'm not expecting you to believe because we don't know each other yet but here me out please," mahinahon nitong sabi.
Hindi niya alam pero may tinig sa isip niya na nagsasabing pakinggan ito at saka nalang magconclude pagkatapos niyang pakinggan ang paliwanag nito. Bumuntong hininga siya at sinalubong ulit ang mga tingin nito.
"Fine, I'll hear you out," sa wakas ay sambit niya.