webnovel

Chapter 219

"Offer ko lang naman yun! Kung gusto mo?" Naka ngiti niyang sabi.

"Muka mo!" Irap ko sa kanya.

"By the way may reunion yung Barkada sa Friday night."

"So di mo ko masusundo?"

"Syempre susunduin kita kaya lang didretso tayo dun sa party!" Paliwanag ni Martin.

"Sasama mo ko?" Takang tanong ko.

"Oo naman!"

"Baka ma OP lang ako dun saka puro yata kayo lalaki dun."

"Don't worry andun si Zaida kaya may makaka usap ka naman dun, pwedi mong gawing opportunity yun para maayos niyo yung plano sa kasal natin."

"Ikaw naman pumunta dun si Zai para mag enjoy di para mag work saka naayos naman na namin yun ah." Reklamo ko.

"Parang ang tagal kasi Hon, Resign ka na lang kasi para focus ka nalang sa kasal natin."

"Nag-uumpisa ka nanaman!" Singhal ko at tuluyan na kong tumayo mula sa pagkakahiga.

"Sige na di na!" Bawi niya at muli akong hinila pahiga sa dibdib niya. Naka halang yung position ko habang naka unan ako sa dibdib niya at ang mga binti ko ay naka bitin sa kama.

"Bakit kapag kasal na ba tayo di mo na ko papayagang magtrabaho?" Tanong ko.

Di na kasi ako sanay sa bahay lang naka upo lalo pa nga at si Martin ay nasa trabaho. Buti na nga lang sabi niya bibili siya ng bagong bahay para sa amin kaya di ko kailangan makisama sa parents and grandparents niya.

"Pwedi ka parin naman mag-work." Sagot niya sa akin.

"Paano kapag nagka anak na tayo?"

"Pagnagka-anak na tayo?" Ulit niya sa sinabi ko.

Naka tingin siya sa muka ko at ganun din ako sa kanya habang hinihintay ko yung sagot niya sa tanong ko.

"Di ko pa alam tingnan natin yung sitwasyon kapag may babay na sa tiyan mo."

"Sabagay masyado pang maaga para pag-usapan natin yun." Sabay bangon.

"Idlip ka muna, tulungan ko lang si Mama magluto gisingin na lang kita mamaya pag lunch na."

Sabi ko sa kanya. Ayaw ko kasing mag-isip ng masama si Mama kaya naisip kong iwan muna si Martin para makapagpahinga narin kahit papano.

"Sige!" Pagsang-ayon niya.

Dinampian ko muna siya ng halik sa labi bago ako tuluyang umalis.

Pagkatapos naming kumain ng lunch nagpaalam narin si Martin kasi nga may importante daw siyang need pirmahan sa office kaya kahit ayaw niyang umalis wala siyang nagawa kundi lumakad.

Niyaya pa nga akong sumasa sa kanya pero syempre di ako pumayag kasi nga kahit papano ayaw kong tumambay sa opisina niya kasi iniiwasan kong makita yung Lola niya at naiintindihan naman yun ni Martin kaya di na siya nagpumilit pa.

Kinabukasan pumasok na ko sa office at ang una kong ginawa is pinuntahan si Boss Helen para humingi ng pasensya dahil sa nangyari.

"Boss pasensya na!" Pakumbaba ko.

"Pasensya ka narin Michelle kung nasigawan din kita. Yung boyfriend mo naman kasi kung makapanindak. Akala ko matapang na ko pero kapag si Martin pala ang kausap ko di ko pala kaya magtapang-tapangan." Paliwanag ni Boss Helen habang naka sandal sa may executive chair niya.

Kasalukuyang nasa office kami ngayon at kami lang ang naroroon.

"Bakit Boss? Anong sinabi niya?" Takang tanong ko.

Alam kong nakakatakot minsan si Martin lalo na kapag nagagalit pero para sakin mas nakakatakot si Boss Helen kaya labis akong nagtataka sa sinasabi niya.

"Hay naku! Wag mo ng tanong Michelle! By the way tumawag naman na siya sakin kahapon at humingi ng pasensya. Marahil inutusan mo kaya ako tinawagan."

"Huh... di po!" Tangi ko.

"Ganun, bago kasi yun na tinawagan niya ko para humingi ng pasensya more on reklamo yun kapag tumatawag sa akin!"

"Yaan mo Boss sasabihin ko!"

"Naku... naku di yun sa ganun! Okey na kami!" Sabi ni Boss Helen habang ikinakaway pa yung kamay para itangi yung idea ko na pagsabihan si Martin.

"Okey po!" Sagot ko nalang.

"Siguro naman magbabago yung pakikitungo ni Martin sa akin kapag naging Ninang na niyo ako."

"Bakit Boss binu-bully ka ba ni Martin?"

"Sobra!" Talagang diniinan pa ni Boss Helen yung pagbigkas ng salitang sobra.

Muli akong napa-isip in what way siya binu-bully ni Martin. Sabagay ako nga din dati binu-bully niya lalo na ngayon lalo na kapag nasa kama kaming dalawa.

Napa iling nalang sa dirty thought na pumapasok sa utak ko.

"Sige na Michelle bumalik ka na sa trabaho mo. Wag mo ng alalahanin yung nangyari nung nakaraan. Basta wag mo na yung ulitin ha at ayoong tatawag yung boyfriend mo sakin uli dahil sayo."

"Opo Boss! Sige po mauna na ko!" Sabi ko bago ako umalis.

Dahil nga absent ako kahapon medyo tumambak na uli yung gagawin ko. Gusto ko sanang humingi ng pasensya kay Boss John pero nasa field siya pero tinext ko na siya at sumagot naman na wag ko na din daw isipin kaya nag-umpisa ako ng walang alalahanin.

Saktong five nagtext sakin si Martin na nasa baba na daw siya kaya mabilis akong nagligpit ng gamit ko at bumaba.

"Bakit ang aga mo?" Tanong ko habang dinampian siya ng halik sa labi.

"Yayain sana kitang punta sa mall!" Sagot niya sa akin habang inaayos yung seatbelt ko.

Siya kasi yung driver di niya sinama si Mang Kanor. Sabagay kawawa naman yung matanda sa kakahintay saming dalawa lalo pa nga at balak palang mamili ni Martin.

"Anong bibilhin mo?"

"Bili tayo ng damit natin para sa party sa Friday then bili daw ng for raffle price saka pang exchange gift."

"Ah talaga! Sino ba organizer?" Tanong ko.

Di lang kasi ako maka paniwala sa ganung event ng mayayaman uso rin pala yung exchange gift.

"Si Nika, yung na meet mo last time dun sa opening nung Casa Milan Manila."

"Ah! Oo tanada ko siya." Paano ko ba naman makakalimutan yung malapit na kaibigan ni Elena.

Bigla akong napa isip kung andun si Nika malamang si Elena kasama din sa party pero wala akong lakas ng loob itanong yun kay Martin.

"Siya nga pala sinali kita sa raffle. Lalaki yung nabunot mo."

"Talaga, ikaw sino nabunot mo?"

"Babae yung nabunot ko. Sabi ko nga sana palit na lang tayo pero ayaw pumayag eh na record na daw!"

下一章