webnovel

Know you're limit

"kring... kring...!" Tunog ng cellphone ko kaya kahit inaantok pa ko ay napilitan na kong bumangon. I-sinet ko kasi yun kagabi kasi nga kailangan pa naming pumunta sa bahay ni Martin. Kaya kahit masakit pa ang mata ko ay tuluyan na kong dumilat agad kong tiningnan yung sa tabi ko pero wala ng tao dun pero medyo mainit pa kaya malamang kababangon lang din ni Martin.

Maya-maya narinig ko yung lagaslas ng tubig sa banyo kaya naisip ko malamang naliligo na siya.

Nanatili akong nakahiga sa kama at naka tingin sa kisame. Naisip ko yung nangyari kagabi paano pagkalapit ko palang sa kanya agad niya kong hinablot at siniil ng halik. Nung matapos niyang halikan agad niya kong inihiga sa kama at hinubad yung pantalong suot ko.

Nang matanggal niya agad siyang pumatong sa akin at muli akong siniil ng halik habang ang kamay niya ay busy sa pagtanggal sa suot kong bra at panty. Pababa na yung halik niya papunta sa leeg ko ng pigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa dalawang pisngi niya kaya tumingin siya sakin na parang nagtatanong.

"KNOW YOUR LIMIT?"

"Yes, I know!" Mahina niyang sagot at muli akong siniil ng halik. Kailangan ko siyang paalalahanan kung hanggang saan lang kami pwedi even do sabi nga niya pananagutan naman niya ako kung sakanling makalimot kami pero still ayaw ko parin at pasalamat naman ako kahit papano di niya ko pinipilit na gamin namin yung final deeds. Kuntento parin naman kami saka make-out moment namin.

Naputol yung pag-iisip ko ng bumukas na yung pintuan ng banyo. Natatakpan lang yung lower part niya ng tuwalya samantalang yung upper part ay bare lang. Proud na proud siyang ipangalandakan sakin yung napaka ganda niyang katawan. Ang nakakainis lang napaka kinis ng balat niya samantalang yung akin puro bakas nanaman ng kiss mark niya. Kaya di ko maiwasang irapan siya. Paano naging hobby na niya atang lagyan ng tanda yung buo kong katawan kainis!

"Morning!"

Masaya niyang bati habang tinutuyo ng tuwalya yung buhok niya. Pero di ko siya pinansin at tuluyan na kong bumangon sa kama. Ipinulupot ko yung kumot sa hubad kong katawan para di masyadong masagwa. Pero laking gulat ko ng makita ko yung mga damit ko na naka kalat parin yung pinaghahagis niya kagabi ang masaklap pa yung panty ko naka sampay sa flower base na akala mo ay isang bulaklak na naka buyangyang dun. Agad ko yung dinampot at ipinasok ko sa bag ko sunod kong dimampot yung iba pang mga damit na nakakalat pero bago ko maabot yung Bra ko na nasa side table niyakap ako ni Martin sa bandang likuran.

"Second round tayo!"

"Anong second round ka diyan, tanghali na tayo ipagluluto ko pa yung Lola mo kaya manahimik ka diyan!" Sabay siko sa kanya para bumitaw sa akin.

"Okey lang yun... ako na bahala kay Lola!" Sabi niya sa akin habang muling hinahalikan yung leeg ko.

"Pwedi ba manahimik ka na nga!" Sabay tulak sa kanya at tuluyan na kong kumawala. Dumiretso na ko ng Banyo para maka takas sa kanya. Narirnig ko pa yung tawa niya "Mukang tuwang-tuwa nanaman ang mokong!" Sabi ko sa sarili ko habang tumapat ako sa shower.

Habang kinukuskos ko yung katawan ko ng sabon di ko maiwasang mapabuntung hininga paano ba naman sobrang daming kiss mark ang iniwan ni Martin sa dibdib ko pati sa singit ko. "Talaga naman!" Pagrereklamo ko habang pinagpapatuloy ko yung paliligo ko.

Paglabas ko ng banyo naka bihis na si Martin at may kausap sa telephono uli sa may beranda. Kaya mabilis akong nagbihis habang di pa niya ako napapansin pero kinukuha ko palang yung pantalon ko ng pumasok na siya.

"Parang di yata kita nalagayan ng kiss mark sa likod ah!"

"Letche ka pinuno mo na nga yung dibdib ko pati likod ko gusto mo pang lagyan!"

"Di nga balance Hon eh, tingnan mo oh mas marami dito sa kanan kaysa sa kaliwa kaya dapat ko pa itong dagdagan."

"Tumigil ka Martin ha! Di na ko natutuwa sa ginagawa mo!"

"Bakit galit ka hmmm!" Lambing niya sakin habang naka yakap.

"Paano ang dami mong iniwang kiss mark sa katawan ko paano na lang kung may makakita." Pagtatampo ko habang inilagay ko sa dibdib niya yung muka ko.

"Bakit maghuhubad ka ba sa harap ng ibang tao?"

"Di yun sa ganun paano kapag biglang pumasok si Mama sa kwarto ko tapos makita niya!"

"Eh di sabihin mo kiss mark ko!"

"Martin naman eh, di mo naman ako naiintindihan eh!" Pag iinarte ko, hinampas ko pa siya sa dibdib at bahagya pa ko nagpapadyak para akong bata na nagpapakita ng tantrum.Pero muli lang niya kong niyakap.

"Naintindihan ko nga, kaya nga pag nagtanong siya sabihin mo master piece ko yan, Okey!"

"Kainis ka eh di sinabunutan ako nun! Sabihin ni Mama sinuko ko na yung bandera sayo eh di pinakasal tayo nun kagad!"

"Okey lang!"

Matipid na sagod sa akin ni Martin na parang normal na lang sa kanya na magpakasal na kami.

"Payag kang pakasalan ako?"

"Oo naman! Bakit ayaw mo bang pakasalan kita?"

"Di naman sa ganun kaya lang.... diba masyado pang maaga three months pa lang tayo tapos... basta masyado pang maaga!"

"Wala naman yung sa tagal or sa ikse ng pagsasama natin if your ready to spend your life with me why not di ba?"

"Masyado pang maaga Hon, let us enjoy our relationship and know each other better bago tayo pumasok sa buhay mag asawa."

"Natatakot ka?"

Di ko itinangi na natatakot ako kaya agad akong tumango. Sabi nga ng matatanda ang pagaaswa ay di parang kanin na kapag napaso ay pweding iluwa. Marriage is a life time commitment kaya mahirap magkamali.

Akala ko magagalit or magtatampo si Martin dahil sa sagot ko pero hindi sa halip ay nginitian niya lang ako at hinalikan sa noo.

"Don't worry paparamdam ko sayo na wala ka dapat ikatakot na ako na yung lalaki para sayo!"

"Then thank you kung ganun!" at muli kaming naghalikan sa labi. Naputol lang yun ng may kumatok sa pintuan at sumigaw ng room service.

"Yung pagkain na yata natin yan! Bihis ka na!" Utos niya sa akin habang hinampas ako sa pwet ko.

"Okey!" Sagot ko habang natatawa. Binitbit ko yung damit ko pabalik ng banyo para dun magbihis.

下一章